September 25, 1932. Maingay ang paligid sa hiyawan ng mga tao at tugtog ng pang-disko na musika noong gabing iyon. Ika-labindalawang kaarawan ng kanilang bayan, at ang lahat ay masayang nagdiriwang. Simula pa noong hapon ay nandoon na ang mag kasintahan na sina Alejandro at Eleonor. Tuwang tuwa ang mga ito na nanood ng mga palarong bayan. Tumulong rin sila upang mamahagi sa mga tao ng mga pagkain na inihanda ng pinuno ng kanilang baryo. Pagsapit ng gabi ay patago silang nakisali sa maraming tao upang makisaya sa sayawan sa gitna ng plaza. Buong araw din nilang hinanap si Benjamin. Ngayon palang ito hindi dumalo sa ganitong klaseng okasyon. Karaniwan na nilang matatagpuan ang lalake na nangunguna at sumasali sa mga palarong bayan. Ngunit ngayon ay nakapag tataka na wala ito doon at ila

