Chapter 1

982 Words
"Napakawalanghiya mo talaga,Javier!"Nanggagalaiting sigaw ng nanay ko sa lasing na lasing na tatay ko.Hindi na bago ang ganitong scenario kung hindi lugmok sa alak nagdadala naman ng kung sino-sinong babaeng napupulot niya sa kanto. Umingit ang lumang hagdan kahoy ng bumaba ako dito.Isinuot ko ang earphones sa tenga at nagplay ng musika.Hindi na ako lumingon o nagpaalam manlang,dire-diretso akong lumabas sa masikip at maputik na eskinita.Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa kolehiyong pinapasukan ko.Scholar ako doon,minsan rumaraket ako sa guidance at library.Extra-income din iyon pandagdag sa ipon ko maging sa sweldong kinikita ko sa panaderia at sa pag-tututor ko sa anak ng Professor namin na si Mrs.Angeles. Nakarating na kami sa school,naglabas ako ng bente pesos mula sa wallet kong Spongebob.Ang cute kasi ni Spongebob hihi. Bumuntong hininga ako,bago pumasok sa kalawanging gate.Binati ko si Mang Isko--Ang guard ng school namin,na tropapits ko na ata. Panibagong araw na naman,konti nalang.Malapit nakong makatapos,makakaluwag na din ako sa oras na maging isa akong Teacher.Hindi ko na kailangang pumasok sa iba't-ibang trabaho,wala ng hirap at higit sa lahat makakaalis na ako sa impyernong nagkulong sa akin ng Labing-walong taon. "Uy,Zoren!Kanina pa kita hinahanap.Pinapatawag ka ni Prof Talde!"Hinihingal na bungad sakin ni Elshane sa b****a ng pituan. "Bakit daw?"hindi na siya sumagot,nagkibit balikat.Tumango na lang ako at matamlay na naglakad papunta sa Office.Baka may ipapaarrange sakin o pagagawin na naman ako ng exam para sa mga juniors. Binati ako ng mga kabatch ko,ngiti lamang ang isinukli ko.Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob.Sumalubong sa akin ang malamig ngunit amoy libro't papel na hangin na mula sa luma't umuugong na aircon ng Faculty. "Sir,hinahanap niyo daw po ako!"inimuwestra niya na umupo ako. "Oo,may emergency lang ang Adviser niyo.That's why wala kayong first class,so keep them quiet.We have a visitor from college in Manila.Nakakahiya naman kung maabutan kayo o marinig,hindi ko din kayo pwedeng pauwiin since nagkalat lang sila!Do you understand?"he said pormally,he cleared his throat at inayos ang malaking salamin sa mata. Tumango ako"Yes,Sir!Magpapaalam na po ako."Magalang kong ani bago lumabas.Patakbo akong pumunta sa classroom,pagliko ko ay hindi ko inaasahang makabangga ang hindi pamilyar na lalaki. Nahulog ang dala niya,habang ako nakasalampak sa sahig.Agad akong tumayo at tinulungan siya.Tangina,Zoren mahiya ka na now. "My Apologize!"I said briefly at nagpatuloy papasok.Hindi lumingon,o tinignan kung sino man iyon. Nahihiya ako dahil sa katangahan ko pero mas malaki ang kaba ko dahil baka nagiingay na ang mga Depungal.Mapagalitan pa kami at mapagcommunity service.Hindi naman sa sobrang kulit nila,siguro pili lang yung pagkakataong matured sila at pati pagiging isip bata. Kahit kolehiyo na ay naghaharutan pa sila,nagbabatuhan ng papel,nanghihila ng upuan at nang tititrip ng kaklase minsan nilalagyan pa nila ng bato na pangkalso sa pintuan. Pagsilip ko ay walang kahit ano mang ingay,lahat sila nakadiretso sa pagupo walang naglisaw,walang baliko. Pumasok ako ngunit isang gulat na mata mula sa isang ginang na nasa mid 40's na ata.Tulala ito habang diretsong nakatingin sakin,hindi ito gumagala--pilit ang paghinga. Namuo ang luha sa mata niya at ilang segundo'y nagpaalam na lalabas. Nagtataka ako dahil sa naging ekspresyon niya."Anong nangyari doon?May ginawa ba kayo?"I asked my classmate jokingly. "Ewan,Okay lang naman siya kanina bago ka dumating." "Oo nga,Zoren.Baka naman ikaw ang may atraso doon?" "Hoy,Harmless ako!"pabiro akong umirap at umupo sa harap. "Announcement,wala tayong klase kay Mrs.Angeles.May emergency daw!"nagsigawan sila sa labis na tula,yung iba ay parang abnormal na pinalo-palo pa ang lamesa. "Hoy mga depungal!Bawal daw magingay,may bisita!!"nagpapanic kong sabi,takot na baka marinig kami ng kung sinoman. Mabilis lumipas ang oras,uwian na.Kanina'y nakatanggap ako ng text kay Maam ba wala daw munang tutor ngayon dahil doon ay mukhang mapapaaga ako sa pagpasok sa Panaderya. Taga mix kami doon at tagahulma,yoon lang ang ginagawa namin dahil may iba naman nakatoka sa pagsasalang sa pugon. Naglakad lang ako dahil sayang ang pamasahe.Ilang kanto lang naman ang lalakarin mula sa school namin,bago iyon ay dumaan muna ako sa bilihan ng school supplies para sa pag gawa ng Lesson plan.Project namin iyon sa isang major subject,isang buwan pa naman pero ngayon palang ay uunti-unti ko na ang pagbili.Mahirap kasi na bultuhan since wala naman akong malaking pera.Sakto lang ang kinikita ko sa pambaon ko araw-araw at pag iipon para sa pagalis ko sa bahay. "Magandang Gabi,Gabriel.Andyan na ba si Shiryl?"busy ito sa paglalamas ng dough,kaya ininguso niya lang ito at itinuro na nasa Cr daw. Sinuot ko na din ang apron,hairnet pati ang gloves.Nagsimula na ako sa pagtitimpla at pagmamasa,nakakangalay ito at sobrang sakit sa braso't balikat pero dahil sana'y na ako ay hindi ko na ito masyadong iniinda.Hindi tulad nung nagsisimula palang ako. Lumabas si Shiryl na may hindi maipintang mukha habang nagpupunas ng labi. "Mare,Anong nangyari?Ayos ka lang ba?"Nagaalala ako dahil hindi naman siya natural na ganito.Masigla siya at palabiro. "Wala,hindi lang maganda ang pakiramdam ko!"Tumakbo na naman siya papasok agad ko siyang sinundo.Nanlalata siya habang sumusuka,kumukuha ng lakas sa pader.Hinimas ko ang likod niya at inilalayan paupo. Maya-maya ay umiyak siya't pahikbi-hikbi. "Zoren,Buntis ako.Anong gagawin ko,tiyak kagagalitan ako ni Inay."Nagulat ako sa sinabi niya. "Sinong A-ama?"nanginginig kong tanong. Hindi siya makatingin ng diretso,nanginginig sa labis na takot. "Y-yung p-papa mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD