Chapter 8 Sa sumunod na dial ko sa number nya ay sinagot na nya ang tawag ko. Sila yung gumawa ng kalokohan pero bakit parang ako pa ang nakakaramdam ng kaba?. "Hello, ikaw ba yung QA nila Cris? Aware ka namang pamilyado sya di ba? Bakit ka tawag ng tawag sa kanya at bakit panay angkas ka sa motor nya?" "Pasensya na po ate, isang beses lang naman po akong tumawag sa kanya. Yun po yung nag pahatid ako sa kanya sa Pasay dahil umuwi ako sa probinsiya namin. At saka yung sinasabi nyo pong pag-sakay ko sa motor nya, minsan po kasi gabi na kami nakaka-uwi. Medyo malayo pa kasi ang sakayan kaya sumasabay po ako sa kanya." "Bakit ibinigay mo yung cellphone number mo sa kanya? Para saan? Anong kailangan nyong pag usapan at kailangan pa nyang kunin ang cellphone number mo?" "Wala lang nama

