"Ano na naman ba ang ginawa ko bakit naka busangot na naman ang mukha mo?" panay ang sunod ni Ashton kay Ellie ilang oras pagkatapos umalis ni Shantal. Puro pag-irap lang ang natatanggap niya mula dito. "Sus! Kunyari ka pa! Eh maka tingin ka kay Shantal sa tuwing bubukaka at tutuwad, talaga naman, parang luluwa na ang mga mata mo!" anito habang tinatapos nalang ang ginagawa sa kusina. "Binabaling ko kaya ang tingin ko sa iba," patawa tawa nitong sabi. "Tss, nag dadahilan ka pa, eh enjoy na enjoy ka naman,” pagtataas niya pa ng kilay. “Nakita mo ba na nag-eenjoy ako?” tanong nito. “Oo!” “Eh bakit mo pa kasi ako tinitingnan?” itinutok nito ang mga mata sa babae para wala siyang ma-miss na reaksyon nito. Hindi naman ito nakasagot. Pilit pa nitong iniiwas ang mukha sa kanya. “Teka, n

