Habang nakasakay na ako ngayon ng taxi papauwi sa amin, biglang nag-ring yung phone ko sa bulsa ko kaya agad ko itong kinuha. It's a call from chris kaya sinagot ko agad siya.
"Hello, Chris?"
"Justin! Kanina pa kita tinatawagan! Nasan ka ba ngayon?" tumaas ang boses ni chris sakin kaya nagtaka ako kung bakit ganun ang tuno ng kanyang salita.
"Bakit? Anong problema?" tanong ko sa kanya.
"Pumunta ka dito sa St. Joseph's hospital! Yung kapatid mo, nadisgrasya kanina!" narinig ko ang tensyon sa boses ni christopher at laking-gulat ko ng malaman ko ito.
"Ano?! Sige-sige, pupunta nako diyan!" nataranta ako at di tuloy ako mapakali dahil sa nangyari sa kapatid ko.
"Kuya! Sa St. Joseph's hospital po tayo! Pakibilisan niyo po!" lakas ng boses ko sa driver kaya binilisan niya agad ang takbo ng kanyang sasakyan.
Oh god, bakit ba na disgrasya yung kapatid ko? I hope he's safe and alive. I don't want to lose him. Mahal na mahal ko si bobby. Nang makarating nako sa ospital, dali-dali akong bumaba sa taxi at binilisan ko ang aking paglakad. Pumasok ako sa loob at tamang-tama, nagkita kami ni Christopher.
"Justin! Sumama ka sakin." sabi niya kaya sumama ako sa kanya at kami'y tumakbo dalawa patungo sa room ng kapatid ko.
Pagdating namin, agad kong binuksan yung pintoan at nakita ko si mama na umiiyak habang si bobby naman ay nakahiga na at nagpapahinga sa kanyang higaan. Napansin ko sa katawan ng kapatid ko ang dami ng gasgas sa kanyang balat at pati na ang mga sugat sa kanyang leeg, tuhod at paa.
Napansin kong mahimbing na ang kanyang pagtulog at nakita kong may nakalagay na cast sa braso niya kaya doon ko nalaman na nabalian pala siya.
Niyakap ko si mama ng mahigpit at kami'y nag-usap dalawa.
"Ma, ano po bang nangyari kay bobby?" tanong ko sa kanya habang nag-aalala ako.
"Pasensya, anak. Hindi ko kasi alam na tumakas na naman pala yang kapatid mo sa bahay na walang paalam sakin. Hindi ko alam kung bakit siya lumabas, siguro gusto niyang makipaglaro sa mga bata. Nalaman ko nalang sa mga kapitbahay natin na na-aksidente siya sa daan kaya..." natigil siya sa pagsasalita dahil sa hindi napigilan ni mama ang kanyang sarili na maging emosyonal kaya hinimas-himas ko ang kanyang likod para gumaan ang kanyang kalooban.
"Wag kang mag-alala ma. Magiging okay din si bobby. Ang importante buhay siya at ligtas na siya ngayon. Tahan ka na. Wag kang masyadong magpadala sa emosyon mo baka atakehin ka sa puso." sabi ko sa kanya at nang makita ko ang itsura ni mama ay naawa tuloy ako sa kanya at ako'y napaiyak.
Nang kumalma na ang kalooban ni mama, ipinaupo ko na siya sa upuan at ako'y lumapit kay christopher para kausapin siya.
"Chris, pano mo nalaman na na-aksidente yung kapatid ko?" tanong ko sa kanya.
"Bibisitahin sana kita sa inyo pero pagdating ko dun, nagulat nalang ako nang may nakita akong bata na biglang nasagasaan sa daan. Nang malaman kong kapatid mo yun, agad ko syang niligtas at dinala dito sa ospital. Nang malaman ng mama mo ang nangyari kay bobby, deritso agad siyang pumunta dito kaya tinawagan kita para ipaalam ko sayo ang nangyari kay bobby." paliwanag niya sakin kaya ngayon ay naintindihan ko na.
"Salamat sa pagligtas mo sa kapatid ko, chris. Hindi ko alam kung pano ko mababayaran ang tulong na binigay mo sakin." nahiya tuloy ako sa kanya.
"Ano ka ba. Wag mo nang intindihin yun. Hindi ako humihingi ng kabayaran." sabi ni chris sa sakin.
"Oh siya, aalis na ko. Babalik pako sa trabaho." pagpapaalam niya.
"Sige, Chris. Mag-ingat ka. Salamat uli." sabi ko sa kanya.
Bago siya umalis, niyakap niya muna ako ng mahigpit at may sinabi siya sakin.
"Don't worry, gagaling din si bobby. Bibisita ako dito pag may time ako." he said to me before he leaves the room.
Nang umalis na si chris, lumapit ako kay mama at tumabi ako sa kanya.
"Anak? May tanong ako sayo." kinausap ako ni mama at ako'y tumingin sa kanya.
"Ano po yan, ma?" tanong ko.
"Mahal mo ba si Christopher?" nang marinig ko ang kanyang tanong ay natahimik ako saglit.
"Sa totoo po ma, may gusto na po ako sa kanya at isa pa, gusto niya rin ako." sagot ko kay mama.
"Ganun naman pala, eh bakit hindi pa naging kayo? Mabait naman si Christopher, anak. May respeto pa. Meron din siyang magandang trabaho na kung saan matutulongan niya tayo. Bakit hindi mo pa siya sinagot? Mahirap kaya makahanap ngayon ng ganung lalaki na napakabait katulad niya, lalong lalo na na tanggap niya yung buong pagkatao mo." pagpapaliwanag ni mama sakin.
"Ma, hindi pa muna sa ngayon. Alam mo namang isa siyang pulis at ayokong sirain ang kanyang trabaho. Hindi natin alam kung ano ang magiging epekto nito pagnalaman sa lahat na may relasyon kaming dalawa."
"Eh, hanggang saan pa ito aabot, anak? Hihintayin mo nalang ba na maubos yung pagmamahal sayo ni christopher hanggang sa mapagod na siya sayo? Pwede namang maging kayo at idaan niyo na lang ang relasyon niyo sa sekreto na walang nakakaalam."
"Ma. Hindi yan ganun kadali. Ang hirap naman ng relasyon namin kung idadaan namin 'to sa sekreto tapos kunwari magpapanggap kaming dalawa sa harapan ng mga tao na wala kaming relasyon sa isa't isa. Ang hirap ma. Parang hindi kami malaya kung palagi namin yang gagawin. Hindi kami magiging masaya, ma. Kaya sa ngayon, ayoko munang sagutin ang panliligaw niya sakin."
Natahimik si mama sa sinabi ko sa kanya at alam kong naiintindihan naman niya ang punto ko. Maliban sa takot ko sa husga ng mga tao, isa rin dito tristan na naging dahil kung bakit di pa ako ready na makipag-relasyon kay christopher.
May mga plano pa kasi ako at magagamit ko siya sa mga ambisyon ko. Isa pa, meron akong rules na sinusunod sa kanya at ayokong maparusahan uli. Ayoko naman ring isuko ang trabaho ko sa kanya kasi kinakailangan ko ng pera para sa gastusin namin araw-araw.
"Kuya? Mama?" narinig ko ang boses ni bobby ng siya'y magising at hinanap niya kaming dalawa ni mama kaya agad kaming tumayo at lumapit kami sa kanya.
"Bobby, nandito lang kami. Kumusta ka? Okay ka na ba?" tanong ko sa kapatid ko at hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Okay lang ako kuya... sorry po..." humingi siya ng tawad sa amin at alam ko na kung ano ang kanyang tinutukoy.
"Anak, wag mo nang ulitin yun, ha? Kung may balak kang lumabas at makipaglaro sa mga kaibigan mo, magpaalam ka sakin. Ayan tuloy nangyari sayo... diyos ko naman..." pag-aalala ni mama sa kanya at sya'y napaiyak uli.
"Mama, wag na po kayong umiyak. Sorry na po." hingi uli ng tawad ni Bobby at hinalikan siya ni mama sa kanyang noo.
"Bobby, promise mo sakin na hindi muna uulitin yun. Ayokong may mangyari sayo. Ayokong mawala ka kasi tayo nalang dalawa magkakapatid. Mahal na mahal kita, alam mo yan." lungkot ng aking boses habang pinipigilan ko lang yung sarili ko na mapaiyak sa harap niya.
"Promise po kuya. Mag-iingat na po ako at di ko na po yun uulitin." pangako ng kapatid ko sakin kaya ako'y ngumiti sa kanya.