Story By SPICY SINGLE
author-avatar

SPICY SINGLE

ABOUTquote
Some stories are too painful to speak, so I turn them into words. ✍️📚 STORIES: 📍SINGLE MOM SERIES 📍 1. Single Mom Series 1: JANA DAZA - PTR 2. Single Mom Series 2: ASHANTI CALVELO - PTR 📍 MISTRESS SERIES 📍 1. Mistress Series 1: The Mistress\' Regret 📍 STAND-ALONE:📍 1. Makapiling Kang Muli - FREE 2. Seducing Her Ex-Suitor (R18) 3. In The Arms Of Tito Lexus Palambing po, pa-foIIow po ako dito sa Dreame or Yugto pati na din sa facebóók. Maraming salamat! 🫶
bc
HOT KUYA SERIES 1: One Night With Kuya Aeryx
Updated at Dec 28, 2025, 06:39
“I will never love you, woman. Hindi ko kikilalanin ang galing sa sinapupunan mo, kahit bigyan mo pa ako ng isang dosenang anak. Ang anak lang namin ni Atasha ang ituturing kong akin.” Mga salitang paulit-ulit na dumurog sa puso ni Czerina Dulce. Nais lang naman ng dalaga na makabayad sa utang, at magpakalayo-layo pagkatapos magawa ang inutos sa kaniya. Ngunit wala siyang kaalam-alam na ang gabing iyon ang babago sa takbo ng kaniyang buhay. Hindi niya akalaing ang isang gabi ng panlilinlang ang magiging simula ng bangungot—isang kasal na puno ng galit, paghihiganti, at sakit. Ngunit nang tuluyan sumuko si Czerina, doon lang naintindihan ni Slyth kung gaano kalaki ang pagkakamaling nagawa sa asawa. Paano ba babawiin ng lalaki ang puso ng babae kung sa muling pagkikita nila’y may itinatangi na itong iba?
like
bc
Makapiling Kang Muli
Updated at Dec 3, 2025, 07:10
Upang maprotektahan ang kaniyang nakababatang kapatid ay napilitang magpakasal si Angeli sa lalaking lumapastangan sa kaniya at ni katiting ay wala siyang pagtingin. Naging miserable ang buhay niya sa piling ng lalaking akala ng lahat ay may mabuting puso. Isang gabing wala ang kaniyang asawa ay nagising na lang siya na may estrangherong buong pananabik na hinahalikan siya sa mga labi. Gustuhin man niyang ipagtulakan ang lalaking pangahas ngunit sa bawat halik at haplos nito ay naaalala niya ang tanging lalaki na pinag-alayan niya ng kaniyang sarili at pag-ibig. Ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila ay ilang beses na naulit. Alam niyang mali ang namamagitan sa kanila. Ngunit paano ba niya ito tatanggihan kung ipinapaalala nito ang mga haplos at halik ng lalaking matagal na niyang inaasam na makita?
like
bc
In The Arms Of Tito Lexus
Updated at Nov 25, 2025, 18:04
Nawasak ang mundo ni Ava Leigh nang sabay niyang malasap ang sakit at pighati mula sa pagkawala ng anak at ang pagtataksil ng lalaking minahal niya nang buo. Akala niya’y tapos na ang lahat para sa puso niyang sugatan at tila pagod nang lumaban. Hanggang sa dumating si Casper Alexus—isang makapangyarihang binata na malayo ang agwat ng edad at estado sa kaniya, ngunit sa bawat ngiti at titig ay tila nagbubukas ng pintuang pilit niyang isinasara. Ngunit handa ba siyang muling sumugal sa pag-ibig, kung minsan ang pinakamahirap labanan ay hindi ang agwat ng edad o ang mata ng lipunan—kundi ang sariling takot na masaktang muli?
like
bc
Seducing Her Ex-Suitor ( R18 )
Updated at Aug 26, 2025, 09:51
Makalipas ang tatlong taon ay muling nagtagpo ang landas nina Blaire at ng lalaking nag-alok sa kaniya ng pag-ibig subalit biglang nawala noong balak na niyang tanggapin ang pag-ibig nito. Ngunit malapit na itong ikasal sa nakababata niyang kapatid. Wala na sana siyang balak manghimasok sa relasyon ng mga ito dahil nakikita naman niyang masaya ang binata sa piling ni Alexa. Subalit natuklasan niyang pinagtataksilan ito ng kapatid niya kaya nagpasya siyang akitin at paibiging muli ang binata kahit pa lagi itong nagsusungit sa kaniya. Magawa niya kayang paibigin ang lalaki kung sirang-sira na siya sa paningin nito dahil sa kagagawan ng kaniyang kapatid?
