CHAPTER 3

2855 Words
Sinadya kong maagang gumising para maghanda ng pagkain para kay Andre. I'm trying my best here dahil wala naman talaga akong alam sa kusina. Nauna pa nga akong magising kina Janna na bihira lang mangyari.     "Ah!" sigaw ko nang mahiwa ko ang sariling daliri habang naghihiwa ako ng kamatis. Hinugasan ko kaagad ang daliri ko at nagtungo sa may first aid kit na nakadikit sa dingding. Nilagyan ko ito ng betadine at band aid pagkatapos.     Naabutan naman ako sa ganoong posisyon ni Janna. "Oh? Anong nangyari sayo?" Dumako ang tingin nito sa kusina kung saan nandoon ang iba't ibang gulay para sa salad na ginagawa ko. "You're cooking?!"     "Obviously," sagot ko at nagtungo ulit sa counter para tapusin ang ginagawa ko.     "Para sa'min? You're sweet!" sabi pa nito at akmang kukuha ng lettuce.     "No! Not for you!" sabi ko at inilayo siya don. Hinango ko na ang chicken breast na pinakuluan ko at sinimulang himayin ito.     "Don't tell me..." Tumigil siya sa pagsasalita.     "Tama," sagot ko. "Para kay Andre 'to." Ngumiti ako nang sabihin ko ang pangalan niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na nasasabi ko na ang tunay na pangalan niya ngayon.     "What?!" sigaw ni Janna, hindi makapaniwala. "Nagseselos ako ha!"     Umirap ako sa kanya at hindi na siya pinansin. Nagpatuloy na lang ako ginagawa ko at siya naman ay nagtimpla ng sariling kape nito.     "Wait wait! You said his name is 'Jordan'?" Napasulyap ako sa kanya.     "Joke," sagot ko na medyo natatawa. "Gawa gawa ko lang yun since hindi ko pa alam ang name niya noon. But now.. it's Andre." Tumango lang siya sa'kin at hindi na nagtanong pa.     Umupo siya sa stool at pinagmasdan akong tapusin ang ginagawa ko. "Makikipagkita ka sa kanya?" Napasulyap ako sa kanya.     "For the last time," mapait kong sagot. Inayos ko na sa transparent tupperware ang salad na ginawa ko. Dalawa ang ginawa kong salad para meron din si Ed.     "Bakit parang ang lungkot mo?" tanong sa'kin ni Janna at naghanda siya ng sariling tinapay.     Kumunot ang noo ko sa kanya at umiling. Malungkot naman talaga ako pero hindi ganoon kalala. Alam ko kasing magkikita pa kami. Di ko lang alam kung pa'no at saan. "Hindi."     "Sus!" sagot nito at inirapan ako, hindi naniniwala.     "GOOD MORNINGG!" sigaw ni Terry pagkababa nila ng hagdan.     "Uy, salad!" sabi ni Pina at dumiretso sa gawi ko. "Penge!"     Inilayo ko kaagad ang salad at diretsong nilagay sa ref. "Hindi pwede!" mataray kong sagot.     "Para daw yan kay Andre," sagot naman ni Janna.     "Who?" tanong ni Ella at tumingin sa'kin. Umupo na sila at tumabi sa'kin si Ella.     "Andre, yung boy sa ice cream stall, right?" tanong sa'kin ni Pina. Tumango naman ako.     "Makikipagkita ka sa kanya?" bumaling sa'kin si Terry at gumawa na sila ng sari-sariling breakfast.     "Natanong na yan ni Janna," sagot ko at nakitang tumango naman sa kanya si Janna.     "Saan?"     "Rest house."     "Aalis na tayo diba?"     "Saglit lang naman," sagot ko at tumayo na. "Akyat muna ako ha? May tatapusin pa ako. Yung salad bawal galawin!"     Naglakad na ako patungo sa itaas para tapusin ang canvas ko. Naalala ko kasing gusto nga palang makita ni Andre ang painting ko. Marami pa naman akong time kaya hindi ko rin kailangan madaliin.     Mabilis ko lang natapos ang painting ko dahil masyado akong inspired ipakita kay Andre ang gawa ko. Ano kayang magiging reaksyon niya? Naligo agad ako habang pinapatuyo ko ang aking painting. Pagkalabas ko ay naabutan kong nag-aayos na ng gamit si Pina.     "Alis ka na?" tanong niya sa'kin nang makita ako.     "Mamaya pa," maikli kong sagot at nagtungo sa nakacharge kong phone. Tinext ko si Andre. Pinaltan ko na rin ang name niya sa contacts ko.     To: Andre See you later. Miss u. :(     Kunwari jowa ko.     Ngumiti ako at hindi ko na inintay pa ang reply niya. Nag-ayos agad ako ng sarili ko.     "Ganda ng painting a?" sabi sa'kin ni Pina. Nakaka-appreciate kasi siya ng art dahil mahilig din siyang mag-sketch. Not painting, though.     "It's not an ordinary ice cream," sagot ko rito habang nagpapatuyo ng buhok.     "Kaya nga ang ganda," sabi nito at nagpatuloy ulit sa pag-aayos ng gamit. "Gonna take a shower. Ingat ka latur."     Pumasok siya ng banyo at naiwan ako doon na nag-aayos. Binilisan ko na rin dahil gusto ko ako ang mauna kaysa kay Andre. Nagsuot lang ako ng shorts at oversize t-shirt at hinayaan kong nakalugay ang meydo basa ko pang buhok.     Di na ko nag-abalang maglagay ng make-up dahil balak kong mag mask sa byahe. Matapos ay bumaba na ako dala ang tuyong painting.     "Baba na ako, Pins!" sigaw ko at sumagot naman itong 'oo'.     "Oh? Aanhin mo naman yan?" tanong sa'kin ni Terry nang makababa ako sa may kusina.     "Ipapakita ko sa kanya," sagot ko at kinuha rin ang salad sa ref. Nakita kong medyo hindi maayos ang pagkakasarado ng tupperware kahit na ayos naman ito kanina lang. Mukhang napagdiskitahan nila. Shemay. Buti hindi ginulo ng todo. Mukha pa namang okay. Inilagay ko ang mga ito sa paper bag.      "Alis na muna ako ha? Babyee!" paalam ko sa kanila at lumabas na agad ng bahay.     Narinig ko pa ang kanilang sinasabi pero di ko na lang pinansin dahil alam kong nawi-weirduhan sila sa ginagawa ko. First time kong magka-crush sa tanang buhay ko. Kung anong reaksyon nila sa mga ginagawa ko ay ganoon rin ang reaksyon ko noon nung mga panahong in love sila. Pero ngayon ay parang naiintindihan ko na ang mga inaakto nila kapag may gusto silang pormahan.     At di ko alam na darating ako sa punto na maiintindihan ko ang nararamdamn nila.     Nang makarating ako ay wala pa si Andre kaya naupo na lang ako sa terrace habang inaantay siya. Chineck ko ang phone ko pero wala pa rin siyang reply sa'kin. Baka busy kasi ang alam ko ay ngayon din ang alis nila dahil tapos na ang perya.     To: Andre Nandito na ko.     Wala akong ginawa kundi ang i-check ang phone ko hanggang sa natanaw ko na siya sa malayo. Napatayo agad ako dahil dumagdag ang sikat ng araw sa kagwapuhan niya.     "Sorry, pinag-antay kita," sabi nito sa'kin nang magkatapat kami.     "Okay lang, upo ka," aya ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko. "Bakit hindi mo ko nirereplyan? Natatanggap mo ba mga texts ko?"     Tumango ito sa'kin. "Edi alam mong miss na kita?"     Ngumiti ako dahil sa landing inasal ko. Hindi naman ito nagbigay ng kahit anong reaksyon.   "Miss agad?" tanong niya.     "Oo, masama ba?" sagot ko na inilingan niya lang. "Uuwi ka na diba?"     Tumango lang ito at inayos ang sumbrerong suot niya. Binaliktad niya ito. Ang unahan na ng cap ay nasa likod na ngayon.     "Replyan mo nga texts ko ha! Kapag hindi ay hahanapin talaga kita!" banta ko sa kanya. Mahina itong tumawa at lumingon sa'kin.     "Ano yang mga dala mo?" tanong nito at tumingin sa likod ko. Kinuha ko ang canvas ko at ipinakita sa kanya.     "Jajan! Painting ko!" masaya kong sabi. "Diba gusto mong makita? Maganda ba?"     Tumitig lang ito sa painting ko at sunod sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay habang inaantay ang sagot nito. Umiwas naman siya sa titigan namin.     "Maganda," tipid niyang sagot.     "Yun lang? Wala ka ng ibang sasabihin?" asang-asa ako. Gusto ko sabihin niya na 'maganda, parang ikaw'.     Kahit yun lang.     "Ice cream?" tanong nito at sumulyap sa'kin. Naningkit ang mata nito dahil sa sikat ng araw.     "Favorite ko," sagot ko sa kanya. "Gaya mo," bulong ko pero mukhang narinig naman siya dahil agad itong napalingon. Okay lang kung narinig niya. At least alam niyang favorite ko siya.     Tumahimik kami at ibinalik ko na ang canvas ko sa likod. "Thanks for coming," pagbabasag ko sa katahimikan.     "Walang anuman," sagot niya.     "Hindi naman kita naistorbo diba?"     "Hindi."     Sana naman sabihin niyang 'okay lang, basta ikaw'. Ganon ako kataas mangarap na kahit na hindi ko naman siya jowa. At saka, bakit ba ko naghahangad na maging jowa ko siya? Masyado pang mababaw sa'kin ang crush na nararamdaman ko sa kanya. Love is different at masyado pang malalim sa'kin ang salitang ito.     "Ma'am Wyssa," napalingon kami dahil sa pagtawag sa'kin ni Mang Oscar. "Nandyan na ho ang sundo niya."     Tumango ako sa kanya. "Susunod po ako," sagot ko sa kanya bago siya umalis.     Tumingin ako kay Andre na ngayon ay sa malayo nakatingin. This time, sobrang lungkot ang nararamdaman ko. Shiit. Bakit ang hirap iwanan nitong lalaking 'to?     Tumayo siya dahil sa hindi ko pagsasalita. "Hindi na kita maihahatid, kailangan ko na ring umalis."     Tumango ako at tumayo rin. "Okay lang naman, Andre."     Bakit ang sarap banggitin ng pangalan niya?!     "Ah, wait," sabi ko nang maalala ang salad na ginawa ko. Inabot ko sa kanya ang paper bag.     "Ano yan?" tanong niya, hindi kinukuha.     "Uhm, gift!" sabi ko at kinuha ang kamay niya para kunin ang ginawa ko. "Kainin niyo sa byahe ni Ed. Healthy yan!"     "Uh, salamat," ngumiti ito sa'kin. "Pero hindi na kailangan."     "Okay lang, ano ba?" nguso ko sa kanya. "Gusto ko lang magpasalamat sa pagsama sa'kin para hindi ako mag-isa."     Ngumiti ito sa'kin at muling binihag ang puso ko. Jusko naman, Andre!     "Salamat, Wyssa." Naks! He mentioned my name!     "You're welcome," sabi ko at nawalan ng sasabihin. Muli kaming dinalaw ng katahimikan. Naubusan ako ng sasabihin.     Nararamdaman kong ito talaga ang totoong goodbye. "Andre.."     "Una na ko," sabi niya.     Tumango ako. "Okay.." Lumapit ako sa kanya. Mukha naman siyang nagulat sa paglapit ko dahil napatitig ito sa'kin. Ngayong malapit siya sa'kin, mas kita ko na ang ganda ng mga mata niya, ang matangos niya ilong at medyo makapal nitong kilay.     Humakbang ulit ako sa kanya. Ewan ko ba pero gwapong-gwapo ako sa hitsura niya. Sobrang simple niya. Sobrang natural niya at don ako humanga sa kanya. Isama na rin natin ang pagiging gwapo niya. Nung mga panahong kasama ko siya ay masaya ako. Short encounter pero sobrang worth it. Worth it makilala siya.     Humakbang ako palapit sa kanya at tumingkayad. Magkatapat na ang mga ilong namin at kumapit ako sa kanyang mga balikat bilang suporta.     Humalik ako sa pisngi niya.     Nagulat siya. Miski ako ay nagulat sa ikinilos ko pero hindi ako roon nagpadala. Kinompose ko ang sarili ko at lumayo sa kanya.     "Bye, Andre," pagpapaalam ko sa kanya.     Ilang segundo itong tumitig sa'kin na kahit parang nawawalan na ng lakas ang tuhod ko ay pinilit kong ngumiti sa kanya. Maya maya pa ay tumango ito sa'kin.     "Ingat ka."     Kinuha ko na ang canvas ko at kumaway sa kanya. "Make sure to reply my texts!" sigaw ko at tuluyan ng umalis.     "Ang tagal mo! Sobra ka na sa pakikipaglandian, sis!" sabi sa'kin ni Terry habang nasa loob ng sila ng van. Inayos ko ang mga gamit ko at pumasok na rin ng van. Sobrang saya ko rito sa probinsyang 'to. This is unforgettable.     "Bye, Mang Oscar!" paalam nila at ako naman ay kumaway lang. Nagsimula nang umandar ang sasakyan at nagkanya-kanya na kaming buhay.     To: Andre Salamat. Ingat :)     Natulog ako habang may mask sa mukha at hanggang sa makarating ng Manila ay suot ko pa rin ang mask. Nakatulog ako buong byahe dahil sa pagod ko at aga gumising. Ako ang unang hinatid nila sa bahay namin.     "Bye, Wyssa!" paalam sa'kin ni Ella. Kumaway ako sa kanila.     "Ingat, girls!" paalam ko rin at pumasok na sa bahay. Sinalubong ako ng mga maid namin upang tulungan ako sa mga dala ko.     "Ate!" sigaw sa'kin ni Shane at yumakap ito sa'kin. Ginulo ko lang ang buhok niya at dumiretso sa loob ng bahay.     "Pasalubong?" tanong sa'kin ni Chloe na inirapan ko naman.     "San ba ako nanggaling? Ibang bansa?" mataray kong tanong. Wala si Mommy at grandma kaya nagtext na lang ako.     To: Mommy Just got home.     "Kamusta, anak?" bati sa'kin ni Nanay Q. Yumakap ako sa kanya.     "I found an inspiration, nay," bulong ko sa kanya. Sumigla naman ang mukha nito.     "Talaga? Sino?"     "Uhm, unexpected, nay. Next time po kwento ko sa inyo," sabi ko kanya na tinanguan niya lang.     "You met boys?" takang tanong ni Chloe.     Kinunutan ko siya ng noo. "Boys?" tanggi ko. Baka isumbong pa ako kay Mommy. "No freaking way."     "Pahinga lang ako," paalam ko sa kanila at nagtungo sa kwarto ko. Nag-shower muna ako bago dumapa sa kama. Di na ko nag-abalang magpatuyo ng buhok dahil tinatamad ako. Chineck ko na lang ang phone ko at nagulat ako nang magtext si Andre.     From: Andre Nakauwi ka na ba?     To: Andre Oo. Ikaw?     Wala pang isang minuto ay nagreply na 'to.     From: Andre Byahe. Pahinga ka.     To: Andre Opo. Ikaw din. Ingat     Nagpagulong-gulong ako sa kama ko dahil sa sobrang kasiyahan. Kinikilig din ako!     Kinaumagahan, nang magising ako ay hindi ko kinalimutang mag-text sa kanya.     To: Andre Good morning :)     Kagabi ay ang saya saya ko kaya masaya rin akong nakatulog. Hanggang sa lumalim ang gabi ay magkatext kaming dalawa. Sobrang saya lang dahil hindi ko pa naranasan ang ganitong saya sa kaibigan.     Bumaba ako sa kama at naisipan kong mag-jogging ngayong araw dahil wala pa naman akong klase ngayon. Naghilamos lang ako at nagbihis ng leggings at sports b*a. Hindi muna ako nag-breakfast kaya lumabas agad ako ng bahay. Nakasalubong ko naman ang aso ni Shane pero tulog ito kaya hindi ako natakot na baka lapitan ako.     Inilagay ako ang earphones ko sa magkabilang tainga ko at nagsimula nang tumakbo. Isa't kalahating oras rin ang itinakbo ko bago ko naisipang bumalik.     Malapit na ako sa tapat ng bahay namain nang may matanaw akong babae sa labas ng bahay. "Sino po sila?" tanong ko nang makalapit. Halatang nagulat naman ito.     "Ma'am Wyssa!" bati niya sa'kin at ngumiti ito. Kilala ako? How come? Hindi ko siya natatandaan.     "Did we met before?" tanong ko at tumango ito.     "Ako po ang secretary ng Mommy niyo. Ipinasasabi niya pong pumunta raw kayo sa kompanya." Tumango naman ako.     "Bakit hindi na lang ako itext? Bakit pinapunta ka pa?" tanong ko at nagpunas ng pawis.     "Ah eh may pinapupunta rin po sa'kin si Ma'am e. Sinabi niya pong daanan ko na kayo." Tumango na lang ulit ako.     "Okay, mag-aayos lang ako bago umalis," sagot ko.     Marahan itong yumuko sa'kin bago nagpaalam. "Alis na po ako."     Tumango lang ako at nagtungo sa loob ng bahay. Nag-shower ako at nag-ayos. Nagsuot lang ako ng black leather skirt at yellow t-shirt habang naka-tuck in ito. Nag-apply din ako ng light make-up. Bumaba ako para kumain at tinext ko na rin si Andre.     To: Andre Eat your breakfast. Eat well.     Tahimik lang akong kumain ng cereal dahil tulog pa ang mga kapatid ko. Mukhang tulog pa rin si Andre dahil kahit tapos na kong kumain ay di pa rin siya nagrereply.     Nagpunta na ako sa kompanya at ginamit ko ang sarili kong sasakyan. Nang makarating ako ay puro pagbati ang binubungad nila sa'kin. Ang iba ay takot pa nga dahil kamukha ko raw si Mommy at baka raw kaugali ako ang Mommy ko.     Hindi naman ako kasing-higpit ni Mommy. Mabait talaga si Mommy pero may pagkamaldita talaga ang ugali nito.     Sa unahan ng kompanya ay makikita mo ang mga bagong produkto na inilabas ng kompanya. Sa kalagitnaan ay nandoon na ang rooms. Sa isang room ay may nakita akong nagpo-photoshoot at sa kabila naman ay may nagmemeeting. Meron ding mga models na kilala talaga sa industriya.     "Ma'am Wyssa! This way po," ang sabi nung secretary ni Mommy. Sakto namang lumabas si Mommy mula sa meeting room. May kasunod itong di katandaang lalaki at nag-uusap sila. Napatigil lang si Mommy nang makita ako.     "Wyssa, you're early," sabi niya sa'kin. Humalik ako sa kanya at ngumiti.     "Pinatawag niyo raw po ako?" magalang kong tanong.     "Oo," sagot niya. "Uhm, Wyssa, this is Mr. Quintos, business partner natin." Inilahad ni Mr. Quintos ang kamay nito na siya namang tinanggap ko.     "Hello po, nice meeting you," sabi ko sabay ngiti.     "She's beautiful, just like you," sabi nito kay Mommy.     "Yes, she is," sagot ni Mommy.     "Anyway, I have errands to do. I'll see you around," sabi ni Mr. Quintos na tumingin kay Mommy matapos ay sa'kin. Binigyan ko lang ito ng isang matamis na ngiti.     "Sumunod ka sa'kin, Wyssa," utos ni Mommy na sinunod ko naman. Sumama rin sa'min ang secretary nito.     "Maupo ka," sabi sa'kin ni Mommy nang makarating kami sa office niya. Hindi na bago sa'kin ang opisina ni Mommy pero pansin ako ang bagong sofa at coffee table rito. Umupo ako sa tapat niya habang ang secretary nito ay nanantiling nakatayo. "Discuss to me the details, Winona."     "Uhm, Ma'am, we are still lacking in stalls due to what happened po. Any stalls will do but with accordance to children's likings," sabi ng secretary ni Mommy.     Hindi ko nagegets kung bakit kailangan ako dito. "How many of them are still needed?"     "As of now, Ma'am, two to three stalls are needed po."     "Okay, so..." Tumingin sa'kin si Mommy. "May na recruit ka na bang stalls?"     "Ahh," ang nasagot ko na lang nang maalala ko ang pinag-usapan namin ni Mommy.     "What 'ahh'?" tanong ni Mommy. "Any small stalls? Like ice cream stalls?"     Parang may umilaw na bumbilya sa ulo ko nang may maalala ako sa sinabing iyon ni Mommy.     "I know someone Mommy!" excited kong sabi sa kanya. Lumiwanag naman ang mukha nito at ngumiti sa'kin.     "Good. Ikaw na bahala sa transaction. Ask for my help kapag kailangan mo, okay?"     Tumango lang ako sa kanya.     "Ihatid mo na siya sa labas, Winona." Humalik muna ako kay Mommy bago lumabas ng opisina niya kasama si Winona.     "Uhm, Ma'am, before Tuesday night po dapat ay settled na ang lahat," sabi sa'kin ni Winona nang makalabas kaming ng kompanya.     "Okay, sure."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD