KABANATA 1
Pakanta-kanta ako habang binabaybay ang daan papunta sa apartment building na pag-aari ng kasintahan kong si Jace Barrameda. Rest day niya ngayon, sigurado akong naroroon siya sa kaniyang apartment dahil hindi siya mahilig lumabas ng bahay at kung may pupuntahan man ay nagpapaalam siya sa akin.
Bitbit ko ang paper bag na naglalaman ng regalo ko sa kaniyang relo na mahigit anim na buwan kong pinag-ipunan mula sa paglalaba. Noong may pasok sa school ay kumukuha ako ng labada tuwing sabado at linggo upang may kitain ako pangdagdag gastusin namin ni Mama.
Ngayon ang unang anibersayo namin bilang magkasintahan. Ang alam niya ay sumama akong magbakasyon sa probinsiya ng best friend kong si Camille. Hindi kami natuloy dahil nagkasakit ang isa niyang katrabaho kaya ipinagpaliban muna ang vacation leave niya habang hindi pa nakakabalik ang isa din niyang katrabaho na nasa bakasyon din.
Mahigit labing pitong taon ako nang magsimula siyang manligaw sa akin. Makalipas ang anim na buwan niyang panliligaw sa akin ay sinagot ko siya, isang buwan matapos kong ipagdiwang ang aking ika-labing walong kaarawan. Sampung taon ang agwat ng edad namin. Nang tumuntong ako sa edad na labing tatlo ay nagkagusto na ako sa kaniya. Siya ang first crush ko.
Bukod kasi sa gwapo, maputi, matangkad at chinito ay masipag din si Jace. Kahit na kumikita na siya mula sa pagpaparenta sa apartment ay nagtatrabaho pa din siya bilang Manager sa isang coffee shop.
Tatlong palapag ang apartment building na ipinamana sa kaniya ng magulang niya. May tig-anim na silid sa una at ikalawang palapag. Samantalang ang buong palapag naman sa third floor ay inookupa niya.
“Hi Ash!” Bati sa akin ni Eleana nang makasalubong ko siya pagdating sa ikalawang palapag.
“Hello, Yana! Panghapon ka?” nakangiting tanong ko sa kaniya.
Mahigit isang taon na siyang nangungupahan dito kaya naging kaibigan ko na din siya. Cashier siya sa isang convenient store ’di kalayuan sa apartment.
“Oo, eh. Bibisitahin mo si Jace?”
“Oo, anniversary namin ngayon, surprise ko sana siya.” Kinikilig ko pang sabi sa kaniya.
“Ah. Happy anniversary sa inyo! Sige, una na ako sa iyo, ha? One thirty five na kasi, magbibilang pa ako ng cash fund.” Pagpapaalam niya sa akin matapos sipatin ang kaniyang pambisig na relo.
“Sige, bye! Ingat!”
“Salamat! Bye!”
Nang makarating sa third floor ay inilabas ko ang cellphone upang tawagan si Jace. Akma kong ida-dial ang cellphone number niya nang mapansin kong maliit na nakaawang ang pintuan.
Malapad ang ngiting itinulak ko ang pinto at excited na pumasok. Inibot ko ang tingin nang makapasok sa tinitirhan niya. Bandang kanan ay ang sala at sa kaliwa naman ay ang dining table at kusina.
Inilapag ko muna sa couch ang dalang paper bag nang hindi ko siya matagpuan at humakbang papunta sa kaniyang silid. May tatlong silid ang third floor, ang isa ay sa kaniya at ang dalawa naman ay inookupa ng magulang at ate niya tuwing umuuwi galing sa ibang bansa.
Habang papalapit sa silid niya ay may naulinigan akong boses na humihiyaw. Napakunot-noo ako at nagpatuloy sa paglalakad. Binundol ng kaba ang dibdib ko.
“Ahhhh! Sh*t! Ahhh! Jace! Malapit na ’ko! Bilisan mo pa!” Hiyaw ng babae.
Nang makarating sa tapat ng kaniyang silid ay lalong lumakas sa pandinig ko ang hiyaw. Pamilyar sa akin ang boses ng babae, hindi ako maaaring magkamali.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto ng silid ni Jace na bahagyang nakaawang at sumilip . Lalong lumakas ang t***k ng puso ko at naikuyom ko ang aking kamao sa nasaksihan. Walang saplot na nag-aatras abante nang mabilis ang boyfriend kong si Jace sa isang babaeng padapang nakatalikod sa kaniya. Naitukod ko sa pader ang kaliwa kong kamay dahil sa panglalambot ng tuhod habang nanginginig naman na naitakip ko ang isang kamay sa aking bibig.
Pakiramdam ko ay paulit-ulit na tinarak*n ng kutsilyo ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya akong lokohin. At ang mas masakit pa ay hindi iba sa akin ang babaeng kinalantari niya. Hindi ko man makita ang mukha ng babaeng kaniig niya ay kilalang kilala ko naman ang boses niya.
“Ugh! Sabay na tayo!” Hiyaw naman ni Jace na lalong binilisan kilos.
“Mga walanghiya kayo! Mga taksil! Mga hay*p!” Pabalya kong itinulak ang pinto at sa nanginginig na tuhod ay sinugod ko sila.
Pinaghahampas ko si Jace na agad na binunot ang kaniyang sandata at bumaba sa kama. Wala na akong pakialam kung saan tumatama ang kamao ko, pinagsusuntok at kalmot ko siya dala ng sobrang galit.
“Ash, tama na! Magpapaliwanag ako. Sandali lang, love naman! Nasasaktan na ako, tama na!” Nahinto ako sa pananapak sa kanya nang mahuli niya ang palapulsuhan ko.
Tumaas baba ang dibdib ko. Matalim ang mga matang nakatitig ako sa mukha niya na puro na kalmot.
“Bitawan mo ’ko!” mariing sigaw ko sa pagmumukha niya.
“Love, kumalma ka muna, saka ko bibitawan ’to.”
“Ang lakas ng loob mong tawagin akong ‘Love’ matapos mong tirah*n ’yang malanding kaibigan ko!” Bumaling ako kay Bettina na hindi magkandaugaga sa pagsusuot ng damit niyang baliktad pa.
“At saan ka pupunta, malanding babae ha?!” Tinuhod ko ang sandata ni Jace na nakasaludo at naninigas pa para makawala sa pagkakahawak niya.
“Aray! Tang*ina!”
Nabitawan niya ako. Napahawak siya sa kaniyang sandata at namilipit sa sakit. Wala akong pakialam kung mabali ang kaniya. Nararapat lang ’yan sa mga lalaking manunuhog!
Patakbo akong lumapit kay Bettina. Palabas na siya sa pintuan nang mahablot ko ang mahaba niyang buhok.
“Ah! Aray! Ashanti, bitawan mo ’ko! Masakit!” Hinatak ko siya pabalik at agad na binigyan ng mag-asawang sampal.
“Masakit ba ha? Sa tingin mo, ’yung panggag*go ninyo sa ’kin hindi ba masakit? Sa dami nang puwedeng tikman, ’yung boyfriend ko pa talaga? Wala ka na bang natitirang kahihiyan diyan sa katawan mo? Nakakasuka ka!” Singhal ko sa kaniya.
“Sino ba ang may kasalanan kung bakit siya naghanap? ’Di ba ikaw? Kung ibinibigay mo kasi sa kaniya ang pangangailangan niya bilang lalaki ’di sana hindi siya maaakit sa akin! Pa-virgin ka naman kasi masiyado!”
Nanlilisik ang mga matang humakbang ako palapit sa kaniya. Lalo akong nanggalaiti sa mga pinagsasabi niya sa akin. Nanisi pa talaga siya sa halip na humingi ng tawad. Bawat hakbang ko ay umaatras siya. Bumangga ang likod ng binti niya na muntik pa niyang ikatumba nang mawalan siya ng balanse.
“Ang hilig mo sa ulo ’no?” Tumaas ang sulok ng bibig ko. Itinaas ko ang dalawang kamay at mariing hinawakan ang mukha niya.
“Heto ang ulo ko isubo mo!” Inuntog ko nang malakas ang ulo sa mukha niya.
“Ashanti!” sigaw ni Jace. Lumingon ako sa kaniya. Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa akin.
“Manahimik ka diyan!” Bulyaw ko sa kaniya at muling binalingan si Bettina. Umiiyak na sapo niya ang ilong na dumudugo.
“Mula pa noong junior high school ay kaibigan na kita. Sa tuwing may nanliligaw sa akin na nagugustuhan mo ay agad kong binabasted kasi ayaw kong mag-away tayo nang dahil lang sa isang lalaki. Hindi ko akalaing magagawa mo sa akin ’to, Bettina! Ang dami naman diyang iba, bakit siya pa?” Lumuluha kong sambit sa kaniya.
“S-Sorry. Sorry, Ash.” Umiiyak na tumayo si Bettina at patakbong lumabas sa silid ni Jace.
“Ash, please. Hayaan mo muna akong magpaliwanag,” sambit ni Jace na nakasuot na ng boxer shorts.
Paika-ikang humakbang siya palapit sa akin habang sapo ang gitngang bahagi ng katawan niya ngunit pinukol ko siya ng masamang tingin.
“Huwag kang lalapit! Hanggang diyan ka na lang!” Babala ko sa kaniya.
“Pasensiya na, okay? Alam mo namang may pangangailangan din ako bilang lalaki. ’Yung nangyari sa amin ni Bettina, wala lang ‘yun. Walang pagmamahal na involve doon, hindi namin mahal ang isa’t-isa. Alam naman namin kung hanggang saan lang ang limitasyon namin, eh.”
“Dahil hindi ko maibigay ang pangangailangan mo kaya ka naghanap ng ka-FuBu mo?” nanunuyang tanong ko sa kaniya. Pinahid ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko at pagak na natawa.
“Nag-cheat ka na nga tapos best friend ko pa ang pinatos mo! Huwag ka nang magpaliwanag dahil tapos na tayo!”
Tinalikuran ko siya at mabibilis ang hakbang na tinungo ang pinto. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ng pintuan ay pumulupot ang mga braso niya sa leeg at tiyan ko.
“Ash, please. Pag-usapan natin ’to. Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Sige na, please?” Pakiusap niya sa nanginginig na boses. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin mula sa likuran ko.
“Bitaw.” Mariing bigkas ko.
Maya-maya ay dahan-dahan niyang inalis ang mga braso mula sa pagkakayapos sa akin. Nanlalabo ang mga mata at patuloy sa pagpatak ang mga luha nang lisanin ko ang apartment niya.