Chapter 14

1173 Words
Alas 4:00 na nang hapon at kailangan ko nang mag-ready dahil papasok pa ako ngayon sa bar pero pano naman si tristan? nahihirapan akong iwan siya dito na mag-isa sa kanyang bahay. "Justin?" Gising na pala si tristan. Tinawag niya ang pangalan ko kaya ako'y tumingin sa kanya. "Anong oras na?" tanong niya sakin at napansin kong napakatamlay ng kanyang boses. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tiningnan ko yung oras. "4:56 p.m." sagot ko sa kanya. "You should go now. May trabaho ka pa sa bar. Umuwi ka na sa inyo. Alam kong nagtataka na yung mama mo kung bakit di kana nakauwi." sabi niya sakin. "What about you? Hindi ka pa magaling. Sinong mag-aalaga at magbabantay dito sayo?" pag-aalala ko sa kanya habang nagdadalawang isip pa ako sa desisyon ko. "Don't worry. I can handle myself. Medyo okay na yung pakiramdam ko. Sige na, justin. You can go now. Wag kanang mag-alala sakin. Kung gusto mo kong kamustahin, pwede mo naman akong tawagan" saad niya. "Are you sure?" paninigurado ko at hinawakan ni tristan ang aking kamay. "Thank you for taking care of me. Just trust me, okay? Kaya ko 'to." he said and he smile at me. "Sige, mag-ingat ka dito, ha? Kung may kailangan ka sakin, tawagan mo rin ako agad." "Oo, sige na. Uwi ka na sa inyo." Tumango ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo. Umalis na ako sa bahay ni tristan at uuwi na ako sa amin subalit hindi parin mapakali ang damdamin ko dahil iniisip ko ang kalagayan niya. Sa tingin ko kasi hindi pa siya okay pero anyway, I trust him. I know that he can handle himself and he's responsible. Nang makauwi nako sa bahay, pagpasok ko sa loob ay lumapit agad si mama sakin at kinausap niya ko. "San ka ba galing, ha?" napataas ang boses ni mama sa akin at naiintindihan ko naman ang kanyang naging reaksyon kasi hindi ako nakapagpaalam sa kanya na matatagalan ako sa pag-uwi. "Pasensya na po, ma. May importante lang kasi akong pinuntahan kaya natagalan ako. Sorry po talaga." paumanhin ko sa kanya at hinawakan ni mama ang kaliwang kamay ko. "Nag-alala lang kasi ako sayo, anak. Alam ko namang tayo nalang tatlo dito ang magkakasama. Ayoko namang may mangyari sayo. Dapat magpaalam ka uli sakin ha kung matatagalan ka? Para di ako mapakali kakaisip sayo." sabi ni mama habang nakikita ko sa kanyang mukha ang pag-alala para sakin. "Opo, ma. Hindi ko na po yun uulitin." sagot ko at ako'y ngumiti sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni mama, dumiretso na ako sa kuwarto ko at ako na'y nagbihis ng suot. At 6:00 p.m. pumunta na ako ng bar at back to my work na naman ako habang kasama ko si leah at ang iba pa naming mga ka-partners na bartenders atsaka mga barmaids. At 12:03 ng hatinggabi, si chris na naman ang naghatid sakin papauwi sa bahay. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang kaming dalawa. Nang tumingin ako kay chris, napansin ko na parang may iniisip siya. Ang layo kasi ng tingin niya at hindi man lang niya ako kinakausap. "I did all my best for you and I give you everything just to make you happy, justin." bigla nalang nagsalita si christopher sa akin at napaisip ako sa kanyang sinabi kung ano ang kanyang tinutukoy. "What do you mean?" nagulohan ako sa kanya. "I want your answer right now, Justin." sabi niya sakin at ako'y napatitig sa kanya. "Kasi habang tumatagal, unti-unti ko nang narealize na... pagod nako... pagod na akong mag-adjust sa feelings ko sayo." nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata na para bang gusto na niyang umiyak at ilabas ang lahat ng kanyang sakit na nadarama galing sa kanyang puso. "Magsabi ka nga ng totoo sakin. Mahal mo ba ko o hindi? Deritsohin mo na ako dahil ayokong umasa sa wala." After I heard what he said, I am speechless like I don't know how to answer his hard question. I tried to think deeply and make a final decision. I'm still quite while he's waiting for my respond. Sa ngayon, ang laman na talaga ng puso ko ay si tristan. My feelings changed and I am more inlove with him than christopher. I know there's a purpose why my heart choose him and I know there's a reason why the destiny brings him to my life. "Chris, I'm sorry. Yung pagmamahal ko sayo ay hanggang kaibigan lang. Wala ng hihigit pa dun. Sana maintindihan mo yung nararamdaman ko sayo." malungkot kong sagot sa kanya at sya’y biglang napahawak ng mahigpit sa kanyang manibela. Bigla niyang naihinto ang kanyang kotse sa gilid ng daan at sya'y tumingin sa akin. "Why, Justin?" napansin ko ang pagkabigo sa kanyang malungkot na boses. "I'm so sorry, chris" I apologize to him again at biglang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Alam kong nasaktan siya dahil sa sagot ko. Nakokonsensya tuloy ako sa kanya. Alam kong napakabait ni chris sakin. Ginawa niya lahat para pasayahin ako. Sobrang nahihirapan ako sa desisyong ito subalit pinapairal talaga ng puso ko ang pagmamahal ko kay tristan pero wala naman akong magagawa, ito lang yung kaya kong gawin para mahinto na ang kanyang nararamdaman sakin at isa pa, ayoko rin siyang paasahin. Mahirap man pero sana'y matanggap nya. "I'm so sorry that I hurt you. I know that it breaks your heart but I still need you in my life. You're very important to me, chris. Please, stay with me always kahit hanggang kaibigan lang tayong dalawa." pakiusap ko sa kanya habang hindi niya mapigilan ang kanyang pag-iyak. "Gusto kitang intindihan pero at the same time nadi-disappoint ako sayo. Di mo ba ako kayang mahalin, Justin? Ilang araw akong naghintay sa sagot mo sa panliligaw ko sayo at ginawa ko na lahat para mapasaya lang kita tapos bibiguin mo lang yung puso ko sa huli. I patiently waited for your love to me. You're the only one that I want but if that's your decision, I have no choice." sabi niya at umiwas siya ng tingin sakin. "Iiwan mo na ba ko?" isang masakit na tanong ko sa kanya subalit hindi niya ko binigyan ng sagot kaya mas lalong nadurog yung puso ko at ako'y napaluha. Natatakot kasi ako na baka iwan na niya ko sa huli. Ilang years na kaming magkasama at ang dami na naming mga moments na nabuo but now our friendship is about to end. Nang hindi na niya ko kinausap ay ipinaandar na niya ang kanyang kotse at kami ay nagpatuloy sa bihaye. "Please don't leave me." I beg but he just ignore me. Balak ko sanang hawakan ang isang kamay niya para iparamdam ko sa kanya na kailangan ko parin siya subalit inilayo niya ang kanyang kamay sa akin. Naintindihan ko naman si christopher. I know that he's very disappointed and frustrated to me but there's nothing I can do. I just followed my heart. Im so sorry Chris, forgive me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD