CHAPTER 23 Ivy Crystal Shinichi POV Kahit sinundan pa ako ni Chiaseb dito sa Japan, hindi ko pa rin magawang tanggapin ang kanyang pagmamahal. Sa bawat pagsusumikap niya na mapalapit ulit sa akin, nararamdaman ko pa rin ang sakit ng mga nakaraang alaala. Mahirap para sa akin na burahin ang mga sugat na kanyang iniwan, at sa kabila ng kanyang mga pangako, hindi ko pa rin magawang maniwala nang buo. Isang araw, habang nasa park kami ni Chiaseb kasama ang anak namin, napansin ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Ivy," sabi niya nang dahan-dahan, "alam kong mahirap ito para sa'yo. Pero gusto kong malaman mo na nandito ako, palagi. Handa akong maghintay." Tumingin ako sa kanya, sinusubukang hanapin ang mga tamang salita. "Chiaseb, hindi ganoon kadali ang lahat. Alam kong sinusubukan mo,

