SILAKBO

1493 Words
“Dali, Angel. It’s a matter of life and death!” Patakbo na kami papunta sa Elite Room na sinasabi niya. Halos mabuwal na ako sa kakatakbo namin. “T-teka sandali, Wetty ang sakit ng paa ko. Ano ba nangyari?” Huminto si Wetty at biglang tinakpan ang bibig ko. “Huwag kang maingay. Exclusive lang kasi ang area na ito. Lalo na at pag nandito si Boss!” Napatigil na lang ako. Lalo ako kinabahan. E, ano kaya ang sinasabi niya na it’s a matter of life and death? May nangyari ba sa Boss? Umakyat kami sa isang hagdanan. Hindi na kami nag elevator. Kaya lalong sumakit ang mga binti ko. Ito yong pinakatuktok na ng building. Tapos sa isang pinto ay may nakatayong dalawang lalaki. Mukhang mga bodyguard. Ang lalaki ng mga katawan. At mga mukhang goons. Salubong ang mga kilay. Pinahinto muna kami at sinipat ako. “Sino siya?!” Tanong ng isa. “Mapagkakatiwalaan ba iyan?” “O-oo.” Sagot ni Wetty. “Papasukin niyo na siya.” Lalo akong kinabahan. Hindi ako sasamahan ni Wetty sa loob? “Pumasok ka na sa loob, Angel, bilis!” Halos itulak na ako ni Wetty. Muntik pa ako masubsob pagkapasok. Dim din ang ilaw sa loob. Mas malaki ang silid. Halos kasing pareho lang ng disenyo sa VIP room pero mas pinaganda lang ito. Iginala ko muna ang paningin. May sofa na mahaba din na pa korting kurbada at may nakaupo roong isang lalaki nakasandal na halos gusto na humiga. Nakapikit at nakatingala. Mukhang pagod. Gwapo ang mukha. Rugged type. May balbas. Medyo curly ang buhok at magulo. Siguro ay nasa early 40 palang ito o late 30's na. Naka-suot ng leather jacket na black at hawak ang tagiliran. Dugo. May dugo sa tagiliran niya. Dumilat ito. Napalunok ako ng tuyong laway sa kaba. Bakit duguan siya? “You….” Anito. Baritono ang boses. Malalim. Pakiramdam ko nanginginig ako hindi sa sobrang lamig ng aircon. Kundi sa presensiya ng lalaking ito. Hindi pa ako tuminag. “I said, you!....come here!” Halos pasigaw na sabi nito sa akin. Parang doon palang ako natauhan. Mukhang nakakatakot kasi ang boses niya. Lumapit ako sa harap niya ng dahan-dahan. “S-sir, you’re bleeding…” Nginig ang boses ko. “I know!” Sigaw nito. Napaigtad na naman ako sa boses niya. “You, you know how to stop the bleeding?” Natigilan muna ako. Bago sumagot. “Dapat sa hospital na lang po kayo pumunta, Sir….” “Damn it! I am asking you if you know how to stop the bleeding….!” Sigaw niya ulit. Napagalaw ang balikat ko sa sigaw niya. Nagpalinga ako. Siguro naman merong first aid kit dito sa lugar na to. Sa sulok ay may nakita akong maliit na kabinet. Dali-dali kong pinuntahan iyon at binuksan. First aid kit nga. Nakatingin lang siya sa akin. Pagkatapos ay lumapit ako sa harapan niya at lumuhod. Binuksan ko ang kit. Kumpleto naman. May gloves, may antiseptic, cotton, gauze pad, bandage, gunting at forcep. Maganda ang kit. Advance kit. Sinuot ko muna ang gloves pagkatapos ay tumingin ako sa lalaki. “Ahm, S-Sir, pwede ko po ba tignan ang sugat?” “Go ahead…” Mahinahon na ngayon ang boses niya. Dumadaloy pa rin ang dugo. Itinaas ko ng konti ang suot niyang damit. Bandang lower left quadrant ng abdomen niya. Familiar naman ako sa ganitong situation dahil napagdaanan ko naman ito noon nag-ojt ako sa isang ospital. Tinignan ko ang lalim ng sugat. Hindi naman siya ganun kalalim. Yun nga lang ang daming dugo. Napansin ko na may kumislap. Bala. “S-Sir, may bala po sa sugat ninyo.” “Then, remove it!” Asik na naman nito. “P-po?!” “I said, remove it!” “P-Po? H-Hindi po ako allow sa mga ganitong bagay, Sir.” Bigla may hinugot siya sa kabilang tagiliran niya. Napalaki ang mga mata ko. Baril. Ipinatong niya ito sa lamesa sa harapan namin. At lumagok siya ng alak. Pagkatapos ay ibinaling niya ang paningin sa akin. “Remove it!” Nanginginig na ang mga kamay ko. Para akong na shock. Napaisip ako. Papatayin niya ba ako pag-hindi ko susundin ang nais niya? Or kung susundin ko naman pero pwede kasing ma-infect ang sugat. Kailangan pa rin matahi. “What?! aren’t going to do it?” Nanginginig ang mga kamay ko. Halata na ang nginig. Nakatingin siya sa akin. Medyo malalim na ang mga mapupungay niyang mata. “You’re shaking! I need a steady hand!” May kinuha siya sa ilalim ng lamesa. May maliit na drawer doon. Tinignan niya ito. “f**k! I can’t read the label!” Kumuha siya ng baso at nilagyan ng tubig na nasa mesa at iniabot sa akin. “Here, drink this. Its make you calm.” Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Tinanggap ko naman ang pildurang binigay niya. Saka ininom. “Now, do it!” Napaigtad na naman ako sa lakas ng boses niya. Dahan dahan kong dinampot ang forcep. Binuhusan ko muna ng antiseptic tapos ibinuka ko ng bahagya ang sugat napapikit ako dahil panay pa rin ang agos ng dugo. Kumilos muna siya sandali. Kaya napatigil ako. Hinubad niya ang jacket at ang suot niya long sleeve. Kahit duguan siya tumambad sa akin ang mala-pandesal niyang abs. Kaninang nerbiyos ko ay parang napalitan ng kilig. Ano ba ito? Bakit parang kinikilig at nang iinit ako? Pakiramdam ko ay nilalagnat ako. Bigla kong tinanggal ang nakabutones na malapit sa cleavage ko kaya bumuka ito ng kaunti at lalong tumambad pa ang kalalilam ng dibdib ko. Alam kong nakatingin siya sa akin kaya hindi ako maka-focus. Bumalik ako sa sugat niya. Ibinuka ko ng bahagya para lumantad ang bala ng makita ko ay agad ko itong inipit ng forcep. Bigla siyang napaungol sa sakit. “Ump! f**k!” Napapikit siya sa sakit. Tapos sabay hila ko ng bala. Buti nakisama naman agad ang bala at natanggal ko kaagad. Inilagay ko ito sa ash tray. Tapos dali-dali ko ng kinuha ang gasa at tinakip sa sugat. Medyo madiin para mag stop ang bleeding. Basa agad ng dugo ang inilagay kong gasa kaya dinagdagan ko pa. At pagkatapos ay binindahan ko na paikot sa bewang niya. Halos malapit na sa mukha ko ang katawan niya habang ginagawa ko iyon. Napapalunok ako ng marami dahil nag-iinit ang katawan ko. Ano ba kasi ang pinainom niya sa akin? Pakiramdam ko parang gusto kong magwala. Pagkatapos ay tumayo ako. Hindi ko alam kung nasa katinuan pa ba ako kasi natatakam ako sa katawan niya. Napahawak ako sa ulo ko. Unconsciously, tinanggal ko ulit ang butones ng suot kong blouse. Napansin niya ito. “What are you doing?” Binuksan ko pa ang isa pang butones at tumambad na buong dibdib ko na may bra. “Anong ginawa mo sa akin? Bakit ganito? Bakit ako nang-iinit? Ano ang pinainom mo sa akin?” Bigla siyang natigilan. Nagtataka. Bigla niya ulit kinuha ang pinainom niya sa akin na kanina ay pilit niyang binabasa ang label nito. Tinignan niya ulit. Napamura ulit siya. “Putangina! Bakit nandito pa rin ito?" Nang ibinalik na niya ang paningin sa akin nahubad ko na ng tuluyan ang blouse ko. Napahinto siya. Hindi makapaniwala sa nakikita. “Anong ginagawa mo?” Mahina niyang sabi, tila siya pa yong naguguluhan. Humakbang ako palapit, ramdam ang init na unti-unting kumakalat sa buong katawan ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. “Ikaw… may ginawa ka sa akin,” bulong ko, nanginginig ang boses. Bigla akong pumaibabaw sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko iyon. Ang alam ko. Gusto ko siya. May urge akong nararamdaman. Parang gusto ko magpagalaw! Bigla siya napahawak sa beywang ko ng umupo ako sa harapan niya na nakakandong. Wala nang ibang nasa isip ko kundi siya. Siya. I want him. Nagsalita siya. “I am so sorry, Miss. Mali ang naibigay kong gamot sa iyo. Instead na pangpakalma, pampalibog ang napainom ko.” Napatigil ako. Pero mahigpit na ang hawak niya sa beywang ko. Halos magkalapit na ang mga mukha namin. Dama ko na nga ang hininga niya. Ang bango. Gusto ko halikan niya ako. Hindi ko pa naranasan ang mahalikan. Pero dito sa lalaking ngayon ko lang nakita. Gusto ko na magpahalik. At ako pa mismo ang nakakandong sa mga hita niya. “Kiss me.” Usal ko. May lambing. Napangiti siya. Pumungay ang mga mata niya. Lalo siyang gumwapo. Nakahawak na ako sa matipuno niyang dibdib. Pero iniiwas ko doon ang sarili sa sugat niya. Mukhang huminto na ang pagdurugo. Napangiti siya—pero may kakaibang dilim sa mga mata niya. “You don’t know what you’re asking for…” mahina niyang sabi. Pero hindi na ako umatras. Hindi ko na kayang umatras. Mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko, tila pinipigilan pa ang sarili. At sa isang iglap, hinila niya ako papalapit sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD