CHAPTER 22 Chiaseb Russo POV Pagkatapos umalis ni Ivy mula sa opisina ko, napatigil ako sa paghinga. Alam kong nasaktan ko siya, at ang totoo, nasaktan din ako sa ginawa ko. Hindi ko maamin kay Ivy ang buong katotohanan—na nagtalik kami ni Silvia, ang ex-girlfriend ko, kahit alam kong mali ito. Pakiramdam ko'y napaka-idiot ko sa sitwasyon na ito. Umalis ako sa opisina at nagdesisyon akong maglakad-lakad muna sa paligid ng building. Kailangan kong mag-isip at harapin ang magulong damdamin ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging resulta ng lahat ng ito. Mahirap magpaliwanag kay Ivy, lalo na't alam kong nasira na ang tiwala niya sa akin. Maya-maya, nakatanggap ako ng tawag mula kay Xyrus Santos, ang matalik kong kaibigan. "Bro, anong nangyari? Narinig ko ang tungkol kay Ivy at Silvi

