TATLONG KEY palang ang napipindot niya mula sa mga pangil ng isang eleganteng piyano ay napatigil na kaagad siya. Hindi dahil sa nag iisa lang siya ngayon sa bago niyang mundo, kundi sa muling pag aalaala niya sa kanyang nakaraan. Kinse anyos nuon si Violet ng tulungan niya ang kanyang ina sa pag titinda ng gulay, Maaga palang ay maruming sapatos na ang gamit niya pagpunta sa maputing na palengke. Iwinawagayway niya ang kanyang madahon na mga paninda. "To the left, to the left. To the right, to the right." With choreography pa ang sayaw niya para mas maraming bumuli sa mga tinda niya, mas epiktib kasi iyon kaysa sa paghihintay niya ng customer sa isang tabi lamang. '"Bili na kayo , bili na kayo." Isang ale ang tumagil sa kanyang harapan, tinignan muna siya nito ng maigi bago ito sa kanya

