Ang Pagtatagpo

3205 Words
“Ashton!” banggit sa kanyang pangalan ng ama ng makita siyang kakapasok palang sa conference room.  Late siya ngunit ilang minuto lang naman. Mabuti nalang at malapit lang ang kanilang kumpanya mula sa condo na tinitirhan. “I’m sorry guys, medyo na late ng gising. What did I miss?” paumanhin nito sa lahat ng board members doon partikular na sa ama na nakaupo sa dulo ng mahabang lamesang nandoon.  “First time ka na late ah… Somethings wrong?” tanong ng matandang CEO ng kumpanya. “Anyway, kaka start palang namin so you hardly miss anything. Sit down hijo!” anito sa anak.  Umupo siya sa tapat ng ama at humugot ng malalim na buntong hininga dahil sa ginawang mabilisang paglakad sa pagmamadali na makarating agad dito.  Almost 3 hours din ang tinagal ng conference meeting na iyon. Pagkatapos ay kinausap pa siya ng kanyang ama sa mismong office nito para sa iba pang planned meeting trips sa ibang bansa na siyang kailangan niyang daluhan. Yun lang at dumiretso na agad siya sa kanyang sariling office na bago pa man tuluyang makapasok ay kinawayan niya si Flor, ang kanyang sekritarya,  para sumunod sa kanya sa loob ng opisina. Hindi pa man siya nakakaupo sa kanyang upuan ay sinenyasan na niya ito upang mag simula nang mag report sa kanya. “Sir, dinala ko na po dito lahat ng mga papers na need nyong basahin at pirmahan. Anyway sir, may meeting po kayo later at 2 PM with all of the Design department. And then another one with your client at four,” mabilis nitong binasa ang mga note na nakasulat sa phone nito. Nagtaas siya ng mukha mula sa pagkilatis sa mga documents na nasa harapan. “Ask  Mr. Sioson if pwede siyang  makipag meeting sa client later.  My schedule is full today,” ilang araw na siyang ganito sa trabaho, palaging abala. Ayaw man niya ipakausap sa iba ang kanyang mga kliyente pero may mga pagkakataon talaga na kailangan niya ng rescue ng ibang kapwa architect dahil sa puno na  ang kanyang schedule. Akmang sasagot na ang sekritarya nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Pumasok doon ang isang maganda at matangkad na babae na naka suot ng sexy fitted mini dress.  "Oh no. I don't want someone else. I want you!" wika nito sa malumanay at may pang-akit na boses.  Medyo nagulat siya sa biglang pagsulpot nito sa kanyang opisina. Sinino niya ang babae. At mapait na ngumiti nang maalala ang mukha nito. Tsaka sinabihan ang sekritarya na lumabas na muna mula doon. “I’ve been calling you many times. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” paekis ekis ang ginawa nitong paglakad papunta sa harapan ng kanyang lamesa. Itinukod ang dalawang braso doon at bahagyang yumuko. Sumilay sa harapan ni Ashton ang cleavage nito mula sa mababang neckline ng damit. Sarkastikong napangiti ang binata. Sino ito para mag-demand na sagutin niya ang tawag nito? Girlfriend lang ang peg? Idinikwatro ng binata ang kanyang binti, isinandal ang likod sa kanyang office chair, at ipinagtagpo ang mga palad.  “Hmm… I'm sure I haven't missed any calls, except if it comes from a strangers number. Madalas talaga hindi ko sinasagot kapag wala sa phonebook ko,” sarkastikong sagot nito. Wala pang naglalakas ng loob na pumasok ng ganon ganon nalang sa loob ng opisina niya. Hindi ata nito kilala si Ashton na ikinagagalit ang mga ganoong bagay. Ni-roll ng babae ang mga mata. “I guess hindi mo nakita yung phone card na nilagay ko sa bulsa mo bago ka umalis ng hotel.”   Paulit-ulit na umiling ang binata. Lumakad ang babae papalapit dito at pumwesto sa mismong harapan at umupo sa gilid ng lamesa niya.  “Do you want to go out tonight? My treat!” tila nang-aakit itong yumuko para sadyang  ipakita sa binata ang ibang bahagi ng dibdib. Marahang pang ipinadaosdos nito ang mga daliri sa dibdib ng binata. Agad niyang hinawakan ang kamay ng babae, tumayo sa kanyang upuan at bahagyang  binuhat ang babae sa pamamagitan ng paghawak sa balikat nito upang makatayo ito mula sa pagkakaupo sa kanyang lamesa.  “I’m so sorry,  I am busy today!” lumakad siya upang pagbuksan ito ng pintuan upang makalabas na sa kanyang opisina. Nakalinya ang mga gawain nya sa araw na ito at wala siya sa mood makipag- flirt sa babae. Natawa naman ito sa inis. Pero mahinahon pa rin itong nilapitan siya at inilapit ang mukha sa mukha nya.  “The snob Mr. Ashton Moretti!... Anyway...,” may kinuha ito sa loob ng dala dalang maliit na pouch bag. “I also came here to give this back to you,” isinuksok nito ang maliit na papel sa bulsa ng kanyang pants. “I don't need this. Hindi ako bayarang babae," at mabilis nang lumabas ng kanyang opisina. Nagsalubong ang kanyang kilay. Nang medyo nakalayo na ito ay tsaka niya tiningnan ang papel na iyon. Isang check iyon na inissue niya noong isang linggo. Hindi nito winithraw ang binigay niyang nagkakahalagang fifty thousand pesos.  Sarkastiko ulit itong natawa. Hindi naman niya binibigyan ng pera ang isang babaeng nakaniig  niya para bayaran ito. Isang pakapin lang ito para sa pagbibigay sa kanya ng ligaya sa isang gabi. Sabihin na nilang parehas lang iyon, pero hindi naman siya kumukuha ng mga babaeng bayaran. Pinapanatili niya parin ang kanyang standard para sa babaeng pinipili niyang makaniig ng isang gabi. At hindi naman siya nakikipag-s*x nalang sa ibat ibang babae dahil lang sa libog. May mga panahon lang talaga na nangangailangan siya at noong oras na iyon ay saktong nag bigay ito ng motibo. Hindi lahat nang nagbibigay sa kanya ng motibo ay pinaputulan niya.  Mabilis na pinapasok niya ulit sa loob ng opisina ang sekritarya. “Do you know that girl?” tanong niya dito. Naaalala niya ang mukha nito. Sa pagkakatanda niya ay ibinigay din ng babaeng iyon ang pangalan nito ngunit sa ilang minuto lang niyang nakasama ito ay hindi na niya tinandaan ang pangalan nito gaya ng ibang babaeng nakilala na noon.   “Siya po si Shantal Raymundo sir. She is the daughter of the vice president of the Philippines.” Napataas ang kilay niya sa sinabi ng kanyang sekritarya. Anak ng isang vice president ang nakaniig niya noong nakaraan? Wala siyang ka aydi- idea. Sarkastiko siyang napangiti, pagkatapos ay ikinibit balikat ang narinig. Eh ano kung anak siya ng bise presidente? Ordinaryo lang naman din ang ganda nito. Walang dating sa kanya. Maaga siyang umalis sa opisina noong hapong iyon para puntahan ang ancestral house na nabili niya. Plan niya talaga na mag half day lang sa opisina ngunit dahil natambakan siya ng mga gawain ay tinapos niya muna ang mga ito bago umalis. Kailangan niyang malaman kung ano ang mga bagay na kailangang palitan sa bahay para magawa agad at matirhan agad. Excited siyang ipakita ito sa mga magulang. Kagaya niya mahilig din sa mga ancestral house ang mga ito lalo na ang kanyang ina.  Medyo mataas pa ang araw nang makarating siya sa Cavite. Binabaybay niya na ang tulay na nagdudugtong sa dalawang magkatabing baryo doon ng mapansin niya ang isang pulang kotse na nakahinto sa bandang dulo nito. Nang malapit na siya dito ay tsaka niya lang nakita ang isang babae na abala sa pagkalikot sa gulong sa bandang passenger seat nito sa unahan. Pansin niyang wala itong kasama. Sandaling nagtalo ang kanyang isip. Dideretso ba siya o hihinto? Sa buong buhay niya ngayon lang siya mag-aalok ng tulong sa taong hindi niya kilala kung mag kataon.  Kahit pa sa isang babae gaya nito. Magkaganun pa man aynakita niya nalang ang sarili na itinatabi ang sasakyan at inihinto iyon di kalayuan sa sasakyan ng babae.  “Do you need help?” tanong niya dito habang papalapit sa babae. Ilang sigundo din bago ito tumayo at sumagot sa alok niya.  “Yeah, I guess... I really thought I could do this all by myself but not. Masakit na ang mga kamay ko,” mula sa pagkakaluhod sa gilid ng sasakyan ay tumayo ang babae, at hinarap siya. Nang magtagpo ang kanilang paningin ay biglang parang natigilan si Ashton. “I’m sorry… Have we met?” pilit na sinisino nito ang babae. Pamilyar sa kanya ang mukha nito. At no, hindi ito kabilang sa mga naka-one night stand niya. Ngunit parang nakita niya na ito kung saan.  “Hmm.. I assumed you are from Manila, right?” tanong ng babae sa kanya na pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan niya. “Yes,” mabilis niyang sagot. “Nope. I dont think so. Several times palang akong napadpad sa Manila. I just got here from the States a month ago, so malabo na nagkakilala na tayo,” mabilis na tila sigurado ito sa pagsagot sa lalaking nakapang business attire pa. “Anyway, I’m Ellie,” inalis nito ang gloves na hawak na gamit sa pag-loosen up ng lug nut ng tires ng sasakyan at umaktong makikipag kamay. “Ashton,” saad niya naman. No wonder napaka independent nito, galing pala sa US. Kinuha niya agad ang kamay nito at nakipag kamay dito. Ngunit tila may maliit na boltahe nang kuryente ang dumaloy sa kanyang kamay papunta sa kanyang braso. Tila natigilan pa siya nang makita ang outfit ng babae, naka active wear ito at ipinang-ibabaw lang ang maong na ¾ polo shirt sa sports bra na hindi man lang binutones. Mula sa high waist leggins ay kita ang ilang bahagi ng flat na tyan nito. Nabitawan niya ang kamay nito at pakunwaring ibinaling nalang ang pansin sa sasakyan. “So what's wrong with your car?” tanong niya. “Flat tire. I actually know how to do this but sobrang higpit niya. Hindi ko kayang paluwagin ang mga lug nuts,” anito.  “Okay. Let me try,” lumakad si Ashton at pumwesto sa pinwestuhan kanina ng babae. Akma na itong luluhod din sa kalsada ng pigilan ng babae.  “Wait. Are you sure wala ka nang pupuntahang business meetings?” ininguso nito ang suot ng lalake. Uupo ito at luluhod sa kalsada sa ganoong ayos? Ikinibit balikat lang niya iyon at walang pakealam na lumuhod sa kalsada. He started turning the lug wrench ng ilang beses pero gaya ng sabi ng babae mahigpit ito. Lumapit ang babae sa kanya para tulungan siya at sabay nilang gawin iyon. Kasalukuyang nilang tinatry na ikutin ang wretch nang medyo tumaas ang kanyang paningin na instead mapunta iyon sa mukha ng babae ay napako ito sa nagyayamang dibdib nito na medyo sumilay nang yumuko ito. Tila nasilaw siya sa view na iyon at mabilis na itinuon sa iba ang paningin. Subalit imbes na mag concentrate sa ginagawa ay bumalik ang tingin niya sa babae at tumungo sa pawisang leeg at noo nito. Naisip niya galing siguro ito sa gym, naka pang work out attire kasi ito. Pinakatitigan pa niya ang parte ng leeg ng babae na kasalukuyang pawis na pawis. Sinundan niya ng tingin ang butil ng pawis na naglandas mula sa leeg papunta sa gitna ng pagitan ng malulusog nitong dibdib. Napaawang ang kanyang mga labi. Kung bakit kapag ang ibang babae ay nakitaan niya ng ganito ay wala lang sa kanya, bakit iba ang pakiramdam niya sa babaeng kaharap.  'Tukso, layuan mo ako!' sinaway nya ang sarili mula sa kung ano anong kapilyuhang bagay na pumapasok na sa kanyang isip. Palibhasa ay ilang linggo narin siyang hindi nakakatikim ng s*x. Ngayon ay ang bilis ng reaksyon ng kanyang katawan sa mga bagay na ganoon.  ‘Relax Ashton,’ sambit niya ulit sa sarili.  Natigil ang babae sa ginagawa.  “What if I push it down and you pull it up,” nagbigay ito ng suhistyon sa kanya na ang totoo naman ay hindi naman talaga nakatuon ang atensyon niya sa ginagawa.  “That’s a great idea,” sagot rin naman niya. Tumalikod sa kanya ang babae at niluhod nito sa lupa ang isang tuhod para makabwelo.. Bumilang ito ng 3 tsaka buong lakas na tinulak ang wrench pababa. Samantalang siya ay hinila ang isang kabilang hawakan pataas, nang mapatingin siya sa ibaba ay nahagip ng mata niya ang suot na itim na t-back ng babae. Tila nawala ulit ang konsentrasyon niya sa tanawing iyon.  Natigil siya sa ginagawa. “Mukha atang kailangan mo nang tumawag ng mekaniko.” aniya sabay tayo at pagpag ng mga kamay. Alam niyang libog lang ang nararamdaman niya ngayon kaya medyo lumayo din ng kaonti mula sa babae.  Tila nalungkot namang napalabi ito.  Mukhang nakonsensya naman siya dito. Kung nagconcentrate kasi siya sa pagtulong dito eh di sana naayos ang problema ng babaeng iyon. “Kung gusto mo ihatid nalang kita. Saan ba ang punta mo?” medyo nagulat siya mula sa mga salitang nailabas ng kanyang bibig. First time niyang mag-alok sa isang babae na ihatid ito sa pupuntahan nito.   Hindi naman agad nakasagot ang babae.  “I understand naman kung ayaw mo. I mean, kakakilala lang natin and it’s not right na sumama ka sa isang taong hindi mo pa kilala ng lubusan.”  Napangiti ang babae at paulit ulit na tumango. “Yeah. That’s exactly what I’m thinking." At pinasadahan  siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "But you look decent naman.” Natawa siya sa sinabi nito. "Do I?" Hindi pa ba siya mukhang disente sa ayos niyang iyon? Tumayo pa siya ng diretso, at tila nagpa-cute na inayos ang sarili.  Nagkatawanan sila sa inakto niya. Kumilos ang babae at binuksan ang hood ng sasakyan para ipasok lahat ng mga gamit na gagamitin sana sa pagpapalit ng gulong. Tumulong na rin si Ashton. Siya na ang nagbuhat ng spare tire pabalik doon. Nang matapos ay pinagbuksan niya ito ng pinto ng kanyang sasakyan. Nagpasalamat naman ang babae sa pinakita nitong gentleman act. Habang abala na siya sa pag dadrive ay napansin niya mula sa gilid ng mga mata na nakatingin sa kanya ang babae. Nakangiting nilingon niya ito. “I’m sorry. I just realize familiar nga rin ang mukha mo sa akin,” paumanhin nito habang hindi pa rin maalis ang pagkakatitig sa kanya. “Talaga? Do you think we've already seen each other somewhere?" tanong niya dito. Sigurado siya sa sarili na nakita na niya ang maganda at maamong mukhang iyon ng  babae.  "Ah," nag-isip ulit ito, "I don't know." Ngiting kibit balitakat nito. Hindi rin nito matandaan kung saan nakita ang lalake. " You said you are from Manila. May bibisitahin ka ba dito?" pag-iiba nalang nito ng topic. "Yeah," tango niya, hindi masabi na isang bahay ang bibisitahin niya. Paulit ulit rin na napatango ang babae na ngayon ay nakatingin na sa harapan.  Tanaw na niya sa unahan ang malaking bakuran ng ancestral house na nabili niya. Napatuon ang atensyon nya doon.  "Isn't it beautiful?" saad ng babae patungkol sa lumang bahay na tanaw tanaw mula sa loob ng sasakyan.  "Yeah, it is beautiful," sang-ayon niya na hindi alam kung anong tinutukoy, ang bahay ba na dinadaanan nila ngayon o ang mukha ng babae na napakaamo at napakaganda sa kabila ng natural nitong itsura.  "Oh wow! Wala na yung for sale sign? Hindi kaya nabili na yang bahay na yan?"  Napatingin siya sa babae. Hindi niya masabi na siya mismo ang nakabili nito.  "When I came back here from the States, ang bahay agad na iyan ang napansin ko, iba ang ambiance niya unlike before. It’s weird but it’s seemed like I always get  hypnotized everytime madadaan ako dito. You know what, it's been awhile since on and off iyan sa market. Bata palang ako ipinagbibili na iyan. Pero kahit pinupull out nila iyan sa market hindi parin nila inaalis ang for sale sign, ngayon lang," kwento nito. Palingon lingon lang siya sa babae habang nagsasalita ito.  "Really? Do you know something more about the house?" tanong niya dito nang makalampas na sila sa malaking lote ng lumang bahay. "Hmm… Not much. Ang pagkakaalam ko lang iyon ang pinaka matandang bahay dito sa amin. Kwento pa ng Lola ko, isa sa prominenteng pamilya daw ang nakatira doon dati. Pero bigla nalang inabandona yan dahil sa nangyaring trahedya sa kanilang pamilya. Marami silang naikwento tungkol sa bahay na iyon dati pero maliit pa ako noon kaya hindi ko na maalala."  Nakikinig lang siya dito. Konti lang ang ikinuwento sa kanya ni Mang Berting tungkol sa bahay na iyon kaya interesado siya ano man ang marinig niyang impormasyon mula doon. "Dito na tayo!"  Parang bigla siyang natauhan sa sinabi nito. Agad niyang itinabi ang sasakyan . "Is this your house?" sinilip niya ang may kalakihan na may pagka old style rin na bahay. Medyo may halo na nga lang din itong modern touch.  "Yes. Thank you so much sa pagtulong at paghatid sa akin. I appreciate it. Ipapaayos ko nalang ang car ko sa tiyuhin ko and siya nalang bahala magdala dito," sabi pa ng babae habang nagreready na palabas ng kanyang sasakyan.  Nakangiti lang siyang tinanguan ito.  "Nice meeting you Ashton!" inilahad ulit nito ang palad sa lalake.  "It was nice meeting you too Ellie! And you're welcome!" nakipag kamay din siya ulit sa babae. Improving ang memory niya today. Naalala niya ang pangalan nito. Pinakiramdaman niya ulit ang tila kuryenteng naramdaman niya kanina nang unang mahawakan niya ang kamay ng babae. Wala na iyon kaya medyo matagal niyang napisil ang kamay nito.  Nang makalabas na si Ellie sa kanyang sasakyan ay hinintay niya itong makapasok sa gate ng bahay. Nakita niyang sumalubong dito ang isang batang lalake kasama ang tulak tulak na isang matanda na nakasakay sa wheel chair. Tuwang tuwa si Ellie nang makita ang matandang walang kaimik imik at parang blanko ang mukhang nakatingin sa kawalan. Nagmano ito dito.  Doon ay saksi siya sa biglang pag-iba ng reaksyon ng mukha ng matandang tinawag na Lola Florencia ni Ellie. Mangha itong naitulak ang babae at tila takot at pautal-utal na may binabanggit. Napalabas siya ng sasakyan niya at lumapit sa mga ito. Natuon sa kanya ang paningin ng matanda. Lalong naging agresibo ang mga ikinikilos nito. At tila nagwawala na at nagsisisigaw. Mula sa loob ng bahay ay may lumabas na ilang may katandaang lalake at babae na pakiwari niya ay mga magulang ni Ellie. Sumaklolo ito at pinakalma ang matanda. Sa likod ng mga ito ay may isa ring matandang babae na naka tungkod at napatulala nang makita silang dalawa.  “It's ok, we can handle this. Kagagaling lang kasi nila sa byahe. Baka napagod lang. Thank you ulit Ashton!” isinarado nito ang gate at bumalik na upang alalayan at ipasok ang matandang iyon sa loob ng bahay. Medyo naguguluhan naman siyang napabalik rin sa loob ng sasakyan na maya maya rin naman ay pinaandar na ito at nagmaneho pabalik sa lumang bahay. Magdidilim na nang makarating siya doon. As usual magaan sa pakiramdam tuwing nakakapasok siya sa lumang bahay na iyon. Mahigit isang oras din siyang nag-stay doon para ilista ang mga bahagi ng bahay na kailangan ayusin, maya maya ay umalis na rin siya at umuwi sa condo sa Maynila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD