"Thank you," iniabot niya sa'kin ang ice cream.
Tumango lang ito at naging busy sa kanyang ginagawa. Napansin niya siguro na tahimik ako kaya nilibre niya ako ng paborito ko.
Napasimangot ulit ako dahil parang walang balak si Andre na kausapin ako. Ako nga kinalimutan ko na yung nangyari kanina e.
"Ang tipid mo naman," sabi ko sa kanya at kumagat sa ice cream.
"Ganito talaga ako," sagot nito at umupo sa tabi ko.
"May naging girlfriend ka na ba?" Ibinaling ko ang atensyon ko sa kanya.
Umiling ito. "Ikaw? Boyfriend?"
"Wala pa," ngumiti ako sa kanya. "If ever pala na maging tayo..." Tumigil ako sa pagsasalita. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya.
He showed nothing. Tumitig lang siya sa'kin.
"Ano?" tanong niya.
Umiling ako at ngumiti. "Wala," sagot ko at inubos ang ice cream. Napatanong ako bigla sa sarili ko. Paano nga kaya kung maging kami? Magiging mabuting girlfriend ba ko sa kanya?
"Kayo ha!" Pumasok si Ed sa loob ng stall. "Iniwan niyo ako roon! Nakakalungkot kaya kumain ng mag-isa!"
Hindi kami sumagot na dalawa. Nanatili kaming tahimik. Ewan ko. Usually, nagsasalita ako kapag nag-uusap siya.
"Anong meron?" Napansin niya ang pagiging tahimik naming dalawa. "Nag-away ba kayo?"
Argh! This feels not right! Ayokong ganito. Gusto kong maging masaya kapag kasama ko si Andre!
"Wala," ako na ang sumagot. Ngumiti ako sa kanya at tumayo. Pinagpag ko ang kamay ko. "Aalis nga pala ni Andre."
Naramdaman ko ang paglingon niya sa'kin. Kung hindi ako kikilos at kung parehas kaming tatahimik, walang mangyayari. E itong lalaki na 'to ay sobrang tahimik.
"Ano?" tanong ni Ed, gulat. "Hindi pwede! Shift niya kaya ngayon."
Napalingon ako kay Andre na ngayon ay nakatayo na sa likod ko.
"Andre, kukunin ka na naman sa'kin oh," tinuro pa ako ni Ed. Pinandilatan ko ng mata si Andre at nakita ko ang pagngiti nito.
"Ngayon lang," sagot ni Andre. Napapalakpak ako ng mahina don. Feeling ko ay nanalo ako.
"Ang daya niyo naman. Iiwan niyo na naman akong mag-isa!" singhal nito sa'min. Kinapitan ko si Andre sa palapulsuhan nito at hinila na palabas.
"Papasalubungan ka na lang namin," tawa ko kay Ed. Naglakad na kami palayo at narinig pa namin ang pagtawag sa'min ni Ed pero hindi na namin siya pinansin.
"San mo ko dadalhin?" tanong ko sa kanya nang makalayo kami. Palundag-lundag pa ako sa paglalakad dahil sa excitement. Malaki rin ang paghakbang nito dahil sa haba ng legs niya.
"Bakit ako?" tanong nito.
"Bakit rin ako?" sagot ko at napaturo pa sa sarili. "Hindi naman ako taga-rito."
"Hindi rin naman ako taga-rito."
"It's my first time here," sagot ko. "E ikaw?"
"Hindi," patuloy lang siya sa paglalakad.
"So, saan mo ako dadalhin?" pag-uulit ko sa tanong ko.
"Sumunod ka na lang." Napatango na lang ako. Okay...
Ilang minuto na kaming naglalakad ay hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin. Habang naglalakad kami ay hindi maiwasan na masanggi ko ang mga kamay niya. Minsan tuloy ay nagugulat ako at napapapitlag. Parang may kuryente na dumadaloy mula sa mga kamay namin papunta sa katawan kaya nagugulat ako minsan. Naisip ko na kung hawakan ko kaya ang kamay niya?
Kaso wag na. Baka magalit siya at ayaw ko ng mangyari ang kanina.
Makalipas pa ang ilang minuto na pananahimik at pagsunod sa kanya, natanaw ko sa di kalayuan ang dagat. Napatango-tango na lang ako at napatingin pa kay Andre. Infairness sa kanya ah?
Naalala ko tuloy nung nasa sea side kami sa MOA.
"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko sa kanya at naupo sa ilalim ng puno. Sakto lang ang layo namin sa dagat.
"Nadaanan lang namin kanina," sagot niya at naupo sa tabi ko.
Tumango lang ako at natahimik kaming dalawa. Parehas lang naming tiningnan ang dagat kahit na medyo masakit sa mata dahil tirik na tirik ang araw.
Inilibot ko ang paningin ko at napag-alamang hindi lang kami ang nandito. May iilang couples pala pero malayo sila sa'min.
"Kamusta yung kapatid mong may cancer?" tanong ko sa kanya.
"Ayos lang, lumalaban," sagot niya. Hindi ko magawang hindi malungkot. Ang hirap hirap nun. Ang bata pa lang ng kapatid niya, pinagkaitan agad siya ng kaligayahan.
"Nasa ospital siya, hindi ba?" tanong ko at tumingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa dagat, seryoso ang mukha.
"Pabalik-balik. Kapag alam naming, lumalaki ang bayarin, inilalabas na muna namin siya. Kapag nasumpong ang sakit niya, dinadala ulit sa ospital," sagot nito.
"The hospital let you do that?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Hindi talaga yun pwede," hindi pa rin siya lumilingon sa'kin. "Pero kami na ang nagpupumilit kasi wala talaga kaming pangbayad."
Nalungkot ako at parang gusto kong umiyak para sa kanya. Sobrang tatag niyang tao. Kung ako siguro ang nasa lagay niya ngayon ay gabi-gabi akong umiiyak.
"I can help," sabi ko sa kanya. Lumingon ito sa'kin pero hindi iyon nagtagal. Ibinalik niya ang paningin sa dagat.
"Wag na," sagot nito. "Kaya namin 'to."
Napanguso ako. "Alam ko naman. Tulong lang," pamimilit ko.
"Wyssa," tumingin muli siya sa'kin. Naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Minsan niya lang akong tawagin at pakiramdam ko ay seryoso siya tuwing tatawagin niya ako. "Okay lang."
Tumango na lang ako at napanguso. Naiintindihan ko naman kung ayaw nila. Sayang lang dahil mas mapapagaan sana yung gastusin nila. Pero hindi ko na ipagpipilitan.
Natahimik ulit kaming dalawa. Bilang Andre, mukhang wala naman siyang balak na magsalita kaya ako na lang ulit ang nagtanong.
"Anong klaseng tao ang tatay mo?" tanong ko sa kanya.
"Ang tatay ko?" tanong niya at mukhang nag-iisip. "Puno siya ng paninindigan. Kahit may pagkakataon siyang umalis at mangibang bansa, hindi niya kami iniwan."
Tumango ako.
"Kasi ang sabi niya, mas mahalaga raw na magkakasama kahit walang pera," pagpapatuloy nito. Napatungo ako dahil naalala ko si Dad. Oo nga't business person siya, pero kailangan ba talagang umalis?
"Kamukha mo ba tatay mo?" usisa ko pa. "Gwapo siguro tatay mo."
"Bakit mo nasabi?"
"Gwapo ka e," ngumiti ako. Ang landi ko talaga. Naisingit ko pa yun?
Ngumiti lang siya sa'kin kaya napangiti rin ako.
"Kinikilig," pang-aasar ko. Tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo. "O siya, hindi na. Hindi ka na kinikilig."
Umirap ako.
Matapos naming magkwentuhan, tumayo na kami dahil umiinit na sa pwesto namin. Nagpunta na lang kami sa palengke dahil wala kaming mapuntahan. Eto kami ngayon at kumakain ng street foods.
I made him believe that I eat street foods. Convinced naman siya.
Naupo kami sa upuan kalapit ng ihawan. Ibinigay niya sa'kin ang isaw. "Thanks," sagot ko. Naupo siya sa tabi ko at nagsimula kaming kumain.
"Nakakamiss," sabi ko, tinutukoy ang pag-kain ng street foods.
"Talaga ba?" tanong nito.
"Oo naman," sagot ko. "Nga pala, suotin mo yung binigay kong regalo sayo ah?"
Sasagot na sana siya sa sinabi ko pero inunahan ko na. "Oops - bawal umangal. Quota ka na," itinuro ko siya.
Ngumiti ito. "Bawal na?"
"Oo, dahil alam kong aangal ka. Kilala na kita, Andre. Kapag hindi mo yun sinuot ay magagalit ako sa'yo," sagot ko. "At hindi mo gugustuhing magalit ako."
Wala siyang nagawa kundi ang tumango at ngumiti.
"Sorry ha?"
Agad kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Para san naman?"
"Hindi kasi kita mabigyan ng regalo e. Uunahin ko muna ang gastusin namin," sabi niya.
"Ano ka ba!" singhal ko at marahang pinalo siya sa braso. "Okay lang. Ibili mo na lang ako ng buko juice, bilis."
Napatawa ito at ganon din ang naging reaksyon ko. Agad siyang tumayo at bumili ng iniuutos ko. Submissive naman pala ang koya.
Pinagmasdan ko siya sa pagbili ng buko juice. Natuturn-on ako sa kanya dahil sa pagmamahal nito sa pamilya niya. Siya talaga yung taong gusto kong makasama.
Hindi ko napansin na nakatingin din pala siya sa'kin. Nginitian ko siya at kinawayan pa. Akala ko ay dedeadmahin niya ako pero laking gulat ko ng ngumiti siya. Napansin ko ang pisngi nito na may maliit na dimple sa gilid.
Cute.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay bumalik siya sa'kin dala ang dalawang buko juice. Iniabot niya sa'kin ang isa.
"Bakit puro tungkol sa'kin ang mga tinatanong mo?" tanong ni Andre sa tabi ko nang makaupo siya.
Uminom muna ako bago sumagot. "Gusto kong makilala ka pa," sagot ko.
Tumango ito at uminom sa buko juice niya. "Ako rin."
"This is basically me. Nasabi ko na sa'yo ang tungkol sa pamilya ko," sagot ko. Lumingon ako sa kanya. "My life was nothing, until you showed."
Tumingin siya sa'kin.
"You're special to me," banat ko pa. Gosh! Anong nangyayari sa'kin at bakit ang cheesy ko?!
Hindi ito nagbigay ng sagot. Tahimik lang siyang nakatingin.
"Sorry, ang cheesy," ngumiti ako. "Never mind."
Umiling siya. "Okay lang. Ang sarap nga sa tainga."
"Okay..."
Buong maghapon ay kumain at nagkwentuhan lang kami hanggang sa oras na para umuwi ako. Ayokong magpagabi sa daan dahil baka mag-alala sila Nanay Q. Hindi lang si Nay Q ang nagsabing umuwi ako ng maaga. Si Andre rin ay kanina pa ako pinapauwi. Baka raw kung anong mangyari sa'kin.
Improving talaga siya! At kinikilig ako dahil don.
"Eto oh," ibinigay ko sa kanya ang mansanas na binili namin kanina. "Para kay Ed. Kawawa naman yun." Marahan akong tumawa.
"Pakisabi na salamat at next ulit."
Kinuha niya naman iyon. "Sige, sasabihin ko."
Naglakad kami sa sakayan para makauwi na ako. Tuwing iiwanan ko talaga siya ay nalulungkot ako. Ang hirap hirap niya iwanan! Ilang beses ko na ba iyong nasabi?
Hindi ba talaga pwede na kahit isang araw lang? Mula umaga hanggang sa sabay kami matulog?
"Mag-reply ka naman ha?" sabi ko sa kanya nang makarating sa sakayan. "Ang daya mo e."
"Oo na," ngiti niya sa'kin. "Sakay na."
"Wala bang kiss?" Itinuro ko ang pisngi ko at medyo lumapit sa kanya.
Umiling ito. "Wala kaya sumakay ka na."
Napanguso ako at ako na ang humalik sa pisngi niya. Kumapit ako sa braso niya bilang suporta. Sa tangkad nito ay kinailangan kong tumingkayad para maabot ang pisngi niya.
Matapos kong manakawan siya ng halik ay ngumiti ako sa kanya. "See you, tomorrow, Andre."
Halata ang gulat na nakapinta sa mukha nito. "I-ingat," nautal siya sagot niyang iyon kaya mas lalo akong napangiti. Sumakay na ako sa tricycle na kanina pa naghihintay sa'kin. Kumaway ako kay Andre at ngiti lang ang isinagot nito.
"Bayad po," iniabot ko ang pera sa tricycle driver bago bumaba. Pumasok ako sa bahay at naabutan sila Nanay Q na nanonood ng TV.
"Nay," nagmano ako at Nanay at Tatay Polo.
"Kaawaan ka ng Diyos," sabi niya. "Mabuti at umuwi kang maaga."
"Opo," sagot ko.
"E siya! Tayo'y kumain na!" aya ng panganay na anak ni Nanay Q.
"Oh sige," sagot ni Nanay Q at tumayo mula sa pagkakaupo. Nagtungo siyang kusina para makapag-hain.
"Anong ginawa mo sa palengke, anak?" tanong sa'kin ni Tatay Polo habang tinutulungan ko siyang maglagay ng mga plato sa lamesa.
"Nakipagkita po ako sa kaibigan ko," ngumiti ako.
"Mukhang ang dami niyong pinagkuwentuhan ah," komento ni Nanay Q at inilapag ang sinandok niyang kanin.
"Okay lang naman po," sagot ko.
"Oh siya, kumain na tayo. Umupo ka na dyan, Wyssa anak." Umupo ako sa kalapit ni Nanay. Tinawag niya rin ang mga anak nito para makakain ng sabay-sabay.
"Sana ganyan pa rin kayo sa huli," sabi ni Tatay Polo sa'kin habang kumakain kami.
Nagtaka agad ako. Akala ata nila na mag-jowa na kami ni Andre.
"Yung masaya," dugtong nito.
"Nako, Tay, hindi naman po kami," pagpapaliwanag ko.
"Dyan din ang tuloy niyo," sabi naman ni Kuya Harold.
"Bakit nandito ang lalaking sinasabi mo?" tanong ni Nanay Q.
"Dito po siya ngayon nagtatrabaho," sagot ko.
"Ay kaya! Ang lalaking iyon ang pinunta hindi ang baby!" sabi ng panganay na anak nila. Nagtawanan ang lahat. Hindi na ako umangal dahil isa naman yon sa mga dahilan. Ang sarap pala sa pakiramdam na may nasasabihan ka ng nangyayari sa buhay mo. Sa bahay kasi ay wala akong mapagkwentuhan maliban kay Chloe na pwede pang magsumbong kay Mommy.
Matapos naming makakain ay tumulong ulit ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan.
"Anak," tawag sa'kin ni Nanay Q. "Alam ba ito ng Mommy mo?"
"Hindi po," sagot ko.
"Anak," muling tawag niya sa'kin.
"Busy naman siya, Nay. Wala naman yung oras para alamin ang nangyayari sa'kin," sagot ko at nag-focus na lang ulit sa paghuhugas.
"Sabagay. Trabaho lang naman ang ginagawa ng Mommy mo," pagsang-ayon nito. "Hindi na tuloy kayo naaasikaso. Pati si Shane."
"Hindi naman po ako galit," dagdag ko. "Naiintindihan ko po ang responsibilidad niya sa trabaho."
"E may balak ka bang ipalam sa kanya 'to?"
Nagkibit balikat ako. "Kapag may oras po."
"Bukas ng hapon ay alis na natin. Sulitin mo na ang pagkikita niyo," sabi ni Nanay Q. Tumango lang ako. "Wyssa anak, maaasahan mo ako na hindi ko sasabihin sa Mommy mo ang ayaw mong ipaalam sa kanya."
"Salamat, Nay," gusto kong maluha dahil para siya na ang tumatayong magulang ko. Simula bata ako ay nandyan na siya.
"Basta," tumigil siya at hinagilap ang mga mata ko. "Ayokong nagsisinungaling ka. Kakampi mo ako kapag nasa tama ka."
Tumango ulit ako at pinigilan ang pagluluha ng mga mata. "Salamat po." Hinagod niya ang likod ko. Ang swerte ng mga anak niya. Sobrang bait ni Nanay Q.
Matapos naming maghugas ng pinggan ay umakyat na ako para makapaglinis na ng katawan. Nang matapos ako ay tinawagan ko si Andre dahil pag tinext ko yon ay baka hindi na naman siya magreply. Masasapak ko na yun. Char.
"Hi!" bati ko sa kanya nang sagutin nito ang tawag makalipas ang ilang ring.
[Bakit?]
"Hindi mo man lang ako binati, bakit agad?" ngumuso ako.
[Bakit nga?]
"Wala naman. Baka kasi hindi ka mag-reply kapag nag-text ako."
[Okay]
Ang tipid talaga!
[Salamat daw pala sabi ni Ed]
"Walang anuman," sagot ko. "Nag-enjoy ka ba kanina?"
[Oo]
"Anong ginagawa mo?"
[Wala, nagpapahinga lang. Maraming customers nang makabalik ako e.]
"Siguro kinawawa ka ni Ed," tumawa ako.
[Ganon na nga]
"Kawawa naman ang baby ko," pangaasar ko. Hindi ito natawan man lang o sumagot. "Joke lang. Sineseryoso mo masyado."
[Okay lang naman]
"So, okay lang 'baby' ang itawag ko sa'yo?"
Mabilis itong sumagot. [Syempre, hindi]
"Ang daya!" angal ko. "Nga pala, aalis na pala kami bukas ng hapon."
[Okay]
"Hm? Yun lang? Di ka man lang ba malulungkot kasi mamimiss mo ako?"
Marahang tumawa ito sa kabilang linya. [Ingat ka na lang]
"Ano pa nga ba?" sagot ko. "May gagawin ka pa ba?"
[Mag-aayos na sana kami]
"Oh okay. Tulungan mo na si Ed. Baka magtampo na naman."
[Oh sige]
"Babye! Good night, Andre!"
[Good night, bye, Wyssa] pinatay na niya ang tawag.
Tinawag niya ako sa pangalan ko, hindi ba?! Gosh! It made me electrified!
Kinaumagahan ay sinadya kong maagang magising para maagang makaalis. Alas-otso ng umaga ay handa na ako. Nakasuot lang ako ng high waisted ripped shorts at white oversize t-shirt na naka-tuck in sa shorts ko. Bumaba ako ng hagdanan at nagpaalam kay Nanay Q.
"Nay, alis na po ako," paalam ko sa kanya.
"Oh sige. Mag-ingat ka maaga kang umuwi para hindi tayo gabihin sa byahe," sagot nito at tumango ako. "Hindi ka ba muna kakain?"
"Hindi na po," sagot ko. "Don na lang, Nay."
"Sigurado ka?"
Tumango ulit ako. "Alis na po ako."
"Ingat, anak." Lumabas na ako ng bahay at naglakad sa bungad ng subdivision para makasakay.
Nagpababa na ako sa tapat ng stall nila Andre at nagbayad. Umalis ang tricycle at nakita kong sarado pa ang stall nila Andre.
Kumatok ako sa tolda na nakaharang sa harapan nila kahit alam kong wala itong masyadong nililikhang tunog.
"Andre?" tawag ko. "Ed?" Ilang segundo pa akong naghintay pero walang sumasagot. Pumasok na lang ako sa loob dahil mainit sa labas at hindi naman ako makaupo dahil nasa loob ang upuan nila.
Nang makapasok ako ay bigla akong nagsisi sa nakita. Agad akong napatalikod dahil sa h***d na katawan ni Andre. Naka-shorts naman siya pero yung abs e. Yung abs talaga!
"S-sorry," nauutal kong sabi. "H-hindi kasi kayo sumasagot e. Kaya ayan..." pinaglalaruan ako ang daliri ko dahil sa kahihiyan.
"Ang aga mo ah," sagot nito at narinig ko ang marahang pagtawa niya. Nakakainis! Inaasar pa ako! "Anong tinitingnan mo dyan sa harap?" See?!
"Ah, w-wala," sagot ko. "Magbihis ka na nga!"
Tumawa na naman ito at mukhang gustong-gusto ang nangyayari.
"Okay na," sabi niya, makalipas ang ilang segundo. Dahan-dahan akong humarap para masiguro kung okay na nga talaga. Mabuti naman at hindi niya ako inalaska.
Napangiti pa ako dahil suot niya ang damit na regalo ko sa kanya. Sakto pa dahil bagay na bagay sa kanya ang kulay at fit din kaya medyo bakat ang tikas ng katawan nito. Nag-eenjoy ako sa view.
"Ang gwapo mo," komento ko. Ngumiti ako sa kanya at napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin.
"T-tulog pa si Ed," sagot nito.
"Nautal ka ba?" natatawa kong tanong. I heard him right!
"Hindi ah," pinatuyo niya ang bagong ligong buhok gamit ang tuwalya.
"Ah okay. Mali ata yung pagkakarinig ko," puno ng sarcasm ang boses ko.
"Oo," sagot niya at napatawa naman ako. In-denial ang koya. Nagpatuloy naman siya sa pagtutuyo ng buhok at naupo naman ako.
"May kailangan pa kaming gawin sa machine," sabi ni Andre at lumapit dito.
"Okay, maghihintay ako," sagot ko. Pinagmasdan ko lang ang mga galaw niya. Mula ulo hanggang paa niya ay napansin ko na ata.
"Kumain ka na ba?" tanong niya. Umiling agad ako.
"O busog ka na? Kanina ka pa nakatingin sa'kin." Agad akong namula sa sinabi niya. Shemay! Alam na alam niya kung paano ako pahiyain.
"Alam mo? Nakakainis ka," sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang ito. "Sabay na tayong mag-umagahan." Aba, talagang improving! Siya pa ang nagyaya ah!
"Okay!" masaya kong sagot dahil sa excitement. Pumasok siya sa likod ng kurtina at mukhang magpapaalam kay Ed. Minsan naguguilty din ako dahil bigla bigla ko na lang hinihiram si Andre kahit oras ng trabaho. Baka nagagalit na nga si Ed e.
Matapos makapag-paalam ay niyaya na niya akong umalis kami. Sumunod naman ako sa kanya sa labas.
"Saan tayo kakain?" tanong ko nang makalabas kami.
"Doon ulit," sagot niya. "Ayaw mo ba?" Lumingon siya sa'kin habang naglalakad kami.
"Hindi ah!" pagtatanggol ko. "Okay lang sa'kin, basta kasama ka."
Hindi ko makita ang reaksyon nito dahil sa iba siya nakatingin. Hindi ko alam kung sinasadya niya pero hindi ko na lang pinilit na tingnan.
Nang makarating kami sa carinderia na kinainan namin noon, naupo agad kami sa pandalawahang upuan. Siya na ang umorder para sa'ming dalawa.
Makalipas ang ilang minuto at bumalik siya kasama ang mga dalang pagkain.
Umupo siya sa tapat ko. "Kain na."
"Eat well," sabi ko sa kanya. Tumango ito.
"Alis ka na mamaya?" tanong niya habang kumakain.
"Oo e," sagot ko at sumubo ng kanin.
"Pwede bang ihatid mo ako?" tanong ko sa kanya. "Para masulit natin."
Eto na naman. Hihiramin ko na naman siya. Sorry, Ed.
"Pwede," tumango-tango siya.
"Yes! Thank you!" masaya kong sagot. "Ang bait mo talaga!"
"Nambola ka pa."
"Hoy, hindi yon bola ha? Totoo yun," sagot ko.
Nagkibit-balikat lang siya.
"Kamusta nga pala yung exams mo?" tanong niya. Hanggang ngayon ay di pa rin ako sa sanay na nagtatanong niya. Well, mas mabuti na 'to.
"Okay lang. Nakaka-stress pero kaya naman," sagot ko. "Ang hirap kaya mag-review."
"Akala ko ay busy ka sa kompanya niyo? Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya ulit.
"Luckily, may pumalit sa'kin. Business is not for me, really," sagot ko. Iba ang gusto kong tahakin sa buhay ko. Ayoko sa business.
Matapos naming kumaing dalawa ay napag-desisyonan kong ipag-take out si Ed ng umagahan para hindi ulit siya magtampo.
"Sobra naman ang pag-aalala mo sa kanya," sabi ni Andre habang naglalakad pabalik ng stall.
"Nagui-guilty ako," sagot ko. "Siya kasi yung nagtatrabaho habang wala ka. Sorry ha?
Ngumiti ito. "Para saan naman?"
"Feeling ko ang selfish ko."
"Ginusto ko rin naman," sabi niya. "Hindi mo ako pinilit."
Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Medyo nabawasan ang guilt na nararamdaman ko. Promise last na 'to. Di ko na siya ulit hihiramin kay Ed. Ako na ang mag-aadjust.
Nang makarating kami sa loob ng stall ay bagong paligo si Ed. "Hi!" bati ko sa kanya.
Iniabot ni Andre ang binili naming breakfast dahil siya ang nagdala nito. "Ang aga mo, Wyssa ah?" bati nito. "Oh ano 'to?"
"Suhol," tawa ni Andre at pumasok si likod ng kurtina.
"Sinasabi ko na nga ba e! Kukunin mo na naman siya," tumingin sa'kin si Ed.
"Last na," ngumiti ako. "Thank you, Ed. Ang bait bait mo!"
"Nambola ka pa!" sabi niya at binuksan ang breakfast. "Sige ha, kain na ko. Salamat, Wyssa!" Lumabas ang dimple nito sa gilid ng pisngi.
"Alis na kami ha? Kain ka lang dyan," sabi ko at hinila si Andre sa braso nang makalabas siya galing sa likod ng kurtina.
"Oh sige, umalis na nga kayo!" pagpapalayas nito sa'min. "Sana all may jowa."
Agad kaming tumingin ni Andre sa kanya at sabay kumunot ang noo.