Bumaba kami sa tapat ng isang malaking factory. Hinayaan kong si Andre ang magbayad sa'min dahil sabi naman niya na siya raw ang bahala. Maraming mga trucks sa labas at may kahon din doon. May mga ilang trabahador din na nagsisimula ng magtrabaho.
Lumapit si Andre sa isang lalaking nakasuot ng hard hat habang abala sa pagsusulat sa papel. Nakasunod lang ako kay Andre dahil hindi ko alam kung anong trabaho ang ipinunta niya rito.
"Espinosa?" tawag niya kay Andre. Ito siguro ang surname niya. Ngayon ko lang nalaman.
"Yes, sir," sagot ni Andre.
"Late. 13 minutes," sabi pa nito at medyo nanlaki ang mga mata ko. Dahil siguro sa'kin kung bakit siya na-late. Gosh!
"Sorry, sir," sagot ni Andre at binigyan ko siya ng 'sorry-look'. I feel so guilty!
"Sige, trabaho na," sagot ng lalaki na mukhang siya ata ang manager dito. Muling itong nagsulat sa papel pero agad ding napatigil nang mapansin ako.
Tumingin akong gulat sa kanya dahil nakakatakot pala ang histura niya. Mukhang siyang stress na hindi maintindihan at mukhang hindi maganda ang umaga niya. "Ikaw?" tanong niya sa'kin.
Napaturo ako sa sarili. "Ako po?"
"Anong kailangan mo? Magtatrabaho ka ba?" tanong niya sa'kin.
Kahit hindi alam kung anong gagawin kong trabaho ay sumagot ako. "Opo, sir."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya kumunot ang noo ko. Isa ba sa requirement ang fashion?
"Ah, hindi po, sir." Napatingin kaming dalawa kay Andre. "Kasama ko lang po siya."
Sinamaan ko siya ng tingin. Pinangungunahan niya ba ako?
"No, sir," sabi ko at napunta naman ang tingin nila sa'kin. "Magtatrabaho po ako." Tiningnan ko si Andre at mukhang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. Sasabihin na naman niya sa'kin na makulit ako.
"Sigurado ka ba ryan?" tanong ng manager at agad akong tumango.
"Yes, sir."
"Sige, basta mag-iingat," sabi pa nito at ibinigay sa'kin ang isang papel. "Buong pangalan." Turo niya pagsusulatan ng pangalan at tumango ako.
Wyssa Lucille Jeremiah Santos.
Sa sobrang haba ng pangalan ko ay hindi na magkasya dahil maliit lang ang space.
Matapos kong magsulat ay ibinigay ko iyon kay Andre at siya naman ang nagsulat ng pangalan niya.
"Magsimula na kayo at sayang ang oras," sabi ng manager matapos maibigay ni Andre ang papel. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala ang walk-in job. "Buhatin niyo na yung mga box sa loob. Pagbutihin niyo dahil mahahalaga ang mga iyan."
Nanlaki ang mga mata ko roon. Magbubuhat kami?! For heaven's sake, nakaheels ako! At saka yung mga nagbubuhat ay mukhang nabibigatan base sa mga countenance nila.
Umalis ang manager sa harapan namin at napatigin ako kay Andre. "Wala bang iba?" tanong ko. Sana man lang ay nagkaroon na ako ng idea kung bakit maraming box sa labas ng factory. At sana rin nagtanong na ako, para alam ko.
Napangisi si Andre sa tanong ko. "Makulit ka kasi."
"Hindi ko naman alam," sagot ko. And now, I learned the importance of asking questions.
"Kilos!" sigaw ng manager sa'min kaya agad kaming napakilos ni Andre. Pumunta kami sa likod ng truck at kumuha ng bubuhatin na box.
Kumuha ako ng box at hindi ko pa man ito tuluyang naiaangat ay nabigatan na agad ako. Jusko! Ano bang laman ng mga ito at sobrang bibigat!
I heard Andre tsked before helping me with my box. Tinulungan niya ako sa pagbuhat nito pero agad kaming nasita ng manager.
"One box per person! One box! Kaltas yan sa sweldo!" sigaw nito. I gathered all my strength to carry the box. At nung makaya ko na ay pinalayo ko si Andre para makapagsimula na siyang magbuhat.
"Kaya mo ba?" tanong niya sa'kin.
"Oo," I assured him but I really don't know if I can.
"Hindi e," sabi pa niya, handang tumulong.
"Okay lang!" I said. "Makakaltasan tayo sa sweldo!"
"Okay lang," sagot niya at agad akong umiling. "Kaysa naman mahirapan ka."
Napangiti ako. Hindi ko alam kung totoo yung pag-aalala niya sa'kin pero sasaya talaga ako kung totoo nga iyon.
Umiling ulit ako. "Kaya ko 'to. Go na," I pushed him a little. "Go."
Simple siyang ngumiti sa'kin bago bitawan ang box at kumuha ng sarili niya. Nabigatan ako sa dala ko pero siya ay wala man lang karea-reaksyon sa dala niya.
Sanay na siguro. Because his biceps were telling me. Ganda ng view.
As I was on my way to the entrance of the factory, my limbs were shaking. Mukhang hindi ko kakayanin dahil ang bigat talaga nila. Wala atang magaan na box dito!
But I was thinking about money so I pushed myself to carry the box all the way to the storage. Pawisan ako nang tuluyan ko nang malagay ang box sa tamang pwesto nito.
Andre was guiding me where to put the box kaya hindi ako masyadong nahirapan. I was worried about my heels. Pakiramdam ko ay bibigay ang heels ko dahil sa mga dala dala ko. And my posture wasn't even great.
After hours of carrying boxes, it was finally breaktime. Nakaupo ako sa likod ng truck at minamasahe ang sariling paa dahil masyadong maraming lakad ang nagawa ko. I was thinking about using carts to carry boxes but they don't allow it due to its fragility.
Hindi ko alam kung saan nagpunta si Andre. Bigla na lang kasi siyang nawala kanina sa paningin ko.
Habang minamasahe ang paa ay napadako ang tingin ko sa isang bookstore di kalayuan sa'kin. Pumasok sa isip ko ang coloring book na gustong bilhin ni Andre kay Joana.
Napangiti ako sa naisip ko at agad kong isinuot ang heels at nagtungo sa bookstore. Hinanap ko kaagad ang coloring book na kapareho sa tiningnan noon ni Andre.
Hangga't maaari ay kailangang kaparehas niyon ang bibilhin kong libro. This was a different store but I was trying hard to look for the same coloring book.
Nang makakita ay dinampot ko ito at tiningnan ang price. Hindi na ako non nagulat na medyo may kamahalan nga ito. Dati ay hindi ako nanghinayang sa price niya pero ngayon ay iba na ang ihip ng hangin.
Tiningnan ko ang wallet ko only to find a 5 pieces of one thousand peso bill. As my life went through, I'm starting to value money than before.
Ganito pala kaimportante ang pera. Medyo nagsisi ako dahil madalas akong mag-over spend sa mga damit lalo na kapag kasama ko sila Terry.
How can I survive with just having 5 thousand in my wallet? I sighed.
Napadako ang tingin ko sa card na binigay sa'kin ni Mommy. I was lucky enough hindi ko pa ito naisasauli. But I was second-guessing myself to use this card for this. Nate-tempt akong gamitin dahil wala na akong pera.
Napailing ako. Dapat ko lang siyang gamitin kapag may emergency. Natatakot din naman ako na baka ipa-freeze pa ito ni Mommy once na malaman niyang ginagamit ko ang card niya.
Kumuha ako ng 2k sa wallet at binili ang coloring book na may kasama ng colors. It was okay for me to spend this much just for this. Alam ko namang magugustuhan ito ni Joana. Gusto ko lang din namang mapasaya siya kahit sa maliit na bagay lang.
Matapos mabayaran ay mabilis akong bumalik sa factory dahil baka hinanap na ako ni Andre. At tama nga ang hinala ko nang makita ko siyang palinga-linga sa daan. May kapit siyang street foods at may buko juice rin. Kaya pala siya nawala. Medyo naawa nga ako dahil mukhang nahihirapan siyang magdala non.
"Hey," sabi ko sa kanya at napunta ang tingin sa mga pagkain. "Is this for me? Thanks!" Kinuha ko na agad ang dala niya kahit hindi pa ito sumasagot. "Gutom lang." I smiled.
But the truth was, I just wanted to help him.
"San ka nagpunta?" tanong niya.
"May binili lang," sagot ko at uminom sa buko juice. Nakita kong kumunot ang noo niya kaya ipinakita ko ang binili ko. "Here."
Mas lalong kumunot ang noo niya kaya kinuha niya iyon at binuksan. "I bought that for Joana," sabi ko. "She likes to color, right?"
Wala akong makitang reaksyon sa mukha niya. May talent ata ito sa pagtatago ng nararamdaman. Pero sa mga mata niya, I could sense at least, that somehow, someway, he's irritated.
"Personal money ko yan," sabi ko sa kanya nang hindi siya sumasagot sa'kin.
I saw how his jaw moved. His countenance made me think that he's showing disapproval to what's happening. "Ako ang kapatid," sagot niya at nagulat ako roon. Inalis niya ang tingin niya sa'kin.
"I know but..." I trailed. Gusto ko lang makitang nakangiti si Joana.
Bakit parang mali pa ang ginawa ko?
Walang sabi-sabi ay ibinalik niya sa'kin ang binili ko. Tahimik ko yung kinuha at kumain sa isang tabi.
Hanggang ngayon ay mukha siyang iritado sa ginawa ko. I didn't get why. Anong mali roon?
Akala ko ay hindi na niya ako kakausapin pero mayamaya pa ay nagsalita siya. "Salamat pero, hindi mo talaga kailangang gawin yon."
I smiled sadly. "Okay," I answered but I knew that was just a show.
Bandang tanghalian na nang matapos kami sa trabaho namin. Sobrang pagod ako at gusto ko na lang mahiga sa kama. Masakit din ang paa ko dahil sa heels.
"Espinosa," tawag ng manager at lumapit si Andre. Kinuha nito ang sweldo niya ngayong araw na nakalagay sa white envelope. "And Santos."
"Thank you po," I gladly said nang matanggap ang sweldo. Worth it naman pala ang pagod dahil agad agad ding nakukuha ang sweldo. Hindi naman siya kalakihan, though. Pero malaking tulong na rin 'to.
"Makakauwi na kayo, bukas ulit!" sabi ni manager bago pumasok sa loob. Kami ni Andre ay nanatili lang sa labas ng factory habang abala siya sa pag-aayos ng gamit niya.
"Here," I handed him the envelope. "Sayo na."
Tumingin siya sa'kin at mukhang gulat siya at hindi naintindihan ang ginawa ko. "Take it, it's a gift," sabi ko pa.
"Para san?" tanong niya at isinara ang bag.
"Wala," sagot ko. "Tulong lang." Kinuha ko na ang kamay niya at kusang inilagay doon ang sweldo ko ngayong araw. "Alam kong hindi ka papayag. But I insist. Sige na."
"Pinagkahirapan mo yan," sagot niya.
"It's fine! Just consider this as may payment for letting me sleep in your house."
"Okay lang," pilit niyang binibigay sa'kin ang envelope.
"Please?" I made myself look cute.
"Wyssa," he called me and I could feel his seriousness. I clamped my hands together and I heard him sighed. "Hindi."
"Please?" I pleaded more.
"Hindi nga!" he shouted at me. Nagulat ako at napaawang ang bibig. Sinigawan niya ako. And this was the first time na pinagtaasan niya ako ng boses. "Ah, s-sorry." sabi niya.
"Hindi ko sinasadya, Wyssa."
Marahan lang akong tumango sa kanya at napatungo.
"Pero hindi talaga e," he handed me the envelope. Tahimik ko iyong kinuha at hindi siya matingnan ng diretso sa mga mata niya. "Salamat na lang."
Matapos iyon ay sumakay na kami ng tricycle para makauwi. Sabi niyang sa bahay na raw kami kakain ng tanghalian para nakakatipid. Buong byahe namin ay hindi ko siya kinausap. Hindi rin naman niya ako kinausap, which was awkward for the both of us.
Gusto ko lang naman tumulong. That was my only intention and it turned out bad.
Nang makarating sa bahay ay naabutan naming naghuhugas ng pinggan si Tita at magkasunod kaming nagmano sa kanya.
"Nandito na pala kayo," sabi niya. "Kain na."
"Sige po," sagot ni Andre at siya na ang naghain sa lamesa. Umupo muna ako sa sofa para imasahe ang paa. Nanginginig ang mga kalamnan ko dahil sa trabahong yun.
Napadako ang tingin ko kay Joana na nakaupo sa tapat ng pinto ng kwarto nila. Mukhang siya malungkot at walang gana. Ang isang kapatid naman ni Andre na Teddy pala ang pangalan ay nagsusulat sa notebook niya. Kaaawas lang ata nito sa school dahil naka-uniform pa siya.
Kinuha ko ang coloring book na binili ko kanina at lumapit. "Hi, may gift ako sa'yo," nakangiting sabi ko sa kanya. Umupo ako para magkapantay kami.
Ibinigay ko sa kanya ang coloring book. "Here."
I helped her to open it and a smile flashed on her face. "Regalo sa'yo yan ng Kuya Andre mo," sabi ko sa kanya. Hindi man ako lumilingon ay ramdam ko ang tingin niya sa'kin.
"Nagtrabaho siyang maigi para mabili yan," dagdag ko pa.
"Talaga po?" she asked weakly. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Bakas sa mga mata niya ang kasiyahan sa isang simpleng coloring book.
I looked over to Andre and I was surprised to see him looking at me. Very intently and he seemed irrirated.
Ayoko mang aminin pero mukhang galit siya. Pero saan? Bakit siya magagalit e wala naman akong ginagawang masama?
Nag-igting ang panga niya. Binigyan niya ako ng masamang tingin bago siya padabog na lumabas ng bahay.
Agad akong napatayo sa ginawa niya. Tumingin sa'kin si Tita na parang nagtatanong kung anong problema. Sila Joana naman ay naging abala sa coloring book.
"Ah, sundan ko lang po si Andre," paalam ko kay Tita at nag-aalala siyang tumango sa'kin. "Balik ako," sabi ko kila Joana at sinundan na si Andre sa labas.
Nakita ko siya roon na nakatungkod ang kaliwang kamay sa isang puno. Ang isang kamay at hinihilamos ang mukha na para bang sobrang dismayado niya.
Lumapit ako. "Andre..." Pinaglalaruan ako ang mga daliri ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko pa siya nakitang ganito noon. And it was terrifying seeing him like this.
"Andre-."
"Wag mo nang gawin yon," sabi niya nang akala ko ay hindi niya ako kakausapin.
As much I didn't want to question him, I couldn't. Nagtataka pa rin ako kung bakit siya ganyan. Hindi ba siya masaya na nakikitang masaya ang kapatid niya?
"Ano bang ginawa ko, Andre?" tanong ko sa kanya. He didn't even bother to look at me at nakakainis yun. "I saw how happy Joana. Hindi mo ba gusto yon?"
Sigh was his only answer to me. Ramdam kong may mali sa kanya pero hindi ko talaga alam kung ano yon.
"Kumain na tayo," sabi niya. "May pupuntahan pa ko." He then left me.
Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. I heaved out a heavy sigh as I looked over to what's in front of me.
Kahit isang malawak na field ang nasa harapan ko, kahit na nakakagaan iyon ng pakiramdam ay hindi ko maiwasang malungkot.
I feel so sad. And I kept asking myself what I did wrong.
Tahimik akong pumasok sa loob. Nakahanda na ang pagkain namin. Tahimik kaming kumain ni Andre. Balak ko nga sanang wag ng kumain kaso baka mas madagdagan pa ang galit niya sa'kin. At naawa rin ako kay Tita dahil pinrepare niya to.
Tanging ang boses lang ni Teddy at Joana ang naririnig ko dahil sa coloring book. Kahit si Tita ay nanatiling tahimik na parang alam niya na may mali sa'min. Hinayaan ko na lang iyon hanggang sa matapos kaming kumain. Ako na ang nagprisintang maghugas ng pinggan at hinayaan ako roon ni Andre, which was unusual.
Kung magkabati lang sana kami ngayon ay hindi niya ako hahayaan o kaya naman ay tutulungan niya ako. But that was fine. Besides, may pupuntahan nga pala siya.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Tita nang makapasok si Andre sa loob ng kwarto.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Opo, Tita. Pagod lang."
She didn't ask more about that. Tinapik niya lang ang likod ko at saka nagpunta kina Joana.
Natapos ako sa paghuhugas ng pinggan at sakto namang labas ni Andre sa kwarto. Hindi niya ako pinansin at sa halip at humarap siya sa salamin at nagsuklay ng buhok.
"Aalis ka na?" tanong ni Tita at lumapit sa'min.
"Opo," he answered without even looking at her. Busy pa rin siya sa pagsuklay ng buhok at pagtingin sa sariling mukha sa salamin.
Nagpunas ako ng kamay sa towel. "San ka pupunta?" I managed to ask.
Simple niya akong tiningnan. "Trabaho."
Kumunot ang noo ko. Trabaho? E bakit siya ganyan kung magsuklay? Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa salamin. Hindi naman siya ganyan kanina nung pumasok kami.
"Sasama ako," sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sa'kin at sa wakas at binitawan na niya ang suklay.
"Wag na," sagot niya na expected ko naman.
"Hindi yon tanong," pagalit kong sabi sa kanya at nilampasan siya para makapa-ayos sa kwarto. I knew, I was being rude to him, but I couldn't be nice when he's like this. I just couldn't.
Dahil wala naman akong damit ay ayon na lang ulit ang isinuot ko. I had no other choice kundi ang magtiis. I just sprayed perfume all over me and even retouched my face.
Hindi ko man alam kung anong trabaho 'to but willing naman akong masurprise. Balak ko na ring bumili ng mga damit ko kaysa naman lagi akong manghihiram kay Tita. Nakakahiya.
Nagpaalam kami kay Tita at sa mga kapatid niya bago kami umalis. And now, tahimik kaming naglalakad na dalawa. Nakatingin lang ako sa paligid namin at ineenjoy ang view habang siya ay nasa tabi ko.
Kahit may sikat ang araw ay hindi naman ito masakit sa balat kaya okay lang na maglakad kami. Mukhang malapit lang naman dahil hindi na kami nagsakay.
It was tempting to talk to him. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Baka kasi may masabi na naman ako na hindi niya gustuhin. Hindi ko pa naman alam ang takbo ng utak nito.
"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Finally, after minutes of silence, nakapagtanong na rin ako.
"Villa. Trabaho," sagot niya.
Tumango ako. "Anong trabaho?"
"Hardinero," sabi niya. Napakagat labi ako. Pinipigilan kong mag-comment sa sinabi niya. Curious talaga ako kung ano ang kinalaman ng todo pag-aayos niya sa paghahardin.
"Aren't you tired?" tanong ko. Kasi ako ay pagod pa rin. Kumain lang kami at yon lang ang naging pahinga namin. Tapos magtatrabaho na naman.
"Okay lang, kailangan e," sagot niya.
"You don't have any time for yourself," dagdag ko. Napapansin ko iyon. Gigising siya sa umaga na wala na siya sa tabi ko. Maliligo siya at papasok na walang laman ang tiyan. Uuwi tapos magtatrabaho na naman. "Hindi ka nagsasawa?"
"Kontento ako."
"Masaya ka ba? Those two are completely different things."
"Mapunan ko lang yung mga bagay na dapat si Tatay ang gumagawa, masaya na ko," he answered. "Okay na ron."
Tumingin ako sa kanya. He's so matured. Ever since his father died, siya na agad ang inaasahan. Kahit siguro magdamag at paulit ulit niyang ikwento sa'kin ang buhay niya, hindi ako magsasawa.
It was so satisfying hearing all those histories from him.
Nakarating kami sa tapat ng isang malaking bahay. Parang bahay namin sa Manila pero mas maraming halaman sa kanila. Marami ring bulaklak at kung ano anong herbs. Nandito na ata kami.
May guard sa gate pero nang papasok na kami ay hindi niya man lang kami hinarangan o ano. Nginitian pa nga niya si Andre at sa tingin ko ay kilala na siya rito.
Sumunod lang ako papasok sa kanya at agad ring napatigil nang may isang babae na tumakbo papunta kay Andre at agad siyang niyakap nito.
Kasing age lang siguro namin ang babae. Maputi siya at matangkad. But I could say that I was taller than her. Not because of wearing heels. Matangkad lang talaga ako.
And her hair was separated in two and was also braided. She looked nice.
Happiness was written all over her face as she hugged Andre. Doon pa lang ay nasasaktan na ako. But it got worsen when Andre hugged her back.
Wala akong masabi. I stayed quiet as I watched them. Ito ba ang dahilan kung bakit todo tingin si Andre sa salamin? Ito ba ang dahilan kung bakit todo suklay din siya?
Kung ito nga, then who was her?
I wanted to look away but I couldn't. Hindi ko man makita ang reaksyon ni Andre but I was betting my life that he's smiling.
Matapos ang ilang sandali ay naghiwalay na rin sila. Nahiya pa. Pwede naman hanggang mamaya.
"Kamusta ka na?" she beamed while holding his hands. Both of his hands. "It's been a long time!"
"Nakabalik ka na pala," sabi ni Andre.
"Yes, gladly! After a week of seminars, finally nakauwi na rin!" sagot niya. Isang linggo lang palang nawala, akala mong isang taong hindi nagkita.
As I was looking at them, napansin siguro niya ako kaya napatingin siya sa'kin. "Sino siya?"
Napatingin din ako sa kanya. She's pretty.
And with that thought, I started to doubt myself.
"Ah, kaibigan ko," sagot ni Andre at tumango naman siya. Ngumiti siya sa'kin at ngumiti rin ako sa kanya.
After that, nag-usap na ulit sila at nawala na naman ako sa eksena. I made myself busy with the flowers beside me. Kung may lakas lang siguro ako ng loob ay pati yung guard ay kinausap ko na.
Hindi ko naman alam na may ganito sa buhay ni Andre. But I trust him though. Sabi niyang wala siyang girlfriend at sana nga ay wala.
"Come with me, may ipapakita ako sayo!" Hila-hila niya si Andre kung san man sila pupunta. Hindi na nga siya nakapag-paalam sa'kin at sumama na lang bigla roon sa babaeng yon. Iniwan pa ako sa isang tabi. Partly, siguro kasalanan ko rin. I pushed myself na sumama rito.
Hindi ko alam kung susundan ko ba sila o ano dahil mukha na akong tanga rito. Kahit wala naman akong interes sa mga bulaklak ay parang nagkaroon na ako.
Pano nagawa sa'kin 'to ni Andre? He left me, for God's sake!
"Ah, excuse me." Napalingon ako sa nagsalita. "Magtatrabaho ka?" Isa siyang maid na mukhang dito nagtatrabaho. Kahit naman pala papa'no, I was saved by the maid.
"Opo," sagot ko.
"Sige, rito," sabi niya at nauna nang maglakad. Sinundan ko lang siya. Nang makalayo ay lumingon pa ako pabalik at nagbabakasakaling balikan ako ni Andre pero hindi. Wala, miski anino niya.
"Marunong ka naman sigurong mamitas ng mga ubas, ano?" tanong niya sa'kin nang makarating kami sa part kung saan maraming grapes.
Umiling ako. Hindi ko naman talaga alam.
Napangiti siya. "Ganto oh." Kumuha siya nito at ipinakita sa'kin. It was just about the size of my thumb. Kailangan din daw na color violet at iyon ang naging basehan ko para makapamitas.
She handed me a medium size basket. "May upuan dyan, sumampa ka na lang."
Tumango ako at umalis na siya. Umakyat na ako sa upuan at nagsimulang mamitas. Buong buhay ko ay hindi ko akalain na darating ako sa punto na mamimitas ako ng mga grapes.
I shouldn't be like this, because I'm more than this. But what can I do? Tatanga lang ba ako roon sa mga bulaklak? No. It's better this way.
Matapos ang halos tatlumpung minuto, napuno ko na ang basket. It was easy than I expected. Nakakangalay nga lang sa leeg but so far, nag-enjoy ako.
And in that span of thirty minutes, still, no trace of Andre.
Nabulok na ata yun sa babaeng yon. Masyadong nag-enjoy sa pakikipagkwentuhan at nalimutan na niya atang may kasama siya.
Huminga ako ng malalim at muling isinuot ang heels. Inis akong binigay ang basket sa maid. Pinabayaan na ako nung pisting yawa na yun! Nakakainis!
"Sunod ka sa'kin para makuha mo yung sweldo mo," sabi niya at walang imik na sumunod ako sa kanya.
Hindi ko alam na dadaan pala kami sa pool area. Nakita ko sila sa hindi kalayuan na nakaupo sa gilid ng pool habang mga paa ay nakalusob sa tubig.
Nagkukwentuhan din sila at masayang nakangiti ang babae. Si Andre ay nakikinig sa mga kwento niya at mukha naman nag-eenjoy siya.
Tuluyan na nga niya akong nakalimutan. At ang mas masakit pa, ang bilis.