Chapter 15

944 Words
After what happened to us between me and chris, di na siya nagpakita sakin for a couple days. I know that he's still frustrated to me and I understand that but It really hurts me a lot and I missed him so much. Sa bawat pag-uwi ko galing sa bar, siya yung naghahatid sakin pero ngayon hindi na. He makes me happy every time na kasama ko siya but now he's not with me anymore. The flowers, the teddy bears, the gifts, our date and everything, I miss it so much. Sana magpakita na siya sakin kahit sa isang araw man lang. Everyday kung binibisita si tristan sa kanyang bahay para bantayan at alagaan siya dahil sa kanyang sakit. Mas lalong nagiging close yung damdamin ko sa kanya habang palagi ko na siyang nakakasama. Umuuwi lang ako pag tanghali at hapon, nagtataka si mama kung bakit napapadalas na yung pag-alis ko ng bahay sa umaga eh sa gabi naman daw yung trabaho ko but I didn't tell her the truth. After 3 days taking care of tristan, finally naging okay na din siya at gumaling na ang kanyang mataas na lagnat. Nawala na rin yung pag-alala ko sa kanya at masaya na ako sa kalagayan niya ngayon. At 10:30 a.m., nagluto ako ng pagkain for tristan's lunch bago ako aalis at uuwi sa aming bahay. Habang ako'y nagluluto, lumapit si tristan sa likod ko at niyakap niya ako ng mahigpit. I realize that he's getting sweet to me which is I like it. "I love you." bulong niya sa tenga ko kaya ako'y napangiti sa kanya. "Justin." he called my name. "Ano yun, tristan?" tanong ko. "Yayayain sana kita this Saturday, let's have a trip in La Esme. It's an adventure park. Okay lang ba sayo?" tristan asked. "Yeah, sure!" I agreed to him and then he kiss me in the cheeks. "Thank you, Justin." sabi niya at sya'y ngumiti sakin. "Gusto ko sana kasama din yung mama at kapatid mo kaso di pwede. May sakit silang dalawa kaya don't worry, next time magta-travel tayong apat sa isang beach." pangako ni tristan sakin at nagustohan ko agad ang kanyang magandang plano. "Talaga ba?" malaking ngiti ko sa kanya. "Yup, para naman ma-enjoy sila at isa pa, gusto ko rin makilala ng lubos yung mama mo." sabi niya sakin at hindi na tuloy ako makapaghintay na mangyari yun. I'm really excited of his plan. Unti-unti ko naring nakikita kay tristan ang kanyang kabaitan. Napapansin kong seryoso na siya sakin at mukhang handa nakong mahalin siya ng buong-buo. Di na siya yung lalaking nakilala ko noon. Iba na si tristan ngayon. Two days kong sinubukang balewalain si christopher sa isipan ko pero di ko mapigilan yung damdamin ko na mag-alala sa kanya kaya ngayon, sinubukan ko siyang tinawagan. Araw-araw ko siyang kinakamusta through text messages simula nung misunderstanding namin dalawa but he's still not replying to me until now that's why today, it's time to call him. Nang tinawagan ko na siya ay hindi niya ito sinasagot. I still keep calling him many times but he's still not answering me. Ano na kayang nangyari sa kanya. Sana naman okay lang siya. I want to talk to him para magkaayos na kami pero mukhang ayaw na ata niya sakin. Talagang hindi na niya ko gustong makita pa at mukhang binitawan na niya ng tuloyan yung friendship namin. Pagdating ng alas dose, nagpaalam na ako kay tristan dahil uuwi na ako sa amin. Habang ako'y nakasakay ng taxi, may napansin ako sa driver's mirror. May nakita akong dalawang itim na kotse na palaging nakasunod sa amin. Lumingon ako sa likod ko at binantayan ko sila ng mabuti. Kahit saan kami papunta ay nandiyan parin sila nakasunod parati. Nakaramdam ako ng kaba at takot sa sarili ko kaya agad akong tumingin sa driver at kinausap ko siya. "Kuya, pakibilisan niyo po." saad ko sa driver kaya binilisan naman niya ang takbo ng kanyang taxi. Hindi ako mapakali, they're still following us. Kakausapin ko sana ang driver na pumunta sa isang shortcut na daan pero pag lingon ko pabalik sa binatana ay nakita kong wala na yung dalawang itim na kotse. Sa palagay ko pumunta na sila sa ibang deriksyon. Nagkaroon tuloy ako ng masamang kutob sa dalawang sasakyan na yun. I feel something wrong. I feel something strange and weird. Pagka-uwi ko sa bahay, dali-dali akong pumasok sa loob na para bang natataranta. "Oh, andiyan kana pala, anak." sabi ni mama sakin habang nakikita ko siyang naghahanda na ng pagkain para sa pananghalian namin. "Tamang-tama, kakain na tayo." ngiti ni mama habang papalapit siya sakin subalit napalitan ang ekspresyon ng kanyang mukha ng may napansin siya sa itsura ko at hinawakan niya ang aking braso. "Okay ka lang ba anak? May problema ba? Mukha atang hindi ka mapakali?" tanong niya sakin at sya'y nag-alala tuloy. "Ah, okay lang ako, ma." sagot ko sa kanya subalit sa itsura ng mukha ko ay mahahalata paring di ako mapakali dahil sa takot ko. "Sige na po, kumain na tayo. San na si bobby?" tanong ko kay mama sabay ngiti ko na kunwari'y okay lang ako at walang bumabagabag sa isipan ko. "Eh, nandun siya sa kanyang kuwarto. Sandali lang, tatawagin ko siya." sagot niya saka niya tinawag si bobby para mananghalian na. Biglang nag-ring yung phone ko sa loob ng aking bulsa kaya kinuha ko agad ito. When I open the phone, I saw a text message from... Christopher? Akala ko hindi na niya papansinin pa. When I read his text message, he said, gusto niya daw makipagkita sakin bukas kaya nakaramdam ako ng saya dahil umaasa ako na makikipag-ayos siya sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD