"Saan naman ang punta natin ngayon?" tanong ko sa kanya. Naglalakad kami sa hindi ko alam na direksyon. Hinayaan ko lang ang sarili ko na sumunod sa kanya dahil siya naman ang may alam dito, kahit papano.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam," sagot niya. "Karamihan kasi sa mga tindahan ngayon ay sarado pa."
Napansin ko nga. Ang mga bukas pa lang ay yung mga tindahan ng prutas, isda at mga karne. Ang ibang libangan at malls ay sarado pa.
Tumango lang ako sa kanya at inilibot ang paningin sa palengke. Malinis pa ngayon ang paligid at may ilang mamimili na rin.
Iba pa rin talaga ang buhay dito sa probinsya. Lahat maagap.
"Anong pangarap mo sa buhay?" Kumunot ang noo ni Andre sa biglaang pagtatanong ko.
"Business man," marahan siyang tumawa at kumunot ang noo ko.
"Anong nakakatawa dun?"
"Ang layo e," nagkibit-balikat pa siya.
"Malay mo naman, diba?" sagot ko sa kanya. "Walang imposible."
"E ikaw?" tanong niya.
Hindi na ako nag-isip dahil una pa lang naman ay alam ko na ang pangarap ko. "Professional painter at pangarap ko ring magkaroon ng sariling gallery," sagot ko. Tumango siya at may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi.
"Gusto ko kapag naging successful ka, bilhan mo ako ng paintings ko," marahan kong tinulak ang braso niya.
"Kapag naging successful," sabi niya at napatango-tango.
"Oo naman," sagot ko. "Masipag ka naman sa buhay. Kaya hindi na ako magtataka kung maging matagumpay ka."
"Sana." Lumiko kami ng daan at sa di kalayuan ay may isang bookstore na binubuksan ng isang babae.
"Bookstore!" Tinuro ko rito. "Tara!" yaya ko sa kanya at hinila siya sa palapulsuhan. Wala na siyang nagawa kaya nagpahila na rin sa'kin.
Nang makapasok ay inilibot ko kaagad ang paningin ko sa mga libro. Isa ang libro sa mga pinagkukuhanan ko ng inspirasyon ko. Kapag may oras ako, libro ang nagiging libangan ko.
"Flowers for Algernon," basa ko sa libro na hawak ni Andre. "You read books?"
Tumango siya at ibinalik ang libro sa kinalalagyan nito. "Minsan."
"Ano nang mga nabasa mo?"
"Ayan," tinuro niya ang librong binasa ko kanina.
"Tell me about it." Naglakad kami sa kabilang shelf ng libro at tumingin-tingin doon.
"Basahin mo na lang," sagot nito.
"Konti lang naman," sabi ko habang tinitingnan ang libro sa gilid ko. "Sinong bida?"
"Si Charlie," maikling sagot nito.
Tumango-tango ako. "Ah, so, na- in love si Charlie kay Algernon dahil sa taglay nitong kagandahan?" sabi ko. "Typical love story."
Napatigil siya sa paglalakad at pagtingin sa mga libro. Tumawa ito at dahil doon ay kumunot ang noo ko.
"Anong problema?" tanong ko, naguguluhan. Pakiramdam ko ay may mali sa sinabi ko. Tumigil siya sa pagtawa.
"Daga si Algernon," ginulo niya ang buhok ko at iniwan ako sa pwesto naming iyon.
Naiwan ako roong nakatulala. Ginulo niya ba talaga ang buhok ko?!
Hindi makapaniwalang sumunod ako sa kanya. Hindi ko naman alam na daga si Algernon. Mali ako, oo na. Pinangunahan ko kasi. Naabutan ko siya sa unang section ng bookstore kung saan nadoon ang mga poems and books for kids. "Hindi ko naman alam," sabi ko sa kanya.
Nginitian ko nito at inayos ang buhok kong ginulo niya kanina. Kinilig ako sa tagpong iyon at pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko at nag-blush ako.
"Okay lang," sabi niya at tinanggal ang kamay nang matapos. "May bibilhin ka ba?"
Umiling ako at ngumiti. "Ikaw?"
"Eto sana," itinuro niya ang coloring book na may kasama ng mga pangkulay. "Kaso mahal."
Kinuha ko ang coloring book na sinasabi niya. Para ata ito sa kapatid niyang may cancer, kung hindi ako nagkakamali.
Nakakadurog naman ng puso ang pagmamahal niya sa kapatid niya.
Masyado ngang kamahalan ang price. Pero kung para sa kapatid naman niya, okay lang. Deserve naman nung bata.
"Ako na bibili," sabi ko at handa na sanang pumunta sa counter para mabayaran.
"Hindi na," kapit niya ang braso ko.
"Sabihin mo, inipon mo," sagot ko sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakakapit niya sa'kin.
"Wyssa," nangungusap ang mga mata niya. "Wag na."
Ang malumanay na boses niya ang nagpasuko sa'kin para hindi bilhin ang color book. Tinawag niya rin ang pangalan ko. "Okay." Kinuha niya sa kamay ko ang librong iyon.
Ngumiti ako at siya na ang naglagay pabalik sa coloring book. "Tara na," aya niya sa'kin at nauna na siyang lumabas ng bookstore.
"Next time," bulong ko sa sarili ko at sumulyap pa sa coloring book bago lumabas. Nakakahiya naman dahil hindi man lang kami bumili sa bookstore.
Ngayon ay hindi ko na talaga alam kung saan kami pupunta.
"Gusto kong makita ang pamilya mo," sabi ko habang naglalakad kami at nakasunod ako sa kanya.
"Bakit naman?"
"Wala lang," sagot ko. "Gusto kong makita yung mga mahal mo sa buhay. Gusto kong sabihin sa kanila na ang swerte-swerte nila dahil may kapatid at anak silang katulad mo." Ngumiti ako.
Napangisi ako at tumungo. "Hindi ko naman kailangan ng recognition."
"You don't need it but you deserve it," sagot ko. Tumingin ito sa'kin. "Deserve mo lahat, Andre. Napakabuti mo kaya!"
"Salamat," ngumiti siya sa'kin. Gosh! Alam ng Diyos kung gaano ko siya gustong yakapin ngayon!
Nakakatunaw ang mga ngiti niya. Hindi niya ako binibigong mapahanga tuwing ngumingiti siya sa'kin.
Tahimik kaming naglalakad. Siya ay mukhang nag-iisip at ako naman ay pinipigilan ang aking sarili.
"Anong oras ang alis mo?" tanong niya.
"After lunch?" sagot ko sa kanya. "Kumain muna tayo bago ako umalis. Isama na rin natin si Ed." Tumango siya sa sinabi ko at bumalik kami sa pinanggalingan namin. Dahil wala rin naman kaming mapuntahan, bumalik na lang kami sa stall at doon nagpalipas ng oras.
Nang magtanghali na ay nagpunta na kami sa isang food house.
"Libre mo ba 'to, Wyssa?" tanong ni Ed habang hinihintay ang mga orders namin. "Wala kaming pera, okay na ako dun sa carinderia."
Siniko naman siya si Andre at hindi iyon nakalampas sa paningin ko. "Oo naman. It's on me!" sagot ko at hinayaan na lang ang nakita.
Nakapwesto kami sa bandang likod ng food house. Si Andre at Ed ang magkatabi at ako ang sa harapan nila.
"Wag kayong mahiya sa'kin. Ako lang 'to," sabi ko sa kanila. Tumawa si Ed at si Andre ay napangiti.
"Astig ka talaga!" sabi ni Ed at nag-thumbs up pa ito. Ngumiti na lang ako at saktong dumating ang mga orders namin. "Thank you," sabi ko sa crew bago siya makaalis.
"Kailan ka naman makakabalik?" tanong ni Ed habang kumakain kami.
"Hindi ko pa alam e," sagot ko, medyo malungkot.
"Bihira naman kaming pumuntang Manila dahil sa probinsya talaga kami naka-destino," sagot ni Ed.
Tumango na lang ako at tinapos namin ang pag-kain namin.
"Oh? Pa'no ba yan? Babalik na ako sa stall at MAGTATRABAHO," sabi ni Ed at mapanuksong tumingin kay Andre.
Napatawa naman kami sa kanya. "Babalik din kaagad ako kapag naihatid ko na siya," sagot ni Andre.
"Sige, ingat kayo. Bilisan mo na lang boi," sabi pa ni Ed na tinanguan lang ni Andre.
"Bye, Wyssa!" ngumiti siya sa'kin at naglakad palayo. "Salamat sa suhol!"
Napatawa ako at kumaway na lang rin. Tumingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon.
"Saan ba kita ihahatid?" tanong niya sa'kin. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sakayan.
"Sa bahay," sagot ko at inilagay sa likod ang kamay.
"Sa Manila?"
Napatawa ako. "You can?"
Agad siyang napatango kaya napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. "Talaga?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Kaso hindi pwede," ngumiti ito sa'kin.
Napanguso ako at naglakad ulit. "Right."
Nang makarating kami sa sakayan ay wala kaming makitang tricycle kaya nag-jeep na lang kami. Magandang nangyari na rin 'to para pwede kaming maglakad na lang papasok sa subdivision.
Pinauna ko nang sumakay si Andre sa loob bago ako. Nang makatabi kami ay hindi maiwasang magdikit at mga hita at braso naming dalawa kaya parang may kuryente na naman na dumadaloy sa katawan ko. Masikip ang loob ng jeep at halos kadikit ko na rin ang lalaking katabi ko.
"Ako na ang magbabayad," sabi ni Andre at iniabot ang bente pesos. Tumango na lang ako dahil mukhang desidido naman siya.
Kapansin-pansin ang kahabaan ng mga hita ni Andre sa hita ko. Ang tangkad talaga niya. Halos maabot na ng ulo niya ang bubong ng jeep.
"Marunong ka bang umuwi pabalik?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko.
"Oo naman," marahan siyang tumawa at tumingin sa labas.
"E hindi ka naman taga-rito," sagot ko.
"Sanay na ako," sabi niya at napatango ako. Hindi naman imposible. Baka mabilis lang siyang makatanda ng mga daan.
Nawala ang tingin ko kay Andre nang maramdaman ko may humimas sa hita ko. Napatingin ako sa lalaking katabi ko at agad kumunot ang noo. Hindi niya ako pinansin at nakatingin lang siya unahan na parang walang pakialam.
Kahit masikip ay umusod ako sa tabi ni Andre. Naramdam ko na napatingin ito kaya nginitian ko lang siya. Muli na naman akong nakaramdam na hinimas niya ang hita ko. Hangga't maaari ay hindi ako gagawa ng g**o kaya minabuti kong umusod na lang ulit.
Huminto ang jeep at may bumabang ale. "Magpalit nga tayo," sabi ni Andre sa'kin at nauna na siyang kumilos. Mukhang nakaramdam na siya. Hindi na ako umangal at nakipagpalit na lang sa kanya. "Gago ka?"
Agad akong napalingon kay Andre nang sabihin niya ito sa lalaking katabi ko. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko nang lumabas iyon sa mga bibig niya! Malamig ang boses niya sa pagkakasabi niyang iyon at ultimo ay kaya niyang gumawa ng masama.
"Andre," tawag ko rito pero hindi niya ako pinansin.
"Wala ka bang nanay?" tanong ulit nito. Kinapitan ko na siya sa braso niya para pakalmahin.
"P-pasensya na," sabi nung lalaki at pinara ang jeep. Bumaba ito at laking pasasalamat ko dahil huminahon na rin si Andre.
"Malibog," bulong nito at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Damn! This guy!
"Thank you," ngumiti ako sa kanya. Tinanguan niya lang ako bilang sagot at inalis ko na rin ang mga kamay ko sa braso niya. Nag-eenjoy pa sana ako kaso baka mapansin niya iyon.
Napansin ko ang hagikhikan ng mga kababaihan sa harapan ng inuupuan namin. Nakatingin sila sa'min na para bang kilig na kilig. Sino ba namang hindi kikiligin sa ginawa niya?
Buong byahe ay tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa subdivision. Bumaba kami ng jeep at hindi kami sumakay ng tricycle.
"Salamat ulit ha?" sabi ko sa kanya nang naglalakad na kami papaloob sa subdivision.
"Okay na yun," sagot nito. "Hindi lang siguro siya mahal ng nanay niya."
Napatawa ako dahil dun at siya naman ay ngumiti lang. May dumaang tricycle sa gilid ko. Hinila ako ni Andre sa braso upang makapagpalit kami ng pwesto. At sa pangalawang pagkakataon ngayong araw na ito ay bumilis ang t***k ng puso ko. Ano bang ginagawa niya sa puso ko at biglang bumibilis ng ganito?!
"T-thanks," sabi ko sa kanya. Bakit ako nauutal?!
"Para saan?" tanong niya. Umiling na lang ako dahil parang wala lang sa kanya yun at ako naman ay grabe ang t***k ng puso!
Kinompose ko ang sarili ko at nagtanong na lang sa kanya para mawala ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kapag nanahimik kami ay pakiramdam ko ay maaalala ko yon hanggang sa makauwi.
"Pa'no kaya ulit tayo magkikita?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam," ang tanging sagot nito.
"Sana sa susunod, makita ko ang mga kapatid mo. Saka yung mother mo."
"Bakit?"
"Gusto ko nga silang makilala," sagot ko dahil naitanong na niya sa'kin 'to kanina.
"Bakit ulit?"
Napatawa na ako roon. Ang daming tanong!
"Wala lang," sagot ko. "Gusto kong itanong kung anong pinakain sayo nung bata ka pa at ganyan ka kasipag!"
Ngumiti siya at muli kaming natahimik.
"Nakukulitan ka ba sa'kin? Simula nung magkakilala tayo ay lagi kang matipid," sabi ko.
"Hindi," umiling siya at medyo nanahimik. "Bakit ako, Wyssa?"
Napatingin ako sa kanya. "Bakit hindi si Ed? Bakit ako?"
Hindi ko alam kung ano ang nagpangiti sa'kin sa tanong niyang iyon. "E ikaw e. Ikaw yung gusto ko e."
Hindi ko rin alam kung tama ba ang sinagot ko. Alam niya bang gusto ko siya? Alam niya bang crush ko siya? Nag-confess na ba ako?
Wala siyang isinagot sa'kin at hindi okay sa'kin yun. Pakiramdam ko ay na-reject ako!
Nakita ko na ang sign na 'Las Vegas' sa gilid. Tanda na roon ako liliko para makapasok sa bahay nila Nanay Q.
Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Magsasalita na sana ako para basagin ang katahimikan pero nauna na siya.
"Salamat, Wyssa." Tinawag niya ang pangalan ko at alam kong seryoso iyon.
"Para saan?" tanong ko.
"Sa lahat," sagot niya. Tumango lang ako. Gusto ko sana specific ang sagot niya pero okay na rin 'to. "Isang tanong lang."
"Ano?"
"Anong nakita mo sa'kin?"
"Mga qualities na mayroon ang first boyfriend ko," ngumiti ako. Ang landi ko talaga. I'm so proud.
"Wala pa iyon sa isip ko," sagot niya. Mukhang na-gets ang sinabi ko.
"I'll wait," sagot ko. "I'm willing to wait. Basta ikaw ang hihintayin ko."
"Wyssa-"
"Okay lang. Family first," ngumiti ako kahit na pakiramdam ko ay na-reject na naman ako.
Wala na siyang nagawa kundi ang tumango. "Dito na lang ako," sabi ko matapos ang nakamamatay na katahimikan.
"Sorry," sabi niya sa'kin. "Sadyang-"
"No, it's okay," sagot ko. "Naiintindihan ko naman e. Mahalaga ang pamilya sa'yo. Ako? Kakikilala mo lang sa'kin and that's enough for me. Handa akong maghintay."
Mukha ba akong may ipaglalaban? Pamilya niya yun.
"Dito na ko, Andre," pag-uulit ko. Sana hindi masira ang pagkakaibigan namin dahil sa confession ko. Sana hindi niya ako iwasan.
"Mauuna na 'ko," sabi ko. "Mag-iingat ka."
"Saglit lang."
Lumingon ulit ako sa kanya. "Wag ka na ulit magsusuot ng sobrang ikling shorts kapag dadalaw ka sa'kin."
Napatigil ako roon. Heto na naman ang puso ko na sobrang bilis ang pagtibok. Anong nangyayari sa'kin?! Dati ay ganito ang nararamdam ko kapag tumakbo ako pero ngayon, effortlessly, ganito kabilis ang t***k ng puso ko!
"O-okay," pakiramdam ko ay sobrang pula ng mukha ko ngayon kaya hindi ako makatingin sa kanya ng maayos.
"Maraming manyak dito," dagdag pa niya. Ngumiti na lang ako at pilit pa ring tinatago ang nararamdaman.
Lumapit ako sa kanya para makahalik sa pisngi at makapag-paalam. Hindi ko gugustuhing umalis ng hindi nakakahalik, ano?
"Babye," ngiti ko. "Reply."
Tumalikod na ako sa kanya at hindi na nag-abalang lingunin siya. Kinapitan ko ang puso ko na mas lalo atang bumilis ang pagtibok. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa.
Siya lang ang nakagawa sa'kin nito. That man. Only him.