Gaya kahapon ay maaga ulit siyang pumunta kina Ashton kinabukasan. Naabutan niyang nagreready si Roy, ang helper ni Ashton na umalis. Actually hinihintay lang siya nito na dumating para makauwi ito ng Manila. May emergency daw sa pamilya nito na kailangan nitong puntahan. Dumating na ang 2 pang truck na nag-deliver ng mga appliances at iba pang furniture para sa kusina. Gaya kahapon ay sinigurado niya na ang mga ito na ang nagbuhat ng mga gamit papunta sa tamang kinalalagyan at ang mga ito narin ang nagkabit ng mga appliances gaya ng stove, oven, refrigerator at washing machine na pinasadya pang gawing old style para lang sumakto sa tema ng mga pangkalahatang gamit doon. “Boss, sasabihan ko po kayo agad kung makakabalik ako today or hindi. Pasensya na po talaga, kailangan lang ako ng p

