CHAPTER 4

3182 Words
Hindi ko alam ang mararamdam ko na malamang magkikita ulit kami ni Andre. Feeling ko ay sobrang tagal naming hindi nagkita at sobrang naeexcite ako. Miss ko na agad siya. Miss ko yung kagwapuhan ng mukha niya!     Habang nasa byahe ay hindi ko magawang hindi magtext agad sa kanya para ipalam na magkikita ulit kami.     To: Andre Hi! Busy ka?     Ilang minuto ang lumipas at medyo malapit-lapit na rin ako sa bahay namin. Mukha ngang busy si Andre dahil hindi man lang ako magawang replyan nito. Ano kayang ginagawa niya? Nasa probinsya na kaya siya?     What if hindi siya pumayag sa offer ko? No! Hindi pwede! Kailangan niyang pumayag dahil sayang ang opportunity!     Di-nial ako ang number niya nang hindi na ako makapaghintay. Mabuti naman at sinagot niya agad 'to.     "Andre!" sigaw ko sa kanya. "May good news ako!"     [Ano yun?]     Iniliko ko ang manibela dahil papasok na ako na sa place namin. "Uhm, first of all, naistorbo ba kita?"     [Uh... hindi naman.]     "Okay, good," sagot ko. His voice! Mukhang pagod. "Nakapagpahinga ka na ba?"     [Oo, salamat nga pala ulit sa salad mo.]     I smiled kahit na alam kong hindi niya 'yon kita. "You're welcome!"     [Bakit ka ba napatawag?]     "Ganto kasi, yung company namin ay may event na gaganapin sa Tuesday. Mom asked me na magrecruit ako ng mga stalls. Kaya bigla kitang naalala! Maybe pwede mong sabihin sa manager niyo na i-accept ang offer ni Mommy!" paliwanag ko.     [Uh... wala ako sa posisyon para pumayag.]     "Just tell it to your manager! I'm sure papayag yun. Saka, please! Magkikita na ulit tayo! Sayang din ang opportunity." Tumigil ako sa tapat ng bahay namin at pumasok na sa loob ng bahay. Hinayaan ko si Tatay Polo na siya na ang mag-garahe sa kotse ko.     [Kasi...]     "Please, Andre! Miss na kita!" Humiga ako sa kama ko. "Please?"     [Sige. Ipapaalam ko sa boss ko.]     Malawak akong ngumiti. "Thank you, Andre! Balitaan mo ako ha? See u sa Tuesday!"     [Sige, bye.] At pinatay na niya ang tawag. Ganon na lang yon? Wala man lang 'i miss you too'?     Monday na naman at napatapos na ang isang linggong bakasyon. Maaga akong nagising at nagtext ulit kay Andre.     To: Andre Good Morning     Nagreply naman agad siya.     From: Andre Morning. See u sa Tuesday :)     Wait! Am I dreaming?! May smiley face na nakalagay sa kanya!! Anong ibig sabihin nun? Masaya siya dahil magkikita kami ulit? Yey!     Dahil masaya ang umaga ko ay mabilis akong nakakilos at maaga ring nakapasok sa school. Ngayon din ipapasa ang canvas namin kaya dala ko ito papasok ng school. Nang makapasok ako ay kinokolekta na nila ang canvas namin at mukhang hindi papasok si prof dahil ang sasaya ng mga mukha nila. Pinasa ko na ang canvas ko.     "Labas tayo!" yakap sa'kin ni Unis.     "Bakit? Wala bang klase?" tanong ko, medyo naguguluhan.     "Wala!" sagot niya at hinila na ako. "Kaya mag-food trip tayo!"     Nagpahila na lang din ako sa kanya sa kung saan dahil wala na rin namang manggugulo sa'kin. Tumigil na kasi yung 'manliligaw' ko raw. Nagpunta kami sa Greenwhich at si Unis na ang umorder para sa'min.     Habang naghihintay ako ay naisipan kong i-text na lang si Andre. Wala siyang kahit anong texts sa'kin simula kanina.     To: Andre Kailan balik mo ng Manila?     Nagreply siya.     From: Andre Ngayon.     Nagulat ako!     To: Andre Really?! Can we meet?     From: Andre Daming gagawin. Di pwede.     To: Andre Aww. Okay lang :) See u sa Tuesday!     Hindi na ito nagreply at dumating na rin ang mga pagkain. Binigay niya sa'kin ang lasagna at sa kanya ang pasta dahil hindi ako kumakain ng pasta.     "Nagrereview ka na ba? Malapit-lapit na finals, sis!" sabi ni Unis habang nakain kami.     "Wala pa nga sa isip ko ang mag-review!" sagot ko rito. Hindi pa nga ako ready e!     "Siguro masaya ang mga group study," sabi nito.     "Depende sa mga kasama mo. Baka magharutan lang at hindi magreview," sagot ko na totoo naman. Ganyan ang ginawa namin noon at nauwi ang 'review' sa 'landi'.     Matapos naming kumain ay naglakad-lakad kami sa loob ng campus para magpababa ng kinain. Pero nang may makita ako ng ice cream ay napabili ako. I can't say no to ice cream!     Habang naglalakad ay napansin ko ang may crush sa'kin. Hindi na ako nagtago dahil sabi naman niyang last na nga iyon. Nagtama ang paningin namin at iniiwas niya rin agad ang tingin niya. Mukha ngang may isang salita ang lalaking yun.     "Wyssa, yun yung manliligaw mo diba?" Kumunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Unis.     "Hindi!" sabi ko dahil hindi na naman talaga. "Tumigil na siya."     "E?! Anyare, girl?" tanong nito at siniko pa ako. "Sayang yon!"     "Wala e," ang nasagot ko na lang at di na siya pinansin kahit puro tanong ang binabato niya sa'kin.     Tuesday ng umaga ay maaga akong nagising dahil sa super excitement. Makikita ko na ulit si Andre!     To: Andre Good Morning. See you!     Hindi ko na hinintay ang reply niya at nag-ayos na para pumasok sa school.  Kagabi ay nagtext siya sa'kin na nasa Manila na siya. Sinabi ko sa kanya ang mga details na kailangan nilang malaman. Tulad ng place of events, mga dapat gawin pati na rin ang matatanggap nilang bayad. Pinagpahinga ko na lang siya matapos naming mag-usap dahil alam kong pagod na pagod yun dahil sa byahe. Naaawa nga ako dahil malayo ang byahe niya.     Matapos ang lahat ng klase namin ay nag-aya si Janna na magkita-kita kami pero nag-pass ako.     [Daya mo.] Rinig ko ang pagkadismaya ni Terry.     "Di nga! May event kasi sa company!" pagpapaliwanag ko.     [Sige. Next time na lang! Ingats ha!] sabi ni Janna sa kabilang linya.     "Sure," sagot ko at pinatay ang call. Di ko na sinabi sa kanila na pupunta rin si Andre dahil alam akong pauulanan na naman nila ako ng mga paalala at tanong. Nakakasawa rin ano? Saka nasa tama naman akong pag-iisip para malaman lahat ng mga tamang gagawin.     Nagmadali akong umuwi at di na dumaan sa kung saan pa. Nang makarating ako ay hindi na ako nag-dinner dahil balak kong mag-dress. Naligo agad ako at nag-ayos ng sarili.     Ginandahan ko rin ang make-up ko dahil event yon ng kompanya at maraming mga models dun at alam kong sobrang gaganda nila. Nagsuot ako ng yellow dress na hanggang ibaba ng tuhod at nagsuot ng heels. Hinayaan ko ring nakalugay ang aking buhok at medyo kinulot ko ito.     "Ate," tawag ni Chloe sa labas ng pinto.     "Bukas," sagot ko at pumasok siya sa kwarto ko.     "Tara na?" tanong nito at tumango ako. Excited na talaga ako!! Siguradong nandon na sila Andre.     "Bakit parang ang saya mo?" Tumingin ako sa kanya.     "Hindi a," tanggi ko. Bumaba na kami sa hagdanan at pati si Shane ay bihis na bihis na. Sumakay na kami sa sasakyan at si Tatay Polo ang naging driver namin. Buong biyahe ay hindi ko magawang hindi ngumiti. Gusto ko na siyang makita at hindi na ko makapaghintay.     To: Andre I'm on my way :)     "Sino yan, ate?" Nagulat ako sa tanong ni Chloe at muntik ko nang mabitawan ang phone ko.     "H-ha?" nauutal kong tanong.     "Yung Andre? Sino yun?" Napansin kong napalingon sa'min si Shane ngunit binalik din ang tingin sa iPad niya.     "Wala no! Classmate!" sagot ko at tumikhim pagkatapos.     "Really huh? With red heart sa name?" Umirap ito sa'kin. Mahirap talaga pagtaguan ang kapatid kong ito. Nakakainis.     "Bestfriend bawal?" tanong ko.     "Akala ko ba si Terry ang bestfriend mo?"     "Bawal boy bestfriend?"     "Pwede," di na 'to nagtanong pa kaya medyo humupa na ang malakas na pagtibok ng puso ko. Baka kasi isumbong ako nito kay Mommy kapag sinabi kong may crush ako. E ang bunganga pa naman nito ay kaparehas ng bunganga ni Ella.     Nang makarating sa venue ay may mga nakita na agad akong modelo na sikat talaga sa industriya. May mga artista rin at ang iba ay mga business partners kung hindi ako nagkakamali.     Napansin kong kinuha si Shane ng secretary ni Mommy at dinala sa play area na di ko alam kung saan.     "Grabe, ate. Ang gaganda ng mga models dito," manghang sabi ng kapatid ko.     "Bagay kang maging sila," sabi ko sa kanya. Sinamaan ako ng tingin nito. Tumitig siya sa mga models at iilang artista. Minamanyak ata ang ilan. Char.     "Oh, daughters!" Napalingon kami kay Mommy, di kalayuan sa'min. Lumapit kami sa kanya at humalik sa pisngi. Kasama ulit nito ang iilang business partners.     "Where's Shane?" tanong nito sa'min.     "Dinala po sa play area," sagot ko.     "Pakikuha si Shane, Wyssa," utos nito sa'kin na tinanguan ko naman. "Come here, Chloe. Let me introduce you to our partners."     Hinila nito si Chloe at ipinakilala kay Mr. Quintos. Dahil hindi ko naman alam kung nasan ang play area ay nagtanong ako sa waiter na nakasalubong.     "Diretso then kaliwa po, Ma'am," sagot nito.     "Thank you," sagot ko at nagpunta sa itinuro niyang daan.     Nang makarating ako sa play area ay hindi agad si Shane ang nakita ng mga mata ko. Natanaw ko sa di kalayuan si Andre. Nakatayo siya sa tapat ng stall nila at may kung anong inaayos.     Napangiti agad ako. Hindi niya talaga ako binibigo sa tikas ng pangangatawan niya. Naka-dark blue plain sweater siya at black na shorts, white shoes at white na cap. Ang simple niya talaga.     "Andre!" tawag ko sa kanya at tumakbo papalapit. Di ko alam kung yayakapin ko ba siya o ano. Nagtama ang tingin namin at mukhang nagulat pa ito pero simpleng ngumiti sa'kin.     "Hi, Wyssa!" bati sa'kin ni Ed. "Ganda natin ngayon a? Mukhang may naiinlove!"     Napangiti ako. Si Andre ba?     Hindi siya pinansin ni Andre pero binigyan niya ito ng masamang tingin. "Anong ginagawa mo rito?"     "Hinahanap ko kasi yung kapatid ko," sagot ko. Tumitig ako sa kanya. Sobra namang gwapo niya! Bakit ganon?     "Atee!" Napalingon kami sa sumigaw at dahil don ay nawala ang titigan namin ni Andre. Yumakap sa hita ko si Shane at tumingin kay Andre. "What's your name?"     "Uh..." Nagpapanic ako dahil baka naiilang si Andre.     "Andre," sagot nito at nginitian si Shane. Nawala naman ang pangambang naramdaman ko dahil mukhang ayos naman si Andre.     "Andre? My ate's boy bestfriend?" Nagulat ako sa itinanong ng kapatid ko. Jusko naman!     "Shane, uhm, go back to your friends," sabi ko sa kanya pero umiling ito.     "Bestfriend?" Tumingin sa'kin si Andre.     Nangapa ako sa isasagot ko. "Uhm, h-hindi ba?"     Mahina itong tumawa at ginulo ang buhok ni Shane. "You like dogs?" dagdag na tanong ng kapatid ko.     "Uhm, konti," sagot ni Andre na may ngiti sa mga labi. He smiled so sweetly. Sa kapatid ko pa?     "Okay! We're friends!" sabi ni Shane.     Awkward akong ngumiti. "Uhm, sorry ha? May pagkatoyo rin 'tong kapatid ko e," pagpapaliwanag ko.     "Okay lang. Cute," sabi niya at tumingin ulit kay Shane. So ako cute ba ko?     "Let's go, Shane. Mommy's looking for you," sabi ko at kinapitan siya sa kamay niya. "Babalik ako ha? Hahatid ko lang siya."     Tumango lang ito at kumaway naman ako kay Ed bilang paalam. Umalis na rin kami ni Shane at pinagsabihan ko pa siya. "Next time, hindi ka pwedeng makisabat sa usapan namin ha? Or kahit sinong matatandang nag-uusap. Kung ano ano sinasabi mo e!" sabi ko sa kanya.     Kumamot ito sa ulo niya. "E ate, what I said was true! I heard you!" sagot nito sa'kin. Ang attitude.     "Basta next time, you're not allowed to do that. Keep your mouth shut!" paalala ko.     "Mom," tawag ko kay Mommy nang makita namin sila.     "Oh, Wyssa," sabi nito at inakay si Shane sa kanya. Kasama pa rin niya ang ilang partners na ngayon ay may mga models na rin. Si Chloe ay nakikipagkwentuhan dito.     "Kamusta nga pala yung narecruit mo?" tanong sa'kin ni Mommy at uminom sa kanyang wine.     "Everything's settled, Mom," sagot ko.     "Really? I want to meet them," sabi niya na ikinagulat ko. Her meeting Andre? Ambilis naman ata ng 'meet the parents'?     "S-sure, Mommy," sabi ko sa kanya. "Nasa play area po sila."     Nagpaalam muna siya saglit sa mga kasama niya bago kami umalis. Sumama sa'min si Chloe at nilaro naman si Shane ng mga kasama ni Mommy dahil nacutean dito.     "What do they have?" tanong sa'kin ni Mommy habang naglalakad kami.     "Ice cream po," sagot ko.     "Favorite mo yun, ate a?" tanong sa'kin ni Chloe.     "Oo nga."     "Really? Pa'no mo sila nakilala?" usisa pa ni Mommy.     "Uhm, their ice cream is good so..." Nangangapa ako sa isasagot ko dahil medyo kinakabahan ako. Ewan ko ba! Knowing na si Mommy ang makikipagkita ay parang kinakabahan ako!     Luckily, hindi na nila ako tinanong hanggang sa makarating kami. Nagulat kaming tatlo nang bumungad sa'min ang isang babae na nagsisisigaw sa tapat ng stall nila Andre.     "You're useless! Napaka-tanga ng kompanya niyo! How can you do this to my son?!" sigaw ng babae. Napatigil kami malapit sa kanila. Agad na kumunot ang noo ko nang sigawan ng babae sila Andre.     Anong nangyayari?     "What's happening here?" tanong ni Mommy. Tumingin sa'kin si Mommy at napatingin kay Andre. Medyo napatigil siya sa hindi ko malamang dahilan. Kung hindi pa lumingon at nagsalita ang babae sa kanya ay hindi pa mawawala ng titig nito kay Andre.     "Oh, amiga. How can you hire this piece of trash?" tanong nung maarteng babae na tinawag si Mommy ng 'amiga'. Mukhang magkakilala pa.     "Hindi naman po namin kasalanan na masira ang machine," sagot ni Ed. Parang pinupukpok ng kung ano ang puso ko sa mga nangyayari. Nasasaktan ako dahil sinisigawan sila para lamang sa insidenteng hindi naman nila ginusto. Napakababaw naman ng ginang na ito!     "The hell?! Una palang ay dapat inasikaso niyo na yan! Dapat alam niyo kung papano ayusin! Mga hangal!" sigaw ulit nito.     Hindi na 'ko nakapagpigil dahil nasasaktan ako para sa kanila.     "Mawalang galang na po ha? Ang sakit niyo naman pong magsalita. Hindi naman po nila kasalanan na masira ang machine. At sobrang napakaliit na bagay lamang nito ay pinalaki niyo na? Para kayong bata," sagot ko. Tumingin ako kila Andre at napaiwas naman sila ng tingin. Bakit parang sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari? Alam kong wala dapat sisihin pero hindi ko maiwasan. Nasasaktan din ako dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko.     "What?!" sigaw sa'kin ng babae.     "Wyssa," masamang tumingin sa'kin si Mommy bago ibinaling ang atensyon sa amiga niya. "I'm sorry for your inconvenience. I'll make sure to do something for this."     "Dapat lang, Mrs. Santos," sabi nito at bumaling ulit kila Andre. Kinuha nito ang tunaw na ice cream sa kamay ng anak at ibinato sa damit niya.     Nagmura ang babae bago umalis. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. Tangina? Ang kapal ng mukha nun a!     Handa na kong sugurin ang babae dahil sa ipinakitang paguugali niya pero kinapitan ako sa braso ni Chloe.     "Don't," bulong nito at kinalma ko ang sarili. Nakakainis lang talaga! Pa'no niya nagawa yun? Ang babaw ng tingin kila Andre! Ang liit liit lang na problema ay ipinaabot pa sa ganitong lagay.     "I thought everything is settled?" tanong sa'kin ni Mommy.     "I-I'm sorry po," sagot ko at tumungo. Di ko kayang harapin ang mga titig ni Mommy dahil parang nakakapaso.     "Unbelievable," sabi niya. "Paalisin mo na sila ngayon din! Nakakahiya."     Napaawang ang bibig ko sa inasal ni Mommy. "Mommy! Hindi tama yun!" reklamo ko.     "Then what?!"     "Hindi naman po nila kasalanan yun e!" dagdag ko.     "Bakit mo dinadamayan yang mga yan?! Saan mo ba sila napulot? If money is their problem, I'll throw money to their cheap faces!" sigaw nito at umalis na.     Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Lalo na sa inasal ng Mommy ko! Nakakahiya! Parang gusto kong umiyak dahil sa hiya. Ako ang nagdala sa kanila dito kaya pakiramdam ko ay responsibilidad ko sila.     "A-andre, s-sorry," naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang.     "Labas na kami, Wyssa," paalam ni Ed at naglakad na sila palayo. Hindi ako dinapuan ng tingin ni Andre dahil busy ito sa pagpunas sa damit niya. s**t, naiiyak ako.     "A-ate," tawag sa'kin ni Chloe.     "B-bakit ganon si Mommy?" tanong ko, pinipigilan ang pag-iyak.     "Hayaan mo kakausapin ko siya," sabi niya. Tumango na lang ako at iniwan niya ako para kausapin si Mommy.     Sinundan ko sila Andre pero di ko alam kung saan sila nagpunta dahil nakalayo na sila kanina.     "Ah kuya," tawag ko sa guard. "San po nagpunta yung dalawang lalaki?"     "Dun po sa papuntang parking lot," sagot nito.     "Salamat po." Nagpunta ako sa parking lot at natanaw ko kaagad sila. Lumapit ako at malungkot na ngiti ang ibinigay sa'kin ni Ed habang may kausap siya sa telepono.     Nakita ko si Andre na nakaupo sa likod ng pick up truck at nagpupunas pa rin ng damit. Lumapit ako sa kanya. Tumingin ito ng saglit sa'kin at iniiwas din kaagad.     "Sorry," ang unang lumabas sa bibig ko. "Sorry, Andre sa mga sinabi nila. Lalo na sa sinabi ni Mommy."     "Okay lang, mukha namang totoo," sagot nito. Ang sakit.     "H-ha? Walang totoo don sa sinabi nila," angal ko.     "Cheap? Useless? Tanga?" napangisi ito. "Lagi kong naririnig ang mga yan."     Bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Bakit ba kasi nangyari 'to?     "A-Andre, sorry," sabi ko.     "Hindi mo naman kasalanan e." Tumayo ito at nagpagpag ng damit. "Salamat na lang sa pag-imbita. Saka..." Tumingin ito sa'kin. "Pakisabi sa Mommy mo na isipin na niya kung anong gusto niyang isipin pero kailangan namin yung pera. Naabala kami pati na rin wala kaming maibibigay sa boss namin para sa mga natunaw na ice cream. Mahirap lang kami."     Tumango ako. Hindi ko alam ang mararadaman ko. Naiintindihan ko sila. Karapatan nila yun at ako naman ang may responsibilidad ng lahat kaya sang-ayon naman ako. Nahihiya nga lang ako dahil wala akong magawa para mabawi yung mga masasakit na salita na ibinato sa kanila. Medyo naiinis din ako dahil parang dinala ko sila rito para masabihan ng kung ano-ano.     "S-sige," ang nasagot ko na lang. "Babawi ako sayo, Andre."     Muli itong ngumisi at hindi na nagsalita pa.     "Wyssa," tawag sa'kin ni Ed. "Sorry daw sabi ni manager namin."     Mapait akong ngumiti. "Nako, Ed. Ako dapat ang humingi ng sorry sa inyo kasi nasabihan kayo ng mga salita na hindi niyo naman deserve. Sorry ha?"     "Okay lang. Hindi naman kasi talaga bagay sa'min ang nandon e. Sino ba namang gugustuhin ang mag-recruit ng mahirap?"     Parang sinuntok ang puso ko. Ano bang masama sa pagiging mahirap? Wala akong maintindihan kung bakit nila sinasabi na okay lang pero hindi naman talaga? Bakit parang ang dali lang nilang sabihin na hindi sila bagay sa poder namin? Bakit hinahayaan nilang tapak-tapakan sila ng kahit na sino?     "Ako," sagot ko.     "Pero nakita mo naman ang nangyari, hindi ba?" tanong sa'kin ni Andre.     "S-sorry," muli kong hingi ng tawad. Tinapik ni Ed ang braso ni Andre bago pumasok ng sasakyan. "Sorry, Andre."     "Hayaan mong bumawi ako sayo," sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay. Napatingin siya rito.     "Hindi ka ba nandidiri?" tanong niya.     Kumunot ang noo ko. "Bakit ako mandidiri?" tanong ko sa kanya. "Hindi nila ako katulad. Ibahin mo ako, Andre."     Hindi ito tumitingin sa'kin. Umiiwas siya sa mga mata ko. "Pangako, babawi ako sayo. 'Wag ka munang umuwi sa probinsya, please? Babawi ako."     "Ate." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng kapatid ko. "Hinahanap ka ni Mommy." Tumingin siya sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Andre.     "Sorry ulit, Andre. Pasok na ko." paalam ko sa kanya at binitawan ang kamay. "Ingat kayo."     Naglakad na ko palayo sa kanya at mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Bakit nasasaktan ako? Naaawa ako sa kanila dahil ang babaw ng tingin nila sa kanilang mga sarili. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi ko na lang sila inimbita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD