Dumiretso siya sa parking lot ng hotel at pinuntahan ang iginarahe na itim na sasakyan pagkatapos makuha ang telepono na nahulog pala sa sahig nang kunin niya ang slacks na suot. Pinigilan pa siyang umalis ng babaeng nadatnan pa rin doon ngunit agad na rin siyang umalis.
Mula doon ay rinig pa rin niya ang lakas ng ulan sa labas at lakas ng dagundong ng kulog. Ang masamang panahon siguro ang dahilan ng pagkawala ng kuryente ng hotel na iyon kani- kanina lang.
In-unlock niya ang sasakyan at pumasok sa loob. Pagkatapos ay agad na ini-start ang makina. Doon niya lang napansin kung anong oras na. Mag-aala una na pala ng madaling araw. Tsaka niya naalala ulit ang mga napanaginipan.
He sighs. “It's so weird!” buong pagtataka niyang sambit habang inaaalala parin ang maikling panaginip. Paano’y pangatlong beses niya na itong napapanaginipan. Pangatlong beses sa tatlong magkakasunod na gabi. At ang strange part dito ay every night tila may karugtong ang mga panaginip niyang iyon.
Sa pagkakatanda niya, noong unang gabi nang magsimula siyang managinip tungkol doon ay nagpaikot-ikot lang siya sa liblib at madilim na lugar na iyon. Pangalawang gabi na niya nakita ang naka puting babae na tila nakatingin sa kanya. At nitong gabi nga ay lumapit na ito sa kanya kasunod ng pagtawag nito sa pangalang Alejandro.
Ano ba ang ibig sabihin ng panaginip niyang iyon? Sa totoo lang, sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakakapanaginip ng ganito. Ni hindi niya nga matandaan minsan ang buong panaginip niya. Ngayon lang na kahit ikwento niya ito sa ibang tao, makaka sigurado siya na buong detalye ng panaginip niya ay masasabi niya dito. Partikular na sa babaeng nakita niyang kahit anong lapit nito ay siyang labo ng mukha nito. Sino ang babaeng iyon? At bakit anong sabik nitong sinalubong siya at gusto siyang yakapin? At sino ang tinatawag nitong nagngangalang Alejandro?
Tila nahimasmasan niyang ipinilig ang ulo. Maya maya’y nagsimula na siyang mag maneho palabas sa parking lot na iyon at kinalimutan muna lahat ng nangyari sa kanya buong araw.
Habang nagsasalita ang isang babae sa harapan niya kasama ang ilan pang kasamahan sa trabaho ay lumilipad pa rin ang kanyang isipan. Ilang minuto na magmula nang magsimula ang kanilang meeting presentation ngunit wala siyang naintindihan. Okupado parin ang kanyang isip ng kanyang napanaginipan. Ang totoo ay umulit iyon kanina bago siya nagising ng alas sais. At ang pangalang “Alejandro” ang paulit ulit na umaalingawngaw sa kanyang tenga bago tuluyang magising dahil sa pag-alarm ng orasan na nakaset-uo sa kanyang phone.
“Sir!?!” Kalabit sa kanya ng isang may katandaang babae na katapat niyang nakaupo sa kaliwang side ng malaking lamesa sa loob ng presentation room. Ang sekretarya niya iyon.
Tila nagising siya sa pagkakatulog at bahagyang natauhan.
“Marissa was asking if her presentation about the Museum was approved,” tanong nito.
Napatingin siya sa babaeng nakatayo sa harapan, at sa lima pang kasamahan na nakaupo palibot sa lamesa. Lahat nakatingin sa kanya.
Hindi niya alam ang sasabihin. Ang totoo naman kasi ay hindi niya masyado napakinggan iyon. Gusto niyang sabihin na approved na ang project persentation na ginawa nito pero ayaw niyang magkaroon ng problema sa huli. Masyado siyang metikoloso pagdating sa lahat ng bagay patungkol sa kanilang kumpanya. Maliit man o malaking proyekto, kailangan binubusisi nya bago ipropose sa mga kliyente. Hands on siya noon pa man doon kaya nga kahit isa na siyang Cheif Operating Officer or COO ng kumpanya nila, naglalaan pa rin siya ng time na um-attend sa mga meetings specially pagdating sa mga presentation.
“I know I've already seen some of the details, but I want to analyze it more before I give you my approval,” anito sa babaeng nakatayo at nag-present sa harapan niya. “For now Flor,” baling nito sa sekritarya, “Bring it to my office,” sinundan niya iyon ng pagtayo at diretso ang tingin na tinungo ang pintuan ng presentation room, binuksan at lumabas mula roon. Sinabayan pa niya ng malalim na buntong hininga at umiling iling na tila sinaway ang sarili dahil sa pag ka-lutang ng isip kanina.
Nagkatinginan naman ang mga taong naiwan sa loob.
“This is our third time presentation. Akala ko konti nalang ang babaguhin at okay na para sa kanya,” mahinang anas ni Marissa na siyang nag-prisent ng kanilang project para sa gagawing malaking museum sa Cavite.
Kasunod noon ang tila mga bubuyog na sabay sabay na nagbulungan ang mga ito.
“Shh! Marinig kayo ni sir!” saway naman ng matandang dalagang sekritarya ni Ashton. “Baka may iniisip lang ang boss natin kaya hindi masyadong nakapag concentrate,” kinuha nito ang folder na hawak ni Marissa at nag mamadali na ring lumabas ng kwartong iyon para ibigay kay Ashton.
Natahamik namang nagkatinginan nalang ulit ang mga ito. Alam nilang sa lahat ng ayaw ni Ashton ay ang nagchichismisan sa loob ng trabaho lalo na tungkol sa kanya.
Sila at ang ilang daang empleyado ang bumubuo sa Moretti Engineering, Design and Construction Group na pag-aari ng pamilya ni Ashton. Magkasosyo ang mga magulang na itanayo iyon noong anim na taon palang siya. Idea iyon ng kanyang italyanong ama na siyang Architect at pinay na ina na siyang Engineer. Nakuha naman niya ang hilig sa pag dedesign ng bahay sa ama kaya sumunod ito sa yapak nito at nakapag tapos nga ng Arkitekto. Malaki na ang narating ng kanilang kumpanya na nag-start 24 years ago na. Karamihan sila talaga ang kinukuha ng mga businessman na nagpaplanong magpatayo ng bahay o business dito sa Pilipinas. Wala ka nang hahanapin pa sa kumpanya nila, may architect na para sa pag plano ng pag disenyo ng building, may engineer na taga analisa kung anong tamang paggawa, at may mga tao na na siyang magtutulong tulong para itayo ang building. All in one sa kanilang kumpanya kaya naman mabilis na umangat at nakilala ito.
Maliban sa pagiging arkitekto na nilalapitan at hinihingan ng mga advice ng mga matatas na arkitekto sa kanilang kumpanya at sa buong bansa, siya rin ang pumapangalawa sa pinakamataas na posisyon sa kanilang kumpanya, kasunod ng kanyang ama na siyang CEO. Sa edad na 32 years old marami na siyang napatunayan sa mga magulang kaya sa batang edad ay naging COO agad. Bagay na sinang ayunan naman din ng mga kasosyo sa negosyo kabilang na ang mga board of directors ng MEDCG.
“Sir Ashton, ito na po ang pinresent ni Marissa kanina,” pagkatapos kumatok nito sa pintuan ay diretso na itong pumasok sa opisina ng lalake at inilagay iyon sa lamesa nito.
“Thank you! I will just review that briefly. Sabihan nalang kita if its done para matawagan mo ang client at para mai- forward na sa engineering department,” seryosong sabi nito.
“Yes sir,” tango ni Flor. Ito lang maliban sa mga magulang nito ang kaisa isang tao sa kanilang kumpanya ang malakas ang loob na kumausap dito at hindi takot na punain si Ashton. Siguro dahil sa edad nito na halos nakakatandang kapatid na rin ang turing ng lalake. Isa ito sa mga unang naging empleyado ng kanilang kumpanya.
“Ah, one more thing Flor, do I have more meetings to attend today?” tanong nito habang isinuklay ang isang kamay sa buhok nito.
Mabilis na tiningnan nito ang note na nakalagay sa unang page ng dala dalang notebook.
“Yes sir! May isa ka pang meeting mamayang alas tres ng hapon, sa kabilang department po,” sagot nito.
Napaisip siya sandali. “Okay, I assume it will be a quick one dahil may pupuntahan pa ako after that…. Can you call this number, if they have viewing at 6 pm please,” ibinigay nito sa babae ang maliit na sticky note kung saan nakasulat ang numerong tatawagan.
“Para saan po ito? Sa bahay po na tiningnan ninyo kahapon?” ang tinutukoy nito ay ang lumang bahay na binibisita ni Ashton maka tatlong beses na.
Tumango ang binata. Ito siguro ang dahilan kung bakit kahapon ay napagod siya at nakatulog pagkatapos makipagtalik sa babae kagabi. Pumunta siya sa Cavite para makita ang bahay sa pangatlong pagkakataon. Inabot rin siya ng halos 3 oras dahil sa traffic pabalik sa Maynila. Dagdag pa na kailangan pa niyang bumalik sa kanilang kumpanya para umattend sa conference meeting. At doon niya nga nakita at nakilala ang babaeng nakatalik kagabi.
“Sir, the last viewing will be at 6 pm,” sabi ni Flor pagkatapos maging busy sa phone sandali.
Excitement ang namutawi sa kanyang mukha. Makikita na naman niya ang bahay na iyon. Ang lumang bahay na nakapag bighani sa kanya magmula nang masilayan niya ito. Nadaanan niya lang ito tatlong araw na ang nakalilipas nang makipag kita siya sa isang kaibigan na nakatira doon sa Cavite. Napahinto pa siya ng medyo matagal para pagmasdan mula sa labas ng bakuran nito ang bahay na iyon. Nakita niya ang karatula sa harap nito na ‘for sale’ kaya binalikan niya ito at tiningnan ang loob ng bahay kinabukasan. From that day hindi na maalis ang bahay na iyon sa isipan niya.
Ngayong araw ay babalik ulit siya para magtanong sa caretaker nito at para kilatisin narin ang iba pang parte ng bahay na hindi pa niya nakikita. Ngayong araw na rin ang ibinigay niya sa sarili para makapag decide if interesado ba talaga siyang bilhin ito.
Sa edad niyang iyon ay mahilig talaga siya sa mga antique na mga bagay kasama na doon ang mga ancestral houses. Matagal na siyang fascinated sa ganoong klase ng bahay pero noong makita ang bahay na iyon, tsaka niya lang napag tanto na gusto na niyang bumili ng ganitong bahay. Ngunit hindi niya alam kung bakit sa dinami dami ng ancestral house na nakita niya ito ang nakapukaw ng kanyang atensyon. May kakaiba dito na hindi niya maipaliwanag. Tila may kung ano sa bahay na iyon na dulot ay saya sa kanyang pakiramdam.