like
bc
Mistress Series 1: The Mistress' Regret
Updated at Jul 18, 2025, 00:59
Labing-dalawang taong gulang si Dhanna Devino nang maulila siya sa ina. Hindi nito nakayanan nang iwanan sila ng kaniyang ama kaya naging malungkutin hanggang sa ang ina na niya mismo ang bumawi sa sariling buhay. Kaya ipinangako niya sa sarili na balang araw pagbabayarin ang mga taong sumira sa kanilang pamilya. Inakit niya ang asawa ng kapatid niya sa ama upang maipadama dito ang sakit at paghihirap na pinagdaanan niya. Ngunit hindi niya alam na ang mundong pinasok niya ay magdudulot pala sa kaniya ng mas matinding problema. Magagawa pa kaya niyang makawala sa sitwasyong siya mismo ang gumawa?
like
bc
Single Mom Series 2: ASHANTI CALVELO
Updated at Jan 17, 2025, 23:39
Ashanti Calvelo, pinagtaksilan ng kaniyang kasintahan sa kadahilanang hindi niya maibigay ang pangangailangan nito bilang lalaki. Ngunit ang dangal na kaniyang iningatan ay naipagkaloob niya sa lalaking nagligtas ng kaniyang buhay na kung tumitig ay nakakatunaw. Nagbunga ang kanilang mga pinagsaluhan. Kasabay ng kaniyang pagdadalang tao ay ang pagbabalik ng unang babaeng minahal nito. Ngunit paano pa niya ipaglalaban ang kumpletong pamilya na pinangarap niya para sa kaniyang dinadala kung pinagtabuyan na siya nito?
like
bc
Single Mom Series 1 JANA DAZA
Updated at Aug 1, 2024, 06:38
"Pitong taon, Cris. Pitong taon na tayong nagsasama. Pano mo nagawa sakin to? Pano mo nagawang magloko? May anak na tayo, magiging dalawa na dahil buntis ako. Di mo na inisip ang mararamdaman ko; ng anak natin." Mahina ngunit madiing sambit ko habang humahagulgol. Hindi ko lubos maisip na magagawa akong lokohin ng taong pinakamamahal at pinagkakatiwalaan ko. Nag stay ako kahit sa mga panahong walang wala ito. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. "Ano ba ang nagawa kong mali? Ano ba ang naging kasalanan o pagkukulang ko sa'yo para gawin mo to?" Tanong ko na halos di na makapagsalita ng maayos habang humahagulgol pa din at halos di na makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman. Ngunit lumipas na ang tatlong minuto pero hindi pa din ito nagsasalita at nakayuko lamang. Kaya nag pasya na lang skong lumabas ng bahay para kumalma. Pero hindi pa ako nakakalabas ng pintuan ay bigla na lang sumakit ang aking tiyan. "Ah! Aray! Cris, ang tiyan ko, sobrang sakit! Tulungan mo ko, ang baby natin!" KAKAHIWALAY lang namin ng ex-boyfriend ko nang makilala ko si Cris noong dalawampu't apat na taong gulang pa lamang ako. Sa garments factory kami nagtatrabaho pero magkaibang department. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya. Pinakilala siya sa akin ng kasamahan ko sa apartment na kababayan ko na din. Wala sana akong balak na ibigay sa kanya ang aking cellphone number pero makulit siya kaya pinagbigyan ko na din. Ayaw ko pa sanang magpaligaw noon at makipag-relasyon dahil kagagaling ko pa lang sa break up. Sariwa pa yung sakit. Pero sadyang makulit siya at pinatunayan namang seryoso siya sa akin. Madalas siyang tumawag or mag text para mag update sa akin at lagi nya din akong inaalok na ihahatid sa inuupahan namin. Minsan naman pag dumadalaw siya ay tumutulong din siya sa paglalaba ng mga damit ko. Bicolano din daw sila na kagaya ko, ang tatay nya ay tubong Albay at ang nanay naman nya ay taga-Quezon. Ako naman ay taga-Sorsogon. Dahil sa magagandang pag uugali na ipinakita sa akin ni Cris ay sinagot ko siya at ipinakilala niya agad ako sa pamilya niya. Masayang kasama si Cris. Madalas din kaming mag rides kasama ang mga tropa nya. Nang mabuntis nga ako ay nagsama agad kami. Ang sabi niya ay magpapakasal daw kami pag makaipon na ng malaki laki. Sa ngayon ay mga gastusin daw muna ni baby ang priority namin. Naging maayos naman ang pagsasama namin, may konting tampuhan pero naaayos din naman. Minsan halos walang wala kami pero hindi namin sinukuan ang isa't-isa. Naging daan pa yun para mas maging matatag ang aming pagsasama. Pitong taon na kaming nagsasama nang kumuha kami ng rent to own na bahay. Hindi pa kami kasal noon, unahin daw namin ang bahay para sa mga bata. Kasalukuyan din akong buntis noon sa pangalawa naming anak. Isang araw ang maayos naming pagsasama ay bigla na lang nagulo dahil sa babaeng nakilala niya sa trabaho. Durog na durog ako noon, halos mabaliw ako sa kaiisip kung ano ba ang kulang sa akin at nagloko siya. Nahahati ang desisyon ko sa kung pagbibigyan ko pa ba siya para lang manatiling buo ang aming pamilya o hihiwalayan siya para makalaya ako sa sakit na dulot ng pagtataksil niya na halos ikabaliw ko na.
like