Nakaka-dalawang tunog palang ang telepono ni Ellie nang sumagot ito. Mahahalata agad sa boses nito ang lungkot at takot. "What happened?" Buong pag-aalalang tanong ni Ashton dito. "I went to Bataan to visit Lola Florencia, sinabi kasi ni mama na biglang nag 50/50 si Lola. Pagdating ko doon bumalik naman na daw ang pagiging stable nito. Hinintay ko siyang gumising ulit pero magdidilim na kaya umalis muna ako sandali para pumunta sa San Fernando, Pampanga. Nagstop ako sa isang gas station nang biglang may lumapit sa akin, at pinilit na kunin ang susi ng car ko. Ibinigay ko nalang kesa masaktan pa ako. Good thing naibulsa ko ang phone ko at nasa kamay ko ang card ko to pay for the gas bago ako lumabas ng sasakyan. Pero ang bag ko with all my credentials nandoon sa loob ng car," Mahabang pa

