CHAPTER 6

3680 Words
Matapos ang klase namin ngayong araw ay nag-aya ako kila Janna na makipagkita pero lahat sila ay may gagawin. Hindi ko rin naman ma-aya si Unis dahil may group study sila na hindi ko na naman sinamahan. Umuwi na ako non at sa bahay na lang nag-review. Dalawa't kalahating oras din akong nag-review hanggang sa tumigil ako dahil sumasakit na ang ulo ko. Nagugutom na rin ako kaya bumaba ako para kumain. Tinext ko na rin si Andre.   To: Andre   Kumunot ang noo ni Nanay Q nang sabihin ko sa kanya na sasama ako sa probinsya. "Okay ka lang, anak?" tanong nito at napatigil sa ginagawa niya. "Alam ba ng Mommy mo?" Nagkibit balikat ako. "May magbabantay naman po sa kompanya habang wala ko." Tumango ito at nagpatuloy sa ginagawa. "Sigurado ka ba? Ano namang gagawin mo roon? "Wala, Nay Q. Pahinga?" sagot ko. Nginitian niya ako ng nakakaloko. "Talaga?" "Opo," natatawa kong sagot. Tumango lang ito at nagpasalamat ako. Nakakaexcite naman! Kung nasa Laguna si Andre at nasa Batangas ako, malapit-lapit lang ang byahe. Although, hindi ko alam ang daan, okay lang. Umakyat na ako ng hagdanan para makapaghinga nang makasalubong ko si Chloe na pababa ng hagdan. "Haggard!" pansin nito sa'kin. "Aalis din pala ako," sagot ko sa kanya. Nakuha ko ang atensyon niya at sumunod sa'kin sa taas. "Saan punta?" tanong nito. Pumasok ako sa kwarto ko at nag-ayos ng sarili. "Kila Nanay Q!" ngiti ko sa kanya. "Alam ba yan ni Mommy? Magpaalam ka muna!" sagot nito. "Kailangan ba niyang malaman?" Umirap ito sa'kin. "Ang nonsense! Ikaw ang bahala kapag napagalitan ka." "Ano ako, bata?" irap ko sa kanya. "Oo," sagot nito at isinalampak ang pinto nang makalabas.   Dalawang araw lang naman kami mamamalagi sa Batangas kaya konting damit lang ang inilagay ko sa bag ko. Inaayos ko na ang lahat ng kailangan para bago umalis ay handa na. Matapos mag-impake ay naupo ako sa kama at tinext si Andre.   To: Andre <3 Done for tonight!   Nagreply siya kaagad.   From: Andre <3 Pahinga ka.   To: Andre <3 Tawagan kita, wait.   I dialed his number at ilang ring lang ay sumagot siya. Humiga ako sa kama. "Hi!" masaya kong bati. [Uhm...] sagot nito na nagpakunot sa noo ko. "May problema ba?" tanong ko. [Wala. Pagod lang.] "Pahinga ka po," sagot ko sa kanya. "Nasan ka ba?" [Dito. Sa Laguna.] Tumango ako. "Baka magkita tayo!" [Ha?] "Ayaw mo ba? Pupunta kasi akong Batangas this weekend. Bibisitahin sana kita." Ilang segundo ang lumipas at hindi ito sumasagot ko. "Alam ko. Hindi dapat ako pupunta sa inyo pero give me this chance!" [Wala naman akong sinabing ganon.] "Pero hindi ka sumagot." [Dahil hindi ka makapag-antay.] Napairap ako. "Ang tagal mo e!" Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. [Akalain mo yun. Nasa Batangas ako sa bukas.] Umupo ako sa kama. "Really?! Are you kidding me?!" [Mukha ba?] "No!!" Mahina na naman itong tumawa sa kabilang linya. Wow! Akalain nga naman yun! Thank god! "Pero seryoso? Walang halong biro?" [Oo nga.] "Yey!!" I sounded like a kid pero okay lang! "Miss na kita." [Kita na lang tayo.] Ngumiti ako kahit hindi niya kita yun. "Oo naman. See you, Andre." [Uhm, bye.] And he ended the call.   Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit hindi siya palasalita at mukhang walang ka-sweetan sa katawan niya! Nakakainis! Typical Andre.   Kinabukasan, ay wala kaming masyadong ginawa. Matapos ang klase ay niyaya ko si Unis na magpuntang mall dahil bibili ako ng regalo para kay Andre. "Wala ka nung Friday night, sayang!" sabi ni Unis habang naglalakad kami sa loob ng mall. "Nag-invite pa naman si Thessa sa house nila!" "Okay lang," sagot ko at pumasok sa isang boutique. Nagtungo agad ako sa men's section nila. "Anong magandang iregalo sa isang lalaki?" tanong ko kay Unis. "Para kanino?" tanong nito na halatang nagtataka. "Kaibigan," sagot ko. Kaibigan ko naman talaga si Andre. "Kaibigan ba talaga?" mapanukso niyang sagot. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paghahanap ng pwedeng iregalo. Gusto ko lang siyang regaluhan sa kabaitan niya. Sobrang deserve niya magkaroon ng regalo at lalo na ng pahinga. "Shirt or sweater na lang ang ibigay mo. Para magamit," sabi niya habang tumitingin tingin sa boutique. "Okay," tango ko sa kanya at nagsimulang pumili ng bagay sa kanya. Sa huli ay bumili ako ng isang sweater at dalawang shirt para kay Andre. Matapos naming mag-shop ay sinamahan ko si Unis sa Santovio para bumili. Ayaw ko nga sanang sumama pero nahiya naman ako dahil sinamahan niya ko. Nang makabili siya ay nagyaya siya sa Pizza Hut para kumain. "So," kumagat siya sa pizza niya. "Sino nga ang maswerteng lalaking 'kaibigan' mo?" "Bakit parang interesado ka?" tanong ko sa kanya. "E kasi naman, nagawa mong i-reject yung may gusto sayo para dyan!" sagot nito. "Hindi a!" angal ko. "Hindi ko siya ni-reject. Siya mismo ang umayaw." "Dahil sa'yo!" sabi nito. "Bakit todo depensa ka dun sa tao?" tanong ko at uminom sa pineapple juice ko. "Gwapo e," mahina itong tumawa kaya napatawa rin ako. "Pero sayang talaga, girl. Ang perfect na nun e!" "Hindi ko nga type," sagot ko sa kanya. "Ano ka ba naman?! Napakahaba ng buhok mo!" sabi niya at kinapitan pa ang buhok ko. "Nakita ko nga pala siya sa bar," kwento ko. "Oh, really?" tanong nito. "Pero hindi siya mukhang party guy ha?" "Right," sagot ko at inubos na ang slice ng pizza.   Pagkatapos kong maihatid sa condo si Unis ay dumiretso ako sa company para bago umalis ay ma-check ko muna kung anong lagay ng kompanya. "Ma'am Wyssa!" bati sa'kin ni Winona nang makadaan ako sa lobby. Nataranta ang mga empleyado at napabalik sa trabaho nila. Umalis siya sa mga nagkukumpulan na mga empleyado at lumapit sa'kin. "Hindi ko po alam na darating kayo! Sorry po!" Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang, saglit lang naman ako." Naglakad kami papuntang office habang ang iba ay binabati ako. Simpleng ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. Nang makarating ay biglang napatayo si Mr. Quintos sa swivel chair ni Mommy. "Oh, sorry," sabi ko. Hindi ko napansin na nasa loob siya. "That's okay," ngumiti ito sa'kin at isinenyas ang swivel chair para maupo. Umiling ako. "Hindi naman po ako magtatagal," sagot ko. "What brought you here?" tanong ni Mr. Quintos. "To check if everything's okay," sagot ko at ngumiti. "Everything's fine, don't worry," sagot ni Mr. Quintos. Tumango ako sa kanya. "Medyo nagkasiyahan lang po kagabi kaya may mga absents po," napalingon ako kay Winona. "Uhm, Ma'am, nag-party po kami last night. Like, woo yeah! Party party!" Itinaas pa niya ang kamay nito. Tumango na lang ako. If that's what they want, it's fine with me. Mukhang ngayon na lang din naman sila nagkayayaang lumabas. "Wala po kasi si Madam e," ngiti pa ni Winona. "Alright, aalis na po ako," paalam ko. "That fast?" tanong ni Mr. Quintos. "I have errands to do," sagot ko. Tumango ito. "You take care." Lumabas na ako sa office ni Mommy kasama si Winona. Hinatid niya ako hanggang sa labas. "Bye, Ma'am! Ingat po!" paalam nito. Kumaway lang ako sa kanya bago nagmaneho pauwi.   Nang makauwi ay naghanda na ako sa pag-alis namin. Kumain ako matapos kong mag-ayos ng sarili. "Ate, you're leaving, too?" tanong sa'kin ni Shane habang kumakain. Ginulo ko ang buhok niya. "I'll be back soon." Iminuwestra niya ang kamay niya para magkayakap kami. Lumapit ako sa kanya at yumakap. "Hindi ka talaga magpapaalam kay Mommy?" tanong ni Chloe. Humiwalay na ako kay Shane at ipinagpatuloy na niya ang pag-kain niya. "Kilala mo siya, work is work," sagot ko at isinukbit ang bag sa likod. "Tara na, anak," ngumiti ako kay Tatay Polo. Magbabyahe lang kami dahil hindi nakapag-paalam na gamitin ang van namin. "Chloe, si Shane ha?" bilin ko sa kanya. "May yaya siya no?" mataray nitong sagot. Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na ng bahay. Sumakay na ako sa loob ng van para ihatid kami sa terminal ng bus.   To: Andre <3 Otw. See you!   Hindi ko na siya inantay na mag-reply dahil busy yun. Baka nasa byahe or baka nagtatrabaho. Nagtataka ako dahil mukhang wala siyang pahinga. Naaawa na ako sa kanya. Sobra ang pagmamahal niya sa pamilya niya. Gusto ko tuloy silang ma-meet. Gusto kong i-kwento yung mga sacrifices ni Andre para sa kanila. Mahaba-haba ang byahe pa-Batangas kaya nakatulog ako sa byahe. Paminsan-minsan ay nagigising ako dahil sa excitement. Habang papalapit kami nang papalapit sa probinsya ay hindi ko ma-describe ang nararamdaman ako. Excited na akong makita siya ulit.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD