Mataas na ang araw nang magising siya kinaumagahan. Agad niyang hinanap si Ellie na ang pagkakaalala niya kagabi ay magkayakap sila at magkatabing natulog pagkatapos nang mainit na tagpo na nangyari sa pagitan nila kagabi. Walang namang s*x na nangyari sa kanila bukod sa pinagsaluhang french kisses pero sinigurado naman niya na bago sila matulog ay naramdaman nito ang espesyal na pagtingin sa babae. Wala na sa tabi niya si Ellie, pupungas pungas pa siyang bumangon sa pag-aakalang nasa kusina lang ang dalaga pero wala siyang naririnig na kahit anong ingay mula doon. Tumayo siya at sinimulang halughugin ang lahat ng sulok ng bahay ngunit wala doon ang babae. He also check her stuff and find out na wala na ang mga ito. Umalis si Ellie na hindi man lang nagpaalam. Talaga naman ang babaeng i

