Ngunit nangyari nga ang iniisip niya kanina lang. Ilang oras na siyang hindi pinapansin ng babae. Grabe talaga ito magtampo eh wala naman siyang sinabing masama. Lahat naman tinext niya dito totoo, ewan at bakit pinipilit nitong biro lang para sa kanya ang mga iyon. “Ellie, what do you want for a snack? Order tayo!” may lambing ang pagkakasabi nito nang sa wakas ay bumaba na ito sa unang palapag ng bahay. Pero nakabusangot pa rin ang mukha. “Com’on, pansinin mo na ako. Sumasakit dibdib ko kapag galit ka sa akin.” Napatingin si Ellie sa binata na naniningkit ang mga mata sa galit. “Will you please stop talking nonsense! Hindi na nakakatuwa!” Tila napipikon na ito sa akalang pagbibiro lang ni Ashton. “Eh bakit ba eh yun naman talaga ang nararamdaman ko. I am just telling you what I fe

