CHAPTER 7

2782 Words
Nagising ako dahil sa tapik sa balikat ko. Marahan akong nagmulat ng mata.     "Anak, nandito na tayo," sabi ni Nanay Q. Mabilis akong kumilos nang mapagtanto ang sinabi niya. Ilang kilometers na lang ang agwat namin ni Andre?     Nang makababa kami ay tinulungan ko si Nanay Q at Tatay Polo na magbuhat ng ilang mga gamit. Inilibot ko ang paningin ko at hindi na nabigla sa nakita. Wala namang pinag-iba. Probinsya looking pa rin. Mas maganda pa rin talaga ang farm nila Janna.     Sumakay kami ng tricycle para makarating sa subdivision nila Nanay Q. Nang makarating ay agad dumalo sila Nanay Q sa kapapanganak na anak. Napangiti ako nang makita ang baby. Sobrang cute!     "Mga anak, si Wyssa, panganay na anak ng amo ko," pagpapakilala ni Nanay Q sa mga anak niya.     "Hello po," sagot ko at marahang tumungo para magbigay galang.     "Aba'y kabait naman nire e!" halata ang Batangueno accent ng panganay na anak ni Nanay Q sa pagsasalita nito.     "Hello!" bati naman ng bunso at ngumiti naman ako.     "Eto nga pala ang regalo ng Mommy niya," sabi ni Nanay Q at iniabot ang paper bag sa pangalawa nitong anak.     "Salamat, neng," sabi nito sa'kin. "Pasabi salamat ha?"     "Opo," tango ko sa kanya.     "Kumain na tayo!" sabi ni Tatay Polo at nagsikilos ang lahat.     "Halika anak, papakita ko sa'yo ang magiging kwarto mo," hinila ako ni Nanay Q paakyat sa taas. Pumasok kami sa pangalawang kwarto sa taas.     "Nay, bakit dito pa? Nakakahiya po," sagot ko sa kanya. "Pwede naman pong sa baba na lang ako."     "Ano ka ba, anak? 'Wag mong ibahin ang sarili mo rito! Basta dyan ka," sabi ni Nanay Q. "Ayusin mo na muna ang mga gamit mo bago ka bumaba para makakain na."     Tumango na lang ako. "Salamat, Nay."     "Sige," sagot nito at isinara ang pinto.     Nang makalabas si Nanay Q ay agad akong umupo sa kama para ma-itext si Andre.     To: Andre   "Sure ka?" binigyan ko siya ng mapanuring tingin. "Hindi mo magugustuhan kung magtampo ulit ako."     Tumingin ito sa'kin at hindi ko mabasa ng expression niya. "Hindi."     Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Hindi naman pala e," sagot ko. "Kiss mo na ko!"     Muli na naman akong nagpipigil ng tawa. Sobrang cute niya! "Dali na!"     "Jowa kita?" tanong nito. Napatigil ako dahil don.     "E ano naman?" sagot ko. "Wala ka naman sigurong girlfriend, hindi ba?" I'm hoping. Baka mabelawala ang mga panglalandi na ginagawa ko sa kanya.     "Meron e." Muli akong napatigil. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tumango na lang ako at lumingon sa daanan ng tao. Nakakadisappoint yun.     "Joke." I was ready to punch him pero nakalayo na agad ito.     "Ang epal mo ha!" sabi ko sa kanya. Tumawa ito at napangiti ako. He's really improving.     "Bakit ganyan ang reaksyon mo?" tanong niya. Nag-isip ako ng pwede kong isagot. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na gusto kong maging jowa niya agad.     "Uhm, because we're best friends?" patanong kong sagot.     "Best friends," tumango siya. "Talaga?"     "Oo," umirap ako sa kanya, walang balak na magpatinag. "Nga pala." Iniabot ko sa kanya yung paper bag. "Gift for you."     Tinitigan niya lang ito at hindi tinanggap. "Hindi ko kailangan niyan," sagot nito at itinuon ang pansin sa paglilinis. Expected ko na ito nga ang isasagot niya.     "Tanggapin mo na para bati na tayong dalawa," sabi ko. Kinuha ko ang kamay niya pero inilayo niya ito.     "Sigi na!" pamimilit ko pero inilingan niya.     "Please?" Nilingon niya ako pero muli siyang umiling. "Andre, please? Last na to!"     "Sure ka? Last na?" Tumango ako. Kinuha ko ang kamay niya at isinakbit doon ang paper bag. "Last," sabi niya at isinenyas pa ang index finger niya.     Ngumiti lang ako sa kanya. Ang hirap niya talagang pilitin! And I wonder why. Nasusubok tuloy ang skills ko.     Maya-maya pa ay biglang lumabas si Ed mula sa likod ng kurtina. "Kain na tayo! Gutom na ko e," sabi ni Ed.     Tumango ako. "Right, hindi pa pala ako nakain," sagot ko.     "Uy, sakto tara pre!" aya niya kay Andre. Simpleng tumango lang si Andre.     "Dito ka na lang," sabi sa'kin ni Andre nang handa na akong sumama sa kanila.     Agad kumunot ang noo ko. "Bakit?"     "Hindi ka naman nakain sa carinderia," sagot nito.     Hindi ko ipagkakait na medyo nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Sobrang inosente ng tingin niya sa'kin. Well, oo, inosente ako. Pero hindi ako mapili at hindi ako maarte.     "Libre ko!" ngiti ko sa kanila. Hindi ko ipinahalata na nasaktan ako.     Ngumiti si Ed at siniko naman niya si Andre. Tumingin lang siya sa'kin habang ibinababa ang tolda para maisara ang stall.     "Wag na," sagot niya kaya napanguso ako.     Masyado na akong nasasaktan ha? "Please? Gutom na ako e."     "Pre, kawawa naman si Wyssa. Saka wala siyang kasama rito oh," sabi pa ni Ed.     "Kaya nga," pagsang-ayon ko. Tumango na lang si Andre at nauna nang maglakad palayo matapos maisara ang stall.     Nang makarating ay si Ed na ang bumili ng mga order. Binigay ko na lang ang bayad para mailibre sila. Naiwan kami ni Andre sa iisang table. Buong paghihintay ay pagtitig lang kay Andre ang inatupag ko.     "Baka naman matunaw." Napalingon kami kay Ed na ngayon ay dala na ang mga biniling pagkain. Kasunod niya ang isang tindera. Inilapag nila ang mga pagkain sa lamesa at binalik ni Ed ang sukli ko.     Naramdam ko ang pagsulyap sa'kin ni Andre habang tumitingin ako sa mga pagkain. Lumingon ako sa kanya at ngumiti lang ako. Wala siyang ibang binigay na reaksyon at siya na rin ang unang nag-iwas ng tingin.     Okay...     "First time mong kumain dito, Wyssa?" tanong ni Ed at nagsimula na kaming kumain nang makaalis ang tindera.     "Uhm, hindi," pagsisinungaling ko. This was actually my first time. Hindi ko naman talaga gustong magsinungaling. Ayoko lang maging mukhang inosente kahit ganon na ang tingin nila sa'kin.     "Hindi naman ako naniniwala," pangaasar sa'kin ni Ed. "Sa yaman mong 'yan?"     Sumubo ako ng kanin at ulam na binili niya. "Hindi naman porque't mayaman e hindi na nakain sa ganito," sagot ko. "Favorite ko nga street foods sa school namin e."     "Sana all nag-aaral," sabi ni Ed at napabusangot ang mukha. Hindi ko magawang ngumiti dahil nainis ako sa sarili ko dahil sa sinabi ko tungkol sa school.     "It is because of my parents," sagot ko at pinilit na ngumiti. Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Andre. Kain lang siya nang kain at parang walang pakialam sa pinag-uusapan namin dito.     May problema ba kami?     "Ang ganda nga pala ng kompanya niyo ano? Ang laki," sabi ni Ed.     Tumango na lang ako. Nakakailang pag-usapan ang yaman namin sa harap nila.     "Tungkol saan ang kompanya niyo?" usisa pa niya. Balak ko sanang hindi sagutin pero pakiramdam ko ay mananahimik kami dito kapag walang nag-usisa.     "Beauty products," sagot ko at napatango-tango siya.     "Sana all ulit may ganon. Kaso mahirap lang kami e," tumawa si Ed kaya napangiti ako. Parang wala lang sa kanya ang pag-usapan ang ganitong bagay. Ang down to earth nila. Sobrang expert at ang unsensitive in a nice way. Nakaka-uplift ng mood, sa totoo lang.     "Ni makapag-aral ay hindi ko nga magawa." Sasagot na sana ako pero bigla namang tumayo si Andre.     "Nakakagulat ka naman, pre," sabi ni Ed at nagpatuloy ulit sa pag-kain. "Problema mo?"     Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng sagot. Anger is in his eyes.     "Una na ako," simple nitong sagot at naglakad palayo. Agad kumunot ang noo ko.     "May problema ba?" tanong ko kay Ed.     Nagkibit-balikat siya at sumubo ng kanin. "Hindi nga ganon yon e. Madalas ako pa ang mauna sa bagal niyang kumain."     Hindi na ako sumagot sa kanya at uminom na lang ng tubig. "Sundan ko lang siya ah?" paalam ko kay Ed at tumayo mula sa pagkakaupo.     "Teka, iiwan niyo ko rito?!" Nagmamadali siya.     "Sumunod ka na lang!" sagot ko at hinabol si Andre na medyo nakakalayo na.     "Andre!" sigaw ko pero hindi niya ako nililingon. Patuloy lang siya sa paglalakad palayo.     "Hey!" sigaw ko rito. Bumagal ang pagtakbo ko nang mahabol ko siya.     "Anong problema mo?" hingal kong tanong sa kanya. "Iniwan mo ron!"     "Nandon naman si Ed," sagot nito at hindi man lang ako nililingon.     "Sabi niya hindi ka naman ganyan. Ano bang problema?" Hinihingal pa rin ako habang sumasabay sa malalaking paghakbang niya. Dahil mas maliit ako ay napag-iiwanan talaga ako.     "Wala," simpleng sagot nito. Napairap na lang ako. Hanggang sa makarating kami sa stall ay hindi niya ako kinikibo.     "Wala ba talaga?" tanong ko. Pumasok siya sa likod ng kurtina kaya sumunod ako. May maliit na kama sa loob at may isang electric fan din. Nasa ibabaw ng kama ang mga bag nila. "E bakit bigla kang umalis?"     "Tapos na ko." Muli akong napairap.     "Ganon?" tanong ko. "May problema ba tayo?"     Ngayon ay tiningnan na niya ako, matalim. Pero hindi niya ako sinagot.     "Andre?" tawag ko sa pangalan niya at hinawi ako ang braso nito. Wala siyang ginagawa at nakatalikod lang siya sa'kin.     "Wala," sagot niya.     "Anong problema?" pag-uulit ko. hindi ko pinansin ang sagot niyang iyon.     Lumabas siya sa likod ng kurtina at nagtungo sa bungad para ayusin ang tolda. "Wala." Akala ko ay sasagutin na niya ako this time pero hindi pa rin pala.     Naupo na lang ako at natahimik. Hindi ko na lang siya kinulit pa dahil ramdam kong ayaw niyang pag-usapan.     "Hindi ka naman daw ganon," bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya dahil simple itong lumingon sa gawi ko.     "Pwede mo naman kasing sabihin sa'kin e," atungal ko pa sa kanya.     "Wala," muli niyang sagot at ipinagpatuloy ang ginagawa. Tumahimik na lang ulit ako. Puro siya wala kahit alam ko namang meron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD