Chapter 9

2082 Words
5 days passed, unti-unti naring gumagaling ang kapatid kong si bobby. Thanks god naman nasa mabuting kalagayan na siya ngayon. Unti-unti narin siyang nakakatayo ng maayos that's why gumagaan narin yung pakiramdam ko at di na ako gaanong mag-aalala pa sa kanya. This Saturday, mga oras ng alas dos, may kumatok sa bahay namin at tinawag nito ang pangalan ko. "Tao po? Justin?" narinig ko ang boses ng isang lalake sa labas. "Sandali lang." sagot ko naman kaya dali-dali akong lumapit sa pintoan at binuksan ito. "Chris?" akala ko kung sino, si christopher lang pala. Napansin ko, ang pormal ng suot niya ngayon na para bang may lakad siya. "Sino yan, anak?" narinig ko ang tanong ni mama habang nandoon siya sa kusina, nag-aayos ng mga gamit. "Si christopher po ma!" sagot ko sa kanya. "Hali ka, chris pasok ka." sabi ko at pumasok siya sa loob ng bahay. "Kumusta na si bobby?" tanong niya. "Andun sa kanyang kuwarto, natutulog." sagot ko kay chris. Nakita ko si mama na paparating at lumapit siya samin dalawa. Siguro tapos na siya sa kanyang trabaho. "Oy, iho. Napabisita ka?" tanong ni mama sa kanya. "Ah, yayain ko lang po sana si justin na makipag-date sakin if okay lang po ba sa inyo." sabi ni chris at nang marinig ko iyon ay nagulat ako na medyo kinikilig din kaya ako'y napangiti ng patago. "Ay, oo sige! Okay lang! Payag ako!" tuwang-tuwa pa si mama ng malaman niya ang pakay nito. "Talaga po ba? Salamat po." saya ng boses ni christopher. "Sure ka ba diyan, chris?" na-excite tuloy ako sa kanya. "Oo, justin. Mukha ba kong nagbibiro? Talagang ide-date kita ngayon. Para naman may moments tayong dalawa at ayokong nakikita kitang malungkot palagi. I know that you're always worried to your brother at kahit this day lang, I want you to be happy." rason ni chris at naintindihan ko naman ang kanyang kagustohan. "Anyway, busy ka ba?" tanong niya. "Ha? Busy? Um, hindi naman. Free ako ngayon." sagot ko sabay iling ko. "Sige, magbihis kana anak! Wag kang mag-alala kay bobby, ako ng bahala sa kanya." sabi ni mama sakin. "Sigurado ka ba, ma? Kaya mo?" "Oo, anak. Kaya kong alagaan ang kapatid mo. Sige na, sumama ka na kay chris." "Sige po." Pumasok nako sa kuwarto ko at ako'y nagbihis ng damit. Pagkatapos, nagpaalam na kami ni christopher kay mama bago kami umalis at sumakay ng kotse. Nang nasa loob na kaming dalawa ng kanyang sasakyan, kinausap ko muna si christopher habang pinapaandar niya yung kotse. "Saan ba tayo pupunta, chris?" curios kong tanong sa kanya. "Basta. Akong bahala. It's a surprise." sagot niya sakin kaya nagtataka na ako. Saan nga ba talaga? Because of this, he makes me feel more excited. I can't wait na to show me his surprise. Nagsimula na kaming bumiyahe patungo sa lugar na pupuntahan namin. 1 hour ang oras na na-take naming travel kaya medyo malayo-layo din pala hanggang sa maya-maya ay nakarating narin kami sa destinasyon namin. Nang makita ko na ang lugar na isinurpresa niya sakin, napadilat agad yung mga mata ko ng malaman kong nasa isang amusement park kami. Wow, I've never tried fair rides before! This is gonna be amazing! "Chris! Ang ganda dito!" natuwa ako sa surpresa niya sakin habang nakikita ang napakaraming mga tao sa labas. "Sabi ko sayo, eh. Magugustohan mo. Tara na. Let's enjoy." sabi niya kaya sabay kaming bumaba at lumabas ng kotse. Habang kami'y naglalakad, hinawakan ni christopher ang aking kamay at kami'y magkaholding hands dalawa. Hindi siya nahiya? Ang lakas ng loob niyang gawin 'to kahit maraming mga tao ang nakakakita samin. Para tuloy kaming mag-jowa kung tingnan. Because of his bravery and strong confidence ay mas na-encourage narin yung self ko. He's such a sweet person and he's also adorable. I love his attitude. Niyaya ako ni chris na sumakay ng mga rides kaya kinakabahan na ako ngayon dahil sa takot pero I will do my best na lakasan ang loob ko. Una naming sinubukan ang chair swing. Nang makasakay ako nito, grabe! nakakahilo talaga siya habang dinuduyan ako paikot-ikot na para bang malapit nakong matilapon sa malayo. That ride gives me intense feeling but I will never try that again kasi nakakasuka talaga siya. Quit nako sa isang ride na yun. Sunod naman yung pirate ship, magkatabi kaming nakaupo ni christopher sa upuan at kami'y na-enjoy dalawa nang dinuyan na kami nito paatras at paabante ngunit nang bigla itong bumilis at dinala kami sa pinaka-itaas ay agad kaming napasigaw lahat. Parang sasabog na ata yung puso ko dahil sa ride na 'to. Yung feeling na pag dinala nako sa pinaka-itaas ay parang lalabas na rin yung kaluluwa ng katawan ko. Nakaka-thrill siya and it's the best feeling that I have experience. Next ride naman namin is ang top spin, I can say that it's also one of the most thrilling ride that I have tried. Nanginginig talaga yung mga paa ko kasi feeling ko parang mahuhulog ako. Pinagpapawisan tuloy ako dahil sa sobrang kaba pero hindi lang ako, pati narin si christopher. Next one na sinubukan namin ay ang roller coaster. It's a bone chilling experience too. Sa bawat bilis ng takbo nito ay napapakapit talaga ako sa braso ni chris at di ko talaga mapigilan sa sarili ko na mapasigaw ng malakas habang tinatawanan niya ko dahil sa pangit ng mukha ko kapag ako'y natatakot. Nakakainis namin 'tong lalaking' to. Sa gitna na ng kilabot na nararamdaman ko, nagawa pa niyang pagtawanan ang itsura ko, kainis. Last ride namin ay ang ferris wheel. Habang nakasakay naman kami sa loob, nagku-kuwentohan kaming dalawa at nagtatawanan about sa first time experience ko sa mga unang rides na nasubukan ko. I never regret na nandito ako. Pinasaya talaga ako ni chris this day. After the rides, sumali kaming dalawa ng mga games at every time na nananalo kami, meron kaming natatanggap na mga prizes katulad ng teddy bears. Yung mga napanalunan namin sa games ay binibigay naman sakin ni chris at ako'y natutuwa naman sa kanya. Pagkatapos ng games, kumain kaming dalawa ng mga street foods at saka halu-halo. Kahit simple lang yung date namin pero na-appreciate ko parin ang effort ni chris. Specially I'm grateful to him for bringing me here in this amusement park. I will never forget this moment at ako'y nagpapasalamat sa kanya. Nang mga alas kuwatro ng hapon, umuwi na kaming dalawa kasi may trabaho pako sa bar this 6:00 p.m. Hinatid niya ko papauwi sa amin habang siya naman ay dumiretso sa police station dahil may aasikasuhin daw muna siya ngayon. Pagdating ng gabi, heto na naman ako sa trabaho ko, serving and entertaining these customers. Habang nasa bar counter ako, bigla kong naalala yung date namin ni christopher kanina sa amusement park. Nasa isip ko parin yung mga moments namin dalawa. Nakatatak talaga siya dito sa loob ng kukuti ko. "Hoy! Friend, okay ka lang?" tanong ni leah sakin nang makita niyang nakangiti na pala ako at nakatulala. "Um, ha? bakit?" kunwari hindi ko alam ang kanyang tinutukoy. "Ang creepy mo ngayon. Wala ka sa sarili mo tapos naka-smile ka pa. Ba't ka ba happy? May jowa kana no?" tanong niya sakin na may halong pagbibiro. "Ano? Anong jowa? Jowa ka diyan." napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi at pinigilan ko lang yung ngiti ko. "Ayieee! Sinungaling! Alam kong close na close kayo nung binatang pulis na yun! Sabihin mo na nga sakin! Sige na." pagpupumilit niya sakin. "Huh? Anong bang pinagsasabi mo diyan. Ewan ko sayo." sabi ko kay leah. "Duh! Di na talaga kita papansin pag di mo ko sinagot. Sabihin mo na nga sakin. Share ka naman ng kuwento, makikinig ako." pangungulit niya sakin kaya ako'y napabuntong ng hininga at pinagbigyan ko nalang siya. "Oh heto na, sasabihin ko na, niyaya kasi ako ni christopher na mag-date kaming dalawa at dinala niya ko dun sa isang amusement park pero sasabihin ko sayo ha! walang kami. Wala! Wala talaga." nilinaw ko sa kanya ang sagot ko at sya'y ngumiti sa akin. "Ay! haba ng hair mo, teh. Alam mo, sagutin mo na agad siya! Sayang, gwapo pa naman tapos mabait pa sayo. I think he loves you a lot at ang swerte mo pa kasi ikaw lang yung binibigyan niya ng pansin." "Gusto ko talaga siyang sagutin pero nahihirapan ako leah. Komplikado kasi. Pulis kasi siya at ayoko namang malaman ng kanyang mga ka-trabaho na may relasyon kaming dalawa. If we keep our relationship secret, wala namang sekreto na di mabubunyag. Yan nga ang kinatatakutan ko, specially the criticisms ng mga tao." paliwanag ko sa kanya. "Tama ka nga naman. Ang hirap din ng sitwasyon mo, noh? Kung naging tunay na babae ka palang siguro edi sana wala kang problema. Hay, naku." pagkadismaya ni leah. "Pero kung ako sayo, friend, ipaglalaban ko talaga ang relasyon namin kahit ano mang mangyari. Just follow your heart. Don't let the people destroy you. Ganyan talaga ang buhay basta keep fighting lang." payo niya sakin at ako'y tumango lang sa kanya like I'm pretending that I agree to her advice pero sa totoo lang, I disagree kasi para sakin, hindi lang ganyan kadali eh. Napakahirap talaga kung magiging kami ni chris sa isa't isa kaya nagugulohan na tuloy yung isip ko kung ipagpapatuloy ko pa ba ang nararamdaman ko sa kanya o hindi nalang. Ewan ko ba sa sarili ko. Di ko na maintindinan. "Oh, sige na justin. Back to work na tayo baka mapagalitan pa tayo dito ni sir edwin." sabi ni leah sakin sabay ng kanyang pagtawa kaya naghiwalay na kaming dalawa at bumalik na sa aming trabaho. Nang nagsarado na ang bar sa oras ng alas dose, sabay na sana kaming uuwi ni leah kaso bigla kong nakita si tristan sa kabila ng daan at nandiyan sa likod niya ang kanyang kotse. "Oy, sino yan?" tanong sakin ni leah habang nakatingin samin si Tristan. "Ah, kaibigan ko lang." sagot ko. "Charot! Kaibigan ka diyan. Hala ka, ang dami naman pala ng mga naghahabol sayo, justin. Sana ako din." biro niya sakin at tinawanan niya ko. "Hoy, tumigil ka nga diyan." awat ko sa kanya. "Joke lang. Ikaw naman. Dibale, mukhang susunduin ka ata niyan." "Siguro." "Anong siguro? Sige na, puntahan mo na yun! Sumakay kana sa kanya! Wag kang mag-alala sakin, susunduin din ako ng kuya ko kasi tinext ko siya kanina. Sige na! Pumunta ka na! Pinaghihintay mo yung tao." sabi niya sakin habang pinagtutulak niya ko. "Aray! Sandali lang... mag-ingat ka dito, ha? Gabi na! Ikaw nalang dito mag-isa sa daan." concern ko sa kanya "Oo na! Paparating naman din yung kuya ko. Sige na, go!" "Sige bye." paalam ko kay leah bago ako tumawid sa highway at dali-daling lumapit kay Tristan. Ngumiti siya sakin habang nagkatinginan kaming dalawa. "Hi." bati ko sa kanya. "Ihahatid kita sa inyo, okay lang ba sayo?" tanong niya. "Oo naman." sagot ko sabay tango. "Okay, let's go." Pumunta sa right door si Tristan at siya yung nagbukas ng pinto para sakin kaya napapansin kong nagiging gentleman na siya. Nang makapasok nako sa loob ay saka naman siya sumakay at umupo sa driver's seat. Pinaandar na niya ang kanyang kotse at kami na'y bumiyahe. Habang nagmamaneho si tristan ay kinausap niya ko. "Kumusta na si bobby?" "Gumagaling na rin siya tristan at medyo nakakatayo na siya ng maayos." "Ikaw, kumusta ka?" tanong ko naman kay tristan. "I'm fine." maliit na sagot niya "It's been 5 days na di tayo nagkikita." sabi ko sa kanya. "Bakit, na-miss mo ba ko?" natahimik ako saglit nang marinig ko ito. "I never forgot the rules, tristan. I still followed it." sinabi ko ito sa kanya para malaman niya na wala akong tinatagong nararamdaman sa kanya. "Mabuti naman." he seriously respond. "Anyway, salamat pala uli sa tulong na binigay mo sa kapatid ko." "It's okay, wag mo nang intindihin yun. You know what, I love your brother. He's nice to me and he's a good kid too." "Mabait naman talaga yan si bobby kaya nga mahal na mahal ko yang kapatid ko." "Nakikita ko naman, justin." ngumiti siya sa akin nang sinabi niya ito. Pagdating namin sa Boarding House, agad akong bumaba sa kanyang kotse at kami'y nagpaalam na sa isa't isa. "Bye, Tristan. Salamat sa paghatid mo sakin, ingat ka." "Ikaw din. Ingat ka, justin." Sinarado na niya ang pinto ng kanyang kotse at ako na ay dumiretso sa bahay habang siya naman ay bumiyahe na papauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD