CHAPTER 1
“Shhh... Tahan na po, tahan na,” mangiyak-ngiyak na si Ava Leigh sa pagpapatahan sa dalawang buwang gulang niyang anak na si Vander.
Bilang first time mom, hindi pa siya gaanong maalam tungkol sa tamang pag-aalaga sa sanggol. Nangangapa pa rin siya. Inaalalayan naman siya ng biyenan niyang babae subalit madalas siyang makarinig dito ng mga masasakit na salita.
“Ano ba ’yan, Cyrene! Aanak-anak ka kasi, hindi mo naman kayang alagaan!” kunwa’y sermon ng biyenan niyang babae na si Marcela sa ikalawa nitong anak, pero ang totoo ay pinariringgan lang siya nito.
Kaya para hindi na niya marinig ang iba pa nitong sasabihin, lumabas na lang siya sa bahay habang dala si Vanvan na pumapalahaw pa rin ng iyak.
Màínit ang ulo ni Marcela dahil pinàgalítan ito ng biyenan niyang lalaki na si Edward. Ika-lima pa lang ng umaga ay panay iyak na ang anak nila ni Evan. Hindi niya ito mapatahan-tahan. At dahil paboritong apo si Vander ng lolo nito, ayaw ng matanda na umiiyak ang sanggol. Kaya inutusan nito ang asawa na kunin muna sa kaniya ang bata.
Nang makalabas na sila sa bahay, himalang tumigil na sa kaiiyak ang kaniyang anak.
Habang papunta sa lugar kung saan madalas paarawan ni Ava Leigh si Vander, nakasalubong niya ang kapitbahay nilang si Julie na isang pharmacist.
“Hi Ava! Hi Vanvan! Good morning!” masiglang bati nito sa kanilang mag-ina kahit hindi pa naman nakakaintindi ang kaniyang anak.
“Hello Ate Julie, good morning din!” ganting bati niya dito.
Tiningnan ng babae ang karga-karga niyang si Vanvan. Pangiti-ngiti ito, inaaliw ang kaniyang anak.
“Vanvan, narinig kitang nag-concert kanina, ah? Ikaw ah, lagi mong pinupuyat ang mommy,” pagkausap nito sa sanggol na titig na titig sa dalaga, akala mo’y nakakaintindi na.
“Kabag daw po kasi ang tiyan niya, Ate.”
“Padighayin mo siya palagi after dūmèdê sa ’yo para hindi laging kabagin. Kasi kapag kabag ang tiyan, hindi talaga siya titigil sa kaiiyak,” payo nito sa kaniya.
Tinuruan siya ni Julie ng tamang pagpapadighay kay Vander. Tinandaan niya nang maigi ang mga itinuro nito saka muli siyang nagpatuloy sa paglalakad upang paarawan ang anak.
“Mabuti pa ibang tao, maayos magbigay ng payo. Samantalang ang nanay ni Evan, sa halip na gabayan ako sa pagpapalaki sa ’yo, puro parinig lang,” aniya sa isip. Malungkot siyang napabuntong-hininga habang patuloy sa paglalakad.
Subalit pagdating naman sa lugar kung saan hindi natatabingan ang papasikat na araw, bumungad naman sa kaniya ang nagwawalang barker sa paradahan ng jeep na si Juana.
“Tope! Tope, lumabas ka diyan! Tope! Alam kong nandiyan ka huwag mo ’kong pagtaguan!” naglalabasan ang ugat sa leeg na sigaw nito habang panay ang silip sa bintana ng bahay.
Maya-maya’y ang pangalan naman ng may-ari ng tirahan ang tinatawag nito. “Bhel Marie! Hoy, Bhel Marie ilabas mo ang asawa ko! MáIândí ka! Ang liit-liit na nga ng tītì niyang si Tope, makikipag-agawan ka pa sa ’kin!”
Humahangos naman na lumabas ng bahay ni Bhel Marie si Tope kasunod ang dalaga. “Ang búngànga mo, Juana, nakakahiya sa mga kapitbahay! Pinagtitinginan ka na nila!” mariing saway nito sa asawa saka mabilis na pinasadahan ng tingin ang mga kapitbahay ng kalagúyó nito na nakikiusyoso.
“Kaya ka pinagpapalit sa iba, eh. Búngàngera ka kasi!” sabat naman ni Bhel Marie na parang hindi nahihiyang ipangalandakan ang pagpatol sa lalaking may asawa’t anak na.
Napapailing na umalis si Ava Leigh. Habang papalayo, narinig pa niya ang naging tugon ni Juana. “Aba! Ang kápal din talaga ng pagmúmūkha mong bãbáïta ka! Ikaw pa mátapãng, ah! Masiyado mo talagang kina-career ang pagiging kábït at pákãrât mo!”
Bago tuluyang makalayo, nakarating pa sa pangdinig niya ang tiIïan at pagkakagüIô ng mga nakikiusyoso, lumingon siya at nakitang nagsasabūnútán na ang dalawang babae.
Naghanap na lang siya ng ibang mapagpupuwestuhan para paarawan si Vander kahit medyo malayo-layo na sa bahay nila.
Makaraan ang labing limang minuto, umuwi siya sa bahay. Nagtaka pa siya nang maabutan ang kinakasama na natutulog pa rin at hindi pa nag-aasikaso para pumasok sa trabaho.
Naupo siya sa kama at dahan-dahang tinapik ang balikat nito. “Evan, bangon na. May pasok ka pa,” malambing ang boses na sambit niya.
Subalit hindi siya pinansin ng lalaki, kinuha nito ang isang unan at itinakip sa mukha nito. “Evan, baka ma-late ka niyan,” paalala niya dito.
“Hindi na ako papasok,” tugon ni Evan na ikinakunot ng kaniyang noo.
“Ha? Pero bakit? Ano’ng nangyari?”
“Nàpaàway ako sa trabaho,” tipid nitong sagot.
“Sino nakaáway mo?” usisa na naman niya.
Inïs na inalis ni Evan ang unan na hawak, bumangon ito at màråhas na humarap sa kaniya. “Ang dami mo namang tanong, kita mong natutulog pa ’yong tao.”
“S-Sorry, nagtatanong lang naman.” Nabigla at bahagya siyang nåsaktan sa naging reaksiyon ng kinakasama. Ngayon lang siya nito sinungitan.
Muling nahiga si Evan. Nang makita niya ang cellphone ng lalaki, kinuha niya iyon upang magpatugtog ng mga nursery rhymes dahil patutulugin niya si Vanvan.
Ngunit nang mapansin ni Evan na pinapatugtog niya ang cellphone nito, muli itong bumangon at hinablöt iyon sa kaniya.
“Bakit ba basta ka na lang nangingialam ng gamit ko?!” gàlít na sínghaI nito.
Nagtaka si Ava Leigh sa inakto ni Evan. Bumilis ang tïbøk ng puso niya na tila ba may hindi magandang ipinapahiwatig ang ikinikilos ng lalaki.
“Bakit ka nagagalit?” Sa kabila ng kakaibang ikinikilos nito, nanatili pa rin siyang kalmado. “Lagi ko namang hinihiram ang cellphone mo tuwing nandito ka sa bahay, ’di ba?”
Tila nahimasmasan naman ang kasintahan niya. Agad na lumambot ang ekspresiyon ng mga mata nito.
“S-Sorry, mahal. Pasensiya ka na, inaantok pa kasi ako,” paghingi nito ng dispensa.
Kaagad itong lumapit sa kaniya. Kinabig siya nito at hinalikan sa noo pati na din ang anak nilang si Vander, ngunit nanatiling hawak nito ang cellphone.
Hinayaan na lang niya si Evan, malaki naman ang tiwala niya dito.
“’Yong sinabi mo kanina... Bakit ka pala napaaway?” ungkat niya sa sinabi nito kanina sa nananantiyang tinig.
“Ah, ’yon ba?” Napaiwas ito ng tingin. “Lagi kasi akong pinag-iinitan, kaya pinatulan ko na.”
“Tinanggal ka ba nila kaagad? Hindi ba suspinde muna?” usisa pa niya.
“Hindi. Kusa lang akong umalis para walang gulo.”
Huminga siya nang malalim, at sa nag-aalangang boses, “Eh paano ’yan? Saan ka na ngayon niyan mag-a-apply? Wala tayong maipang-aambag dito niyan kila Mama mo. ’Yong diaper at gatas pa ni Vanvan.”
Napahilot siya sa noo, tila sasabog ang ulo niya sa bigat ng problemang kahaharapin ngayong wala nang trabaho ang kinakasama. “Sana hinabaan mo na muna ang pasensiya mo. Kailangang-kailangan natin ang pera dahil may anak na tayo na pinapagatas at nagda-diaper.”
Hindi na muling nagsalita si Evan. Tila hindi man lang ito nababahala para sa mga gastusin.
At tila nakikisalo din sa bigat ng usapan, biglang umiyak si Vanvan habang karga niya na para bang nagpapaalala ng responsibilidad na hindi nila maaaring takasan bilang mga magulang nito.
“Oo alam ko! Huwag mo nang alalahanin ’yan, ako na ang bahala. Makakahanap din ako kaagad niyan ng trabaho,” tila aburidong tugon ni Evan.
Hindi na lang siya muling kumibo. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan. Kinimkim na lang niya ang bigat na nararamdaman sa d*bd*b. Kung makikipagtalo pa siya, nasisiguro niyang eeksena na naman ang biyenan niyang babae, at dadaanin na naman siya nito sa pagpapasaring sa halip na kausapin sila nang maayos.