Single Mom Series 1 JANA DAZA 7

1210 Words
Chapter 7 "MyLuv, anong balita? Kumusta, nag usap na ba kayo ni Cris tungkol dun sa nabasa mo?" Chat sa akin ng best friend kong si Raine. Hapon na at andito ako ngayon sa kwarto. Pagkatapos kong kumain kanina ay bumalik ulit ako sa kwarto dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako. Ilang araw din kasi akong puyat. Si Cris ay abala na naman maglaro ng online game sa sala. Naiisip ko na naman tuloy na kausap na naman nya yung maland*ng babae na yun. "Oo MyLuv, nag usap na kami. Alam mo ba, yung babaeng ka-chat nya dun sa online game ay QA pala nila sa trabaho. Ang sabi ni Cris isang beses lang daw sya tumawag dun. Pero after nun yung babae na daw ang laging tumatawag sa kanya. Tapos yun din yung kasama nyang kumain sa labas. Ang sabi sa akin dati ni Cris marami sila, pero isang tao lang naman pala kasama nya at yun ngang QA nila ang kasama nya." "Sabi ni Cris yung babae ang laging tumatawag sa kanya? Di ba sya naman yung nanghingi ng cellphone number tapos ngayon sasabihin nyang yung babae ang laging tumatawag? Ibig sabihin gusto nya ding kausap yung babae" "Nakakainis, MyLuv. Bakit ba may mga babaeng alam na nga na pamilyado o di kaya ay may kinakasama na yung lalaki at papatulan pa din? At saka may boyfriend na din yung babae na yun." "Kasi gusto din ni Cris. Sa tingin mo ba kung hindi lumalapit si Cris dun sa babaeng yun makakapag-usap ba sila?" "Ang sa akin kasi MyLuv, sana kung matino syang babae hindi nya ibibigay yung cellphone number nya sa taong alam nyang pamilyado at may kinakasama na. Kahit pa landiin ka ng kung sino sinong lalake kung ayaw mo namang pumatol hindi naman yan magpupumilit eh." "Hay naku, MyLuv. Para sa akin yang si Cris ang wala sa ayos. Kung mahal nya kayo ng mga anak mo hindi na dapat sya nakikipag landian pa sa ibang babae." "Hindi ko alam ano bang pumapasok sa isip ng taong yun at nagawa nya yun sa amin. Ang tagal na naming nagsasama, pitong taon na." "Wala naman ba kayong pinag-awayan nitong mga nakaraang linggo? Maayos naman ba ang pagsasama nyo bago sya makipag-harutan sa iba?" "Wala naman. At saka ako nga pag may problema lagi ko namang sinasabi sa kanya para maayos agad namin. Wala akong kaalam alam na habang nag aantay ako sa kanya dito sa bahay sya naman nakikipaglandian na dun sa katrabaho nya." "Hindi man lang talaga nya naisip yung mararamdaman mo bago lumandi sa iba. Ang selfish naman nya. Dapat nga kayo ang priority nya hindi ang ibang tao. Baka yang si Cris ang panay lapit kasi kung hindi naman si Cris gumawa ng first move di naman mag a-assume yung babae." "Basta para sa akin kung matino syang babae at may utak sya di nya bibigyan ng motibo or chance ang isang taong pamilyado na. Kaso mukha namang wala syang balak na umiwas eh. Sige na MyLuv, next time na lang ulit tayo mag usap ha. Salamat at lagi kang andyan at handang makinig sa akin." "Sige. Pag umulit pa si Cris sabihin mo sa akin ah, yari na talaga sa akin yan. Ingat kayo lagi ni baby, wag ka na masyado mag isip ng kung ano ano dahil buntis ka, isipin mo ang baby mo." MATAPOS naming mag usap ni Raine ay pumasok si Cris sa kwarto at tumabi sa akin. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Ayos na ba ang pakiramdam mo? "Medyo ayos na ako. Bakit nga pala lagi kang nagdadala ng extra helmet sa trabaho? Hinahatid mo ba sya pauwi sa kanila?" "Nung biyernes na magkasama kami ay hinatid ko sya sa Pasay. Umuwi kasi sya sa probinsiya nila. Minsan pag out sa trabaho ay hinahatid ko sya sa may sakayan. Di ko naman sya hinahatid sa kanila dahil andun yung boyfriend nya." "Ibig sabihin nagsasama na sila nung boyfriend nya? Live in na sila pero panay tawag pa sa iyo? Wala talagang delikadesa yung babaeng yun. Di na nahiya. Tigilan mo na ang pakikipag-usap dun sa babaeng yun, Cris ah. Please lang, isipin mo naman ang kalagayan ko. Buntis ako ngayon. Ilang araw din akong walang tulog ng maayos dahil diyan sa kalokohan mo." "Opo, titigil na." Sabay yakap sa akin at halik sa noo. BINUKSAN ko ang account ni Cris sa efbi. Nag post ako ng family picture namin gamit ang account nya at nag lagay ako ng caption na, "Si Cris ay pamilyadong tao na at magiging dalawa na ang anak nya. Kaya sa mga nagbabalak makipag-harutan sa kanya ay wag nang ituloy pa." Bakit nga ba may mga taong kahit alam nang pamilyado na ay papatulan pa nila? Andami naming family pictures sa social media account ni Cris, naka-status din na in a relationship sya sa akin pero di talaga nya naisip na baka makasira sya ng pamilya. Gusto ko sanang i-chat yung boyfriend nya at sabihin ang mga kalokohan nila ni Cris pero naisip ko na baka kung ano pa ang gawin nun kay Cris. Baka mamaya puntahan pa si Cris sa trabaho at mag away pa sila. Naisip ko ding i-text yung babaeng yun para pagsabihan at tumigil na sila nang tuluyan. "Hi good afternoon. Didiretsahin na kita, alam kong ikaw yung babaeng nakikipagharut*n sa partner ko. Ikaw yung kasama nyang kumain sa labas nung biyernes at ikaw din ang panay tawag sa kanya. Nakiki-angkas ka din sa motor nya. Tigilan nyo na ang kalokohan nyo. Aware ka namang pamilyadong tao na si Cris pero pinatulan mo. Iwasan mo na sana sya. Wala ka bang delikadesa sa sarili mo? Pinag aral ka naman ng magulang mo." "Kung wala kang paki-alam sa feelings ko bilang isang babae, kahit sana sa anak ko ay maawa ka. May isa kaming anak at buntis ako ngayon. Gusto mo ba talagang maka-sira ng pamilya? Makonsensya ka naman. Halos ilang araw akong walang maayos na tulog dahil sa kalokohan nyo ni Cris. May boyfriend ka na pero lumalandi ka pa sa iba, sa pamilyadong tao pa talaga." "Kung matino kang babae hindi ka na dapat nang i-entertain ng iba kasi may boyfriend ka na. Ang malala pa yung taong nilalandi mo pamilyado na. Ikaw kaya ang mapunta sa sitwasyon ko, ano sa tingin mo ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may ibang babaeng pinagkakaabalahan ang boyfriend mo?" "Kung wala kang kahihiyan sa sarili mo kahit para na lang sa pamilya mo, bigyan mo naman sila ng kahihiyan. May pinag-aralan ka naman pero ganyan ang gawain mo. Anong utak kaya meron yung mga taong kagaya mo na hindi nag iisip kung makakasira ba sila ng relasyon ng iba?" Sa dami ng text ko sa kanya ay wala man lang akong nakuha ni isang reply mula sa kanya. Dumating na ang gabi pero wala pa ding reply mula sa kanya. Kaya naisipan kong i-text ulit sya at sinabi kong tatawag ako. Naka-ilang dial na ako pero ayaw nyang sagutin ang tawag ko. "Sagutin mo ang tawag ko, Annabhel Balles. Alam kong ikaw yung QA nila, nung chinat kita nung madaling araw ay alam ko nang ikaw ang kaharutan ng partner ko. May mga itatanong lang ako sa iyo kaya gusto kitang maka-usap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD