Chapter 8

1394 Words
Habang tumatagal ang pananatili namin dito sa pribadong ospital na 'to, mas lalong lumalaki ang bills namin at isa na dito ang mga gamot na binibigay ng doktor kay bobby. Nag-aalala na nga ako kung anong gagawin ko para mabayaran ko 'to. Wala pa akong sapat na pera. Nang maalala ko si Tristan, naisip kong siya nalang ata yung pag-asa ko para makabayad kami sa bills namin dito sa ospital kaya ngayon balak ko siyang puntahan. Nagpaalam muna ako kay mama at sinabi ko sa kanya na maghahanap ako ng pera kaya nang pumayag siya, agad akong umalis sa ospital at sumakay ng taxi. Nang makarating nako sa bahay ni tristan, kumatok ako sa kanyang pintoan at mga ilang sandali ay binuksan niya ito. "Justin? Naparito ka?" tanong niya. "Have a s*x with me, tristan. Kailangan ko ng pera ngayon." seryoso kong salita sa kanya at napansin kong nagtataka siya kung bakit malungkot yung aking mukha. May sasabihin pa sana siya sa sakin pero hindi niya ito natuloy nang bigla kong hinawakan ang kanyang kamay at pagkatapos hinila ko siya papunta sa kanyang kuwarto. Pagdating namin dalawa sa loob, tinulak ko siya paatras at bumangga ang kanyang likod sa dingding. Agad ko siyang hinalikan sa kanyang labi at dali-dali kong hinubad ang kanyang damit. "Justin, calm down." hindi siya naging komportable sa ginagawa ko sa kanya. Nang maihubad ko na ang kanyang damit, hinalikan ko ang kanyang dibdib hanggang pababa pero ako'y nahinto at di ko na naituloy pa ng bigla akong napaiyak dahil sa inaalala ko yung kalagayan ng kapatid ko. "Are you okay?" tanong ni tristan sakin ng makita niyang umiiyak ako kaya hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan niya ko sa mga mata. "Bakit umiiyak? Sabihin mo sakin, may problema ka ba?" kalmado niyang boses na para bang naawa siya sakin. "Naaksidente kasi yung kapatid ko kaya kinakailangan ko ng pera. Wala akong pambayad sa ospital at kunti pa ang ipon ko. Please, I need your help, tristan. Ikaw lang talaga yung matatakbuhan ko ngayon." pakiusap ko sa kanya habang umiiyak ako sa kanyang harapan. "Kaya pala nawala ka for a few days. Di kana nagpakita. Dapat sinabi mo sakin agad para matulongan kita. Ayoko namang gawin mo 'to sakin na napipilitan ka lang." sabi ni tristan sa akin. "Pasensya." paumanhin ko sa kanya. "Wag kanang umiyak. Tutulongan na kita. Sabihin mo lang sakin kung may kailangan ka para sa kapatid mo. Magkano bang pera na kailangan mo?" tanong niya kaya sinabi ko sa kanya ang halaga ng bills na babayarin ko sa ospital. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang wallet at kumuha siya ng pera. Ibinigyan niya agad ito sakin kaya tinanggap ko naman at ako'y nagpasalamat sa kanya. "Tristan, maraming salamat." sabay ng matipid kong ngiti. "Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo, Justin. Kaya kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Okay?" saad niya sakin. "Oo, Tristan." tugon ko naman. "Kung aalis kana, wag kanang sumakay ng taxi para makatipid ka ng pera. Ako nalang hahatid sayo dun sa ospital." sabi niya sa akin at ako'y tumango lang sa kanya habang napalaki yung aking ngiti dahil sa kabaitan ni tristan. Nagbihis siya ng suot at pagkatapos ay sabay kaming umalis ng kanyang bahay. Sumakay ako sa kanyang kotse at deritso kaming bumiyahe patungong St. Joseph's Hospital. Ngayon ko lang na-realize na may kabutihan palang tinatago si Tristan sa kanyang puso. Hindi lang niya ipinapakita sakin. Hindi ko alam kung bakit. Dahil dito, mas nagugustohan ko na tuloy siya. Pagdating namin sa ospital, sumama sakin si tristan dahil gusto daw niyang makita ang kalagayan ng kapatid ko kaya pinayagan ko nalang siya. Pagdating namin sa room, sabay kaming pumasok dalawa sa loob at nang makita niya si mama ay binati niya ito. "Hello po. Ikaw po ba ang mama ni Justin?" tanong ni tristan sa ina ko habang siya'y nakangiti. "Ay, oo, iho? Bakit? Magkaibigan ba kayo ni Justin?" tanong naman ni mama. "Yes po." sagot niya at sya'y nagmano kay mama. "Ngayon lang kita nakita, iho. Matagal na ba kayong magkakilala ng anak ko?" "Um, bago palang po. Nagkakakilala lang kami sa bar simula nung una niyang trabaho dun." "Ah, ganun ba. Bakit ka naparito sa ospital?" usisang tanong ni mama. "Gusto ko lang pong bumisita dito kasi naawa po ako kay Justin at gusto ko rin makita itong kapatid niya." sagot ni tristan. "Kung ganun salamat sa pagbisita mo dito, iho. Ang bait mo naman pala. Ano bang pangalan mo?" "Tristan Guevarra po." Nakipagkamayan si tristan kay mama. "Hello po." binati ni bobby si tristan kaya siya'y lumapit sa kapatid ko. "Hi, ako si Tristan. Ano bang pangalan mo?" "Ako po si Bobby." "Ah, Bobby pala name mo. Kumusta, Bobby? Okay na ba yung pakiramdam mo?" "Hindi pa po masyado pero susubukan ko pong maging malakas para kay kuya at mama." "Ayan, ganyan dapat. You should be strong bobby. Never give up para hindi mag-worry sila mama at kuya justin mo, okay?" pagpapalakas loob niya sa kapatid ko. "Opo. Salamat po." sabi ni Bobby habang nakangiti sila sa isa't isa. Habang nagku-kuwentohan pa silang dalawa ng kapatid ko, lumapit sakin si mama at ako'y kanyang kinausap. "Mukhang mabait na bata 'tong si tristan. Tama ba ako anak?" "Um... Ah... Opo naman ma. Mabait po yang si tristan." hilaw na ngiti ko habang nagugulohan ako sa isasagot ko kay mama dahil di niya kasi alam ang dark side ng ugali nitong si tristan. Pinapanood namin dalawa ni mama sila tristan at bobby habang sila'y nag-uusap at nagtatawanan. Napapansin ko, mukhang malapit ata ang kapatid ko kay tristan. Ngayon pa lang sila nagkita pero mukha na silang close na close sa isa't isa. I think tristan is good at handling kids. Para tuloy silang magkapatid at ako nama'y natutuwa sa kanilang dalawa. Kada-lunes at biyernes ay nagpapadala si tristan ng mga prutas para kay bobby at natutuwa naman si mama dahil sa binibigay nito sa amin. Mas madalas pa ang pagbisita niya kesa sa kay Christopher. Si Chris kasi medyo busy sa trabaho niya kaya naiintindihan ko naman ito. Tatlong linggo ang nakalipas, bumuti narin ang kalagayan ni bobby at gumaling na yung mga sugat sa buong katawan. Pinayagan na kami ng doktor na makalabas dahil okay na daw ang kalagayan ng kapatid ko kaya masaya-masaya kami ngayon ni mama. Nabayaran ko narin yung bills namin sa ospital at nang malaman ni mama na ang pera na pambayad sa bills ay galing kay tristan, nagpasalamat siya nito ng sobra-sobra sa kanya at siya'y napaiyak tuloy dahil sa ligaya. Mas lalong nagugustohan ni mama si tristan dahil sa kabaitan na pinapakita nito sa kanya. Hindi ko ikinuwento kay chris ang tungkol sa pagbisita ni tristan dito sa ospital. Wala naman kasi siyang alam tungkol sa kanya at ayoko naman ring makilala niya si tristan dahil baka magalit siya sakin o baka kaya magselos pa. Sa paglabas namin sa ospital, si christopher ang naghatid sa amin patungo sa bahay. Si bobby ay gumagamit na ng wheelchair tapos nakasuot na siya ng arm sling sa kanyang braso. Pagbaba namin tatlo sa kotse, kinarga ni chris ang kapatid ko at ako naman yung nagdala sa wheelchair. Nakita kong dumating si leah at lumapit siya sa amin. "Hi po sa inyo." bati niya sa aming tatlo at siya'y lumapit kay bobby. "Hi bob, okay ka na ba?" pangungumusta niya sa kapatid ko. "Opo, ate leah." sagot ng kapatid ko habang nakangiti. "Oh, sige. Dapat sa susunod, mag-ingat ka na ha? Minsan kasi, napapansin kitang lumalabas ng bahay na walang paalam sa mama mo. Wag mo nang ulitin yun!" paalala ni leah sa kanya. "Sige po, ate." sagot ni bobby. "Eeeh, ang cute mo talaga! Wag mo sirain yang beauty mo! Naku." pabiro ni leah sabay kurot sa pisngi ng kapatid ko kaya kami'y natawa ni mama at pati narin si christopher. "Friend, sorry ah di ako naka-bisita sa kapatid mo. Busy kasi ako sa bar at may mga bagay lang akong inaasikaso kaya pasensya." pagpapaumanhin ni Leah sa akin. "Ano ka ba. Okay lang, naiintindihan naman kita." sabi ko sa kanya. "Salamat, friend ah. Oh, siya. Alis muna ko, may pupuntahan pa ko." "Ah, sige. Bye. Ingat ka." pagpapaalam ko sa kanya. "Ikaw din." sagot ni leah sakin kaya nang umalis na siya ay saka naman kami nagpatuloy sa paglakad patungo sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD