CHAPTER 18

3868 Words
Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa mata ko. Huminga ako ng malalim at sinubukang ikalma ang sarili. I needed to calm and I'll wait. I'll patiently wait for him.     Bigla naman akong napatingin kay Andre nang hawakan niya ang palapulsuhan ako. "Tara?" tanong niya.     "S-saan tayo pupunta?" taka kong tanong sa kanya.     "Basta," he smiled and then pulled me with him.     "Wait," pinigilan ko siya hangga't hindi pa kami nakakalayo sa bahay. Tiningnan niya ako. "Hindi ka pa kumakain."     "Okay lang," ngumiti na naman siya. Bakit may nararamdaman akong kakaiba?     Hinila na niya ulit ako papunta sa kung saan at hindi ko na nagawang umangal pa. Habang naglalakad ay hindi na ako nag-abalang magtanong kung saan kami pupunta. Hindi rin naman niya sasabahin sa'kin. And I was too busy looking at his hand on my wrist.     Napangiti ako. Kahit palapulsuhan lang iyon ay ewan ko ba, kinikilig ako. I found it so sweet.     Hindi naman mahaba ang nilakad naming dalawa but I wished that it was longer. Gusto ko lang maramdaman ang kamay niya sa kamay ko. I want that badly.     Nakarating kami sa isang malaking puno. "Nandito na tayo," sabi ni Andre.     I looked up and saw a tree house above. I automatically smiled. "Wow," I said under my breath.     Sa tabi ng puno ay may hagdan para makaakyat sa tree house. Kapansin-pansin din ang mga halaman na nasa harapan nito. Pati ang mga baging na nakasabit sa puno ay nagsilbing ganda rin ng tree house. May mga lampara rin akong nakikita sa loob kaya sa tingin ko ay mas maganda rito kapag gabi na.     "Pano mo nalaman 'to?" tumingin ako sa kanya. Ngumiti siyang muli sa'kin at pansin ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakabitaw sa wrist ko.     "Tambayan namin 'to ni Tatay. Ginawa namin," sagot niya at ibinalik ang tingin sa tree house.     Medyo napaawang ang bibig ko sa narinig. "It's beautiful."     "Tara," yaya niya sa'kin at inalalayan niya akong makaayat ng hagdan. Nang makaayat kami ay mas lalo pa akong namangha dahil ang daming mga fairy lights sa loob. Hindi ko expected na ganito ang loob ng tree house nila. Sobrang ganda.     "There's a bed?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Medyo napatawa pa ako nang makita ko ang higaan na makikita agad kapag nakapasok na sa loob. Sa paanan naman ng kama ay may isang maliit na table at sa tabi ng kamay ay may tent! Just wow!     Umiiling akong napapangiti. "Wow," I just kept on saying it. I love the vibe. So cozy.     "I never expected this," sabi ko kay Andre. Naramdaman kong binitawan niya ang kamay ko at humarap sa'kin.     "Dito kami madalas ni Tatay. Kaya nung nawala siya, madalas ako rito," sagot niya. "Inayos ko 'to dahil marami kaming memories dito."     "It's so nice here," sabi ko naman at umupo sa kama. And even the bed was soft! "Hindi naman siguro tayo babagsak, ano?"     He laughed a little. "Hindi."     "Gladly." Masaya akong humiga sa kama. "I want here forever." Tiningnan ko siya at nakatingin lang siya sa'kin while his arms were crossed over his chest.     Gwapo.     Iginalaw ko ang mga kamay at paa ko na para bang gumagawa ng sariling figure sa snow. I was enjoying doing that nang hindi ko na maramdaman ang presensya ni Andre. Nagtataka akong bumangon sa kama at nakitang wala na nga siya.     "Andre?" tawag ko sa pangalan niya at tumayo sa kama. Lumabas ako sa pinto ng tree house at tumingin sa baba pero wala naman siya. San naman kaya nagpunta yon? And that fast?     "Andre?" muli kong tawag at pumasok sa loob. Dinala ako ng sariling mga paa sa isang side ng tree house kung saan nandon ang nagsisilbing balcony nito.     Nakita ko si Andre na nakatingin sa'kin at may kapit siyang cake. I looked to him, confused. It's not my birthday.     Hindi ko na napansin ang ganda ng balcony dahil mas nangingibabaw ang presensya ng lalaking nasa harapan ko. I was about to say something when he interrupted me.     "Sorry."     Medyo naapawang ang bibig ko sa sinabi niya. Did he just do this to say sorry?     Maya-maya pa ay napangiti na ako at napakagat sa pang-ibabang labi. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na para bang tumakbo ako nang napakalayo. Damn this man. Damn him.     Lumapit ako sa kanya at nakita ng nakasulat sa cake na 'sorry'.     I smiled. "You're forgiven, thank you." Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko. Nakakahiya.     Kinuha ko ang cake mula sa kanya at inilagay iyon sa lamesa sa likod niya. Tumingin akong muli sa kanya at agad siyang niyakap. "Thank you," I said.     I buried myself in Andre's chest. This feels so good. I want this forever. Agad akong napangiti nang maramdam ko ang pagyakap niya sa'kin. Hinagod niya pa ang likod ko na mas lalong nagpainit sa mukha ko.     "Masaya ka ba?" tanong niya sa'kin. Lumayo ako sa yakapan namin at sumagot.     "Oo naman. More than happy... Pero nag-iipon ka hindi ba?"     "Okay lang," sagot niya sa'kin at umupo sa ibabaw ng lamesa. Hindi na niya kailagang tumalon pa dahil matangkad naman siya. "Nakabili na naman ako ng gamot ni Nanay saka ilan sa mga gamot ni Joana."     Napangiti ako sa sinabi niya at lumapit. Ngayon ay nasa pagitan na ako ng mga medyo nakabukang hita niya.     Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata niya. Gumanti rin naman siya sa'kin. "I want to sleep here tonight." I caressed his legs with both of my hands. I don't know what I'm doing but this feels so right.     Dumako ang tingin ko sa mga labi niya. I wanted to kiss him. And I think this is the right moment.     Mas lalo ko pang inilapit ang sarili ko sa kanya. Iniawang ako ang mukha ko para makalapit sa kanya.     Kumapit ako sa mga hita niya bilang suporta at itiningkayad ang mga paa para maabot siya. I held his face and then kissed him. Pinikit ko ang mga mata ko at dinamdam lang ang halik namin. I deepened the kiss but I'm not sure if I was doing right. First time kong humalik.     I didn't dare myself to move my tongue and see if Andre will answer it. Maybe next time.     After a few seconds at nang mangalay na rin ako ay lumayo na ako sa kanya. Tiningnan ko siyang mabuti sa mga mata niya, matalim at parang nang-aakit.     Hindi ko alam kung saan ko naiwan ang hiya ko at nakakatingin pa ako ng ganito kay Andre. "Sorry," sabi ko at umatras sa pagitan ng mga hita niya.     "Bakit?"     Nagulat ako sa tanong niya at mas nanginit pa lalo ang pisngi ko. What does it mean?     "H-ha?" I innocently asked.     Mas nanlaki pa ang mga mata ko nang makita siyang bumaba sa lamesa at lumapit sa'kin. Kinapitan niya ang mga baywang ko at sa isang iglap lang ay ako na ang nasa ibabaw ng lamesa at siya na ang nasa pagitan ng mga hita ko.     Itinuon niya ang mga braso sa lamesa na para bang kinukulong ako. Nagkatinginan kaming dalawa at mas lalo akong nagulat nang makitang iginalaw niya ang dila para basain ang pang-ibabang labi.     Damn! I didn't know he has this side!     Nakita ko rin ang paglunok niya at ang pag-glaw ng adam's apple nito. s**t.     "Isa pa," sabi niya at saka kinapitan ako sa pisngi ko at hinalikan sa labi. Agad akong napapikit and unlike me, our kiss was moving.     Hindi ako marunong humalik, but he guided me, passionately. Ang galing niyang humalik. And I was thinking if he has the experience.     It made a sound when our kiss ended. I was to embarrassed to look at him pero hinanap niya ang paningin ako at kinapitan pa ang baba ko para magkatinginan kami.     "I love you," I said under my breath then I smiled. I knew he wouldn't answer me that's why I kissed him again. Moving this time, with both of our tongues inside each other.     I broke the kiss and looked at him intensely. "How was it?"     Pilyo siyang ngumiti at napaiwas pa ng tingin pero saglit lang iyon. "Sarap."     Napatawa ako sa sinagot niya at mahina pa siyang hinampas sa braso. All he did was to laugh a little.     I looked to him with a smile on my face. I hoped this wouldn't last.     Bumaba ako sa lamesa matapos naming magtitigan. Inalalayan niya ako sa pagbaba at agad na kinapitan sa kamay. This time it was my hand that he's holding. Dinala niya ako sa balcony na nagsisilbing parang malaking bintana.     "Nakikita mo 'yon?" Itinuro niya ang isang ilog na may falls din, hindi naman kalayuan dito. Tumango ako. "Pupunta tayo roon."     Nahugot ko ang hininga ko. "Really?" Tumango siya. "Wow."     "Pero kailangan ko munang umalis," sagot niya. Tumingin ako sa kanya.     "Sa birthday party ba?" tanong ko, medyo malungkot. "Pwede bang hindi ka na pumunta?" sabi ko nang tumango siya sa'kin.     "Nangako ako," sagot niya at napatango-tango ako.     "I'll wait for you then," sagot ko at tumingin sa unahan namin.     "Sabay tayong pupunta dyan," sabi niya at napatingin ako sa mga kamay namin na magkakapit. Napangiti ako at hinigpitan ko ang kamay ko kaya napatingin siya sa'kin.     "Sana hindi na matapos 'to," sabi ko. I was just so happy. Gusto ko ganito lang kami palagi, kahit na imposible. "Ganito na lang tayo." He smiled at me at I smiled back.     But as they were always saying, sun shines before storms then rainbows appears.     Pahapon na ng kami ay makauwi. Naglakad lang kami dahil medyo malapit  naman ang bahay nila. Pinagmasdan ko ang sunset sa kanang bahagi ko. Mas lalo pang gumanda ang mood ko dahil dito.     Magkatabi kami ni Andre at kanina ay sabay naming kinain ang cake na binili niya. Pinagtimpla niya rin ako ng tea dahil yun lang ang avaible na inumin sa tree house. We stayed at the balcony until the sun set and the rest was history.     Habang naglalakad kami ay nagkukwentuhan din kami, which was unusual. Hindi ako sanay na ganito siya kadaldal. Madalas kasi ay ako yung mas maraming sinasabi saming dalawa. Pero mas okay na ‘to. This day was a different day. Minsan ay napapaisip na lang ako... what made him changed?     Kanina ko pa rin siya napapansing tumatawa. His eyes were telling me. Napapangiti na lang din ako at napapatawa na rin. This is what I dreamed of, after all.     “Oh? Saan kayo nanggaling?” bungad na tanong ni Tita nang makarating kami sa bahay.     “Dyan lang po sa labas,” sagot ni Andre.     “Saan dyan? E parang wala naman kayo,” sagot ni Tita.     “Nandyan lang kami, Nay.” Napangiti na lang ako. Bakit parang ayaw sabihin nito?     Lumapit ako kay Joana at iniabot ang cake na hindi namin naubos kanina. SOR na lang ang nakalagay sa cake dahil naubos na namin yung RY kanina. Sobrang gutom namin kanina, lalo na yung kasama ko. Hindi kasi siya nag-tanghalian at cake pa ang inuna.     Joana looked pale. Palagi naman. But this time is a bit different. Hindi siya abala ngayon sa coloring book. Matamlay lang siyang nakatingin sa unahan niya. Nag-aalala ako sa kanya pero nang magtama ang paningin namin ay sinubukan kong ngumiti.     “Magbibihis lang po ako,” sabi ni Andre at pumasok sa loob ng kwarto.     Tumingin sa’kin si Tita na para bang nagtatanong. Ngumiti na lang ako sa kanya at sumenyas na papasok din ako sa kwarto.     “Mukhang maayos na kayo,” komento niya bago ako pumasok sa loob.     Nadatnan kong naghuhubad ng damit si Andre pero nakatalikod naman siya sa’kin kaya likod lang ang nakikita ko. Pero iba pa rin pala ang tama ng likod niya sa’kin.     Napasinghap ako at agad na lumingon sa ibang bahagi ng kwarto. “Sorry, hindi ko alam,” sabi ko at umupo sa kama patalikod sa kanya.     “Okay lang,” sagot niya na para may kasamang ngisi. Nag-init ang pisngi ko roon. Nang-aasar ba siya?     Napapaisip tuloy ako kung bakit ma-muscle ang katawan niya. Geez. I’ve never seen him do work outs.     “Are you done?” tanong ko. Just making sure.     “Okay na,” sagot niya at saka ako lumingon. Pero agad ko ring iniwas ang tingin nang makitang hindi pa pala siya nagbibihis!     “Bwiset!” inis kong sabi at mas nag-init na naman ang mukha ko. Ang lakas mang-alaska, nakakainis!     Narinig ko naman siyang tumawa kaya napairap na lang ako. Kung nakapagbihis na siya ay baka nahampas ko na siya.     “Okay na,” sabi niya makalipas ang ilang segundo.     “Sure?” paninigurado ko.     “Oo, totoo na ‘to.” This time ay dahan dahan na akong lumingon and gladly, nakapagbihis na nga siya.     Humarap ako sa kanya pero nakaupo pa rin ako sa kama. “Nagwo-work out ka ba?” tanong ko sa kanya. Nacu-curious kasi talaga ako kung bakit ganyan ang katawan niya.     “Oo,” simple niyang sagot habang may kung anong ginagawa sa cabinet niya.     “Bakit hindi ko naman nakikita?” tanong ko.     “Tulog  ka pa,” sagot niya at napatango-tango ako. Mukha nga. Lagi siyang maagang nagigising kaya kapag gising na ako ay wala na siya sa tabi ko. “Bakit?”      “Wala,” iling ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko at saka tumikhim kaya napatingin siya sa’kin. “Then... how about your briefs?”     Agad kumunot ang noo siya sa tinanong ko. It’s my turn to make his face red! “Ano?” takang tanong niya.     “Briefs,” sagot ko at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hindi siya sumasagot sa’kin kahit ilang segundo na ang lumilipas kaya napatawa na ako.     He was seriously just staring at me the whole time. Nakakunot pa ang noo niya na parang hindi makapaniwala.     “Wyssa,” tawag niya sa’kin kaya napatigil na ako sa pagtawa.     “What?” I asked.     “Gusto mong amuyin?”      Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad siyang binato ng unan na malapit sa’kin. Geez! “Gross! You’re gross!”     Tumawa siya at saka sinangga ang ibinato kong unan. How could he say that?!     “Ikaw ang nagsimula e,” sagot niya sa’kin na inirapan ko naman. Kinuha niya ang isang sweater na kulay dark blue mula sa cabinet niya at ipinatong iyon sa suot niyang white t-shirt.     “Aalis ka na?” tanong ko.     “Oo,” simple niyang sagot.     “Maaga ka bang uuwi?”     “Hindi ko alam e,” sagot niya.     “Dapat maaga kang umuwi. May plano tayo,” paalala ko sa kanya. Medyo natatakot kasi ako na baka kung anong mangyari sa kanya don. Alam ko naman na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. He’s a man. Pero hindi ako makampante roon. Because probably, Mika was there.     “Susubukan ko,” sabi niya. Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa.     “Hindi ka ba sasama?” tanong niya at tumingin sa’kin.     Agad akong umiling. “Hindi. Basta, you’ll behave.”     “Pano?”     “We kissed,” paalala ko. “And I assumed that was your first.”     Tumango naman siya at iniwas ang tingin. “Well, me too. You were my first.” Ngumiti ako sa kanya.     “Mabuti,” he smirked. “Alis na ako.”     Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa kanya. “Ingat.”     He just smiled and the ruffled my hair.     Nagpaalam siya kay Tita bago lumabas ng bahay. Sinundan ko siya hanggang sa labas at kumaway ako bago siya mawala sa paningin ko.     Wala man lang goodbye kiss.     “Okay lang ba sayo na umalis ng ganon si Andre?” tanong ni Tita nang makabalik ako sa loob ng bahay.     “Opo,” sagot ko at ngumiti. Tinulungan ko siya sa paghahanda ng hapunan namin.     “Boyfriend mo na ba siya?” Napatingin ako sa kanya at bahagyang napatigil sa paghuhugas ng mga gulay.     “Hindi po,” sagot ko.     “Wag kang papayag na hindi ah?” sabi niya na ikinagulat ko. “Boto ako sa’yo.” Napangiti ako.     “Kung hindi manliligaw sa’yo si Andre ay ikaw na ang manligaw,” tumawa siya at napatawa na rin ako.     “Tita naman.”     “Biro lang. Ang lalaki dapat ang unang gumagalaw,” sabi niya at bahagyang siniko pa ako. “Oh siya, bilisan na natin dito para makapaghapunan na tayo. Hindi pa kasi kumakain ng maayos yang si Joana mula kanina.”     “May nararamdaman po ba siya?” nag-aalala kong tanong.     “Wala naman siguro. Ganyan lang talaga ‘yon minsan,” sagot ni Tita. Tumango na lang ako at tinapos na namin ang ginagawa.     “Kain na tayo,” tawag ni Tita nang matapos naming makapagluto. Lumabas si Teddy sa loob ng kwarto. “Oh? Nasan ang kapatid mo?”     Napatingin ko sa kanila habang inaayos ang mga pinggan at mga kubyertos.     “Ayaw pong bumangon ni Joana e,” nakangusong sagot nito at umupo sa pwesto niya. Inasikaso ko siya habang si Tita ay sinundo si Joana. Nakakamiss din palang mag-alaga ng kapatid. Namimiss ko si Shane. Kahit makulit iyon.     “Hay nakong batang ‘to. Tinatamad na naman,” sabi ni Tita habang akay-akay si Joana.     Ngumiti ako kay Joana at inalalayan namin siyang umupo sa pwesto niya. Umupo na rin ako sa tabi ni Tita at nagsimula kaming kumain.     “Kumain ka na,” sabi ni Tita kay Joana nang hindi siya kumakain. “Kahit isang subo lang.”     Umiling si Joana at halata ang pagiging maputla nito. Mas halata ito ngayon.     “Eto, chicken. Masarap ‘to,” nilagay ko sa plato niya ang manok na nasa’kin pero umiling siya. “May problema ba?”     Ilang segundo kaming naghintay ng sagot niya pero wala naman kaming natanggap. Nagpatuloy na lang kami sa pag-kain at maya maya pa ay nagsalita siya.     “Nay, pagod na po ako.”     Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sobrang hina nito. Si Tita lang ata ang nakarinig dahil siya ang malapit sa kanya.     “Ano?” tanong ni Tita. Ngumiti lang sa’min si Joana at sa isang iglap lang ay nakahandusay na siya sa sahig.     Hindi agad nasalo ni Tita si Joana sa biglaang nangyari. Nagpapanic kaming tumayo at dinaluhan si Joana. Nabawi ko ang hininga ko nang makitang ang daming dugo ang dumadaloy mula sa ilong niya.     “Tumawag ka ng tricycle, Teddy!” sigaw ni Tita at halata ang takot sa mukha niya. Umiiyak na siya.     “T-Tita, ano pong nangyayari?” takot kong tanong. Sobrang takot ko. Ito ang unang beses na may mahimatay sa harapan ko kaya hindi ko alam ang gagawin.     “H-hindi ko alam. S-Si Andre,” umiiyak na sabi niya. “Tawagan mo si Andre.”     Doon ako natauhan at agad na pumasok sa kwarto para kunin ang phone at matawagan siya. “Andre...” tawag ko nang sagutin niya ang telepono. Maingay sa kabilang linya pero unti-unti ay nawawala rin ang ingay.     [Wyssa, bakit ganyan ang boses mo?]         “May problema, Andre,” naiiyak kong sabi.     “Ha?”     “S-Si Joana,” tumulo ang luha ko.     [Anong nangyari? Diretsuhin mo nga ako] Nahihirapan akong sabihin sa kanya ang nangyari dahil alam kong masasaktan siya ng sobra. Pero kailangan niyang malaman ‘to.     “Si Joana. Nawalan siya ng malay. Dadalhin na namin siya sa hospital.”     [Ano?!.. Sige aalis na ko. Magkita na lang tayo sa hospital]     “Andre... okay ka lang?” tanong ko sa kanya. Hindi siya sa’kin sumagot at nararamdaman ko ang malalakas na paghinga niya. Tumatakbo ata siya at nagmamadali kaya hindi na nakasagot. “Magiging maayos din ang lahat,” sabi ko at doon na naputol ang linya. Sana narinig niya.       Matiyaga kaming naghihintay sa labas ng ER nila Tita. Mahigpit kong kapit ang kamay ni Tita habang siya ay panay ang iyak. Si Teddy ay nakayapos sa Nanay niya at handang magbigay ng suporta.     Kahit natatakot ako ay hindi ko kayang umiyak sa harapan ni Tita. Gusto kong maging sandalan ni Tita at kung iiyak ako ay hindi ko yon magagawa. Napabuntong-hininga na lang ako.     “Family of the patient?” tanong ng doctor at agad kaming napatayo.   “Kamusta po ang anak ko, doc?” tanong ni Tita.     “Misis uulitin ko po. Ang anak niyo ay may acute myeloid leukemia kung saan isa po siya sa mga bata na nagkaroon ng ganito. Which is unusual, dahil karamihan ay matatanda ang tinatamaan nito. If left untreated, lalala po ang kondisyon ng anak niya, pero,” tumigil ang doctor sa pagsasalita at napahinga ng malalim. “Mukhang ilalabas niyo na naman po ang anak niyo kahit na bawal ‘to.”     Napatingin ako kay Tita at siya ay napatungo lang. “By the way, maayos na po ang lagay ng anak niyo. Ililipat na po siya sa regular room. Kailangan po ng patuloy na medications at required po na manatili sa loob ng pangangalaga ng hospital.” Tumingin siya kay Tita.     “Pwede ko po bang makita ang anak ko?” tanong ni Tita at tumango ang doctor. Ang mga nurse na ang nag-asikaso sa kanila. Kasama ni Tita si Teddy habang ako ay nagpaiwan.     “Doc,” tawag ko sa doctor. “Ano pong pwede naming gawin? Nagagamot po ba ang sakit niya?”     Ngumiti siya at tumango. Medyo nakahinga ako roon ng maluwag. “Kailangan nating mag-undergo sa chemotherapy with usually therapy d**g. After that, we can proceed to stem cell transplant for the condition of patient. But with or without it, the patient can survive.”     Napatango ako.     “Hangga’t maaga ay kailangan na namin siyang gamutin. Please, this time, mag-stay na kayo rito sa hospital.”     “Salamat, doc,” sabi ko bago siya umalis sa harapan ko. Napaupo ako sa waiting area at napasapo sa noo. Hindi ko alam na ganito pala ‘to kahirap. I got no money. How will I help them? I felt bad. Bakit ngayon pa ito nangyari kung kailan masaya na ang araw ko?     “Wyssa.” Napatingin ako sa boses na tumawag sa’kin. Napatayo ako nang makita ko siya.     “Andre.”     “Anong nangyari? Nasan sila Nanay?” nagmamadali niyang tanong.     “Maayos na si Joana. Nasa regular room na siya at nandon sila Tita,” sagot ko.     Napahinga siya nang malalim at napasapo sa noo.     “Pero Andre...” sabi ko pero hindi niya ako binigyan ng pansin.     “Kailangan kong makita ang kapatid ko,” sabi niya. Tumango na lang ako at sinamahan ko siya sa room ni Joana. Naabutan naming umiiyak si Tita habang kapit ang kamay ni Joana. Si Teddy ay tahimik lang na nakatabi sa Nanay niya.     “Nay,” tawag ni Andre at niyakap ito.     “Natatakot ako,” sabi ni Tita at mas lalo pa itong umiyak.     “Ang puso niyo po,” paalala ni Andre. “Magiging maayos din ang lahat.”     Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil masyado akong nasasaktan. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko. Kitang kita ko sa mga mata ni Andre ang sakit. Pero natatakot ako sa kung anong gagawin niya. Sana ngayon ay hindi na nila maisipang ilabas si Joana sa hospital.     Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa cafeteria dahil hindi naging maganda ang pag-kain namin kanina. Gutom pa rin ako kaya bumili ako ng mga cup noodles, tinapay saka kape. Bumalik agad ako sa room ni Joana nang matapos makabili.     Sa labas ng kwarto ni Joana ay nakita ko sa di kalayuan si Andre. Nakasandal lang siya dingding kaya nilapitan ko siya.     “Coffee?” alok ko at kinuha naman niya.     “Salamat.”     Tumabi ako sa kanya at sumandal din. Napatungo ako. “Alam ko na ngayon ang pakiramdam,” sabi ko.     Hindi ako nakarinig ng kahit anong sagot sa kanya. Kaya nagsalita na lang ulit ako. “Pero Andre...” Tumingin ako sa kanya pero sa malayo siya nakatingin.     “Nakita mo naman si Joana na nahihirapan,” panimula ko. Hindi siya nagbigay ng kahit na anong reaksyon. “So, I guess, it’s now the right time para ma-admit na talaga siya.”     Napangisi siya na ikinagulat ko. “Anong alam mo?” Then he looked at me.     Napakagat ako sa ibabang labi at hinarap siya. Matalim ko siyang tiningnan sa mga mata niya. Aaminin ko, nainsulto ako roon. I may not know nothing but I care!     Ginatihan niya rin naman ako ng tingin. “Anong alam ko?” Hindi siya sumagot at ako naman ang napangisi ngayon.     “Muntik nang mamatay ang kapatid mo! Pano mo nakakayanan na makita iyon habang hindi siya ginagamot? Kailangan sumailalim sa chemotherapy ni Joana!  Kailangan na niya ng patuloy na gamutan! Ang simple lang non pero hindi mo pa magawa at mapagbigyan ang kapatid mo! It’s her life you’re depriving of! Buhay niya iyon, buhay ng sarili mong kapatid. How could you,” tuloy-tuloy kong sabi. Tumulo ang luha ko at hindi ako nag-abalang punasan iyon.     “Look at her. Listen to her heavy breaths, look at her bloods... Is that what you want? She needs to be cured. She has to.”     “Alam ko pero...” Tumingin siya sa’kin. Kita ko ang sakit na nararamdaman niya. “Mahirap lang kami.”     Lumapat ang palad ko sa pisngi niya. “f**k!” sigaw ko sa kanya. “You’re so stupid!” Hinampas ko siya sa dibdib niya at napaiyak na ako lalo.     Panong ito pa ang naiisip niya ngayon? Bakit hindi na lang niya isipin ang kalagayan ni Joana? Parang inaantay na lang nila na mamatay ang kapatid niya dahil sa ginagawa nila. Nakakainis!     Nag-igting ang panga niya at hindi iyon nakalampas sa paningin ko kahit na nanlalabo na ito. “Wyssa,” tawag niya.     “Don’t call me like that,” I answered. “Wake up, Andre. This is not just all about money anymore. It’s about her life too. Try to think properly. You’re disappointing me, really.”     Umalis ako sa harapan niya ng umiiyak, hindi ko alam kung saan ako pupunta. I just only know that I don’t want to talk to him, for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD