“Who are you? What am I doing here?” Tanong niya ulit. Tapos napatingin siya sa relo niya at tumayo.
“Oh my God! Bakit ako napunta rito?” Napatingin siya sa akin. Tapos ngumiti. Hinawakan niya ako ulit sa braso.
“P-pasensiya ka na iha. Naabala pa kita. Ano ba ang ginawa ko. Wala akong matandaan.”
“A, e. Nakita ko po kayo sa may stoplight balisa po kayo at mukhang takot. Tapos kumapit po kayo sa akin.”
“Ganun ba?” May kinapa siya sa bulsa ng pants niya. Inilabas niya roon ang cellphone na nagba-vibrate.
Sinagot niya ito. “Hello!.....sunduin mo ako rito sa may katabi ng mall sa may park circle. Alright. I will wait here.” Anito.
Pagkatapos ay pinatay na niya ang tawag. “Pasensiya ka na iha, nawawala kasi ang memorya ko paminsan-minsan. Kaya hindi ko alam ang ginagawa ko.”
Tumango lang ako. “Mas mabuti po siguro ay doon na lang po kayo banda sa may guwardiya habang nag-aantay po kayo sa sundo ninyo. Baka po bigla kayo atakehin e, mawala po kayo ulit.”
Napatingin lang siya sa akin. Tapos nagsalita. “Ayaw mo bang ihatid kita sa pupuntahan mo?”
‘Huwag na po. Malapit lang naman po ang pupuntahan ko nasa likuran lang po nitong building.”
“Masuklian ko lang ang kabutihan mo iha.”
“Okay lang po. Sige po ihatid ko po kayo roon sa may guwardiya ng building.”
Pagkalapit namin ay parang nagtaka ang guwardiya at sumaludo sa matanda.
“Sir?” Napatingin ito sa akin at pagkatapos ay parang may sinenyas ang matanda sa kaniya.
Hindi ko na pinansin iyon dahil nagmamadali na rin ako.
“Mamang guwardiya, pakisuyo po ito si Sir, nag-aantay lang po siya sa sundo niya. Huwag niyo po siya hayaang umalis hanggang wala po ang sundo niya.”
“Okay po, maam no problem po ako po bahala.” Tapos kumindat pa ito sa matanda.
Naisip ko magkakilala ba sila?
Hindi ko na rin pinansin kaya nagpaalam na ako.
At nagmadali na akong umalis.
Pagdating ko sa club. Ay agad akong nagtanong sa guard.
Sabi ko ay ako si Angel na pinapunta ni Mariposa.
Sabi niya doon ako dumaan sa employee’s entrance kaya nagmadali naman ako. Dahil mag-alas nuebe na ng gabi.
Mukhang marami nang tao sa loob.
Pumasok ako sa employees entrance sa bandang likuran ng building at pagkapasok ko ay nakasalubong ko ang mga babaeng naka-puti ang blouse halos luwa ang cleavage at naka-skirt ng itim na maigsi.
Pag-tumuwad ito ng konti siguradong kita na ang mga singit nito.
May mga suot itong maskara. Kaya hindi mo makikilala ang mga mukha.
Naka-suot din sila ng mataas ng boots.
May mga hawak na itong mga tray at nagmamadali ng lumabas papunta sa pinakabulwagan ng club.
Napatigil ako. Hindi kaya ito ang uniform ng mga waitress dito?
May isang lalaking lumapit sa akin. Pakinding-kinding ang lakad.
May hawak na vape sa kanang kamay.
Pagkalapit ay na-meywang ito at sinipat ako. Taas baba ang tingin.
“Sino ka? Anong kailangan mo?”
Baklita pala ito.
Nginitian ko siya. “Ahm, good evening po ako po si Angel. Ako po yong pinapunta ni Mariposa.”
Tumaas lalo ang kilay niya.
“A, ikaw pala ang Angel.” Tinignan ako ulit taas baba. “Mukha ka ngang Anghel na galing sa langit, at nang mapadpad dito sa lupa ay nawalan ng pakpak at naging sisiw na basa. O, hala! Pumunta ka na sa room na iyan at magpalit ka. Madami kasing tao ngayon. Kailangan ko ng maraming tao. After work na tayo mag-usap about you. Teka, pasamahan kita kay Wetty.”
Nang makita ang tinutukoy ay tinawag niya ito. “Wetty! Pakisamahan nga itong Anghel para makapagpalit na ng uniform.”
Lumapit naman ang Wetty sa amin. “Yes po manager. Halika doon tayo.” Yaya nito sa akin.
Si Wetty ay isang janitor doon sa club. Kaya pagpasok namin sa isang kwarto ay may mga naka-hanger na na mga damit na uniform doon.
“Sige magpalit ka na. Alam kong sakto naman iyan sa iyo kasi halos magkakasing-sukat mo lang din yong mga server namin dito. Huwag kang mag-alala bago lahat iyan. Tsaka sa iyo na iyan pag sinuot mo na. Libre iyan dito sa mga empleyado.”
“Ganun po ba? Matagal na po ba kayo rito?” Tanong ko habang nagpapalit. Hindi naman ako nahiya dahil babae naman siya at may edad na rin.
“Oo, matagal na rin. Mabait kasi si Bossing. Kaya tumagal na din ako rito. Iyon nga lang ay susundin mo lang ang bawat utos niya.” Kwento nito.
Nang masuot ko na ang uniforme ay sakto lang hapit sa katawan ko. Iyon nga lang medyo nailang ako kasi labas ang cleavage ko. Hindi pa naman ako sanay sa ganitong damit.
Tapos ang maigsing palda. Naku, ang problema naka-panty lang ako. Sigurado ako pagtuwad ko kita talaga pati singit ko.
Napatigil si Wetty. Nang makita ang suot ko.
“Wow, ang ganda mo pala sexy. Bagay sayo. Tsaka lalo kang tumangkad sa boots na suot mo.”
Napailing ako. “Hindi ko alam kong tama ba itong ginagawa ko. First time ko lang kasi pumasok sa trabaho tapos sa ganito pa.”
“Disente ang club na ito. Halos mga nandito pumupunta ay mga kilalang tao. Sige, lumabas na tayo. Isuot mo itong maskara.”
Kinuha ko naman sa kaniya at isinuot.
“Dali baka mapagalitan tayo ni Manager.”
Lumabas kami sa kwartong iyon at pumasok naman kami sa isang kwarto na may nakapost na Managers office.
Kumatok muna si Wetty tapos ng may nagsalita sa loob na “Come in!” ay binuksan ni Wetty ang pinto.
Napatigil sandali ang Manager na bading kanina ng makita ako. Tumaas na naman ang kilay.
“I-aassign kita sa VIP ROOM. Para hindi ka mabigla sa sobrang dami ng tao sa main club.”
Tumango lang ako.
Pinasamahan niya ako ulit kay Wetty sa VIP ROOM.
Pumasok kami ng elevator at pinindot ni Wetty sa may pinakataas na floor.
Hindi ako mapakali. Lalong tumitindi ang kaba ko.
Panay hila ko sa mga daliri ko isa-isa.
Ginagawa ko ito pagkinakabahan.
Napansin iyon ni Wetty. Napangiti siya sa akin.
“Relax ka lang. Ganyan din ako noong first time ko rito.”
Pilit akong ngumiti.
Pagkarating namin sa taas at pagkabukas ng elevator, kakaiba ang vibe. Tahimik. Walang tao.
Sumusunod lang ako kay Wetty. Parang nakakatakot naman wala namang katao-tao sa floor na ito.
Kumatok si Wetty sa isang room.
Ilang katok pa. Walang bumukas.
Kinuha ni Wetty ang susi sa bulsa at binuksan.
Pagkabukas ay pumasok kami. Binuksan niya muna ang ilaw.
Dim lang ang ilaw.
Maganda sa loob.
May couch na mahaba na pa korting kurbada na yari sa leather. May maliit na chandelier sa taas ng katapat ng table sa gitna.
May mini bar sa sulok ng room.
Nilukob na agad ng lamig ng aircon ang buong silid pagkabukas ni Wetty dito. Kaya tumayo lahat ng balahibo ko sa lamig. Dagdag pa ng nerbiyos ko.
Tinuro ni Wetty lahat ng mga gagawin ko roon. Simula sa mga alak.
Kaya sina-ulo ko sa utak ko ang mga itsura ng mga ito.
Ang mga basong ginagamit. At iba pa.
Medyo na kakabisado ko na.
Lumabas muna kami sa silid na iyon at pumunta kami sa isang room sa kabilang bahagi ng floor na iyon.
Sa loob na iyon ay may mga tao. Natigilan ako dahil mga kilalang tao ang nanduon.
Nag-iingay sila nagkakatuwaan. May mga kasama silang mga babae. Puno ng usok ng sigarilyo ang silid.
May dalawang server na nanduon at sumenyas na tumulong. Pinakilala ako ni Wetty sa kanila at agad ay tumulong naman ako sa gagawin.
Umalis na si Wetty.
Tatlong oras halos na puro serve ng alak at pagkain sa mga VIP customer ang ginawa.
Nagamay ko rin ang mga ginagawa ng isang serbedora.
Naramdaman ko na lang sumakit na ang tuhod ang binti ko sa paroo’t parito.
Halos hindi kami nag-uusap ng mga kasama ko. Dahil abala din sila.
Ngiti lang ang usapan namin. Kahit hindi namin kita at kilala ang bawat mukha dahil sa suot naming maskara.
Mga bandang alas dos na ng madaling araw ay nag-siuwe na ang iba. May ilan pa na nanduroon nag-uusap na lang.
Kaya medyo nakapag-pahinga kami sandali.
Narinig ko nag-uusap ang dalawang kasama ko pabulong.
Narinig ko mga pulitiko at mga kasosyo sa business ang mga nanduon.
Hindi kasi ako nakatingin sa mga mukha ng mga tao roon. Hindi rin ako masyado nanonood ng mga balita kaya hindi ko rin kilala ang mga sikat na pulitiko.
Napansin ko bumukas ang pinto at pumasok si Wetty tila nagmamadali humahangos.
Sa akin siya lumapit.
“Hiramin ko muna si Angel.” Anito.
Sabay hila sa akin. “Bilis kailangan kita sa Elite Room, nandyan si Boss!”
“Ha?!” Hinila niya ako bigla at patakbo kaming lumabas na ng VIP ROOM.
Ano kaya ang nangyari at sobrang balisa naman ito si Wetty. At nandiyan daw ang Boss.