Chapter Twelve

2936 Words
PAGKAPASOK sa loob ng kanyang kwarto ay agad na isinubsob ni Kali ang mukha sa unan.Malakas na malakas pa rin ang t***k ng kanyang puso. Muli niyang nasilayan ang lalaking una niyang minahal.At muli niya ring naramdaman ang lahat ng sakit na idinulot nito sa kanya noon.Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. Akala ng dalaga ay kaya na niya itong patawarin pero hindi pala iyon ganoon kadali. Paano niya ito pakikitunguhan sa tuwing magkikita sila? Hindi niya binanggit kay Troy na balak ng ate niyang doon muna tumira sa bahay nila habang wala pang anak ang mga ito.Payag naman siya syempre dahil gusto niya pa itong makasama ng matagal,at ganoon din si yaya. Pero noon yun,nung hindi pa nila alam ng matanda na si Xander ang nobyo nito.Ngayon ay iniisip niya kung paano ipaliliwanag sa nobyo ang lahat.At kung paano siya makakaiwas sa mga ito nang hindi nagtataka ang ate niya. Hindi namalayan ng dalaga na nakatulugan na pala niya ang pag- iyak. Hindi na rin niya namalayan nang may pumasok sa kanyang silid at mataman siyang pinagmasdan. Pinagsawa muna nito ang mga mata bago nagpasyang lisanin ang kwarto niya. ON THE DAY THAT YOU LEFT ME YOU SAID YOU HAD NO REGRETS THERE'S A BOND BETWEEN US THAT HASN'T BEEN BROKEN YET... Ang malamyos na boses ni Whitney Houston ang gumising kay Kali kinabukasan,and she was sure it was from the Music Room.Napakunot- noo siya. The last time she used the room was during her debut.Doon siya muling isinayaw ni Xander dahil gusto raw nitong masolo siya.Iyon ay pagkatapos ng muntik na nilang pagkalimot sa hardin,after her debut party. Pero noong nabubuhay pa ang mga parents nila ay hindi iyon nababakante.Her parents were a picture of perfect couple.Madalas haranahin ng dad nila ang kanilang ina. At halos kumpleto ang koleksyon ng mom nila ng mga classic songs etc. Marahil ay ate niya ang nagbukas ng naturang silid.Sigurado siyang namimissed rin nito ang kanilang mga magulang.Naalala niyang nakatulugan na pala niya kagabi ang pag- iyak. Tiyak na namamaga na naman ang kanyang mga mata.Hindi iyon pwedeng makita ng ate niya dahil tiyak na mag- uusisa ito. Agad siyang bumangon nagtungo banyo para maghilamos. Nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura .Hindi pa pala siya naghahapunan.Masyadong napahaba ang tulog niya. Kinuha niya ang cellphone.50 missed calls and 20 messages from Troy. Tiyak na nag- aalala ito sa kanya ngayon kahit hindi pa niya nababasa ang mga mensahe nito. PURO sweet messages nga ang ipinadala sa kanya ng nobyo,just what she thought. Pero sa huling message nito ay nakasaad na baka hapon na ito makabalik sa kanila. Napangiti sya sa sarili.Napakasipag talaga ni Troy at puno ng dedikasyon sa lahat ng ginagawa nito. Si Xander din naman,ah?,anang isip niya pero pilit niyang itinaboy ang alalahanin tungkol sa dating propesor. Bakit tila kasabay nitong bumalik ang kanyang konsensya na palagi na lang siyang kinokontra? Napailing ang dalaga at muling inisip ang kasalukuyang nobyo.Halos wala talaga siyang maipintas kay Troy.Pero hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na makadama ng kakaiba para kay Xander. Ganoon pa rin ang epekto ng presensya nito sa kanya.Tumitigil sa pagdaloy ang oras pero hindi ang pagtibok ng kanyang puso kapag nasa malapit ito. At never niya naramdaman ang ganoon kaninuman,kahit kay Troy.And she really felt guilty about it.Mali.Maling- mali! May nobyo na siya at ikakasal na si Xander sa ate niya.Pero nalilito rin siya sa mga inaakto ng dating nobyo.Kahit kaharap nila sina Seana at Troy ay panay pa rin ang titig nito sa kanya. And why does she have this feeling na apektado ito sa sweetness nilang magnobyo? Humugot siya ng isang malalim na paghinga para kalmahin ang sarili.Kailangang maging mas maingat siya para hindi maghinala ang ate niya. Hindi niya kakayanin kapag nasaktan ito dahil sa kanya. Napalinga siya nang may maalala- ang pasalubong ni Troy.Nakalimutan na niyang buksan iyon kagabi.Binili niya ang latest published book ng paborito niyang author. Tamang- tama,may magagamit na siyang alibi sa ate niya kapag palagi siyang magkukulong sa kwarto niya. Seana barely knew how she loved reading eversince they were young. Naging obsession na nga yata niya ito.At madalas siyang asarin nito noon dahil hindi daw siya maabala kahit konti everytime na nagbabasa siya. Napangiti siya nang malapad nang makita ang laman ng paper bag na bigay ng nobyo.Isa rin iyong libro,and it was not just a book because it was one of her favorite stories,The Tudors.Patay na patay kasi siya kay King Henry VIII who was played by the super hot actor Jonathan Rhys Meyer. Isa pa,fan talaga siya ng historical love stories katulad ng pagmamahalan nina Rose at Jack sa Titanic.Kinikilig na tinitigan niya ang cover partikular ang mukha ni King Henry. Alam na alam talaga ni Troy ang mga weaknesses niya.Excited na tuloy siyang basahin ang libro kaya lang ay nagugutom na talaga siya. She had no choice kundi ipatong muna ang aklat sa ibabaw ng study table niya.Bababa muna siya para magkape at mag- almusal na rin. Patuloy pa rin ang musika sa kabilang kwarto.Kung di lang niya alam na ikakasal na ang ate niya ay iisipin niya na brokenhearted ito.But that's impossible dahil nasaksihan niya kung gaano ito kasaya sa piling ni Xander. AND THE FEELINGS BETWEEN US WILL NEVER DISAPPEAR HOW CAN YOU BE FAR AWAY IF YOUR SPIRIT'S HERE YOU'RE STILL MY MAN,NOTHING CAN CHANGE IT WE STILL BELONG TOGETHER... Natigilan si Kali nang mag- sink in sa kanya ang message ng kanta.Pagkatapos ay pagak siyang natawa.Pero nawirduhan dahil kanina pa dapat napalitan ang kanta.Bakit iyon pa rin,iyon ulit? Hindi naman siguro nagmumulto ang mommy nila. Whitney was their mother's favorite international singer.At kahit siya ay napahanga dahil talaga namang napakahusay nito sa larangang iyon.One of a kind.A legend. Just like her cousin,Michael Jackson. Walang tao sa kusina pero may nakahanda ng almusal.Naalala niyang Sabado pala kaya malamang ay nasa palengke ang matanda.Nagtimpla siya ng kape at gumawa ng sandwich. Kailangan lang niya malagyan ng laman ang kumakalam nyang tiyan. Magana siyang kumain but suddenly she had lost her appetite dahil sa mga nangyari kahapon. Maraming bagay ang bumabagabag sa kanya kaya tila nawawala siya sa sirkulasyon. Pagkatapos kumain ay sa garden naman siya tumuloy.Ilang araw din niyang hindi nabisita ang mga mahal niyang bulaklak dahil ng nagmukmok siya sa kwarto niya.Pero sigurado naman siyang hindi ito pinabayaan ni yaya. Matapos diligan lahat ay saglit niyang kinausap ang mga ito para humingi ng tawad.And she was sure they understand her situation right now.Ilang pangyayari din sa buhay niya ang naganap sa parteng iyon ng kanilang tahanan. At halos lahat ng iyon ay may kinalaman sa dating nobyo niya.Agad niya ring tinapos ang pagmumuni- muni.Medyo nanlalagkit na siya ay kailangan na niyang maligo. Nasa b****a pa lang siya ng main door nila nang bigla siyang matigilan. Standing there was the man na palaging laman ng isip niya lately,mukhang kabababa lang nito. Bakit narito na siya ng ganito kaaga?Dito ba siya natulog kagabi? naitanong niya sa sarili. Biglang kumirot na naman ang puso niya nang maisip na baka doon nga ito natulog sa kwarto ni Seana. Wala namang masama dahil magnobyo ang mga ito at malapit ng ikasal.Pero bakit ganoon?Bakit nasasaktan siya??? NATIGILAN si Xander pagkababa ng hagdan nang matanaw si Kali.Looked like she just finished visiting her dearest flowers.Lihim siyang napangiti sa sarili.Hindi pa rin pala nawawala ang pagkahilig nito sa mga bulaklak.Some things never change, he thought. Mukhang gulat na gulat itong makita siya.Doon na kasi siya pinatulog kagabi ni Seana dahil napasarap ang kwentuhan nila.They both missed each other's company.Ilang linggo na din kasi silang hindi nagkakasama. Sabay dapat silang uuwi ng Pilipinas pero kinailangan nitong mauna dahil humabol ito sa kasal ni Trish. Nagulat talaga siya nang ibalita nito iyon sa kanya pero hindi siya nagpahalata. Masaya siyang nagkatuluyan pala ang ito at si Tyler.Noon pa man ay kita na niyang may chemistry ang dalawa.Pero hindi na niya binanggit pa kay Seana na kilala niya ang kaibigan ng kapatid nito at pati na rin ang mapapangasawa nito. Seana suggested last night na doon na siya matulog sa kwarto nito pero tumanggi siya.Though they already lived together in Canada,it's a different case now dahil nasa Pinas sila.Isa pa,nahihiya siya kay yaya Nora. He knew how conservative the old woman was at natitiyak niyang hindi nito magugustuhan kapag nalamang nagtatabi na sila ng nobya kahit hindi pa kasal. Kaya mas pinili niyang doon matulog sa guest room.Doon din siya madalas matulog noon.Isang beses lang siya nakatulog sa kwarto ni Kali at hindi iyon alam ng matanda. Kagabi pa lang ay nagpaalam na sa kanya si Seana na sasama sa pamamalengke kay yaya.Hindi na siya ginising nito kanina.Maagang umaalis si yaya,alam niya dahil siya ang madalas sumama rito noon. Nalulungkot siya dahil napansin niya na malamig ang pakikitungo sa kanya ng matanda.Pero naisip niya na marahil ay umiiwas lang din ito para hindi makahalata si Seana.Sa tingin niya ay parehong nais protektahan nito ang magkapatid. Kung alam lang ng nobya na halos naging tahanan na rin niya noon ang bahay ng mga ito.Kabisado na niya ang pasikut- sikot doon pati na ang mga nakatira. Troy Castro was such a lucky man and he envied him now for having everything he used to have before.Giliw na giliw dito si yaya at higit sa lahat,ito na ang nagmamay- ari ng puso ni Kaliana. At hindi siya nahihiyang aminin sa sarili na nagseselos siya rito lalo na kapag nakikita niya kung paano maglambingan ang mga ito.Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit ngayon lang ito sinagot ng dalaga. Matagal na silang hiwalay at ayon kay Seana ay madalas ibida ni Kali si Troy pag nagkukwento ito.Parang ayaw niyang maniwalang hindi nagkaroon ng ibang karelasyon ang dalaga pagkatapos niya itong iwanan. Did she waited for him to come back?Asa ka pa,anang isip niya.Pero mula nang makausap niya ito sa telepono noong nakaraan ay hindi na siya natahimik. Nasasabik na siyang muling masilayan ito.He missed her so badly.Ito kaya,namissed din siya?Muntik na siyang sa mga Morales dumiretso nung umuwi siyang Pilipinas pero pinigilan niya ang sarili. Isa pa,hinihintay siya ng kanyang mahal na ina.Inihanda na niya ang sarili para sa muli nilang pagkikita.Pero hindi niya inaasahang makikita niya ito at si Troy na magkasama. Natulala siya nang makita si Kali at marahil ay napansin iyon ng kasama nito.She has really changed a lot.He loved her hair back then pero bumagay naman dito ang bago nitong look. Ang hot nga nitong tingnan eh.Lalo pa itong gumanda ngayon.Napansin niya rin na nagbago ang pananamit nito. Hindi na ito ang dating Kali na kiyeme at tahimik. Now she's wild and very seductive.He witnessed how Troy held her possessively yesterday pero sa halip na tanggalin ang kamay ng lalaki ay lalo pa nitong idinikit ang katawan dito. And he didn't like what played next on his dirty mind.Bigla tuloy siyang nabadtrip. Lalo na ng ipagyabang sa kanya ni Seana na magnobyo na ang dalawa. Hindi sumabay ang mga ito sa kanila during lunch dahil umakyat na ang mga ito sa kwarto ng dalaga.Hindi tuloy siya mapakali kahapon habang kumakain. At tila masisira ang ulo niya nang ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin lumalabas ang mga ito. Si Seana naman ay kampanteng nakaupo lamang at tila balewala lamang dito ang pagkukulong ng kapatid kasama ang boyfriend nito. "Akala ko ba ay mahigpit ka sa kapatid mo,honey? Kanina pa sila doon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila lumalabas.",di na niya napigilan ang sarili na magsalita. "It's okay honey.Matanda na si Kali,alam na niya ang ginagawa niya.",si Seana habang nakangiti. "Gradweyt na kami ni yaya sa pambabakod sa kapatid ko.See the result?Tumanda na siya na hindi man lang nagkaboyfriend.She missed almost half of her life dahil sa paghihigpit ko sa kanya noon.Mabuti na lamang at hindi nagsawa si Troy na maghintay sa kanya." Natahimik naman saglit ang binata.Kung alam lang nito na minsan na itong sinuway ng kapatid nito.At siya ang dahilan niyon. "Ganyan talaga ang dalawang yan,sanay na ako.Nung kolehiyo sila ay halos dito na tumitira iyang si Troy.Ganoon sila kalapit sa isa't- isa.", anang yaya Nora. Alam niyang hindi nito intensyon na saktan siya pero iyon ang naramdaman niya sa sinabi nito. "That's true.I trust Troy and I know na mahal na mahal niya sa Kali.",si Seana ulit."But honey, what if she gets pregnant?I mean,diba dapat pakasalan niya muna si Kali bago sila- - -"Seana laughed out loud na ikinagulat niya kaya hindi na niya natapos ang pagsasalita. Kaya kung tutuusin ay mas safe pa si Kali sa piling ni Troy.Pero nakahanda naman siyang balikan at panagutan ito noon kung hindi lang nagganap ang mga bagay na hindi niya inaasahan. Kilala niya ang nobyang si Seana.Hindi naman talaga ito liberated kahit laking Canada.Gusto lang talaga nito masigurado na maayos ang lovelife ng pinakamamahal nitong kapatid lalo na ngayon na malapit na itong lumagay sa tahimik. Siguro ay hindi na lang talaga niya mapigilang magselos kay Troy.Sobrang naiinip na talaga siya sa pag- aabang sa paglabas ng dalawa. Pinilit niyang manahimik muna at baka makahalata na si Seana. Ano ba kasi ang gingawa ng dalawanv iyon doon? Kanina pa eh!,inis niyang bulong sa isip.Ano pa nga ba ang posibleng gawin ng isang babae at lalaki,particularly lovers,inside a closed room?Naiiling na inayos niya ang pag- upo. Nang di na makatiis ay nagpaalam siya sa nobya na aakyat at nagkunwaring may kukunin sa kwarto nito.Pero ang totoo ay sa music room siya nagtungo. Malinis pa rin iyon,halos walang nabago.Katabi lang iyon ng kwarto ni Kali.Sinadya niyang itumba ang isang upuan doon dahilan para kumalabog at lumikha ng ingay. Tiniyak niyang maririnig iyon ng nasa kabilang silid at siguradong anuman ang gingawa ng mga ito ay matigil. Pagkatapos ay agad siyang bumaba at bumalik sa upuan niya.Pero nadismaya siya nang ni anino ng dalawa ay hindi pa rin lumitaw. Hindi naman napansin ni Seana ang pagiging tensed niya dahil busy ito sa cellphone at kay yaya Nora. He started counting silently. Kapag hindi pa rin talaga lumabas ang mga ito ay aakyatin na niya at kakatukin.Wala na siyang pakialam kung mabisto sila ni Seana.Pero hindi pwedeng tumunganga lang siya doon at maghintay. Nang umabot ng bilang na sampu ay akmang tatayo na siya pero biglang lumitaw sina Kali at Troy sa hagdan.At daig na naman ng lalaki ang linta kung makakapit sa dalaga.Napahugot siya ng sunud sunod na paghinga. Naramdaman niya ang mga palihim na sulyap ni yaya.Kanina pa yata siya inoobserbahan ng matanda.Pero hindi niya pa rin inihiwalay ang mga mata niya kay Kali.Muli siyang nakaramdam ng lungkot at sakit. Naramdaman yata ng dalaga ang pagtitig niya dahil bigla itong lumingon sa kanya.Nagtama ang kanilang mga mata.Sana ay mabasa nito ang laman ng isip niya.Pati na rin ng kanyang puso. Sana ay mabasa nito sa kanyang mga mata na labis siyang nangulila rito.Ngunit sadyang malakas ang pakiramdam ni Troy dahil agad itong nagpaalam kay Seana at yaya Nora. Alam niyang gusto lang nitong ilayo roon ang dalaga.Alam niya ring napipilitan lang itong mag- approach sa kanya kagabi bago umalis. Naiintindihan niya naman ito. Hindi lang siya kay Kali nangako,pati na rin kina yaya Nora at Troy. Naalala nya pa noon nung pinuntahan siya nito sa condo niya at pinilit siyang mangako na iingatan niya ang dalaga at hinding- hindi sasaktan. He even congratulated him dahil siya ang pinili ni Kali.Masakit yun sa parte ni Troy dahil matagal na nitong lihim na minamahal ang dalaga pero wala itong naggawa noon kundi ang magparaya.Pero ngayon ay nabawi na rin nito sa kanya ang babaeng mahal nito. Kasalanan niya naman kaya bakit pa siya nagseselos at nanghihinayang ngayon? Nagyayang umakyat si Seana pagkalabas nila Kali at Troy. Si yaya naman ay bumalik sa kusina.Hindi siya pumasok sa kwarto ng nobya sa halip ay dumiretso siya sa bintana at sumilip sa ibaba.Kita mula roon ang parteng harapan ng bahay gaya ng hardin at garahe. Pero gusto niyang magsisisi kung bakit pa siya nagpunta doon dahil sa tagpong inabutan niya.Kitang- kita niyang naghahalikan ang dalawa sa garahe. Pakiramdam niya ay nanikip ang dibdib niya kaya naikuyom niya ang mga palad.Dahan- dahan siyang lumayo sa bintana. Mukha ngang masaya na ang dalaga sa piling ng bago nitong nobyo.Napangiti siya ng mapait. Kakausapin niya si Kali habang nasa loob pa ng kwarto si Seana.Gusto lamang niya humingi ng tawad dito. Pero nang makasalubong niya ito sa hagdan ay tila naumid ang dila niya.Hindi na siya nakapagsalita.Namalayan na lamang niya ay nag- iisa na pala siya roon at narinig niya ang pagsarado ng pinto ng kwarto ni Kali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD