Wala naman akong balak na makinig sa mga kwento nila. But they're so loud that's why I'm hearing them. It kinda annoys me.
"And that's what happened! That was funny, right?" masayang tanong ng babae. "I remembered I was laughing so hard!" Then she laughed.
"Masaya nga," komento ni Andre. "Pero kailangan ko nang magtrabaho e." Tumingin ako sa kanila.
"Wag ka ngang magmadali! I was gone for a week! Didn't you miss me?" tanong pa niya.
"Kailangan ko nang magtrabaho e. Saka may kasama ako," sagot ni Andre. I almost rolled my eyes. Buti ay naalala niya. But it's too late, I was done for today.
"Ako na ang bahala. I will tell Dad."
"Wag na," at umiling pa siya.
"Fine! You're so kulit!" pabiro niya itong hinampas sa braso. "But promise me you're gonna attend tomorrow, for my birthday party."
Hindi roon sumagot si Andre. And maybe I was looking to hard kaya nagkatinginan kami. Agad akong umiwas ng tingin and made myself busy with flowers... again.
"Hindi," I heard him answered.
"Eto oh," Napalingon ako sa maid nang inabot niya sa'kin ang isang white envelope.
"Thank you po," sagot ko at kinuha yon.
"Kailangan ko ng umalis e," napatingin ako kay Andre at nagulat akong papatayo na pala siya at papalapit na sa'kin. Bigla akong nataranta. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ahm, san po kayo pupunta?" tanong ko sa maid. Tumingin siya sa'kin na parang nagtataka.
"Ha?" tanong niya. "Ah, sa palengke."
Pasimple akong tumingin kay Andre. Nakatayo na siya at naglalakad na papunta sa'kin. Nakita ko rin ang babae na nakatingin sa'kin then she gave me a smile. I smiled a little.
"Pwede pong pasabay?" tanong ko. Habang papalapit nang papalapit sa'kin si Andre ay mas lalo akong natataranta.
"Sure ka?" tanong ng maid at tumango ako. "Sige, tara." Walang sabi sabi ay naglakad kami palayo sa kanila. Saglit akong lumingon kay Andre at nakita kong nakatingin siya sa'kin ng seryoso. Napatigil siya sa paglalakad.
I didn't know what was he thinking because he's really hard to read.
Inalis ko ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi naman niya tinawag ang pangalan ko. So I guess, hindi niya gustong mag-usap kami. At least, that's what I thought.
Kahit nahihiya ako ay nakisakay ako sa kanila papuntang palengke. Nagpababa ako sa isang local store nang makarating kami.
"Thank you po," I answered and waved a little before they were gone in my sight. Pumasok ako sa isang local store at doon bumili ng mga damit na mura lang, doon ko rin binuhos ang pagkainis ko kay Andre. And I made sure that I will buy only what I need.
Kailangan kong maging practical ngayong wala naman akong hawak na malaking pera. Most of the clothes I bought was casual wear. Hindi ko naman kailangan ng mga magagarang damit dahil lagi naman akong nasa bahay lang.
Namamangha akong lumapit sa isang pink na dress na sa tingin ko ay babagay kay Joana. “Cute,” I said to myself while imagining Joana wearing it. Napangiti ako.
Matapos mamili ay nagbayad na ako kasama ang dress para kay Joana. Deserve naman niya ang maging masaya. Bata pa si Joana. Dapat ang ginagawa niya ngayon ay ang maglaro at sulitin ang pagiging bata pero iba ang ihip ng hangin sa kanya at masyado iyong nakakalungkot.
Lumabas ako ng store matapos makapagbayad. Since nandito na lang din naman ako sa palengke, pumunta na rin ako sa public market at bumili ng mga prutas at gulay. Mabuti na lang ay sinasama ako madalas ni Nanay Q sa palengke at natuturuan niya rin ako kung paano pumili ng magandang quality ng mga gulay.
Huminga ako ng malalim matapos makapamili. I feel like I’m not me anymore. Hindi ko inaasahan na magagawa ko ang lahat ng ito. Sobra niyang layo sa kinagisnan kong buhay. I’m me, but better. I smiled at that.
I told you. I can live in poverty with you.
Sumakay ako ng tricycle dahil mukhang malayo kung lalakarin ko pa. Masyado nang pagod ang mga binti ko sa araw na ‘to. Nakarating naman ako ng safe sa bahay dahil kahit papano ay alam ko naman ang daan papauwi.
“Thank you, Kuya,” sabi ko sa diver at lumabas matapos makapagbayad. Pumasok ako sa bahay at agad na nagmano kay Tita.
“Oh? Bakit ikaw lang?” tanong niya habang lumilinga linga sa likuran ko. “Nasa’n si Andre?”
So, I guess, hindi pa siya umuuwi.
“Ah, nauna na po ako,” sagot ko at pilit ng ngumiti. “May binili pa po ako e.” Kinuha ko ang mga gulay at prutas saka binigay sa kanya.
“Para saan ‘to?”
“Para po sa pagpapatuloy niyo,” sagot ko.
Ngumiti siya sa’kin at hinimas ang kamay ko. “Nag-abala ka pa. Hindi mo naman kailangang gawin to e. Welcome na welcome ka rito.”
“Pasasalamat na rin po.”
“Pero salamat ha?” sabi niya. “Malaking tulong na ‘to.”
Si Andre lang naman ang may ayaw sa tulong ko.
Tumango ako. “Walang anuman po.” Ngumiti siya sa sa’kin at nagpunta ako kay Joana. Matamlay siyang nagkukulay sa isang tabi kasama si Teddy.
Umupo ako para magkapantay kami. “Hi. I have a gift for you.”
Tumingin siya sa’kin at binigay ko ang pink na dress. Kinuha niya iyon at tinulungan ko siyang magbukas.
“Wow,” tipid siyang ngumiti. Kung malakas lang siya ngayon, maybe I could see her smile.
“You like it?” tanong ko.
“Salamat po, Ate,” she hugged me. I was shocked at first but then I managed to hug her too afterwards.
“Salamat po, Ate Wyssa.” Napatingin ako kay Teddy at ngumiti. Nakalimutan ko nga pala siyang ibili.
“I’ll buy yours, next time,” sabi ko at tumayo saka sumandal sa lamesa.
“Talaga po?” Tumango ako.
“Salamat po talaga, Ate!” masaya siyang ngumiti. Ginulo ko naman ang buhok niya dahil magkalapit naman kami.
“Baka naman maubusan ka ng pera mo,” napatingin ako kay Tita.
“Okay lang po,” sagot ko. Honestly, natatakot talaga akong maubusan ng pera. But still, it was happiness who conquered.
“Sigurado ka ba?” tanong niya at tumango ako. “May problema ba kayo ni Andre?”
Agad akong umiling. “Pasok po muna ako sa kwarto,” paalam ko sa kanya at mabuti na lang ay tumango siya. Mabilis akong pumasok sa kwarto at naupo sa kama.
Ayoko munang dagdagan pa ang pagod ko. Gusto ko na lang magpahinga.
Huminga ako ng malalim at doon nakaramdam ng pagod. Tinanggal ko ang suot kong heels at saka minasahe ang mga binti.
“Kapagod,” sabi ko sa sarili. Bigla ko namang naalala na hindi pa nga pala ako naliligo. Geez!
Agad akong tumayo at kumuha ng towel sa cabinet ni Andre. Buti ay dala ko ang ilan sa mga products na ginagamit ko sa paliligo. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa cr sa likod bahay. Mabilis lang akong naligo dahil gusto ko na lang talagang magpahinga.
Matapos kong maligo ay agad akong dumiretso sa kwarto at doon nag-ayos ng sarili. Habang nag-aayos ay narinig kong medyo maingay na sa labas kaya baka nakauwi na si Andre. Nang makalabas ako ay tama nga ang akala ko. Nakauwi na siya.
“Bakit naman iniwanan mo si Wyssa?” ang bungad na tanong ni Tita sa kanya. Napansin kong tumingin siya sa’kin pero hindi ko siya pinansin. Nakiusyoso na lang ako kay kila Teddy doon sa coloring book.
Hindi pa rin ako okay na naiwan niya lang ako basta basta roon. Nagmukha akong tanga kanina. Nasaktan din ako. And it’s not okay.
Hindi sumagot si Andre at tinulungan ko na lang si Tita sa paghahain ng hapunan. Nakatapos na kasi siyang magluto at sayang naman dahil hindi ako nakatulong.
“Kuya tingnan mo oh,” sabi ni Joana. Lumapit siya kay Andre dala dala ang binili kong pink na dress. “Regalo po sa’kin ni Ate.”
Medyo natakot ako dahil alam kong hindi niya ito gugustuhin. Baka masigawan na naman niya ako.
Tumingin ako sa kanya at hindi na ako nagtaka na matalim ang mga tingin niya sa’kin. Iniwas ko kaagad ang tingin ko at ngumiti kay Joana.
“Bagay na bagay sa’yo yan,” sabi ko at marahan ginulo ang buhok.
“Salamat po,” sabi ni at bumalik sa Kuya Teddy niya. Inayos ko ang mga pinggan na nasa lamesa pero napatigil ako nang marahas na kapitan ni Andre ang braso ko at hilahin papunta sa likod bahay.
Nagulat ako sa ginawa niya at hindi na makaangal dahil mahigpit ang pagkakakapit niya. “Bitawan mo nga ako,” sabi ko sa kanya.
Hindi siya nakinig sa’kin at binitawan niya lang ako nang makarating na kami sa ilalim ng puno.
“Ano ba?” inis kong tanong sa kanya.
“Akala ko ba okay na?” tanong niya rin sa’kin. “Akala ko ba hindi mo na sila bibigyan ng kung ano ano?”
Kinagat ko ang ibabang labi ko at matalim ko siyang tiningnan. “Bakit? May mali ba sa ginawa ko?”
“Pero sabi mo okay na? Naniwala ako, Wyssa,” sagot niya.
Huminga ako ng malalim at iniwas ang tingin sa kanya. “Bigyan mo ako ng magandang rason, then I’ll stop.”
Binigyan ko siya ng isang tingin bago tumalikod sa kanya at naglakad. Pero agad din akong napatigil nang may maalala. “Baka nakakalimutan mo,” tumigil ako at lumingon sa kanya. “Pinabayaan mo ako roong mag-isa.”
Pumasok ako sa loob ng bahay na sira ang mood. Hindi na ako nakakain ng maayos. At matapos ang pangyayaring yon ay hindi na kami nag-usap pa. Ni wala ata sa’min ang gustong magsalita. I got it. We’re both hurt. But I won’t stop until he gave me a reason.
I washed the dishes and Andre helped, hindi pa rin kami nag-usap. Hanggang sa oras na ng pagtulog, agad akong humiga sa kama. Nagkumot ako hanggang sa balikat ko at nagpanggap na tulog. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto.
Maya maya pa ay naramdam ko naman ang paghiga niya sa tabi ko at nagpanggap pa rin akong tulog. Pero hindi ata ako kapani-paniwala.
“Alam kong gising ka pa,” sabi niya. Hindi ako kumilos pero nagmulat ako ng mata. Nakatalikod naman ako sa kanya kaya hindi niya iyon malalaman. Pinanindigan ko ang sarili kong gawa.
“Sorry,” sabi niya. Napalunok ako. “Dahil sa ginawa ko. Alam kong hindi tama yon.”
Hindi ako umimik. Pero ilang segundo na ang lumipas nang hindi siya nagsasalita. Nakakatempt. Gusto kong magtanong. Pinipigilan ko ang sarili ko pero kailangan siguro naming mag-usap.
Kailangan.
“Yun lang yon?” tanong ko.
“Oo,” sagot niya. Tumango ako at muli kaming natahimik.
“Sino ba siya?” tanong ko.
“Mika.”
“I don’t care about the name, I care about the role,” sagot ko.
“Kaibigan.”
“I doesn’t seem like friendship.” Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naalala ko ang masayang mukha ni Mika. Nung time na nagyakap sila, on how Andre smiled and hugged her back. Nagseselos ako.
Hindi sumagot si Andre. And every second that has passed, I was hurting more.
Naiintindihan ko naman kung wala pa siyang balak na papasukin na babae sa buhay niya. I know his priority. I know that. Kahit kasi ako ay ayaw niyang papasukin pero hindi ko matatanggap kung ang babaeng yon ang papapasukin niya at hindi ako.
I just wished that he would not think about me being selfish. I just love him. I really do.
“Pupunta ka bukas sa birthday niya?” tanong ko, nakatalikod pa rin.
“Oo,” sagot niya at doon muli akong nasaktan.
[Buhay ka pa ba?] bungad ni Unis sa tawag namin. [Ilang araw ka ng absent! Nag-aalala na ko sayo. Baka hindi ka nyan maka-graduate!]
Inilayo ko ang phone ko sa tainga ko dahil masyadong malakas ang boses niya. Kagabi kasi ay nakatanggap ako ng text message sa kanya. Ngayong umaga ko lang nabasa dahil hindi ako nagbukas ng phone kagabi.
“Nakapag-finals na naman ako,” sagot ko at pumitas ng dahon sa itaas ng puno sa likod bahay nila Andre.
[Pero ang daming ginaganap na seminars ngayon. Attendance is a must daw!] sabi niya. “Ang tagal mo na kasing absent at hinahanap ka ng mga profs natin.”
“Sabihin mo na lang na may sakit ako.”
[Hay nako! Kakausapin na nga nila ang Mommy mo para malaman kung anong nangyayari sa’yo!]
“What?!” gulat kong tanong. “Hindi pwede. Hindi nila alam kung nasan ako!”
[Bakit naman?] bakas sa boses niya ang pagtataka.
“Naglayas ako,” sagot ko.
[Ano?! Bakit ka naglayas, ha?!]
“Mahabang kwento, saka ko na lang sasabihin sa’yo,” sagot ko.
[Nasan ka ba?]
“Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo,” sabi ko. “Basta malayo ako.”
[Hay nako naman, Wyssa. Ano bang pumasok sa kokote mo at nagawa mo yan?] Napangiti ako. Hindi naman ako nagsisisi na lumayas ako. Ang dami ko ngang natutunan e. [Basta kung nasan ka man, mag-iingat ka ha? Mahirap na.]
“Oo,” sagot ko at muling pumitas ng dahon. “Pakisabi na lang sa prof natin na wag ng kausapin sila Mommy. Useless.”
[Ano?]
“Diba may doctor kang kamag-anak? Baka pwedeng gawan mo na lang ako ng fake medical certificate.”
[Wyssa naman] sabi niya at halatang halata na ayaw niyang gawin iyong sinabi ko.
“Sige na, Unis,” pamimilit ko. “Ayoko lang palalain yung sitwasyon.”
[Nako, Wyssa. Ayokong mapahamak]
“Hindi ka naman mapapahamak e.”
[Sigurado ka ha?]
Ngumiti ako. “Oo naman.”
[Sige na nga! Nakakainis ‘to. Basta mag-ingat ka ha! Bye na] sabi niya.
“Thank you, Unis! Babye!” malawak akong ngumiti.
[Sige, bye] sagot niya at saka pinatay ang tawag. Inilagay ko sa bulsa ang phone ko na may ngiti sa labi. Naglakad ako pabalik sa bahay at sa di kalayuan ay nakita kong papaalis na si Andre.
Pumasok ako sa loob at hindi siya pinansin. Nilagpasan ko siya. Hindi pa rin kami nag-uusap. Kanina ay wala kaming kibuang dalawa.
And knowing him, kung hindi ako magsasalita ay hindi rin siya magsasalita.
“Hindi ka sasama?” tanong niya sa’kin. Humarap ako sa kanya at agad na umiling.
“Hindi,” tipid kong sagot at tumabi kay Joana.
“Bakit?” tanong ni Tita.
“Hindi po mabuti ang pakiramdam ko,” pagsisinungaling ko. Agad na napatingin sa’kin si Andre.
“May sakit ka?” Nag-aalala niyang tanong sa’kin. Well, pakiramdam ko lang.
“Wala,” sagot ko. “Pagod lang.”
“Magpahinga ka na lang muna,” sabi pa niya at nagpaalam kay Tita na aalis na siya. Umalis si Andre at nang makalabas ng pinto ay sinundan ko siya. Naglakad siya palayo pero tinawag ko siya bago makasakay ng tricycle.
“Bakit?” tanong niya.
Ngumiti ako. “Ingat.” Tumango siya sa’kin at pumasok sa loob ng tricycle.
I still care for him, after all.
“Masama ba talaga ang pakiramdam mo?” tanong ni Tita nang makapasok ako.
Ngumiti ako sa kanya. “Pagod lang po talaga.” Umupo ako sa sofa.
“Kung ano man ang problema niyong dalawa, mas mabuting pag-usapan niyo yan,” sabi ni Tita. “Walang problemang ang hindi nadadaan sa usapan.”
“Wala naman pong problema e,” I denied. Hangga’t maaari ay ayokong sabihin sa kanya na may problema kami. I remembered that Tita has a heart failure. Bawal siyang kumilos ng mga mabibigat na gawain. Despite of her healthy looking face, hindi mo aakalaing may sakit siya.
“Okay naman po kami,” dagdag ko pa at binigyan siya ng isang ngiti.
Tumango lang sa’kin si Tita at matapos yon ay nakipaglaro na lang ako kila Joana.
Mga bandang tanghali ay hindi pa rin umuuwi si Andre sa bahay. Hindi ko na lang iyon inintindi sa halip ay tinulungan ko na lang si Tita sa mga labahin.
Kinuha niya kasi sa’kin ang mga labahin ko kaya naisipan kong tulungan na lang siya dahil wala rin naman akong gagawin. Ayaw pa nga niya akong patulungin pero masyado na akong nahihiya kaya nagpumilit na ako.
“Nanay,” tawag ni Teddy kay Tita habang naglalaba kami sa likod bahay. Sabay kaming lumingon sa kanya.
“Bakit?” tanong ni Tita. Base sa histura ni Teddy, he’s worried about something.
“Bawal po kayong maglaba,” sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Tita. Right! Nakalimutan ko kaagad!
Ngumiti si Tita. “Minsan lang naman.”
“Pero sabi ni Kuya, bawal daw po,” sagot ni Teddy.
“Ako na lang po ang maglalaba, Tita,” sabi ko naman.
“Wag na, kaya ko naman e,” sagot niya. “Wag na kayong mag-alala at ikaw Teddy, pumasok ka na sa loob at bantayan mo ang kapatid mo. Wag mo na lang sabihin ‘to sa Kuya mo.”
Wala nang nagawa si Teddy kung hindi ang pumasok sa loob ng bahay.
“Are you sure you’re okay, Tita?” nag-aalala kong tanong. “Okay lang naman po sa’kin kung ako na lang ang maglalaba.”
“Okay na okay ako, hija,” ngumiti siya. Pinabayaan ko na lang siya dahil mukhang hindi rin naman siya magpapapigil. I just hoped na hindi siya mapasama.
Hangga’t maaari ay yung mga malalaking damit ang nilalabhan ko para hindi mahirapan si Tita. And so far, wala pa naman akong nahahawakang brief ni Andre at ayoko rin naman, ano? Mukha namang wala siyang mga undies dito dahil siya ata ang naglalaba non mag-isa.
Tumingin ako kay Tita nang mapaubo siya. “Okay lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya.
“Oo naman, simpleng ubo lang ‘to,” sagot niya at ngumiti. Tumango na lang ako kahit hindi ako kampante sa sagot niya.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay muli na naman siya umubo. “Tita, baka napapano na po kayo.”
“Okay lang,” sabi niya at nagpatuloy sa paglalaba.
Tinapos na namin ang labahin at ako na nag nagprisintang mag-anlaw non at magsampay. Pinagpahinga ko na lang si Tita at buti ay hindi na siya umangal pa.
First time kong gawin ang mga ‘to. Buti na lang ay may knowledge ako tungkol dito kahit papano. I was learning how to work in life and it wasn’t a bad thing. Gusto ko ring malaman nila na kahit ipinanganak ako sa isang magarang pamilya, I’m not that innocent.
Masaya naman palang maglaba, na kahit madalas ay nagkakasugat ka. Natapos ako sa pagsasampay ay hindi pa rin umuuwi si Andre. Baka dumiretso na yun kila Mika?
Pumasok ako sa bahay at nagpunas ng kamay sa towel pero agad akong napasinghap nang matamaan nito ang sugat ko sa daliri.
“May sugat ka,” lumapit si Tita sa’kin at kinuha ang kamay ko.
“Okay lang po,” sagot ko pero umiling siya.
“Hindi.” Hinila niya ako sa sofa at pinaupo roon. Kinuha niya ang aid kit nila at naglabas ng band aid pati na rin betadine. Napatingin ako roon at bahagyang nagulat nang makitang ang dami nilang stock ng band aids pati na rin mga bulak.
Ginamot ni Tita ang sugat ko at ako ay tahimik lang habang pinapanood siya.
Biglang pumasok sa isip ko si Mommy. Hindi niya pa ginawa sa’kin ‘to sa buong buhay ko. Ang sarap pala sa pakiramdam na may nag-aalaga sa’yo ng ganito.
“Ang swerte po nila Andre sa inyo,” sabi ko.
“Maswerte rin naman ang mga magulang mo, may anak silang maganda,” ngumiti siya sa’kin.
I smiled dryly and heaved a heavy sigh. “Naglayas po ako sa’min,” I opened up.
Tumingin sa’kin si Tita at nagpatuloy sa paggagamot. “Hindi ko po kayang tumira sa isang bahay habang kinokontrol nila ang sarili kong buhay.”
Iniwasan kong isipin ‘to simula nang makarating ako rito dahil gusto kong gumaan ang pakiramdam ko. And Andre helped me a lot. Naging busy ako sa buhay probinsya. Natutunan ko ring kumilos kahit papano sa bahay. But after all, kahit anong iwas ko, kahit hindi ko man isipin, dito pa rin pala ang bagsak ko.
“I want to do the things I want to, but it’s my own family who’s stopping me,” dagdag ko.
“Hindi ka ba nagsisisi?” tanong niya.
Ngumiti ako at umiling. “Gusto ko po rito. It was hard, but I wanted here.”
Hinimas ni Tita ang kamay ko at napatingin ako roon. “Magiging maayos din ang lahat.” Tumango ako.
“Alam mo? Yan lagi ang sinasabi sa’kin ng namatay kong asawa,” kwento niya.
“Bakit po siya namatay?” tanong ko. “Kung okay lang po.”
“Namatay siya sa sakit. Cancer,” sagot niya at napatango ako. “Bata pa lang sila Andre at pinagbubuntis ko pa lang si Joana nung namatay siya. Hindi namin alam na may sakit siya dahil malusog naman siya at walang iniindang sakit. Pero isang araw, bigla na lang siyang humandusay sa sahig.”
Napatango ako at naalala ang sinabi ni Andre.
"Mapunan ko lang yung mga bagay na dapat si Tatay ang gumagawa, masaya na ko."
Bata pa lang siya, siya na ang gumagawa sa mga bagay na dapat ang tatay niya ang gumagawa. He’s so kind, argh! I don’t know but this making me fall hard for him.
“Kaya hangga’t buhay ang isang tao, iparamdam mo sa kanya na mahalaga siya sa’yo. Dahil kapag dumating ang araw na wala na, wala na talaga.”
Mapait akong ngumiti at saka siya niyakap. Hinaplos niya ang likod at tinapik. “Bata ka pa at marami ka pang magagawa sa buhay. Wag mong hahayaan na may pumigil sa nararamdaman mo. Dahil ang pinakamahalaga ay ang maiparamdam mo sa tao ang pagmamahal.”
Humiwalay ako sa yakapan at ngumiti. “Salamat po, Tita.”
And hour has passed and Andre wasn’t home. Namimiss ko na siya pero baka busy yun. Matapos naming mag-usap ni Tita ay ubo siya nang ubo kaya inalaagaan ko na muna siya. Sabi naman niyang okay lang naman siya tuwing tinatanong ko siya. Medyo nakokonsensya nga ako dahil nakapaglaba pa si Tita. Paano kapag nalaman pa ‘to ni Andre? Baka kasukalaman ako non.
Nakaupo ako sa ilalim ng puno sa likod bahay nila Andre. Nakatingin ako sa isang malawak na field sa harapan ko. Ngayon ko lang nakita na mas maganda pala siya kapag umaga. Nung nag-usap kasi kami ni Andre dito, ay gabi kaya hindi ko napansin.
Pinaglalaruan ko ang sugat ko sa kamay nang biglang may naupo sa tabi ko.
“Andre,” gulat kong tawag sa kanya. Agad kong tinago ang sugat sa kamay dahil ayaw kong mapansin niya iyon. Nakauwi na pala siya at mukhang dito siya dumiretso dahil hindi pa siya nagbibihis. “Kumain ka na ba?”
Umiling siya. “Kumain ka na, sasabayan kita,” sabi ko sa kanya.
Umiling na naman siya at iniba ang topic. “Maayos na ba ang pakiramdam mo?”
Tumango na lang ako. Kasinungalingan lang naman iyong sinabi ko kanina. “Ikaw? Kamusta ang trabaho?”
“Ganon pa rin,” sagot niya. Tumango ako at simpleng ngumiti at natahimik kaming dalawa. Parehas lang kaming nakatingin sa malawak na field.
Napapaisip ko na bakit ang relasyon naming dalawa ay on at off na parang switch. Kahapon lang ay hindi kami maayos na dalawa tapos heto kami ngayon na nag-uusap at parang walang nangyari. Hindi naman kami mag-jowa.
“Ang ganda ng nasa harapan natin, ano?” pagbabasag ko sa katahimikan.
“Iyan lang ang iniwan sa’min ni Tatay,” sagot niya at napatingin ako. “Masipag si Tatay na magtrabaho sa pinapasukan niyang kompanya. Natuwa ang boss niya kay binili ang lupang yan at kay Tatay ipinangalan,” kwento niya.
“Wow,” manghang sabi ko. “You’re rich.” Sobrang lawak kasi nitong lupang ‘to. Napapaisip tuloy ako kung magkano kaya ‘to kapag naipagbili.
Umiling si Andre sa sinabi ko. “Ganito ba kami kung mayaman kami?”
“Hindi naman ibig sabihin ng mayaman ka ay marami ka ng pera,” sagot ko naman. “Sometimes, swerte ka sa buhay.”
“Saan kami swerte?”
“Look for the brighter side of life.” Hindi siya sumagot sa’kin at nakatingin pa rin siya sa lupain nila.
“Bakit hindi niyo yan ibenta?” tanong ko. “Para sa pagpapagamot ni Joana, saka ni Tita.”
Muli na naman siyang umiling. “Naisip na namin yan. Pero sino ba ang bibili ng lupa sa probinsya?”
“There’s a lot out there,” sabi ko.
“Yan na lang ang iniwan sa’min ni Tatay e. Kaya kahit kailangan, ayaw namin,” sagot niya at tumango ako. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila.
“So, forever na siyang nandyan at walang silbi?” tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. “Malay mo, balang araw.”
Ngumiti ako sa kanya. “Your father died because of cancer.”
Tumango siya sa’kin. “So, it means, bata ka pa lang, ikaw na ang nagtaguyod sa pamilya niyo.”
Tumango ulit siya at napangiti ako. Kahit kailan talaga ang tipid niya. “You’re amazing, you know that?” tanong ko.
Ngumiti siya sa’kin at napangiti rin ako. I love his smiles.I feel so comfortable with him too. “Ang dami mo ring alam sa buhay,” dagdag ko pa.
Hindi siya sumagot at lumingon ako sa kanya. “But you know, i love you right?”
Tumingin sa’kin si Andre and I bitterly smiled when he nodded. “Pero alam mo ring hindi pwede, diba?”
Dahan-dahan akong tumango. Nasasaktan ako. Bakit ganito? Why can’t he just love me?
Nanlabo ang paningin ko at nagbabadyang bumagsak ang luha ko. “Family comes first,” sabi ko habang pinipigilan ang sariling umiyak. That’s what he’s always saying.
Tumulo na ang luha ko at agad ko itong pinunasan ng kamay. I looked at him and he’s also looking at me like he’s hurt too. “But why can’t I be the second?”
“Hindi ka bagay maging pangalawa,” he answered. Humarap siya sa’kin at tinitigan ko sa mga mata ko. “Pangako, kapag maayos na ang lahat, uunahin na kita.”