Pangalawang araw nila sa Bataan. “Can you please talk to me, please!” inihinto nito sa gilid ng kalsada ang minamanehong sasakyan ilang kanto pa bago nila marating ang bahay ng mga matatanda. Kanina pa mabigat ang loob niya mula sa pag iignore ng babae sa buong maghapon. “I am so sorry about what happened last night. What do you want me to do to make up with you?” pagmamakaawa na ni Ashton kay Ellie. Ngayon lang siya nagkaganito sa babae, karaniwan ay wala siyang pakealam kung sumama man ang loob sa kanya ng isang babae lalo na sa isang simpleng bagay lang. Tiningnan lang siya ng masama ni Ellie at inirapan. “I am not gonna start driving again hangga’t hindi mo ako pinapansin!” pagmamaktol na niya. “Then get off of the driver seat, ako ang magdadrive!” sagot naman ni Ellie. “Nop

