Warning:Suicide/Death
Tulala ako habang naglalakad pauwi.Putangina buong akala ko yung nanay niya ang kabit ng tatay ko,nakakadiri.Hindi ko akalain na papatulan niya,lalo na alam niyang ama iyon ng kaibigan niya.
"Javier!!Parang awa mo na,wag mo kaming iwan!"napapalibutan ng chismoso't chismosa ang tagpi tagpi naming bahay.
Hinawi ko sila at nagmamadaling pumasok sa loob.
"Ma,Anong nangyayari!"tanong ko kay mama habang umiiyak ito't nakahawak sa paa ni papa.
"Parang awa mo na,Javier!"humahagulgol ito.
"Tangina,Amelia bumitaw ka!"iniyuyugyog ni Papa ang paa niya para mawala sa pagkakahawak.
"Tiniis ko lahat ng kagaguhan mo,pero wag mo naman kami iwan para lamang sa babae mo!"she pleaded down her bended knees.Kulang nalang ay halikan niya ang paa nito para manatili lamang.
Kumuyom ang kamao ko at matalim na tinignan si Papa.Gusto ko siyang sampali,sapakin at saktan.
Gusto ko mang sumbatan si pala ay hindi ko magawa.Tila ako pipi,walang lakas para ibuka an mumunting bibig
Napapitlag ako ng sumigaw siya...
"Putangina!Sinabing bumitaw ka!"nawawalan ng pasensyang ani ng magaling ko ama at walang pagdaka'y tinadyakan niya ito.
Agad akong napadalo kay mama na nakasalampak sa pader,nanghihina--habang walang patid sa pagluha.
Dali-dali itong lumabas at kasabay ay nahawi ang malaking alon ng taong nakikiusyoso.
Isinara ko ang pinto maging mga bintana.Inalalayan ko si Mama paupo sa de-kahoy na kawayang upuan.
Kumuha ako ng tubig mula sa galong malapit ng maubusan ng laman at iniabot kay mama.Ininom niya ito at ipinatong sa munting lamesita.Kumuha din ako ng bimpo at ibinalot sa yelo.Idinampi ko ito sa mga sugat at pasa niya.
"Ma,ayos ka lang ba?"lumingon sa akin ang namamaga niyang mata at tipid na ngumiti.Napapapikit siya tuwing nadidiin ang paglapat.
"Ayos lang si Mama,anak!"ani niya at hinimas ang ulo ko,kinuha niya sa akin ang bimbo at pinatong na naman sa lamesita.Inihiga niya ako sa hita niya.
"Patawarin mo sana si Mama,pinilit ko namang bigyan ka ng magandang buhay.Patawarin mo ko,wala akong natupad kahit manlang isa."My tears began to fell,She hushed me.
Mapait lamang siyang nakangiti habang pinagmamasdan ang mukha ko,para ban kinakabisado niya muli ang dati niya ng kabisado.
Namayani ang sasaglit na katahimikan ng basagin ko ito ng isang impit na hikbi.
"A-ayos lang,Ma!"nanginginig kong sagot at ipinikit ang mata."Ayos lang,Ma.Ginawa mo naman ang lahat,sapat na sakin iyon."bakit ganito,siya ang mas nangangailangan ng comfort ngayon.Mas kailangan niyang maramdaman iyong pagmamahal ko pero bakit sakin niya ibinibigay.Ubos na siya,ubos na ubos kabibigay sa taong walang ginawa kung hindi saktan siya.She deserves better,she desrves to be love and treated well.
"Matulog ka na.Nandito lang si Mama!"
Napakarami niya ng nagawa,she even sacrificed her own dreams just to be with me--para sa tatay kong gago.
Hindi ko namalayang kinain pala ako ng labis na antok,marahil dahil sa labis na pagod pati nadin ang nangyari kagabi.
Nagising akong maayos na nakahiga sa upuan,may unan at kumot.Nandoon pa ang mga ginamit kong bimpo maging ang pinaginuman niyang baso ngunit wala sa tabi ko si Mama.
Baka nasa kusina o nasa itaas.Bumangon ako,itinupi ang kumot at ipinatong sa ibabaw ng unan.
"Ma!"pagtawag ko,isinuot ko ang tsinelas at hinawi ang kurtina ng kusina.Wala siya doon,umakyat ako nagbabakasakaling matagpuan siya sa itaas ngunit ni anino'y wala.
Saan ba siya nag punta.
Nahagip ng paningin ko ang orasan.Tangina,7:30 na!
Late na ako,nagmamadali akong kumuha ng tuwalya sa taas at patakbong bumaba.Halos magkandahulog na din ako sa labis na pagmamadali.May quiz kasi kami ngayon sa isa sa major subject namin,baka hindi na ako makakuha o hindi na ako bigyan--maldita at terror pa naman iyon.
Itinulak ko ang pintuan ngunit nakasarado ito sa loob.
Kumunot ang noo ko,baka si Mama pero bakit hindi siya sumasagot.
"Ma!"kumatok ako muli ngunit hindi padin ito sumagot.Dumagundong na ang puso ko,labis na kaba ang dumaloy sa sistema ko.
Hindi iyon--"Ma!!"hinampas ko ng buong lakas ang pinto,nangingilid na din ang luha dahil sa mga ideyang pumapasok sa isip ko.
Nakailang tawag ako ngunit wala pa din,patuloy sa pag t***k ng mabilis ang puso ko.Nanlalamig na din ang kamay ko.
"Tulong!Tulungan niyo ko!"nagpatuloy padin ako sa paghampas,nagbabakasakaling pagbubuksan ako ng tao sa loob.
"Tulong!Tulungan niyo ako!!P-parang awa niyo na!"nagkukumahog at nagaalalang pumasok si Ninong Albert,nakahubad pa ito ng pang itaas mukhang kagagaling lamang sa higaan.
"Iha,anong nangyari?Anong nangyari?"
"Ninong,si Mama hindi lumalabas ng Cr.Tulungan niyo ako,baka anong nangyari sakanya"isa isang tumulo ang mga luha sa mata ko,dahil sa pinaghalo halong dahilan.Sa takot,Sa galit pati na sa sobrang lungkot.Hindi malabong gawin niya iyon,lalo na sapat na dahilan ang mga nangyari.
Tinadyakan niya ang pinto ng ilang ulit,at sa wakas nahulog ang pakong nagsisilbing lock.Natapyas ang kalahati ng pinto pero hindi iyon ang ikinagulat ko.
Napaupo ako habang nakatingin sa walang buhay niyang katawan.Nakabitin ito at magkukulay asul na.
Napasinghap ako at kasabay nun ay ang tila pagbagsak ng mundo ko..
"M-Mama!"I cried in so much of despair while hugging her cold body,itinaas ko siya at kinalas ang tali.
Tinulungan ako ni Ninong na buhatin siya't ihiga sa malamig na semento.
"Ma!M-ma,gising na.Sige na,gumising ka na!"walang patid ang pagluha ko habang marahan siyang niyuyugyog,nagbabakasakaling didilat siya at tatayo.
"Ma,bakit?Bakit iniwan mo akong magisa?!Sabi ko naman sayo ayos lang sakin,ginawa mo naman lahat.Ayos na ko doon,hindi mo na ako kailangang iwan!M-ma!"nakatingin sa akin ang napakadaming naawa,nakikisimpatya't nalulungkot na mata.Pinanonood nila kung paano magdalamhati ang anak sa ina niya,kung paano magmamakaawang bumalik na at kung paano iparamdam ang pagmamahal kahit walang salita.Iniisip nila na sayang ang buhay ni mama,at kawawa ako dahil nawalan ako ng ilaw.
Alam ko iyon ang tumatakbo sa isipan nila.Mababasa iyon sa bawat mata,mararamdaman mo iyo sa bawat paghinga at pagpikit ng mata...
Hindi ko kailangan ang mga iyon,hindi naman kayang ibalik ng awa nila ang buhay ni Mama.Walang may kakayahang ibalik sa aking ang buhay ng nagiisang taong meron ako.
Isang himas ang lumapat sa likod ko,Si Ninong Albert.Mapait itong nakangiti,na para bang sinasabing magiging maayos din ang lahat,na kakayanin ko ito't malalampasan.
Wala sa sarili akong gumanti ng iling.Sa tingin ko,hindi na kailanman magiging maayos tulad ng dati.Wala ng dahilan para maging maayos pa,hindi ko alam kung paano ang bukas at susunod na mga araw.Hindi ko alam kung paano haharapin ang mundong wala si Mama,wala akong ni isang ideya kung paano ko ba ito pakikisamahan.Wala na akong kakayahang magisip pero....
Makakaya ko bang harapin ang masakit na katotohanan??
Na simula ngayon,ako nalang--ako nalang magisa.Walang kahit sino,tanging sarili lang ang meron.