Hindi ko na nagawang enjoy-in ang buong event kaya nang malamang uuwi na kami ay masyado akong natuwa. Hindi rin sasabay sa pag-uwi sa'min si Mommy dahil kailangan niyang mag-stay hanggang sa matapos ang event. Pagod na rin sa kakalaro si Shane kaya pinauwi na kami ni Mommy.
Nang nasa sasakyan na ay tahimik lamang ako at nag-iisip. Si Shane ay nakatulog na sa kandungan ng yaya niya. Si Chloe naman ay nagsimulang batuhin ako ng mga tanong.
"Siya yung bestfriend mo diba?" pag-uulit nito sa tanong niya kanina.
Umirap na ako sa kanya. "Ano naman sayo?"
"Sus!" sagot niya. "Kung ipagtanggol mo, wagas!"
"Hindi no!" angal ko. "Pinanigan ko lang yung tama. Alam kong may mali rin sila Andre pero hindi naman deserve masabihan ng ganon."
"Right! Kaya nga pati si Mommy ay nasigawan mo rin," sarcastic nitong sagot.
Hindi na lang ako sumagot at inalala ang nangyari kanina. Nahihiya pa rin ako kila Andre pero hindi tulad kanina. Medyo humupa na ang nararamdaman ko kasi nakausap ko na sila. Feeling ko ay nabawasan ang bigat sa nararamdaman ko.
"Pero ate, hinding-hindi ko palalampasin ang nakita ko ha!" humarap ito sa'kin. Sobrang lakas ng boses niya!
"Ang ingay mo," tumingin ako sa labas ng bintana.
"Ikaw ba ang kumapit sa kamay niya o siya?" tanong pa nito at umayos ng upo.
"Leave us alone," ang sagot ko at hindi na siya pinansin pa. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa.
Nang makarating sa bahay ay nag-ayos muna ako ng sarili at natulog. Na-late ako ng gising kinaumagahan kaya na-late rin ako ng pasok. Mabuti na lamang ay nagsusulat ang prof namin kaya hindi ako napansin nito.
"Bakit ka na-late?" tanong sa'kin ni Unis nang matapos ang lahat ng klase. Naglalakad kami ngayon papuntang parking.
"May event kasi sa kompanya namin kagabi. Napagod ako," sabi ko at inilabas ang phone para itext si Andre.
To: Andre <3
Free ka ngayon?
"Ay oo nga pala no? Kayo yung may-ari ng Santovio," sabi pa nito na hindi ko sinagot. "By the way, may group study kami, sama ka?"
Umiling kaagad ako. "Kayo na lang. Next time na ko."
"Ikaw bahala," sagot nito. Nag-hiwalay na kami matapos yon dahil mag-kaiba na ang daan naming dalawa. Pupuntahan ko na lang si Andre dahil balak kong yayain siya para makabawi. Hindi ko nga lang alam dahil baka busy si Andre.
Sumakay na ko sa sasakyan ko at nagpaandar. Maya-maya pa ay tumunog ang phone ko.
From: Andre <3
Bakit?
Di ko magawang magreply dahil nagmamaneho ako kaya tinawagan ko na lang siya.
"Hi!" bati ko sa kanya nang sagutin niya ito.
[Bakit?] Napanguso ako. Galit pa rin ba 'to?
"Nasan ka?"
[Trabaho]
"Ah, so busy ka?"
[Okay lang]
"Kita tayo?"
[Bakit?]
Daming tanong.
"Diba nga babawi ako?"
[Wag na. Okay na yun]
"Hindi pwede!" angal ko sa kanya. "Text mo sa'kin address mo para mapuntahan kita."
[Utos ba yan?]
Napangiti ako. "Oo at bawal umangal, okay?"
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito kaya napangiti ako. [Okay]
"Good! Byee!" Pinatay ko na ang tawag at maya-maya pa ay sinend na niya ang location niya. Hindi ko alam kung uuwi pa ba ako o didiretso na sa kanya. Medyo malayo kasi ang location niya pero mas matatagalan siguro ako kung uuwi pa ko.
Hindi na lang ako umuwi. Sumulyap ako sa rear mirror at tiningnan ang ayos ko. Mukha pa naman akong tao.
Habang nagmamaneho ay may tumatawag sa phone ko at napansing si Daddy yon.
"Dad," sagot ko sa tawag.
[Where are you?]
"I'm driving," sagot ko dahil wala naman akong particular na place na pinag-istayan.
[You're going home?]
"Uh, nope. I'm going somewhere."
[Oh, I see.] Tumahimik ito.
"Why, Dad? May kailangan po ba kayo?"
[Nakapag-usap na ba kayo ng Mommy mo?]
Napataas ang kilay ko. Mukhang alam na niya ang nangyari. Lumiko ako sa kanan para sa may MOA na ako makaraan. "She's too busy. Busy din po ako sa upcoming exams ko."
Kunwari nag-aaral.
"Saka, okay na po, Dad. You don't need to worry. She seems okay with it."
[Alright, goodluck on your exams! I'll hang up now.]
"Bye, Dad." Pinatay na niya ang tawag. Binilisan ko na lang ang pagmamaneho para makarating ng maaga dahil gumagabi na.
Tumigil ako sa harap ng di kalakihang factory.
To: Andre <3
I'm here.
Sumandal ako sa gilid ng kotse ko habang hinihintay siya. Napa-straight ako sa pagkakatayo nang bumukas ang gate at lumabas doon si Andre.
"Hi!" kaway ko sa kanya. Simpleng white t-shirt at maong pantalon lang ang suot niya pero hindi niya ako binigo na mapahanga.
Tumango ito at ngumiti sa'kin. "Saan ba tayo pupunta?"
Actually, di ko alam kung san kami pupunta. But since malapit lang naman kami sa MOA ay doon na lang. "Secret. Hop in!"
Sumakay na siya sa passenger seat at ako naman ay nagmaneho.
"Seatbelt po," paalala ko sa kanya at inayos naman niya ang seatbelt niya. "Marunong ka bang magmaneho?" tanong ko rito habang nagfo-focus ako sa pagmamaneho.
"Oo," simple nitong sagot.
"Really?" tanong ko. "Sana ikaw na lang pinag-drive ko." Tumawa ako at nakita ko ang paglingon nito sa'kin.
"Okay lang naman," sagot nito.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga?"
"Oo. Mukhang pagod ka e."
Napakapit tuloy ako sa pisngi ko. Mukha ba kong pagod?
"Talaga?"
Mahina itong tumawa. "Joke."
Napairap ako sa kanya at maya-maya pa ay natawa na ako. Infairness, improving siya.
"Korni mo," tawa ko.
Nang makarating kami sa MOA ay naghanap agad ako ng pagpaparkingan at nang makahanap ay bumaba na kami.
"Akala ko naman ay kung saan ang sinasabi mong secret," sabi nito sa'kin ng makababa ako.
Napatawa ako sa sinabi niya at pumasok na kami sa loob. Sa sobrang laki ng MOA ay hindi ko alam kung saan kami unang pupunta.
"Saan mo gustong unang pumunta?" tanong ko sa kanya. Magkatabi kami ngayon sa paglalakad kaya halata ang pagiging maliit ko dahil sa tangkad niya.
"Kahit saan," sagot nito. Tumango na lang ako. Sabi ko sa kanya ay babawi ako kaya dapat ako na nagplano. Nakakainis naman.
"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya habang naghahanap ng makakainan.
"Ikaw?"
"Hindi pa nga e. Kain muna tayo," sagot ko sa kanya at pumasok sa loob ng restaurant na una kong nakita. Tiningnan ko kaagad ang menu nila nang makaupo kami. "Anong order mo?"
"Juice lang," sagot nito. Ibinaba ko ang menu at tiningnan niya.
"Ano ka ba? Ako naman ang magbabayad," sabi ko sa kanya. "Pumili ka na kung anong gusto mo."
"Hindi naman ako gutom. Juice lang talaga," pamimilit nito.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Fine!"
Tumingin ako sa waitress na nag-aantay para sa mga orders namin. "Uhm, One order of Malted Custard French Toast and for him..." Since ayaw niyang umorder, ako na lang oorder para sa kanya. "Uhm, pasta?"
Sumulyap pa ako sa kanya pero parang wala itong pakialam sa mga pinagsasabi ko rito. "Sige, pasta na lang. Saka padagdag ng bagel. Drinks namin cocktails na lang."
Tumango ang waitress. "Sure, Ma'am," sagot nito bago umalis kasama ang mga menus.
"Nakain ka naman siguro ng pasta, hindi ba?" tanong ko sa kanya.
"Bakit nandito tayo? E mukhang mahal e," sagot niya sa'kin, hindi pinansin ang tanong ko.
"Ang layo naman ng sagot mo."
"Babayaran ko na lang kapag nakuha ko na ang sweldo ko."
Umirap na naman ako. "Andre, libre ko nga. You don't need to pay me, okay? Sinabi ko namang babawi ako sayo. Basta, I got you. Wag ka ng mag-alala."
Tumango ito. "S-salamat," sagot niya, halatang nahihiya. Ako naman ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil ang cute niya ngayon. "Pero last na 'to ha? Hindi ko na tatanggapin ulit ang susunod."
Napatango na lang ako. "If that's what you want."
Maya-maya pa ay dumating na ang mga pagkain namin. Kinuha ko ang french toast ko at ibinigay sa kanya ang pasta.
"Thank you," sabi ko sa waitress bago makaalis.
"Okay lang ba sa'yo ang pasta?" tanong ko sa kanya.
Simple itong tumango. Ngumiti ako at nagsimula nang kumain.
"Masarap?" tanong ko sa kanya nang makitang sumubo ito.
Tumango siya. Napakatahimik naman nitong lalaking 'to.
Iniangat nito ang plato niya at inabot sa'kin. Nagulat ako at agad na umiling.
"Hindi ako nakain ng pasta e," sagot ko.
Binaba na niya ang plato. "Bakit?"
Nagkibit-balikat ako. "Ayoko lang. Hindi ko gusto."
Tumango ito. "Ano pang mga ayaw mo?" Himala, nagtanong.
"Uhm, balot saka mga mabalahibo," sagot ko na medyo nanginig pa. "Ayoko talaga ng mga yon."
"Edi ayaw mo sa mga hayop?"
"Hindi naman lahat. Yung mga mabalahibo lang," sagot ko. "Ikaw? Likes and dislikes."
"Awa," sagot nito kaya napatigil ako sa pagkain.
"Ha?"
"Ayoko non," sagot nito. Napatango na lang ako at napainom sa cocktail.
Hindi na lang ako nagtanong pa dahil mukhang may pinaghuhugutan ito ng sinabi niya. Matapos naming kumain ay naglakad-lakad kami para makapagpababa ng kinain.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko sa kanya at napatingala, ang tangkad kasi niya.
"Kahit saan," sagot nito.
"Basta kasama ako?" Malawak akong ngumiti.
Mahina naman itong tumawa at hindi sumagot. Ang KJ!
Sa di kalayuan ay natanaw ako ang lugar para mag-ice skate.
"Marunong kang mag-ice skating?" tanong ko sa kanya at agad na umiling ito.
"Parehas pala tayo!" sagot ko. "Gusto mo i-try?"
"Hindi nga tayo marunong parehas. Magmumukha tayong ewan dun," sagot niya.
"Yun nga ang masaya e!" tawa ko at hinila siya para makapag-ice skate.
Nang makapasok ay agad akong nagsuot ng sapatos para makapag-ice skate. Matapos ay sumabak na kami para magpaka-ewan.
Sa bungad pa lang ay halos magkanda-hulog hulog na ko. Todo kapit tuloy ako sa balikat niya at paminsan-minsan ay sa kamay niya.
Hindi ako makaalis sa may railings dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay mapapaupo ako at hindi na makakatayo ulit.
"Dun tayo sa gitna," hila sa'kin ni Andre, halatang inaasar ako. Buti pa siya ay unti-unti nang nakukuha ang technique para makatayo ng maayos.
"What?!" sigaw ko rito. "Ang yabang mo naman!"
Tumawa ito na first time kong makita. "Sayang naman."
Inayos ko ang tindig ko para makapaglakad ng maayos. Nakakahiya naman sa 'expert' na kasama ko. Nagsimula nang mamawis ang kamay ko dahil sa kaba. "Let's go!" excited kong sabi nang makaayos ako. Kumapit ako sa wrist niya at doon kumukuha ng suporta.
"Kawawa naman ang palapulsuhan ko," sabi nito sa'kin at inirapan ko naman siya.
"Bakit mo ko inaalaska ha?" tanong ko sa kanya at ngumiti ito. Naglakad siya na wala man lang na abiso. At dahil nakakapit ako sa kanya ay nadala ako at biglang napaupo.
Imbis na masaktan ay napatawa ako ng malakas. Shemay! Ang saya pala nito!
"Weak," ngiti nito sa'kin. Tinulungan niya akong tumayo at nang makaayos ako ay tinulak ko siya.
Siya naman ang napaupo ngayon. "Weak," panggagaya ko sa kanya at tumawa dahil sa posisyon niya.
"Ah ganon?" panghahamon nito sa'kin at tumayo siya sa sarili niya lang. Nanlaki ang mata dahil lumapit ito sa'kin at mukhang may balak na itumba ako.
Nagsimula akong maglakad nang mabilis palayo sa kanya kahit hindi tama ang posture ko. Dahil sanay na siya at mabilis ang paglakad nito ay nahabol niya ako. Yinakap niya ako mula sa likod at bigla akong napatigil.
"Salamat," bulong niya sa'kin. Hindi ko nagegets kung para saan ang pasasalamat niya. Ramdam ko ang sincerity ng boses niya at ang pagdikit ng katawan niya sa katawan ko.
Ngumiti na lang ako at hindi hinayaang masira ang masayang moment. Humarap ako sa kanya at ngumisi. Tinulak ko siya at napaupo na naman siya sa sahig. Pinagtawanan ko siya bilang ganti. Buong pag-ice skating namin ay nangalay ang panga ko dahil sa pagtawa at pangngiti. Hindi ko na nga bilang kung ilang beses akong ngumiti at ilang beses akong tumawa.
Ang mahalaga ay ang pinagsamahan naming dalawa at ang binuo naming ala-ala.
Halos dalawang oras din kaming nagkulitan sa pag-skating. Nang matapos kami ay pawisan kaming lumabas. Hindi pa rin ako matigil sa pagtawa dahil naaalala ko ang hitsura niya nung bumagsak siya.
"Ang saya ano?" tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng pawis.
"Sana maulit," sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.
"Next time," ngumiti ko.
Nagpunas din siya ng pawis niya. "Libre ko naman."
"Naks! Promise yan ha! Walang bawian," sagot ko.
Tumango ito. "Basta ganito rin kasaya."
Iniabot niya sa'kin ang ice cream na binili niya. "Thank you," sabi ko.
Umupo siya sa tabi ko at sabay naming pinagmasdan ang dagat sa sea side. Ang dami ng mga magagandang lights na mas lalong nagpaganda ng mood ko.
Humangin ng malakas kaya medyo lumamig pero sakto lang iyon para mawala ang init na naramdaman ko kanina.
"So, aalis ka na after nito?" tanong ko sa kanya at kumagat sa ice cream.
Tumingin siya sa unahan namin. "Oo e. Uuwi na ko."
Tumango ako at tumungo.
Kahit isang buong araw lang oh. Bakit ang damot naman ng mundo?
"Sa family mo?"
"Oo."
Kumagat ako sa ice cream ko at inubos iyon. "Hindi ba nagiging mahirap sa kanila na lagi kang naalis?" tanong ko. Ako nga ay nahihirapan dahil sa pag-alis niya. Pano pa kaya ang pamilya nito?
"Nahihirapan, syempre. Pero ako na lang kasi ang inaasahan nila. Kapag hindi ako nagtrabaho ay wala silang makakain." Ang lalim, s**t.
"E yung father mo?" usisa ko pa.
"Patay na ang tatay ko."
"Oh, sorry," paumanhin ko. Mas lalo lang akong humanga sa kanya.
"Okay lang," ngumiti ito sa'kin at ngumiti rin ako sa kanya. Gusto kong malaman niya na dahil sa kasipagan niya ay makakaahon siya sa buhay niya. Hindi man ngayon pero sa hinaharap ay sigurado akong magiging successful siya. At sana nasa tabi niya ako para makita ang achievement niyang yon.
"Nanay mo?" tanong ko ulit.
"Hindi pwedeng magtrabaho si Nanay. Mahina ang puso niya. Wala rin siyang maintenance na gamot kaya hangga't maari ay hindi ko siya pinagtatrabaho," mahaba nitong sagot. Bumibigat ang pakiramdam ko. Siya na lang talaga ang inaasahan sa pamilya nila.
"It must be so hard for you," komento ko. Hindi ito sumagot at ramdam ko ang lungkot niya. Hindi ko man gustuhin pero naaawa ako sa kanya. Ang hirap kasi nun.
"Lahat ng kamalasan na pwedeng mangyari ay nasalo ko na ata. Yung bunso kong kapatid ay may cancer. Stage 2, leukemia."
"Oh, god," ang nasabi ko na lang. Gusto kong umiyak para sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Pero okay lang, kaya yan," sabi niya. Ngumiti ako at kinapitan ang kamay niya.
"Ngayon pa lang ay proud na ko sa'yo," sagot ko. "I'll be the happiest person when you reach your success."
Tumingin siya sa mga kamay naming dalawa. Ngumiti ito. "Salamat."
Muli akong tumingin sa dagat at dinamdam ang simoy ng hangin. "Ikaw, ang pamilya mo?" tanong ni Andre sa'kin.
"Yung Daddy ko ay nasa States. Si Mommy, busy sa company namin. May dalawa pa akong kapatid at ako ang panganay," sagot ko. Simple lang. Walang masyadong ganap.
"Masaya siguro ang buhay mo," sabi niya. "Buo ang pamilya mo at marami kayong pera."
"Yes, we maybe have a lot of money, hindi ko itanggi yon. Pero ang buong pamilya ay hindi ata. Minsanan lang namin makasama si Daddy," sagot ko.
"Pero buhay siya."
Ngumiti ako sa kanya. "Okay, I give up!" mahina akong tumawa. Napatingin ulit ako sa mga kamay naming hindi pa naghihiwalay. Ang sarap sa pakiramdam.
Natahimik kaming dalawa at naalala ko ang mga kinuwento niya sa'kin. Kaya ganon pala siya kung pahalagahan ang trabaho kahit na nahihirapan siya at malayo ang destinasyon. Hindi ko akalain na may ganito pa palang lalaki sa panahon ngayon. Siguro nga ay nabulag ako sa pera at yaman dahil doon ako lumaki kaya nawala ang isip ko kung paano ang maghirap. Tama ako ng lalaking pinili na pakisamahan.
Ang swerte ng mamahalin niya. Sana ako yun.
"Nga pala," nawala ang tingin ko sa dagat at napunta 'yon sa kanya. "Natanggap na namin yung pera mula dun sa event. Pakisabi salamat."
Tumango ako sa kanya. "Sasabihin ko," sagot ko sa kanya. "Sorry ulit."
Natahimik ulit kaming dalawa at maya-maya pa ay nagyaya na siyang umuwi. Aangal pa sana ako pero masyado ng gumagabi kaya pumayag na ako. Sumakay na kami sa kotse ko at pinag-seatbelt ko ulit siya.
"What now?" pagbabasag ko sa katahimikan na bumabalot sa'min habang nagmamaneho.
"Ano?" Tumingin ito sa'kin.
"Aalis ka na ulit e," malungkot kong sagot.
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Wala. Kung pwede lang na mag-stay ka na lang e," sagot ko. Hindi na ito sumagot hanggang sa makarating kami sa bababaan niya.
Bumaba rin ako para ihatid siya para makapag-paalam.
"Salamat ulit ha? Nag-enjoy ako," ngumiti siya sa'kin.
"Wala yun! Basta next time ulit," sagot ko.
Tumango ito at nawalan ako ng sasabihin. Pinagmasdan ko lang siya. Ang hirap talagang magpaalam sa kanya. Limitado lang ang pagkikita namin. At ngayong wala na kaming dahilan para magkita, hindi ko na alam kung kailan ulit kami magkakaroon ng pagkakataon.
Kung pwede ko lang siyang angkinin ay ginawa ko na. Pero may mga resposibilidad siya na dapat panagutan. Pamilya niya yon at ayokong maging selfish.
Pero sa iniisip ko ay hindi ko maiwasan. I wanted to be his.
"Sige, pasok na ko," sabi nito at napanguso ako. Bakit ba ang hirap-hirap niyang iwanan?
"Ingat ka ha? Magtext ka sa'kin kapag uuwi ka na ng probinsya," sabi ko sa kanya.
Tumango ito at tumalikod para pumasok sa loob.
"Wait lang," pigil ko sa kanya. Humarap ito sa'kin at lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi. "Thank you rin."
Halatang gulat na namang hitsura nito pero maya-maya pa ay ngumiti rin sa'kin. Sumenyas na siya na papasok na siya.
"Babye," paalam ko at kumaway. "See you soon?"
"Soon," sagot nito at pumasok na sa loob.
Nang makapasok siya ay pumasok na rin ako sa kotse ko at nagmaneho pauwi.