Dinala ako ng sariling mga paa sa garden ng hospital. I didn't know this place before. I just went here blankly.
Agad akong umupo sa bench na nakaharap sa mga halaman at puno. Napayakap ako sa sarili nang humangin ng malakas. Huminga ako ng malalim at nagsimulang manubig ang mga mata ko. I was hurting. Even more hurting as time passes by.
Hindi ko alam kung ano bang dapat na ikilos ko. I'm not part of the family but I care. It's too much for Joana. She's too young for this. She deserved something better. And that's to experience childhood. To experience life.
"Wyssa," a cold voice called from behind me. I looked over to that and saw Andre looking at me. Hindi ako alam na sinundan niya pala ako. "Mag-usap tayo."
Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan nang hindi siya sinasagot. I hugged myself tighter. "About what? I've already said something wrong."
Hindi siya sumagot at naramdam ko na tumabi siya sa'kin. We're both sitting end by end of the seat.
"Totoo ang mga sinabi ko kanina," sabi niya after seconds of silence.
"It doesn't make sense at all," I answered, truthfully. Kahit hindi sila pinalad sa pera ay hindi naman sapat ang dahilan na iyon para hindi na maipagamot si Joana. "Panganay ka. You knew more. You should understand the situation better." A tear fell off of my face. "Try to be in Joana's shoes. What would you feel?"
"Kung ikaw ang nasa posisyon ko..." I felt his gaze at me. It gave me shivers a little. "Kakayanin mo kaya?"
I didn't answer him and stayed quiet for a while. Until he broke the silence that was eating up us alive. "May mga rason ako."
Sure, he has reasons. I bet everything he did has reasons. But I was hoping his reasons are beyond justice. I wished it was something right.
"Kung bakit ayaw ko sa mga ginagawa mo, kung bakit gustong-gusto kong magalit sa'yo pero hindi ko magawa," pagpapatuloy niya.
I just cried silently. Hindi ko alam kung alam niya ito. But I wished he didn't. This talk wasn't right and wouldn't be. If this was right, I wouldn't be hurting like this. I wouldn't be crying like this.
"You can hate me whenever you want, who am I?" I asked under my breath, still trying to stop myself from crying.
“May mga bagay akong hindi ko kayang gawin," sabi niya. “Alam ko ‘yon. Pero nasasaktan ako, hindi, nasasaktan mo ako, dahil ang mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanila, ikaw ang gumagawa.”
I looked at him beside me. Nakatungo siya. His voice was full of sadness and jealousy. “Andre...”
“Pride at ego ko, bilang lalaki,” ngumisi siya. “Nasasaktan ako kapag may binibigay ka sa kanila na hindi ko kayang punan,” he looked over to me. “At mas lalo akong nasasaktan, naiinis, nagagalit sa sarili kapag hindi kita mabilhan ng regalo dahil walang wala ako.”
I crumpled the end of my shirt. I didn’t know he was feeling this way. Ito pala ang dahilan kung bakit iba ang reaksyon niya sa tuwing iyon nga ang mga ginagawa ko.
“Ako dapat yun e. Ako yung lalaki. Iyon dapat ang mga bagay na ginagawa ko sa’yo pero hindi e. At sobrang sakit nun.” He let out a sigh.
I started crying again but this time, I was sure he knew it. Hindi ko alam lahat and it was haunting me inside. Dapat mas nalaman ko ‘to nang maaga para hindi na lumala pa. I was... inconsiderate.
But what’s more important was, I know now.
“Wala kang sasabihin?” tanong niya sa’kin.
“How can you be so kind but stupid at the same time?” I asked. A small smile appeared on Andre’s face. “How could you?”
Tumingin siya sa’kin nang seryoso. Ginagantihan niya ang mga tingin ko sa kanya. My heart was thumping so hard by just looking at him.
The moon’s light are reflecting on his handsome face. It also gave a shine on his medium brown eyes.
“Ako ‘to. ‘Yan ka,” simple siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko. “Sobrang layo.”
He wasn’t talking about our distance. He was talking about reality, about us, about odds. I was sure of it.
I was dumbfounded at what he answered. Napaiyak na lang ulit ako. Alam ko naman iyon. Pero pwede naman kaming may gawin. We should, if this was love, we have to.
Walang sabi-sabi ay tumayo siya sa kinauupuan at naglakad palayo sa’kin. Nagulat ako at napatayo rin. We were just three feet apart, I could run over to him and say ‘I love you’ again, but it felt so far. More than far.
“We could reach each other and hold too tight,” I said in an instant. Tumigil siya sa paglakad at nilingon ako.
“May mga bagay talaga na hindi pwede,” sagot niya. Parang may kumurot sa puso ko na kung ano. Ang sakit.
Pero sabi niya...
He was about to walk away but I stopped him. “You said, once’s everything okay, I’ll be your priority.”
Muli siyang lumingon sa’kin at bahagyang ngumiti. “Tumutupad ako ng pangako.” He then left.
Masakit, oo, pero with what he said, it made me smile a little. Mas kumapit ako sa pangako niyang iyon. Naniniwala ako sa kanya. I knew he would never give me any false hope.
“Andre!” I called him again and that made him stop. “Wh-What are the odds we fall in love?”
He looked at me very serious. “Tayo.”
I bit my lower lip and I was in tears. “Tayo, Wyssa.” He repeated then left me.
When morning came, I made myself busy guarding Joana and Tita. Medyo hindi pa rin kasi nahihimasmasan si Tita sa nangyari. Gumising na si Joana kagabi pero saglit lang iyon at hindi rin naman siya nakausap.
Nakapangalumbaba akong nakatingin sa natutulog na si Teddy.
“Pano po ang pag-aaral ni Teddy?” tanong ko kay Tita. Mukha siyang nagulat sa biglaang pagtanong ko.
“Baka tumigil muna siya,” sagot niya na ikinagulat ko naman.
“Sayang naman, Tita. Kung gusto niyo po, ako na lang po ang mag-aasikaso sa kanya,” I offered.
Ngumiti siya at inayos ang buhok ni Teddy sa kandungan niya. “Okay lang hija. Sasabihan ko na lang si Andre.”
Would be that okay? Madadagdagan na naman ang pasanin sa likod niya. Feeling ko ay sobra-sobra na ‘to para sa kanya. “Wag kang mag-alala, si Andre yun,” sabi pa ni Tita na parang halata sa mukha ko ang pag-aalala.
I just smiled uncomfortably at her. “By the way, Tita, may ipapabili po ba kayo? Magla-lunch na po, ako na po ang bibili.”
Andre has work at baka mamaya pa iyon umuwi. Ngayong malaki ang bills sa hospital ay kailangan niya talagang mag-sipag.
“Yung usual na binibili mo na lang,” sagot niya. Tumango ako sa kanya at nagsimula ng maglakad pero tinawag niya rin ako. “Wyssa?”
“Yes, Tita?”
“Pwede bang kumuha kayo ng mga damit ni Andre sa bahay mamaya?” tanong niya, nag-aalangan. I paused for a while. Andre and I wasn’t in a good condition. Pero siguro naman ay hindi kami magiging awkward.
“Sure, Tita,” I smiled.
“Talaga? Nako, salamat,” she beamed.
“Bili na po ako ng pagkain,” sabi ko.
“Mag-iingat ka.”
Nang makabalik ako sa kwarto ni Joana ay nagulat ako nang makita si Andre na nakikipag-usap sa Nanay niya. Nakauwi na pala siya? Ang aga niya ata ngayon.
I silently entered the room and forced myself to not look to him. But I failed. He’s wearing his black cap and I was sure that was my weakness. Damn.
Inayos ko na lang ang mga pag-kain na binili sa lamesa at pasimpleng tumitingin kay Andre.
“Ate Wyssa,” tawag sa’kin ni Teddy. Nawala tuloy ang tingin ko sa Kuya niya.
“Hm?”
“Kutsara po,” sabi niya at kinuha ko naman iyon saka binigay sa kanya.
Naupo ako sa sofa matapos kong asikasuhin si Teddy. I checked my phone only to find messages from the squad. Galit na galit na siguro ang mga iyon sa’kin dahil ilang araw na akong walang paramdam. I bet, they already know about what I did. Hindi ko man tinitingnan ang mga texts nila ay alam kong puro cuss words iyon.
While I was waiting for Chloe’s reply, dahil tinext ko siya kanina, bigla akong tinawag ni Tita kaya napatingin ako. Nagtama ang paningin namin ni Andre nang hindi sinasadya.
“Hindi ka kakain?” tanong ni Tita. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
“Hindi po. Busog po ako,” sabi ko at awkward na ngumiti. I’m really not hungry. These past few days ay bihira lang akong magutom.
“Anong kinain mo?” tanong ni Andre. I was stiffened as I looked to him. Sobra namang cold niya.
Umiling ako sa kanya at naging abala sa pag-aantay sa text ni Chloe. Kunwari ay may tinatype ako kahit na wala naman.
“Tara,” nag-angat ako nang tingin nang matamaan siya na nasa harapan ko na pala. How did he get there without me noticing? Nakita niya kaya na nagpapanggap akong may ka-text?!
“H-ha?”
Hindi siya sumagot sa’kin. Instead, he held my wrist and without any word, he pulled me with him. Kunot noo akong tumingin sa kanya at nag-aalangang nagpahila sa kung saan.
He pulled a chair for me. I looked at him with awe. “Upo na,” sabi niya sa’kin at saka inilapag ang mga pagkain na siya mismo ang bumili.
Kakain lang pala kami akala ko kung saan na niya ako dadalhin.
“T-thanks,” I almost whispered. My heart... this was unusual.
Tumango lang siya sa’kin at tahimik kaming kumain non. Wala sa’ming nag-uusap at tanging ingay ng ibang tao ang naririnig namin.
“Uhm,” Napatingin siya sa’kin sa biglaang pagsasalita ko. Silence was killing us. Hindi ko na kaya.
“Sabi ni Tita kanina,” tumingin ako sa kanya. He was busy chewing his food while looking at me. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa gumagalaw niyang panga. “Uhm.”
“Ha?”
Stop chewing, please!
Mariin akong napapikit at kinalma ang pusong naghuhuramentado. “Kumuha raw tayo ng mga damit sa bahay.”
He nodded. “Yun lang?”
Tumango ako at napainom sa tubig. “Yun lang.” Muli kaming natahimik na dalawa at hindi ko na naman alam ang sasabihin ko. We’re both half way finishing our food. Silence were killing us again.
“Wyssa?”
I choked. Napaubo ako at inabot niya sa’kin ang tubig. Uminom ako at hinampas ang sariling dibdib.
“Anong nangyari sa’yo?” tanong niya sa’kin.
“You!” I exclaimed.
“Ano?”
“You called me out of the blue.”
“Anong masama?” Wala akong maisagot. Ano nga bang masama? Nagulat lang siguro ako.
“W-wala.” Tumungo ako at umingom ulit ng tubig.
“Sorry nga pala.” Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. He looked at me with seriousness in him. “Mali ako.”
I smiled. “It’s okay. Sorry din.”
Tumango siya sa’kin.
“Mabuti at nahimasmasan ka na,” sabi ko. Hindi rin naman pala masama na nagkasagutan. If that didn’t happen, I don’t think I would talk to him if any thing bad happened to Joana.
“Salamat din,” dagdag pa niya.
“No prob,” I answered casually and then suddenly my phone rang. Tiningnan ko ang caller id at nakita kong si Chloe iyon. She probably read my message. “Sagutin ko lang,” paalam ko sa kanya at saka lumabas ng cafeteria.
“Hey,” I answered.
[Aren’t you going home?] she asked me irritated.
“I’m not yet ready!” sagot ko.
[You don’t have money, for God’s sake!] nailayo ko ang phone ko sa tainga dahil sa lakas niyang sumigaw. [Dammit! I don’t have spare money]
Napabuntong-hininga na lang ako. I was forced to borrow money from her because I was flat broke! But I was not a fool to believe her. Anak siya nina Mommy at alam kong hindi siya mauubusan ng pera.
“Seriously, I’m in the hospital right now,” sabi ko.
[What?! The hell happened to you?! Are you alright?]
Muli kong nailayo ang phone ko at napairap na ngayon. “Lower your voice! Baka marinig ka nila Mommy dyan.”
[They’re not here. They’re busy looking for you]
Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko. Days had passed. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila ako. Akala ako ay matagal na silang sumuko.
[Gladly, they didn’t asked me any question]
“That’s a relief.”
[By the way, why are you in the hospital?]
“Not me,” sagot ko. “It was Andre’s sister. I’m poor now, Chloe. Kailangan ko ng tulong mo.”
[And that’s money?]
“Yes. Paano ko sila matutulungan kung wala akong pera? I wouldn’t ask you this if it’s not important. Kilala mo ako.”
[Yeah] frustration in her voice. [But I-I’ll try, okay?]
“Kailangan ko siya sa lalong madaling panahon,” sabi ko.
[Okay. You have your ID with you, right?]
Tumango ako kahit na alam kong hindi niya iyon makikita. “Yes.”
[I’ll call you again if I already sent the money]
“Thanks, Chloe.” Nakahinga ako roon ng maluwag. Good thing Chloe got my back. Ipapaalam ko na lang kay Andre ‘to para hindi na masaktan ang pride at ego niya. He should know this. He should also know that I’m always here to help. Always.
Let be the odds our problem, but I’ll help.
“Kamusta naman si Shane?”
[Hm, right. He’s always crying. Sabi ko na lang na uuwi ka na kapag maayos na ang lahat]
I smiled sadly. Namimiss ko na ang makulit kong kapatid. I missed them all. So much. But what they did was too much. I can’t go back if they will do the same mistake again.
“You?”
I heard she chuckled. [Heh, I’m alri-] Nakarinig ako ng ingay sa kabilang linya. Medyo napakunot ang noo ko dahil hindi na maliwanag ang usapan namin.
“Chloe? Are you still there?”
[Oh god] I heard she whispered. Kahit mahina iyon ay sakto lang para marinig ko.
“What’s the problem? May nangyari ba?”
[N-No. Just, stay where -] The line ended. Kunot noo kong tiningnan ang phone ko. Hindi ko naintindihan ang huling niyang sinabi. It was something serious. But I got so much to do. She’ll call me soon. I’m hoping.
Bumalik na ako sa loob ng cafeteria at nakita ko si Andre na nakatingin lang sa malayo. Kung hindi ko siya kilala at ibang tao ako ngayon, I would think he has so many problems in life. Mata pa lang niya ay kitang-kita mo na iyon.
I grew up knowing men love to party, play with girls and not thinking about problems in life. Then I met him. He’s so different from them.
I smiled. Way better than them. I was lucky I met him. Sa tingin ko ay hindi ko na siya papakawalan pa.
“Tapos ka ng kumain?” tanong ko sa kanya. Tumingin siyang gulat sa’kin. Malalim nga ang iniisip niya.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at inayos ang cap na suot. Kanina niya lang ito tinanggal nung kumain kami. He’s now wearing it again. “Oo,” sagot niya.
Tumango ako. “Alis na ba tayo?” tanong ko sa kanya. Mag-aalas dos na rin kasi ng hapon at baka gabihin pa kami sa bahay nila. Kami pa namang dalawa lang ang nandon.
Well, I’d love that.
“Tara na,” sabi niya at nauna nang maglakad sa’kin. Sumunod lang ako sa kanya sa room ni Joana para makapag-paalam kami kay Tita.
Sumakay kami ng tricycle na dalawa at tahimik lang kami. Nakatingin lang siya sa malayo at pinagmamasdan ko lang ang dinadaan namin.
“Sinong kausap mo kanina?” he suddenly asked kaya medyo nagulat ako.
“Si Chloe,” sagot ko. “Kilala mo siya diba?”
I saw him nod without looking at me. Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Si Andre ang nagbayad sa driver at ako ay nagsimula ng ayusin ang mga kakailanganin naming damit. Inayos ko rin ang mga damit ko dahil hindi naman ako na nakapag-prepare.
“Are you done?” tanong ko sa matipunong lalaking kasama ko. Sinasarado na niya ang zipper ng bag na inayos niya.
“Oo,” he simply answered.
“Ako rin,” sagot ko.
“Ah, Wyssa,” he called me.
“Hm?”
“Pwede bang pakikuha yung damit ni Joana sa kwarto nila? Naiwan ko ata diyan. Paborito pa naman niya iyon. Nandyan ata yun sa cabinet.”
“Sure, saglit lang,” sagot ko at nagtungo sa kwarto nila Tita.
Hinanap ko ang cabinet na sinasabi niya at agad ko ring nakita ang sinasabi niyang damit. Dalawang damit ang nakita ko at parehas ko iyong dinampot.
As I was walking out of the door, I dropped one of the shirt. Kinuha ko ito sa paanan ng isang table at sa hindi sinasadya ay agad napako ang tingin ko sa isang picture.
My forehead creased as I grabbed the picture frame. This seemed familiar. Parang nakita ko na ito kung saan na hindi ko alam. Tinitigan ko pang mabuti ang litrato pero wala talagang pumapasok sa isip ko kung saan ko nakita ng picture na ‘to.
“Wyssa?” Napalingon ako sa pintuan. Huminga ako ng malalim at saka binitawan ang picture.
“Nandyan na,” sagot ko at lumabas ng pintuan. Muli kong sinulyapan ang picture bago tuluyang lumabas ng kwarto.
That smile of that man.
“Ang tagal mo ata?” tanong ni Andre. Iniabot ko sa kanya ang damit ni Joana.
“I-I had a hard time finding that,” pagpapalusot ko.
Tumango na lang siya at biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ito and it was just a weather notification.
Pero... nang itatago ko na ang phone ko, I remembered something.
Agad akong napalingon sa litrato.
That suit, he’s wearing. That smile, he’s showing. That man.
Malalim ang paghinga ko.
Hindi ako nagkakamali. Katulad na katulad iyon sa picture na nakita ko kay Mommy. I can’t be wrong. It was the same copy. The same guy.
And I was sure of his name. It was written there.
“A-Andre?”
“Hm?”
“A-ano ngang pangalan ng tatay mo?” I was sweating. Sana ay mali ako ng akala. Sana nga ay mali ang naiisip ko.
“Thadeo,” sagot niya.
Nahigit ko ang hininga ko. My knees were shaking and I suddenly fell on the floor. No.
I was right.