Chapter 3

928 Words
Hanggang ngayon ay tulala lang akong nakatingin sa puting kahon na nasa harap ko kung saan tahimik na nakahimlay si Mama. Hindi maisip na ganito,hindi ko kayang tanggapin na totoo ito. Muli na namang tumuli ang maiinit na luha. Sana panaginip lang ito,sana magising na agad ako.Sana makita ko si Mama habang nakangiti sa harap ko,o di naman kaya marinig ko lang ang pagaaway nila.Oo,doon.Ayos na ako sa ganon lang,sapat na sakin iyon.Kahit araw-araw o oras-oras ko pang marinig ang sigawan nila,kaysa yung ganito--Tahimik pero puno ng sakit at kalungkutan.Wala kang makikitang kasiyahan maano pa si Papa,baka nagdidiwang na sila ng kabet niya. Kumuyom ang kamao ko at napatayo.Hindi pwedeng ako lang,dapat maramdaman niya din ang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Tita Annie,Pwede po bang kayo muna ang magbantay?May pupuntahan lang po ako,sandaling-sandali lang".Kaibigan siya ni Mama,simula pagkabata nagkahiwalay lang sila ng magasawa si Mama at talikuran ang karera sa pagiging Journalist. Kaagad siyang nagpunta dito ng nalaman niya ang balita,simula kanina hindi na siya umalis pa sa tabi ko. At nagpapasalamat ako doon..... Hindi ko kasi kayang magisa,baka bumigay din ako. Tumango si Tita Annie"Sige.Magiingat ka ,Iha"ani niya bago nagpatuloy sa paghshalo ng sopas na ipakakain sa nga bisitang makikiramay. Humahangos kong tinunton ang bahay nila Shiryl.Wala akong pake kung pagtinginan ako ng tao o pagbulungan man nila ang nangyari kay Mama.Hindi naman sila ang pinunta ko,hindi sila importante. Ang importante ay mailabas ko ang naglalagablab na galit na namuo sa puso ko.Sila ang dapat sisihin,kasalanan nilang dalawa pati ng makakati nilang kaluluwa. Padabog kong binuksan ang kahoy na pintuan,bumungad sa akin ang gulat na si Shiryl pati ang kanyang kunsintidor na Ina. "Zo-zoren,A-anong g-ginagawa mo dito?"nanginginig niyang tanong at inilapag ang mangkok ng kanin. Hindi ako sumagot sa halip pinukol siya ng masamang tingin.Nakita ko ang paglunok niya ng bahagya maging ang pag atras Lumapit ako at ginawaran siya ng isang malakas na sampal. Napahawak siya doon,namuo ang mga luha sa mata sa kabilang gilid ang nanay niyang animo'y estatwa. "Para yan sa pagtataksil mo sa kin!"buo at puno ng galit kong ani bago sinundan ng isa pang sampal. "Itinuring kitang kaibigan at kapatid,tapos ganito ang gagawin mo!Huh!Hindi ka manlang ba nag-dalawang isip bago ka pumatol?Bago ka bumuka,huh!?....Para yan sa pagkakait mo sakin ng Ama!"Humikbi siya at dinaluhan ng kanyang Nanay.Nilabanan nito ang matatalim kong tingin. "Nasa pamamahay kita,umalis ka na!Tatawag ako ng tanod!"napangisi nalang ako sa pagbabanta niya. "Bakit ako aalis?Tapos na ba ako?Kung tatawag ka,edi tumawag ka.Bakit gusto mo bang samahan pa kita?"sarkastikong ani. Inilagay niya ang anak niya sa kanyang likod at dinuro-duro ako. "Putangina ka,bastos kang bata ka--"naputol ang sasabihin niya ng itinaas ko ang kamay ko,umilag siya.Wala naman akong balak na idikit ito sa kanya. "Putangina mo din with respect kahit di mo deserve!"hinawi ko siya at ginawaran muli ng sampal ang anak niya. "Para yan sa nanay ko!Dahil sayo nawala siya--Dahil sa kalandian at kakatihan mo"napaluha ako at inipon ko ang buong lakas sa huling sampal na ibibigay ko. "Yan...wala lang.Pasobra kasi special ka." Namumula ang dalawang pisngi niya at tahimik na umiiyak.Nakayuko habang hawak ang sinapupunan. "Nakakadiri."ani ko bago tumalikod,sumalubong sa akin ang kunot na noo ng Magaling kong Ama. "Anong ginagawa mo dito?"hindi ako sumagot,nagpatuloy lang akong naglakad ngunit hinablot niya ang braso ko. Mahigpit..Masakit ngunit di ito ang tamang oras para indahin ko iyon. "Pagsabihan mo yang,Anak mo Javier!Wala siyang karapatang saktan ang anak ko!"mahaderang sabat ng Nanay ni ng higad. "Anong ginawa mo sa kanya?"gigil nitong tanong at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin. "Pakealam mo?"matapang kong sagot.Mas tumalim ang tingin niya at bumigat ang paghinga. Buong pwersa kong binawi ang braso ko.At lumapit sa gulat kong ama,hindi niya siguro aakalain lalaban ako. "Kasalanan mo kung bakit nawala si Mama,nagsisisi akong naging tatay kita."pinipigilan kong tumulo muli ang luha.Hindi niya dapat ako makitang mahina. Sinampal niya ako,nalasahan ko ang dugo mula sa pumutok kong labi. "Gago ka!Wala ka talagang kwenta!Akala mo ba ikaw lang ang nagsisisi,ako den!Pinagsisisihan kong nabuhay ka,hayop ka napakabastos mong bata..walang kang silbi."naglabasan na ang litid niya sa leeg maging ang ugat sa noo. Napahalakhak ako na nagpatigil sa kanya. "Mas walang kwenta ang Amang iniwan ang pamilya niya,para lamang sa iba.Bahag ang buntot,duwag ka!Duwag ka para takbuhan at iwan kami.Mas bastos ka,dahil harapan mong ginago si Mama.Hindi ka tao!Napakatigas mo,wala kang puso.Nagmakaawa sayo si Mama na wag kang umalis!pero ano?Huh!!..Pinili mong sumama sa babaeng yan at iwan ang babaeng pinangakuan mo ng maganda buhay.Lumuhod siya pero anong ginawa mo huh!?..Umalis ka..tinalikuran mo siya..Kaya mong sabihin sa akin ang mga salitang sarili mo ang inilalarawan." pinunasan ko ang tumulong luha at tumalikod."Isa pa pala.....Hinding-hindi kita mapapatawad.Sana hindi kayo patahimikin ng konsensiya niyo,sana maramdaman niyo din ang sakit na ibinigay niyo sakin..."masamang hilingin ang ikakasakit ng kapwa,pero mas masama ang pagtataksil na ginawa nila kay Mama. Tumalikod ako kasama angmas nadagdagang galit sa dibdib....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD