'Lord, kunin mo na ako. Ngayon na. As in, now na!' Gusto ko na lang maging shredded paper at isabog sa kahabaan ng red carpet na 'to. Ano ba 'tong dila ko? Bakit may sariling isip? Bakit naging express delivery ang bugso ng damdamin ko? Thirty-six years akong nag-ingat sa reputasyon ko bilang disenteng dalagang Filipina, pero sa loob lang ng dalawang segundo, gumuho ang lahat! Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Marco. May kung anong kislap sa kanyang mga mata ang nagpahigit sa sarili kong hininga. Kung kanina ay nanunuot hanggang sa kaluluwa ang mga titig niya, ngayon ay tila sinusunog na ako ng init na nagmumula roon. Iyong nakakahingal na uri ng pagkasunog. "What did you say, Claudia?" bulong niya, ang boses ay mas naging paos, tila inuudyukan akong ulitin ang katangahan ko.

