chapter 9

2174 Words
'PTA meeting 'to, hindi fiction story!' mahina kong paalala sa'king sarili habang pilit na tinutuon ang buong atensiyon sa principal na nasa harapan. Pero hindi ko talaga maiwasang mapansin ang katabi ko na kanina pa nakatitig sa akin, isang nanay na ang taas ng kilay ay abot hanggang hairline. Pakiramdam ko tuloy ay naka-broadcast sa noo ko ang lahat ng sikreto ko. Pinanlamigan akong lumingon sa ginang at nginitian ito nang pilit. Sana lang ay hindi ako nagmumukhang natatae. "Excuse me," bulong nung nanay, "Member ka ba ng Board?" Saglit na nag-loading ang utak ko habang napakurap-kurap dahil sa tanong niya. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan at naitanong niya iyon. "Ah, hindi po," sagot ko habang pinanatili iyong pilit kong ngiti. "Member po ako ng... Audience." Napairap siya sa sagot ko at ibinalik ang tingin sa stage. Okay, lesson learned: sa PTA meeting, bawal ang kwela, bawal ang lutang, at higit sa lahat, bawal magmukhang suspect. Buong atensiyon kong pinakinggan ang mga sinasabi ng principal pero iyong panghuling bahagi lang ang tumino sa utak ko. "...And now, to give a special announcement regarding the new Science and Technology Wing of our school, let us all welcome the Chairman of the Board and the youngest CEO of the Laraza Global Empire—" Napatitig ako sa stage habang biglang sumikdo ang puso ko pagkabanggit na pagkabanggit nito sa Laraza Global Empire. Hindi dahil iyon ang kompanyang nagmamay-ari na yata ng kalahati ng bansa kundi ay dahil sa koneksiyon niyon ng isang taong kilala ko. Bigla ay parang bumagal ang ikot ng mundo ko at nasusuka ako. "—Mr. Marco Franco!" malakas na pagtatapos ng principal. Nanlamig ako bigla at tila literal na nalaglag ang puso ko. Wala sa sariling napahawak ako sa'king kinauupuan. Ang spotlight na kanina ay nasa principal lang, biglang lumipat sa gilid ng stage. At doon lumabas ang lalaking dahilan ng pagkawala ng peace of mind ko at palaging pag-o-overheat ng utak ko gabi-gabi. Nakasuot siya ng isang custom-fit na navy blue suit na halatang mas mahal pa sa buong auditorium na kinaroronan namin. Twenty-five years old pa lang siya, kaedaran ng pamangkin kong si Kelvin pero ang awra niya ay pang-World Leader na. Pero ang pinakaimportanteng tanong ay kung bakit siya nandito gayong PTA meeting 'to, at hindi Business Summit! Ay oo nga pala, nabanggit ng principal na Chairman of the the Board siya, pero paanong dito pa? Pwede namang sa ibang school! "Good evening, parents and faculty," panimula niya na nagpakislot sa'kin mula sa paninigas ko sa kinauupuan. Ang boses niya ay malalim, baritono, at may awtoridad na hindi mo aakalaing galing sa isang bente-singko anyos. Sa nakikita ko ngayon ay sobrang kabaliktaran niya sa pilyong Marco na kausap ko lang kani-kanina sa cellphone. Pumasada ang tingin niya sa audience. Parang may radar ang mga mata niya dahil sa dami ng tao ay saktong tumigil ang paningin niya sa pwesto ko. Direkta talaga sa'kin at ang nakakainis pa ay nag-angat siya ng isang sulok ng labi— isang napaka-subtle na ngisi na ako lang ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin. Iyong ngising nagsasabing: 'Found you.' "Our family believes that education is a lifetime investment," pagpapatuloy niya, habang ang mga mata niya ay nananatiling nakapako sa akin. "And as the new Chairman, I am personally overseeing this contract. No exit clauses, no withdrawals." Pigil na pigil ko ang sariling magtakip ng mukha o 'di kaya ay magtago sa ilalim ng upuan. Ginamit niya pa talaga ang terminong una niyang sinabi sa'kin upang asarin ako sa harap ng buong PTA! Pakiramdam ko tuloy ay para akong isang maliit na shareholder na kakainin ng isang dambuhalang korporasyon. Hindi naman ako isang kompanya pero parang balak niya yata akong i-hostile takeover! "Uy, bakit sa 'yo nakatingin ang bilyonaryong 'yan?" bulong nung nanay na katabi ko, na ngayon ay mas malaki pa ang mata kaysa sa akin. "Close ba kayo? Baka naman pwedeng pa-isponsor ng feeding program!" "Ah... baka po maling direksyon lang ang tingin niya," nauutal kong sagot habang pilit na nagtatago sa likod ng malaking bag ko. "Baka... baka may dumi lang ako sa mukha," dugtong ko pa habang pilit na isinisiksik ang sarili sa upuan. Gusto ko na lang maging oxygen molecule para hindi niya ako makita. "This partnership is just the beginning," dagdag pa ni Marco mula sa stage, at sa pagkakataong ito, diretso na siyang nakatitig sa mga mata ko. "Expect me to be very... hands-on with this project. Especially with the people involved." Mabuti na lang at hindi ako kasali roon sa mga tinutukoy niyang people. Hello, guardian lang ako. Ito iyong una at huling dalo ko sa PTA meeting! "Hands-on? Sa people involved?" bulong muli nung nanay na tila ba naging instant commentator ng speech ni Marco. "Perp magpapadumi rin kaya ako ng mukha kung ganiyan kaguwapo ang titingin," tila kinikilig pa nitong usal. Pinigilan ko ang sariling pandilatan siya at pagsabihang umayos-ayos dahil nasa tabi niya lang iyong anak niya. Nakalimutan niya yatang nanay siya tapos parang pinagnasahan niya pa iyong lalaking hamak na mas bata sa kanya. Pinagpasalamat ko na lang at natapos din ang speech ni Marco pagkaraan ng ilang minutong pagtitiis ko. Matapos ang kaniyang 'lifetime commitment' na paandar ay umalis na siya ng stage kasunod ang ilang lalaking naka-suit, mga bodyguard o assistant siguro. Halatang abala itong tao, bata pa pero masipag at responsible na. Pero iyong slight kong paghanga sa kanya ay agad ding nilipad ng hangin nang isang mabilis na sulyap ang binigay niya sa gawi ko kasabay ang isang pilyong kindat. Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko, maigi na lang talaga at ako lang ang nakapansin, dahil kung nagkataong meron ay malalagot talaga sa'kin ang batang iyon! Medyo nakahinga na ako nang maluwang pagkaalis ni Marco. Sa palagay ko ay makapag-focus na ako sa meeting dahil wala na iyong disturbo. Iyon ang akala ko pero hindi ko pala magagawa, dahil buong durasyon ng meeting at wala akong naintindihan ni isang salita sa mga napag-usapan. Para akong nanonood ng TV na walang sounds. Lutang na lutang ang isip ko, pabalik-balik sa boses ni Marco at sa nakakalokong titig niya. Bilang guardian ni Eliz at Jella, dapat ay nagte-take notes ako, pero wala na nga akong dalang notebook na pwedeng sulatan ay fully occupied pa ang storage ng utak ko. Nang matapos na ang meeting at isa-isa nang nagsipag-alisan ang mga magulang at nagmamadali na rin ang tumayo. Atat na akong umuwi at magkulong sa silid ko. At least mission accomplished ako sa araw na ito. Kahit wala mang naintindihan sa meeting, ang mahalaga ay nakapirma sa attendance. Huling kita ko na rin ito roon sa teacher na si Ms. Arcenas, sana ay mabulilyaso ang love life ng babaeng iyon! "Daddy?" Napahinto ako sa paghakbang nang biglang magsalita si Jella na nakasunod lang sa'kin. Agad ko itong nilingon upang kumpirmahin kung tama ba ang narinig ko na may tinawag siyang daddy. Naabutan ko siyang kunot-noong nakatingin sa partikular na direksiyon habang bakas sa mukha ang pinaghalong gulat at tuwa. Agad kong sinundan ang tinitingnan niya at una kong napansin ay si Ms. Arcenas na sobrang lapad ng ngiti habang kausap ang isang matangkad na lalaking naka- business suit. "Si Daddy nga!" masayang bulalas ni Jella. Mas malinaw na ang pagkakasabi nito kaya ramdam ko na rin iyong kabang bumundol sa puso ko. Sino ba ang hindi kakabahan gayong biglang dumating ang lalaking hindi ko nga kilala pero nagpakilala akong girlfriend nito. May balat yata sa puwet itong si Ms. Arcenas, at ako iyong minalas sa araw na ito. Ang malala pa ay magkausap ito ngayon at ang daddy ni Jella. Sa ugaling meron ang atribidang teacher ay siguradong nabanggit na nito sa kausap ang tungkol sa dumating nitong girlfriend upang um-attend sa PTA meeting. Nawala lahat ng tapang ko kanina sa harapan ni Ms. Arcenas habang nilalaban ang pagiging girlfriend ng 'di kilalang lalaki. Tiyak na mabubuko ang pagpapanggap ko dahil nandito na iyong ama ni Jella. Parang gusto ko tuloy magsisisi at pumayag-payag pa ako sa gustong mangyari ng batang 'to! 'Dalagang Filipina mode: Deactivated. Ninja mode: Activated!' Lumingon-lingon pa muna ako sa paligid at nang mapansing walang ibang nakatingin ay sinimulan kong maglakad nang patiyad. Dahan-dahan, parang pusang nagnanakaw ng ulam, habang tinalunton ko ang kabilang exit. Ang goal ko ay makaalis nang hindi napapansin ng lumiliyab na mga mata ni Ms. Arcenas at, higit sa lahat, ng Daddy ni Jella na si Mr. Amorio. Parang gusto kong magkaroon ng superpowers kahit ngayon lang. Maging anino lang, o kaya kahit maging kakulay lang ng pader para pwede akong mag-camouflage. Pero bago pa ako mangalahati sa tinutumbok kong destinasyon na pintuan ng exit na ilang hakbang na lang sana ang layo ay isang boses na parang baritonong kulog ang biglang nagsalita. "Honey..." Isang malutong, matamis, at nakakakilabot na 'Honey' naman iyong narinig ko pero pakiramdam ko ay ako ang tinatawag no'ng nagsalita. Malinaw namang hindi pangalan ko iyong sinambit pero kusang tumigil sa paghakbang ang mga paa ko. Itinulos ako sa kinatatayuan ko. Parang biglang binuhusan ng semento ang mga paa ko at hindi ko na maigalaw. Nagkaroon ako bigla ng stiffed neck ay hindi magawang lumingon sa pinanggalingan ng boses pero siguradong-sigurado ako na galing iyon sa direksiyon nina Ms. Arcenas at ng ama ni Jella na kausap nito. "Honey..." Muling nagsalita iyong nagmamay-ari ng baritong boses. Sa pagkakataong ito ay mas malinaw na sa pandinig ko at talagang ako iyong pinapatungkulan dahil iyong mga magulang at mga estudyanteng nasa line of vision ko ay napapatingin sa'kin. Dahan-dahan akong lumingon na parang isang robot na kinakalawang ang leeg. At doon, nakita ko si Mr. Amorio na nakatingin sa'kin habang walang pagmamadaling naglalakad palapit at kapansin-pansin ang malapad nitong ngiti na para bang matagal na kaming magkakilala at talagang 'honey' niya ako. Sa kabila ng pagkawindang ko at pagkaalarma ay hindi pa rin nakaligtas sa tingin ko si Ms. Arcenas na nakasunod sa kanya. Ang mukha ng guro ay parang nabagsakan ng langit at lupa. Ang kaniyang "apprentice dragon" mode ay nag-crash, at ngayon ay mukha na lang siyang butiking na-stuck sa pinto. "Honey, bakit ka aalis agad? Hindi mo man lang ako hinintay?" kausap sa'kin ni Mr. Amorio pagkalapit niya. Gusto kong sumigaw ng 'Who you?!' pero bago pa ako makapagsalita, inakbayan na niya ako. Ang bigat ng braso niya ay tila isang babala na biglang lumapag sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi na maintindihan kung saang parte na kami ng script at bakit umabot na ang mga eksena sa akbayan. Hinanap ng mga mata ko si Jella upang humingi ng saklolo rito at pigilin itong ama niyang nakainom yata ng expired na kape. Natagpuan ko iyong dalagita na mulagat ding nakatingin sa ginawi ng sariling ama. Mukhang mas gulat pa siya kaysa sa'kin gayong siya itong pasimuno ng pagpapanggap kong girlfriend nitong ama niya. Wala pa yata akong maaasahang tulong mula kay Jella. Agad na nabalik ang atensiyon ko sa ama niya nang mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin. Pagkaangat ko ng tingin kay Mr. Amorio ay nakatingin na ito kay Ms. Arcenas na tila ba proud na proud. Teka, sa'kin ba siya proud? Kung makaasta siya ay talo niya pa ang boyfriend na proud sa sariling girlfriend. "Ms. Arcenas, pasensya na kung hindi ko nabanggit agad," sabi pa ni Mr. Amorio sa guro. "Masyado kasing private ang girlfriend ko, ayaw niyang isapubliko ang relasyon namin. Pero tama ka, siya nga ang tinutukoy mong dumating na 'girlfriend' ko," dagdag ni Mr. Amorio nang may kumpyansa na daig pa ang nanalo sa lotto. Wait. Teka. Sandali. Mukhang sa halip na magulat si Mr. Amorio sa maaaring pagbanggit ng teacher na 'dumating ang girlfriend niya' ay tila mabilis na naiproseso ng utak niya ang sitwasyon at ngayon ay pinili niyang makisakay sa pagpapanggap ko. Kumunot ang noo kong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at kay Ms. Arcenas. May kutob ako na kaya sinamantalang sakyan ni Mr. Amorio ang gawa-gawa naming kasinungalingan ng anak niya ay upang tumigil na itong guro sa lantarang pagpapakita ng pagkakagusto sa kanya. Hindi ko rin naman masisisi itong si Ms. Arcenas, talagang hod daddy itong si Mr. Amorio. "So, it's true?" tila wala sa sariling usal ni Ms. Arcenas, ang boses nito ay may konting nginig. "G-girlfriend mo nga siya." Muntik na sana akong maawa sa babaeng 'to, pero nakakagigil talaga na kung hindi pa sinabi ni Mr. Amorio ay hindi siya maniniwala na ako nga iyong girlfriend. "Anyway, Ms. Arcenas, we have to go," pagpapatuloy ni Mr. Amorio. "May 'date' pa kami ng Honey ko. Marami pa kaming kailangang pag-usapan tungkol sa... future namin." Para akong nasa gitna ng isang nobela na ako mismo ang nagsulat pero nawalan ako ng kontrol sa mga characters... at hindi ito erotic kundi ay pang-horror suspense na ang atake. Ang "Dalagang Filipina" mode ko ay tuluyan nang pumanaw, at ang "Midnight Mist" side ko naman ay parang gustong magreklamo dahil hindi ganitong tensyon ang nakasanayan nitong isulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD