NABITAWAN ni Violet ang hinahawakan niyang isang mamahaling pigurin ng kanyang marinig ang malakas na pagbukas ng pintuan ng Armada mansion, Kasalukuyan siyang nasa itaas ng attic at nakikialam ng mga gamit duon, nabitawan niya ang nasabing pigurin. Kulay ginto ito na nakahulma naman sa pigura ng isang sumasayaw na balerina. "Ayyy kabayo!" Nagkabasag basag sa maraming parte niyon, Pinagmasdan pa niya iyon, gusto pa sana niya iyong kunin ngunit hindi na niya iyon maibabalik pa mula sa dati nitong itsura. "Peste talaga tong lalaking to! Ano nanaman kaya ang problema nito." Dali dali siyang lumabas ng kwarto. Naglakad ng mabilis at sinilip ang pagdating ng binata sa b****a ng hagdanan. Halos magsiliparan ang mga gamit sa loob, dahil sa lakas ng bugso ng hangin sa nakabukas na pintuan, Mula

