“Kagabi ko pa napapansin yang parang pasa mo sa mukha, saan galing yan?” tanong ni Ellie nang ayain siya ni Ashton na mag-almusal muna sa isang restaurant malapit sa ospital kung saan na-confined si Lola Florencia. Umuulan noong umagang iyon. May canteen naman at ibang restaurant sa loob ng ospital pero sa dami ng tao ay pinili nalang nilang lumabas at maghanap ng makakainan. Sinalat ni Ashton ang tinutukoy ng babae. Napa-aray siya ng mahina nang maidiin ng bahagya ang mga daliri sa mismong kinalalagyan ng pasa sa mukha. “Wala to…” anito at ikinibit balikat iyon. “Don’t tell me, nakikipag basag ulo ka na rin ngayon?” natatawang biro ng babae. “Hindi nga? Napaano yan?” pangungulit nito na inihinto muna ang pagkain sandali para usisain ang lalake. “Luke approached me yesterday about

