Nasa kalagitnaan si Ashton ng conference meeting ng mga board members ng kanilang kumpanya ng hapong iyon nang sa ikaapat na beses ay tumunog ang kanyang telepono. Napatingin ulit ang mga kasama niya na nakaupo sa palibot ng malaking lamesa, kasama na ang ama na siyang CEO ng kumpanya. Tiningnan niya ang telepono, numero lang ulit ang rumerehistro dito gaya ng naunang tatlong tawag. Humingi siya ng paumanhin sa mga ito at nag paalam sa mga kasama na sasagutin ang tawag sa labas ng conference room. "Ok Shantal, I am in the middle of the meeting, what do you want?" inis niyang bungad dito kahit hindi pa nalalaman kung sino ang nasa kabilang linya. Sino pa ba ang tatawag sa kanya ng sunod sunod eh si Shantal lang naman. Lately din kasi ay mas nadalas pa ang tawag nito at bisita sa kanya s

