Ikapitong Kagat

1459 Words
Hatinggabi. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan, na hindi makikitaan nang pagtigil. Nadagdagan ang natural na lamig ng gabi, ngunit hindi ito ramdam ng dalawa kong kasama sa silid. Walang silang suot na pang-itaas at kanilang inilalantad ang nakakabighaning tikas at anyo ng kani-kanilang katawan. Nakaupo kami sa lapag; maliban kay Tom na nakahiga na. Nasa gitna ang dalawang bote ng alak, isang plastik na pitsel at ang pulutang chicharon. Dala ito ni Tom, bilang Homecoming Party naming tatlo. "Jon, shot mo na." Lumingon ako kay Bruce. Kulay-rosas na ang kaniyang maputing mukha, habang nakapirmi ang ngiti sa kaniyang pulang labi. Ang kaniyang kamay ay nakalahad at inaabot ang baso na may lamang alak sa akin. Tinanggap ko ito. Dinala ang bunganga ng baso sa pagitan ng aking labi at nilagok. Ramdam ko ang kakaibang init na gumuhit sa aking lalamunan. Parang nasusunog ang aking puso. "Chaser," saad sa akin ni Bruce. Sinunggaban ko naman kaagad ang pangalawang basong kaniyang inabot at dagling ininom. Naglaho ang pait sa aking dila at napalitan ng pomelo. Nawala na ang nakakapasong init sa aking lalamunan. Ang aking paningin ay nagsimulang lumabo. Ang paligid ako ay dahan-dahan nang umiikot. Dinala ko ang paningin kay Tom na kasalukuyang nakahiga sa sementadong lapag. Nakatihaya siya. Kahit malabo, kapansin-pansin pa rin ang mga cuts ng kaniyang katawan. Ang bukol naman ng kaniyang hinaharap ay kapansin-pansin, at batid kong malalaking bayag niya ang nakaumbok at hindi ang kaniyang t**i. Inabot ng aking palad ang hita ni Tom. Niyugyog at sinubukang gisingin. "Tom, shot mo na." Narinig kong tumawa si Bruce. Humarap ako sa kaniya "Bakit ka tumatawa?" "Tulog na iyan," wika niya sabay duro sa bandang ulunan ni Tom, "...at iyan," sabay duro sa bandang gitna niya. Medyo naguluhan ako sa kaniyang dinuduro, kaya upang kumpirmahin, ang aking kaliwang kamay ay inabot at sinaklop ang pagkakalalaki ng natutulog na si Tom. "Ito ba?" tanong ko. "Oo, iyan nga." Kita ko kung paano inumin ni Bruce ang alak sa baso at kung paano niya ito sundan ng chaser. Kita ko kung paano gumalaw ang kaniyang tatagukan, kung paano niya sinubo ang chicharon at kung paano niya dilaan ang kaniyang mga labi. Pamilyar na pamilyar siya sa kaniyang ginagawa. Maaari ko ring sabihin, na sobrang bihasa na siya sa kaniyang ginagawa. Nilagyan niya muli ang babasaging baso ng alak. Muli niya itong inabot sa akin. "Shot!" bigkas niya. Bumitaw ako sa pagkakasapo sa ari ni Tom. Umayos ako ng upo at muling tinaggap ang alak. Inisang lagok, pagkatapos ay sinundan ng pomelo. "Pero puwede naman gisingin?" seryoso kong tanong sa kaniya, tinutukoy si Tom. "No!" mabilis na sagot niya. "May iba namang gising." "Sino?" "Come here." Ikinumpas niya ang kaniyang kamay at pinaanyayahan akong tumabi sa kaniyang kaliwa. Wala sa katinuang tumayo ako at iniwan ko ang aking puwesto. Gumalaw ako ng dahan-dahan, sa takot na matumba gawa ng pagkahilo. Kung kailan paupo na ako, doon naman ako nawalan ng balanse. Maagap naman na naalalayan ako ni Bruce. "Careful." Tumango ako sa kaniya bilang tugon at naupo ng maayos sa kaniyang tabi. Halos isang dangkal ang layo namin sa isa't-isa. Halos walang distansya ang namamagitan sa amin. Hindi ko maiwasang malanghap tuloy ang kaniyang kakaibang halimuyak, na kahit nahaluan na ito ng alak, ay nangingibabaw pa rin ang kaniyang pabangong ginagamit. Matamis ito, hindi matapang. "Sinong gising?" pikit-mata kong tanong sa kaniya. Kinuha niya ang aking palad at hindi ko alam kung saan niya iyon ipinatong. Naramdaman ko na lamang ang malambot na tela at ang matigas na nakabukol sa ilalim nito. Idinilat ko ang aking mga mata upang tukuyin kung saan nakapatong ang aking palad. "Gising siya," saad niya. "Gising nga," pagsang-ayon ko. Binitawan niya ang aking kamay. Tinanggal ko rin ang pagkakapatong ng aking palad dahil naaasiwa ako. Maagap naman siya na kunin ang aking kamay upang ibalik muli sa pagkakasapo ng gising na bagay. Humahikhik siya. "Gising lang, hindi pa bumabangon." "Papabangunin ko?" Hindi siya sumagot, sa halip ay ngumiti lang ito. Muli siyang nagsalin ng alak. Hindi ko naman tinanggal ang aking palad at pinanatili lang iyon sa kung saan niya gusto. Hindi ko ito ginalaw ngunit randam ko ang pamimintig ng gising na bagay. "Hindi ko na kaya," wika ko nang muli niya akong abutan ng tagay. Sa katunayan, unti-unti nang nawawala ang tama ng alak. Tumanggi ako dahil mas gusto ang sandaling ito. Binawi niya ang pagkaka-abot at siya na rin mismo ang uminom. Hindi siya nagreklamo. Parag sanay na sanay na siya sa ganitong pangyayari. Dahan-dahan ko namang ginalaw ang aking palad. Hinaplos ko ang matigas na bagay na nasa ilalim ng kaniyang salawal. Masuyong haplos ang aking ginawa. Pinapabangon ang gising. "Mahina talaga si Tom sa inuman," wika niya. Umayos siya ng upo. Humilig siya paliyad, ang mga kamay ay ipinatong sa lapag upang gawing pantukod upang hindi siya tuluyang mahiga. Nagkaroon naman ako ng laya na himasin ang kaniyang hinaharap nang hindi hindi nahihirapan. "Laging bagsak." Ipinagpatuloy ko ang usapan na parang kaswal lamang. "Ang tibay mo pala sa inuman." "At matigas." "Hindi na ako makikipagtalo." "Alam na rin ito ni Tom at sasabihin ko na rin sa iyo as roommate." Tumigil ako sa paghaplos. "Ano?" "Kapag lasing ako, tinitigasan ako." Tumawa siya. "Weird but true." "Sa sandaling ito?" "No, no. Every f*****g time, Jon. And it's harder compared to when I'm sober. Yeah! I know it aint a big deal." Tumawa siya. "Big deal kaya." Idiniin ko ang aking palad upang damhin ng mabuti ang paksa na aming tinatalakay. "Is it? I mean, dapat mayroon tayong standard ng laki para masabi mong big deal nga. You have to compare para masabi mong malaki. So big deal ba dahil mas malaki ito kay Tom?" Unti-unting nawawala ang aking tama kaya mas naririnig ko siya ng mas malinaw ngayon. Mas naiintindihan ko ang kaniyang punto. Mula sa mga salitang kaniyang binitawan at sa tono ng kaniyang pananalita, parang mayroon siyang ideya sa amin ni Tom. Baka hinuhuli niya ako? "Big deal dahil wala siya sa normal na sukat. Hindi ko siya kailangang ikumpara." "So objective?" "Yes," sagot ko. Nakaramdam ng pangangalay ang aking kamay, kaya sa ikalawang pagkakataon, kinuha ko ang aking kamay na nakapatong sa kaniyang ari. Sa ikalawang pagkakataon, hindi rin ako nagtagumpay. Sa gitna ng ere ang aking kamay nang pinigilan niya ito at ibinalik sa kaniyang hinaharap. "Nakakangalay," sabi ko. Tumayo siya. Inalalayan niya naman ako upang makatayo rin. Magkahawak-kamay kaming lumapit kay Tom. "Ilipat muna natin si Tom," pagsasangguni niya sa akin. Bumitaw siya sa aking kamay, na aking pinaghinayanangan. Pumuwesto siya sa bandang uluhan ni Tom at ako nama'y sa paanan. Pinagtulungan namin siyang buhatin. Hindi na ako nagtaka na mabigat si Tom dahil sa kaniyang katawan. Nahirapan ako, ngunit parang wala lang kay Bruce iyon. Marahan namin siyang ipinatong sa kaniyang kama. Inayos rin namin ang kaniyang pagkakahiga. Nagulat ako nang nahiga din si Bruce sa tabi ni Tom. Dito ko nakumpara ang pagkakaiba ng kanilang katawan, kung saan mas angat si Bruce. "Patayin mo ang ilaw, Jon," wika ni Bruce. Ang kaniyang boses ay may halong gaspang na mas nakakaakit pakinggan. Tumalima naman ako at pinatay ang ilaw. Ang pinagkukuhanan na lang ng liwanag ay ang poste ng ilaw sa labas. Madilim, sa una; ngunit habang tumatagal ay nasasanay na ang aking paningin sa dilim. "Dito Jon." Sinundan ko ang tinig ni Bruce sa kadiliman. Nang marating ko ang kama ay hinila ni Bruce ang aking kamay. Nagpatianod naman ako at napaupo sa gilid ng kama. At sa halip na bitawan ang aking kamay, ay ipinatong niya ito sa kaniyang matigas na hinaharap. Naramdaman ko muli ang kaniyang ari sa aking palad. Sa kaniyang pagkakahiga, aking nakakapa ang sukat ng kaniyang ari. Mas malaki kumpara kay Tom kung pagbabatayan ang taba, ngunit halos magkasinghaba lang. "Nakapag-decide ka na ba kung kanino ang mas malaki?" tanong ni Bruce. "Hindi ko alam," sagot ko na lang, iniiwasan mabuko ang nangyari sa pagitan namin ni Tom. Ramdam ko kasing hinuhuli lang ako ni Bruce at ayaw ko ring umamin. "Bakit? Wala pa bang nangyari sa inyo ni Tom? Mahina pala itong kaibigan ko." "Ibig ba sabihin malakas ka?" tanong ko. Kung walang alak, hindi ko mababanggit ang mga salitang ito. Mabuti na lang at may alak. Salamat sa alak! "Gusto mo ba?" sagot niya. Piniga-piga ko ang kaniyang matigas na ari. Nangangati na ang kamay ko at nais kong maramdaman ang kakaibang init ng kaniyang t**i. Gusto ko na ito mahawakan. "P'wede ba?" "All yours!" Ibinaba ko ang kaniyang boxers, kasama ang kaniyang briefs. Hindi ko gaanong nakita ang kaniyang p*********i gawa ng kadilim, ngunit pilit ko itong inaaninag. Mahaba at mataba. Abot hanggang pusod at doble ang tama kumpara sa t**i ni Tom. Iyon lang ang naaaninag ko. Hindi ko na makita ang buong anyo nito. Dahan-dahan kong inilapit ang aking nanginginig na palad sa kaniyang ari. Hindi ko maiwasang matakam at mag-init ng sobra-sobra. Para itong panaginip. Aabutin ko na lang ang ari ni Bruce nang dagli niya itong takpan. Ako nama'y natigilan at hindi makagalaw. "Bruce? P're? Ikaw ba ito?" Si Tom! Nagising si Tom!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD