MADALING araw na siya halos nakatulog dahil napuyat siya kagabi kakaisip.Naggising siya kanina sa musikang nanggagaling sa music room.
Siguro ay si Seana ang may pakana noon.Music lover din kasi ang nobya niya at romantiko.Nawiwirduhan lang siya dahil paulit- ulit ang nagpe- play na kanta.
Ngayong sila lamang dalawa ni Kali ang naroon sa bahay ay natatakot siya sa sarili niya at sa mga pwede niyang maggawa.Pero kailangan niya talaga itong makausap at sa tingin niya ay ito na ang pinakatamang pagkakataon.
Hinamig niya muna ang sarili bago dahan- dahang naglakad palapit sa dating nobya.
Tila napako naman ang dalaga sa kinatatayuan nito at hindi nakagalaw habang nakatitig lamang kay Xander.Pero nang tumigil siya sa harapan nito ay tila ito natauhan.
Akmang aalis ang dalaga ngunit maagap niyang nahawakan ito sa magkabilang balikat.
Napapikit ang binata nang malanghap ang pamilyar na pabango nito.Muli siyang napahinga ng malalim.
"Kaliana....",halos pabulong lang na sabi niya rito while looking at her intently.
TILA ipinako si Kali sa kinatatayuan.Ano ang ginagawa nito roon ng ganoon kaaga?Hawak siya ni Xander sa magkabilang balikat.
She wanted to tell him na bitawan siya pero walang katagang lumabas mula sa bibig niya.Their eyes met.
She felt that familiar feeling again tuwing magdidikit ang mga balat nila.Muli din siyang nabingi sa sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso.And only Xander could make her feel that way.
"Kaliana...",he whispered.Nakaramdam ng panganib si Kali ngayong napakalapit sa kanya ng binata.Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya hanggang sa gahibla na lang ang pagitan nila sa isa't - isa.Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Halos nalalanghap na niya ang mabango nitong hininga.Sinalubong niya ang titig nitong punung- puno ng emosyon. Pananabik,pangungulila at pagtatangi na nababasa sa mga mata nito.
AND THE SEASONS OF OUR LOVE WILL ALWAYS CHANGE I KNOW
MAYBE THAT'S THE REASON YOU SAID YOU HAD TO GO
BUT SOON YOU'LL BE MISSING ME
DARLING I KNOW YOU WILL
THERE'S A MAGIC WE SPENT TOGETHER
AND NO ONE CAN BREAK THAT SPELL
Patuloy ang kanta sa music room na para bang nananadya.Dahil doon ay biglang natauhan ang dalaga."Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga,Mr. Perez?",malamig pa sa yelong tanong ni Kali.
Sinadya niyang huwag itong tawagin sa first name nito."Or should I start calling you "Kuya"?!"
Bumalatay naman ang matinding lungkot at pagtutol sa gwapong mukha nito."I'm sorry, Kaliana.",buong pagpapakumbabang turan ni Xander.
Lalo namang sumidhi ang galit ng dalaga.
"Sorry?",aniyang nakataas ang kilay."Wow,big word!Is that all you wanted to say to me?"Pinilit niyang kalasin ang mga kamay nito sa balikat niya peros mas lalo pa nitong hingpitan ang pagkakahawak sa kanya.
"Sabagay,ano pa nga ba ang dapat kong asahan sa isang sinungaling at manlolokong gaya mo."
Her words were full of sarcasm and bitterness.Bumuka ang bibig nito pero sa huli ay nanatiling nakatikom pa rin.
He was sorry,that's all.Para na rin nitong ipinamukha sa kanya na pagkakamali lang ang lahat ng namagitan sa kanila noon.
Makapal pa sa makapal ang mukha ng lalaki.She always wanted closure,ito an siguro iyon.
"Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa'yo but I want you to know na I had my reasons.Gusto ko ding malaman mo that I really loved you.Pero kami ng ate mo ang nakatakda para sa isa't isa at sa tingin ko naman ay masaya ka na rin sa piling ni Troy.
Ramdam niya ang lungkot at paghihirap ni Xader pero hindi na siya muling magpapalinlang pa rito. Once was enough and twice is too much.
"Wala naman na tayo dapat pag- usapan pa eh.At tama ka,pareho na tayong masaya sa kanya kanyang relasyon natin.Kaya para saan pa ang paghingi mo ng tawad?The damage has been done.At kahit pagbali- baliktarin mo man ang mundo,that wouldn't change a thing.That wouldn't f*****g change the f*****g fact that you fuckingbetrayed me!"
Tuluyan na siyang naiyak sa tindi ng nararamdaman.Gustung- gusto niyang ilabas lahat ng galit niya rito.Anuman ang sinasabi nitong rason ay wala siyang pakialam.Hindi man lang nito isnaalang- alang ang damadamin niya.
She was so young and vulnerable and yet she loved him with all her heart.She almost gave him everything.But he just left her without even saying goodbye.
"Hindi ko ginustong gawin yun sa'yo but I had no choice- -"
"Liar.We always have a choice, Xander.Nasa atin na kung anong pipiliin natin.",napangiti siya ng mapait."I didn't know you're such a coward person.I always thought you were perfect.But you were not.Because I found out that you were just a good for nothing brute."
Napatungo lang ito sa mga sinabi niya.Anong drama nito?Pavictim?Hah,may gana pa itong umasta ng ganoon eh ito na nga yung nang- iwan sa kanya.
"Alam kong hindi ko na maitatama ang mga naging pagkakamali ko noon.I just wanted to ask for your forgiveness.Please,Kali...",konti na lang talaga ay madadala na siya sa akting ng dating propersor.
"Enough Xander,enough.Matagal na tayong tapos.At pwede ba bitawan mo ako,baka makita pa tayo ni ate Seana..",pilit siyang kumakawala sa binata."She's not here,she went to market with yaya."
Napatda si Kali sa narinig.Oo nga pala,nangako ang ate niya na babawi sa matanda sa pamamagitan ng pagsama lagi rito sa pamimili.Ibig sabihin silang dalawa lang ni Xander ang naroon?Parang biglang sumama ang pakiramdam ng dalaga.
"I'm warning you Xander, don't you dare tell ate about us.At wag na wag kang magkakamaling saktan siya.Hinding hindi ako makakapayag na paglaruan mo din ang damdamin niya like what you did to me years ago."
Malamlam ang mga matang nakatitig kay Kali.Unti- unting lumalambot ang puso niya para sa dating nobyo.
"Seana is special to me.Hinding- hindi ko siya magagawang saktan."madamdaming wika nito.
Dapat ay matuwa siya sa naging pag- amin nito pero nakaramdam pa rin siya ng pagkirot ng puso.
Masakit pala marinig mula mismo sa bibig nito na may iba na itong mahal kahit pa iyon ay walang iba kundi ang ate niya.Iniiwas niya ang mukha rito para pigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha pero hinuli ni Xander ang mukha niya,at muling iniharap rito.
"K-kaliana..."
"X-xander..."
Kapwa sila nakatitig nang matiim sa isa't isa.Biglang nag- flashback kay Kali lahat alaala nilang dalawa.Those wonderful times they shared together.
Hinapit ng binata ang katawan niya palapit rito hanggang sa magkadikit na ang kanilang mga dibdib at nagpaubaya naman siya.
Hindi na niya kayang labanan ang totoong nararamdaman sa pagkakataong iyon.Dito rin nagganap ang unang halik nila ni Xander.
Napakagat- labi siya sa pagkakaalala sa tagpong iyon.Nang muli niyang salubingin ang mga mata ng binata ay tila nabasa rin nito ang nasa isip niya.
Kumislap ang mga mata nito at sa isang iglap ay naramdaman na lamang niya ang mainit at malambot nitong mga labi na humahalik sa kanya.
Walang pag- aalinlangang tinugon niya ang mga halik nito.How she mised his sweet kisses!
Tila nagbalik sa dalaga ang lahat at pansamantalang nakalimutan na ang lalaking kasama niya ngayon ay nobyo na at pakakasalan ng ate niya.
YOU'RE STILL MY MAN
NOTHING CAN CHANGE IT
WE STILL BELONG TOGETHER
YOU'RE STILL MY MAN
NOTHING CAN CHANGE IT
OUR LOVE WILL LAST FOREVER
She finally admitted to herself that missed him.Missed him so badly!She missed his warm and soft lips over hers...
And then again,she felt the rolling thunders through her fingertips.At si Xander lamang ang tanging may kakayahang ipadama sa kanya ang ganoon.
Kusang gumalaw ang kamay niya para iyakap sa leeg ng binata.At muli na naman silang nakulong sa sarili nilang mundo.Sa mundong umiikot lang para sa kanilang dalawa.
She felt his kisses deepened,searching and longing..
Naramdaman niya ang unti-unting panlalambot ng kanyang tuhod at kung hindi lang maagap ang binata ay tiyak na natumba siya.
Ang mga kamay naman ng binata na kanina ay nasa balikat niya ay masuyong nakayakap na ngayon sa kanyang bewang.Then she remembered their first kiss...
Halos ganitung-ganito din.Same place,same feelings.
Bakit ganoon?Ang buong akala niya ay nakalimot na siya pero bakit ganoon pa rin kasarap ang mga halik ni Xander?Bakit hindi niya pa rin magawang tanggihan at iwasan ito???
"I've missed you so much,sweetheart..."madamdaming bulong ni Xander sa pagitan ng mga halik.Hindi man siya sumagot ay alam niyang para na rin niyang ipinagkanulo ang sarili rito nang pumayag siyang magpahalik sa binata.
YOU'RE STILL MY MAN
NOTHNG CAN CHANGE IT
OUR LOVE WILL LAST FOREVER
Eksakto sana ang lyrics ng kanta at ang totoong nararamdaman niya pero alam ng dalaga na hindi niya pwedeng ipagtapat iyon sa binata.
Maraming masasaktan.
Ramdam na ramdam niya ang labis na pananabik sa kanya ng dating nobyo.Pareho ba sila ng nararamdaman nito?O baka naman nais lang nito makasiguro kung may nararamdaman pa ba ito sa kanya o wala na?
O baka sinusubukan lang nito kung ganoon pa rin siya katanga.Pero wala siyang ibang nais ng mga sandaling iyon kundi damhin lang ang maiinit nitong yakap at halik.
Hinayaan niya ang sarili na matangay ng kapusukan ng binata.Lihim pang nahiling na sana ay wag ng matapos ang ang napakagandang sandaling iyon sa pagitan nila.Subalit biglang tumunog ang doorbell.
Patuloy pa rin si Xander sa paghalik sa dalaga.Mukhang tuluyan na nga ring nagpadala sa bugso ng damdamin.
Ni hindi yata nito naririnig ang ingay na nanggagaling sa labas.
Bahagyang naitulak niya ang binata na labis na ikinagulat nito.Pagkatapos ay tila napapaso niyang inilayo ang katawan rito.
Hiyang hiya si Kali sa sarili.Nakaramdam din siya ng matinding guilt para sa nobyong si Troy at kay Seana.Malinaw na pagtataksil ang namagitan sa kanila ni Xander.
Inayos niya muna ang sarili bago pumihit palabas ng pinto para buksan ang gate.Pumasok ang kotse ng ate niya na minamaneho ni Mang Dante.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang hinihintay ang pagbaba ng ate niya at ni yaya Nora.Parang wala na siyang mukhang maihaharap kay Seana.
"Oh babysis!Kagigising mo lang ba?Nakailang doorbell na kasi kami ni yaya.Sabi ko nga baka tulog ka pa.I was about to call Xander pero bumukas na ang gate...",maaliwalas ang mukha ng ate niya habang kinakausap siya.Tila nanuyo ang lalamunan niya at hindi siya agad nakasagot.
"N-nasa garden kasi ako kanina,ate.At saka medyo malakas yung sound sa music room...
kaya hindi ko agad narinig na tumunog ang doorbell.",mahabang paliwanag ng dalaga.Sana ay wag makahalata ito na defensive siya masyado.
"Mmmm,kaya naman pala.Ilang beses ka din kinatok ni yaya kagabi para magdinner.Mukhang pinagod ka ng husto ni Troy ha...",kinindatan siya ni Seana na ikinapamula niya.
"Ate naman eh..",para talagang si Trish ang ate niya.Puro kalokohan at kaberdehan."Alam mo babysis,hi-tech na ngayon.At saka akala ko ba nagbago ka na.Bakit parang bumalik ka na naman sa pagiging demure?Para kang si Xander.."
Tumawa si Seana pagkasabi niyon at siya naman ay napako sa kinatatayuan nang marinig ang pangalan ng nobyo nito,na dati niya ring nobyo.At muli ay tila siya sinundot ng kanyang konsiyensiya.
Kinuha niya ang ilan sa dala ni yaya at binitbit ang mga iyon papasok.Paano na lang kung hindi pa dumating ang mga ito?Baka kung saan na sila humantong ni Xander.Pakiramdam tuloy niya ay ang sama-sama niyang kapatid.
Nasalubong niya ang binata sa pinto,balak nito sigurong salubungin ang ate niya.Tila balewala lang dito ang lahat,ni wala siya mabakas kahit katiting na pagsisisi sa mukha nito.Naggawa pa rin siyang titigan pagkatapos ng nangyari kanina sa kanila.At labis niya yung ikinalito.
Muling inatake ng guilt ang dalaga kaya iniiwas niya ang tingin sa binata."Honey,kanina ka pa ba gising?Sorry natagalan kami ni yaya.Marami kasing tao ngayon at Sabado."
Kita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata ang pagyakap ni Seana sa nobyo nito.Hindi na nya hinintay pang makasagot si Xander,dali-dali na siyang tumuloy sa kusina.
Masakit at mahirap mang tanggapin pero narealize ni Kali na may nararamdaman pa rin siya para sa dating nobyo.Hindi niya pala ito tuluyang natanggal sa sistema niya.And she felt so helpless because it just made things even complicated.
Naramdaman niya rin na may pagtingin pa si Xander sa kanya.She felt that in his stares and through the kiss they've just shared.Pero nakahanda siyang ipaubaya ito sa ate niya.
Seana deserves to be happy kaya kailangan niyang tuluyang iwasan na ang dating nobyo.Isa pa,hindi niya rin kayang saktan si Troy.Inilapag niya ang mga bitbit sa kusina.Ang nag- aalalang mukha ni yaya Nora ang nagisnan niya.
Kali,hija....".Nginitian niya ang matanda."Ya,okay lang po ako.Wala po kayong dapat ipag- alala."Kilalang- kilala talaga siya nito pero hindi niya maaaring ipagtapat rito ang ginawa nila ni Xander kanina.
"Ang inaalala ko po ay si ate.Sana po ay wag ng maungkat ang tungkol sa nakaraan,yaya.Hindi ko kakayanin kapag nasaktan siya lalo na kung ako ang magiging dahilan."
"Naiintindihan kita.Mahal ko kayong pareho ni Seana.Ni isa sa inyo ayokong masaktan.At alam kong mabuting tao si Troy at mahal na mahal ka niya.Pero hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo na mahalin siya kung hindi ka pa talaga handang magmahal ulit..."
Hugutera pala si yaya,Kali thought. Malalim ang words nito ngayon.Tagos sa buto."Ya,hindi po mahirap mahalin si Troy.At kilalang- kilala na namin ang isa't isa-"biglang nagsalita ang matanda na ikinatigil niya."Pero mahal mo ba siya sa paraang mahal ka niya?"
She was caught offguard at hindi siya agad nakasagot."Ramdam ko na may matinding tensyon pa rin sa pagitan niyo ni Xander. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag- usap ng masinsinan,hija."
"Hindi na po kailangan,yaya.Matagal na pong tapos ang lahat sa amin.May kanya- kanya na kaming buhay ngayon."Napahinga ng malalim ang matanda."Ikaw ang bahala,anak.Pero tandaan mo na lahat ng nagaganap ay may dahilan.Sana ay manatili kang matatag sa mga pagsubok na darating pa sa iyong buhay.",makahulugang wikang muli ni yaya.
Tipid na ngumiti lamang siya at pagkatapos pasalamatan ang matanda ay nagpaalam siyang aakyat muna.Nang tingnan niya ang cellphone pagdating niya sa kanyang kwarto ay nakita niyang may bagong mensahe ang boyfriend niyang si Troy.
On the way na daw ito at doon dadayo ng lunch.Napaaga ang meeting nito at excited na daw itong makita siya ulit at makasama.Mulingnakaramdam ng guilt ang dalaga at kinabahan.
Kali took a quick shower and prepared herself.Isang simpleng sleeveless blouse at maong shorts ang napili niyang isuot.Usual attire na ang ganoon kapag nasa bahay. Kung minsan,kapag may bigla siyang bibilhin sa labas,hindi na rin siya nagpapalit ng damit.
Medyo sumisilip ang cleavage niya sa suot niya dahil malambot lang ang tela noon.Pero sanay na naman sa kanya ang mga kasama niya sa bahay,kahit si Troy na makita siya sa ganoong ayos.Mahigpit lang sa kanya ang binata kahit noong college pa lang sila kapag may pupuntahan silang party.
Hindi ito pumapayag na magsuot siya ng revealing sa labas,yung masyadong maikli o mababa ang neckline.Pumapayag itong magsuot siya ng dresses na hapit sa katawan pero disente ang yari.
Alam niyang overprotecting iyon pero hindi naman siya umangal.Ayaw lang nito na mabastos siya at ayaw rin naman niyang mapaaway ito dahil sa kanya.
Nagwisik lang siya ng kaunting pabango at nagpahid ng lip balm.
Pagkatapos ay bumaba na siya at umupo muna sa sofa habang hinihintay ang nobyo.