"WAIT guys, magkakilala kayo?!",si Seana na hindi na nakatiis.Shock was written all over her pretty face."Yes honey.Naging mga estudyante ko sila noon sa OU."
"Really?So you mean pati sina Trish at Tyler- -"
"That's right.",maagap na sagot ni Xander."Oh my God!Bakit hindi ako na- inform agad?",gulat pa rin talaga ito pero mukhang hindi naman galit.
"Don't worry.I'll explain everything to you later.",malambing na sagot ng lalaki."Okay.Marami kang kailangang ikwento sa akin,hmmmm."
Naramdaman ni Troy ang na napaigtad si Kali sa narinig.Binigyan niya ito ng nakauunawang tingin.Ngumiti ito pagdaka at nang muli siyang bumaling sa mga kaharap ay nahuli niyang nakatitig sa kanila si Xander habang salubong ang mga kilay.
"I still couldn't believe everything that's happening,honey.I mean,what a small world!"
"You're right, ate Seana.Maliit lang talaga ang mundo.Maraming bagay na hindi mo inaakala ang nagaganap.Maraming di inaasahang pangyayari ang gugulat sa'yo bigla.",makahulugang sagot naman niya.
Tumawa si Seana sa sinabi niya."Kaya naman pala nainlove sayo itong kapatid ko eh may dugong makata ka."Siya naman ang natawa.
"Alam mo hon,medyo worried ako noon dito kay Kali,medyo aloof kasi yan.Pero ngayon panatag na ako kasi magkakilala na pala kayo.Kahit papa'no ay hindi ka na mahihirapang pakitunguhan siya.",binalingan ni Seana ang nobyo nito.
"Well,my babysis is very sweet kaya lang most of the time she is a snob.",binuntutan nito ng tawa ang sinabi.Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Kali.
Isinubsob nitoa ang mukha sa balikat niya.Kitang- kita niya ang matatalim na sulyap ni Xander sa magkadikit nilang katawan ng dati nitong nobya.
Oo,dati.Dahil ngayon ay siya na ang nagmamay- ari sa dalaga.At hinding- hindi na niya hahayaang maagaw pa ito sa kanya ng kahit na sino.Kaya sana nga ay maikasal na si Xander at Seana sa lalong madaling panahon.Saka palang siya lubos na mapapanatag.
Dahil ngayong nagkita muli ito at ang dalaga ay may takot siyang biglang naramdaman.Alamniyang magiging banta ito sa relasyon nila ng nobya.
Dahil aminin man niya o hindi ay ramdam niya ang spark na namamagitan pa rin sa mga ito.
Mahigpit niyang niyakap ang nobya para makumbinsi ang sariling hindi siya iiwan nito.
Nagtatakang napatingala sa kanya si Kali.And then,he kissed her in front of Xander and Seana.He was so glad she didn't stop him but rather kissed him back .
TUMANGGI sina Kali at Troy na sumabay mag- lunch kina Seana.Maliban sa umiiwas ay busog din sila dahil kumain sila kanina ng binata.
Ramdam niya ang mainit na mga matang nakasunod sa kanila kanina habang papaakyat sila ng nobyo niya.Nagpaalam si Troy sa ate niya na sasamahan siya sa kanyang kwarto.
Nagulat talaga siya nang bigla siyang halikan nito sa harap nina Xander at Seana.Pero ayaw niyang mapahiya ang lalaki kaya tinugon na rin niya ang halik nito.
Isa pa,may karapatan naman itong gawin ang bagay na iyon dahil boyfriend naman niya ito.And yes,she meant it.She wanted to give them a chance.
Hindi naman mahirap mahalin ito at higit sa lahat,kilalang-kilala na nila ang isa't- isa.
"Kali?,"untag ni Troy nang mapansing tila natahimik siya.Magkaharap sila habang nakaupo sa kama niya.
Nagtatanong ang mga matang binalingan niya ang nobyo.
"I want to know kung anong naramdaman mo nang makaharap mo siya kanina.And please,be honest with your answer.",seryosong wika ni Troy na ikinagulat niya.
Hindi agad nakasagot si Kali.Troy was such a good man and hurting him was the last thing she would ever do,pero kailangan niyang panindigan ang sinabi niya rito sa foodcourt kanina.
Para na rin sa ikabubuti ng lahat.Sinalubong niya ang nagdududang titig ng nobyo bago nagsalita.
"Why,babe..ano ba ang inaasahan mong mararamdaman ko?Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin.Sa lahat ng sakit na idinulot niya sa akin noon,I felt nothing but hatred.
Kung pwede nga lang na huwag ko na siyang makita for the rest of my life.Pero imposible yun lalo na ngayong magiging parte na siya ng pamilya namin.",her voice was full of bitterness again.
"Hindi naman sila dito titira pagkatapos ng kasal diba?Kaya pagtiisan mo na lang muna ang presensya niya.I'm sure mapapadalas pa ang pagpunta niya dito dahil aasikasuhin nila ang tungkol sa kasal nila.
But you can always find away to avoid him.If you really want to...",medyo sarcastic ang tono ni Troy. Tila sinasabi sa kanya na hindi pa rin talaga ito kumbinsidong wala na siyang anumang nararamdaman pa para sa dating nobyo.Hindi na lamang niya iyon pinansin.She smiled at him instead.
"Don't tell me nagseselos ka pa rin sa kanya?",she teased.Hindi sumagot ang binata."C'mon babe,he's my sister's fiance and you are already my boyfriend.Welcome na welcome ka din dito anytime.Well,eversince naman diba?Halos dito ka na nga tumira noon eh."
Tumatawang kiniliti niya ang nobyo. Parang bumalik tuloy sila sa nakaraan.Madalas din sila magkulitan noon sa kwarto niya.Napaka- thoughtful nitong kaibigan noon at hindi lilipas ang araw na hindi sila magkasama nito.
Natawa ito sa ginawa niya pero halatang napipilitan lang.Tinaasan niya ito ng kilay at napailing ito.Alam nitong nagsisimula na siyang maasar.
"Yeah right.But just a boyfriend for a cause..."malungkot na wika ni Troy. Natigilan siya saglit pero bigla niya itong niyakap mula sa likuran.Alam niyang napapikit na naman ito.
Ganoon lagi ang binata kapag niyayakap niya.Naramdaman niya rin ang marahas na paghugot nito ng paghinga. Never siya nailang dito kahit pa madalas magdikit ang mga katawan nila.
Gustung- gusto niyang nilalambing ito.Maybe because she knew how gentleman he was.Ni minsan ay hindi ito nag- take advantage sa sitwasyon. She always feel safe everytime she was with him.
At kapag nagtatampo ito ay agad ding napapawi ng kanyang mga yakap.Pero ngayong opisyal na silang magnobyo ay hindi niya alam kung hanggang saan pa nito kayang magpigil.
"Troy.",she said while hugging him still.Mahinang ungol lang ang isinagot nito sa kanya."You are my boyfriend and it's for real.And I want to thank you for staying by my side.Kahit kailan hindi mo ako iniwan at pinabayaan.",madamdaming wika ni Kali.
Napalingon naman sa kanya ang binata pero hindi inalis ang pagkakayakap niya rito."You mean hindi lang ito isang palabas?",tila hindi makapaniwalang tanong nito.
"Yes,babe.From now on,I am officially yours.Yours alone." Bigla itong napatayo at mahigpit siyang niyakap."Oh God,Kali,please tell me I'm not just dreaming!And if I am,don't you dare wake me up,ever!"
He was so happy.And so was she.Troy deserves to be loved and kept,too. And she was just too lucky to have him in her life.
"Hindi ka nananaginip,babe.Totoo lahat ng sinabi ko.Hindi ko kayang mawala ka sa akin,Troy.At napag- isip- isip kong siguro ay panahon na para tuluyan ko nang ibaon sa limkt ang nakaraan.And I'm really happy because finally natagpuan na ni ate Seana ang kaligayahang nararapat lamang na makamit niya. ".
Kumirot ang puso niya nang lumitaw sa isip niya ang masayang imahe nina Seana at Xander na naglalambingan.Pero totoo ang sinabi niya kay Troy.Handa na siyang patawarin si Xander lalo pa at magiging bayaw niya na ito.
"You made this day extra special,babe.Thank you so much!"Iniangat siya ni Troy habang yakap pa rin at tila baliw na iniikot siya sa ere.Natawa naman siya rito."I love you,Kali.",pagkuway wika nito habang dahan- dahan siyang ibinababa.
Nang halos magkapantay na ang mga mukha nila ay mataman siyang tinitigan nito,punung- puno ng pagmamahal.Alam na niya kung anong magiging kasunod niyon pero sa halip na pigilan ito ay ipinikit niya ang mga mata.
Suddenly,she felt his warm lips on her.He kissed her passionately.Nagtagal iyon at mas lumalim nang tumugon siya.Kinapa niya ang sarili.Aaminin niyang masarap humalik si Troy pero may kung anong pakiramdam siyang hinahanap,pero hindi niya mapangalanan.
Nang biglang may kumalabog sa kabilang silid ay napabitaw siya sa nobyo.Napakunot- noo naman ito.Wala namang tao sa kabilang kwarto dahil music room lang iyon.Sigurado din siya na hindi iyon daga dahil palaging nag- iispray si yaya Nora.
"Istorbo.Tsk!"anang Troy na tila naiinis.Tinawanan niya ito."Bakit,bitin ba?Pwede naman nating ituloy- - -"Pero bago pa siya matapos magsalita ay sakop na ulit nito ang bibig niya.But it was just a brief kiss. Bingyan niya ito ng mapanuksong ngiti nang maghiwalay ang mga labi nila.
"I really hate to leave you now pero may kailangan akong asikasuhin sa opisina.Anyway,here..mamaya mo na buksan ha.Pag nakaalis na ako."Inabot nito sa kanya ang isang maliit na paper bag. Napakahilig talaga nito sa surprises.
"Okay.Your wish is my command." Nagtawanan sila ng binata."Hihiramin ko muna ang kotse mo.Ibabalik ko nalang bukas.Namimiss ko ng makasabay kayo kumain ni yaya at missed na missed ko na ang mga luto niya."
"Ihahatid na kita sa baba." "Sure.Magpapaalam din ako kay ate Seana at kay yaya." Inakbayan siya ni Troy at iniyakap naman niya ang braso sa bewang nito.Hindi sila naghiwalay hanggang makarating sila sa ibaba.
Naabutan nilang nagkukuwentuhan ang tatlo.Bakas ang pagkainip sa mukha ni Xander pero tila naglaho yun pagkakita sa kanila ni.May lungkot siyang nabanaag sa mga mata nito nang makita ang magkadikit na naman nilang katawan ni Troy.Hinihintay ba silang bumaba nito?!
Akala ko hindi na kayo lalabas ng kwarto, babysis.",si Seana sabay kindat."Naku hija masanay ka na sa dalawang iyan.Noon ngang nasa kolehiyo sila at magkaibigan pa lang ay halos dito na tumira itong si Troy.",dugtong naman ni yaya habang nakangiti.
Maging sina Kali at Troy ay napangiti rin,except Xander.Seryoso itong nakikinig lang sa usapan."Siya nga pala hijo,bakit hindi kayo sumabay sa amin kanina?Akala ko ba eh namiss mo ang mga luto ko?",may himig pagtatampong wika pa tng matanda.
Inakbayan ito no Troy kapagkuwan."Pasensya na ho talaga yaya.Masyado ko lang kasing missed si Kali.Tska kumain po kami kanina sa labas.Promise,babawi ako bukas,dito ako manananghalian.Kung gusto niyo pati hapunan eh,"malapad ang ngiti ni Troy habang kinakausap si yaya.
Pati ang matanda ay nahulog sa charms nito.Likas na malambing kasi talaga ang binata."Aba'y walang problema,anak.Tamang- tama at bukas ay mamamalengke ako.Ipagluluto kita ng paborito mo,caldereta tama ba?",excited si yaya masyado.
"Wow!Tanda niyo pa rin pala iyon,yaya?"Giliw din ito sa matanda."Oo naman hijo.Makakalimutan ko ba iyon?" Di sinasadyang napalingon siya kay Xander.Si Seana naman ay nakangiti lang habang nakatingin kina Troy at yaya Nora.
Napansin ni Kali na lalong lumungkot ang mukha ng dating propesor. Marahil ay naalala rin nito ang nakaraan.Naging malapit din ito noon kay yaya pero dahil sa ginawa nitong pag- iwan sa kanya at dahil na rin siguro sa sitwasyon ay napansin niya ring medyo ilag dito ang matanda.
Lahat ng ginagawa noon nito ay si Troy ang pumalit.Pati ang dating lugar nito sa buhay nilang lahat.Nakaramdam tuloy siya ng guilt para rito.Kahit naman sobra siyang nasaktan nito ay marami din itong kabutihang nagawa.Iyon nga lang,natakpan iyon lahat ng pagkakamaling nagawa nito sa kanya.
"Ate Seana,yaya,mauna na muna ho ako.Thank you so much sa mainit na pagtanggap niyo sa akin dito.",si Troy na wariy naramdaman ang paglingon niya kay Xander.Napahiya naman siya rito.
"Wala iyon,Troy.So pa'no,aasahan ka namin rito bukas?",ani Seana. Isang matamis na ngiti ang iginanti ng nobyo niya bago bumaling sa dati nilang propesor. "Sir Xander.",halatang napipilitan lang ang binata na mag- approach rito bilang paggalang.
Marahang tango lang ang naging tugon ni Xander. Ramdam niya ang namumuo na namang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki.Piping dasal niya na sana ay huwag makahalata ang ate niya.Buti na lamang at nakatutok ang tingin ni Seana sa cellphone nito ng mga sandaling iyon.
Inakay na niya ang nobyo palabas papunta sa garahe at iniabot dito ang susi ng kotse niya."Umakyat ka agad sa kwarto mo pagkaalis ko,maliwanag?"
Nagulat siya sa sinabi nito."Teka,ang suplado mo yata bigla,ah?Problema mo?",iningusan ni Kali ang nobyo. "Just do what I said.And I'm dead serious,babe." Napangiti siya nang mapagtanto kung bakit ito umaakto ng ganoon.He's still jealous!
"Oo na po.Sungit,hmp!"Alam niya kung paano papawiin ang kasungitan nitong iyon.She was about to hug him pero bigla siya nitong hinila at isinandal sa sasakyan. Then he kissed her hard.
Akmang itutulak niya ito pero hinuli nito ang mga kamay niya.Kung hindi pa nito naramdamang tila kinakapos na siya ng hininga ay wala yata itong balak tumigil.
Masama pala itong magselos,she thought. Sabi na nga ba at mahihirapan na itong kontrolin ang sarili ngayong boyfriend na niya ito."Kung pwede lang na iuwi na kita ngayon,I'll do it!God I'm so crazily in love with you,Kali!"Marahang itinulak niya ito at inayos anf sarili. Sana naman ay walang nakakita sa kanila.
"Nakakarami ka na,Mr. Castro.",kunway naiinis siya.Nahihiyang ngiti naman ang isinukli nito sa kanya at napakamot sa ulo.
"It's your fault.Masyadong matindi yung gayumang ginamit mo sa akin.",he teased trying to lighten up the atmosphere.
"Sige na,baka hinhintay ka na ng ka- meeting mo.Text me agad kapag nasa opisina ka na,okay?"Itinulak na niya ito papasok sa kotse nito.
"Take care,babe." Sumaludo ito sa kanya bago tuluyang isinara ang pinto ng kotse.Tinungo naman niya ang gate para buksan.Ayaw na niyang abalahin pa si Mang Dante dahil siguradong nagpapahinga na iyon. Nagpahabol pa si Troy ng flying kiss sa kanya habang papalabas ng gate bago lubusang isinara ang bintana ng sasakyan.
Natatawang naiiling siya nang isinara niya ang gate. Wala ng tao sa sala nang makapasok siya.Nasa kwarto siguro ni Seana ang dalawa,naisip niya.Eh ano naman?Magnobyo naman iyon walang masama.Kayo nga ni Troy nakailang kissing scenes na eh,anang isang bahagi ng isip niya.
Dumiretso siya sa kusina para uminom ng malamig na tubig.Nauhaw siya sa mga kaganapan.Paakyat na siya sa itaas nang makasalubong niya si Xander.
Tama ang hinala niya,galing nga ito sa kwarto ng ate niya. Tila nais niyang umurong pagkakita rito.Pero magmumukha siyang katawa- tawa pag ginawa niya yun.Kaya dahan- dahang inihakbang niya ang mga paa na pakiramdam niya ay biglang naging kasimbigat ng bakal.
Titig na titig sa kanya si Xander at tila slow motion pa ang pagbaba nito.Mixed emotions were written all over his handsome face.Yes,lalo itong gumwapo.He was ruggedly handsome.Napakalakas pa rin ng dating nito at lalo lang nagpadagdag sa taglay nitong karisma ang maturity nito.
Naramdaman ni Kali ang saglit na pagtigil ng oras at ang mabilis na t***k ng kanyang puso.
Deja Vu?
She remembered Troy's question kanina.Ngayon alam na niya kung anong nararamdaman niya habang nakikipagtitigan sa dating nobyo. But she would never tell Troy whatever she's feeling right now.
Pagkaalala sa nobyo ay tila natauhan siya.Nilampasan niya si Xander at nagmamadaling inakyat niya ang huling baitang ng hagdan.Ni hindi man lang siya nag- abalang lingunin ito.