Chapter Ten

2924 Words
HINDI mawala ang matamis na ngiti sa mga labi ni Xander habang nagmamaneho pauwi sa condo niya sa Ohana Homes,Alabang. Laman pa rin ng isip ang kanyang nobya.Pero kailan ba niya ito hindi naalala?He was crazy over her at ngayon lang nangyari sa kanya ang ganoon. His girlfriend was really beautiful not just in physical appearance, she also has a good heart.Sa paglipas ng mga araw ay lalo niya pa itong nakikilala. Sa kabila ng karangyaan ay simpleng pamumuhay lang ang gusto ni Kali.He was so lucky to have her.In fact,he was already planning for their future. Siguradong- sigurado na siya na ito lang ang babaeng ibig niyang makasama habang buhay.. ang tanging babaeng nais niyang iharap sa altar sa tamang panahon. And they'll surely make a big and happy family someday. He tried all his best para hindi matukso kapag kasama niya ang nobya. May pangako siya kay yaya at sa sarili niya na igagalang ito hanggang sa araw ng kanilang kasal. Pero napakahirap gawin niyon lalo pa at napakaganda ng dalaga.Paminsan- minsan ay di pa rin nila maiwasang makalimot. They almost made out the night after her party, sa garden ng bahay ng mga ito.Noong eighteenth birthday ni Kali. Napakaganda naman kasi nito noon at halos iuwi na niya ang nobya,kung pwede lang sana. Pero mabuti na lamang at pinigilan siya bago pa siya tuluyang matalo ng pagnanasa. Noong gabing iyon ay doon siya nito pinatulog pero sa guest room. He hugged her tight and thanked her for stopping him. He didn't really want to take advantage of her kahit pa alam niyang mahal na mahal din siya nito. Kailangang makapagatapos ito ng pag- aaral.She was also dreaming to be a teacher someday.At full support silang lahat dito lalo na ang ate nito sa Canada na wala pa ring alam sa sitwasyon nila. Thanks to yaya Nora na napaka- understanding.Alam ng binata na makikita at makikilala niya din ang ate ng nobya when the right time comes. Hindi inaasahan ni Xander na isang araw ay bubulabugin siya ng isang malungkot na balita. May malalang karamdaman daw ang kanyang ama at kailangan nitong madala sa ibang bansa.Naroon kasi ang mahuhusay na espesyalista at manggamot at mas mapapabilis ang paggamot dito. Nakiusap sa kanya ang kanyang inang si Doña Zandra na kubg maaari ay magresign na siya sa pagtuturo para asikasuhin ang ama at ang kanilang mga negosyo. Matindi ang naging pagtutol ng binata.Hindi niya kayang i- up ang kanyang trabaho. At lalong hindi niya kakayanin na malayo sa pinakamamahal na nobya.Pero kailangan din siya ng pamilya niya. Litung- lito si Xander at di alam ang gagawin.Tanging sa kaibigang si Ram lamang ang nakaalam ng pinagdadaanan niya.Inilihim niya iyon kay Kaliana. Ayaw niyang magkaproblema ang dalaga at baka maapektuhan ang pag- aaral nito.Pinayuhan siya ni Ram na sundin ang kanyang ina dahil nanganganib ang buhay ng kanyang ama. Pwede naman daw na humingi siya ng leave sa trabaho. Gulung- gulo ang isip niya pag- uwi sa condo niya.He cried in frustration nang makausap ang nobya sa telepono. Nahimigan nitong lasing siya kaya labis itong nag- alala.Dahil doon ay lalo siyang napaiyak. Nagulat pa siya nang bigla itong dumating kasama ang mga kaibigan sina Trish at Tyler.Napaiyak ang dalaga sa dinatnang kalagayan niya. He looked so miserable! Nagpaiwan ito doon para asikasuhin siya.Niligpit ang mga kalat at pinalitan siya ng damit. Panay ang tanong nito kung anong problema pero hindi niya magawang ipagtapat dito ang lahat. Hindi niya kayang saktan ang damdamin ng babaeng kanyang pinakamamahal. Naubos na ang natitirang pagtitimpi ni Xander sa sarili.Dala ng labis na pagmamahal at pati na rin ng kalasingan,he made her his that night. At buong- pusong nagpaubaya naman si Kali. Napakaligaya niya pagkatapos habang pinagmamasdan ang maamo at maganda nitong mukha. Nakaunan ito sa bisig niya at doon na nakatulog kaya hinayaan na lamang niya.Handa siyang panagutan ang nobya.Kung maaari nga lang ay gusto na niya itong pakasalan. She looked like an angel.He showered her face and lips with small kisses.Hindi mawala ang magandang ngiti sa mga labi niya habang patuloy na tinitigan ito. Wala siyang balak matulog,he just wanted to stare at her hanggang magising ito kinabukasan. Naputol ang pagmo-moment niya nang biglang mag- vibrate ang cp niya.It was Ram! Nakasaad sa text nito na may emergency daw sa mansion nila.He was avoiding calls from his mother lately.Kaya ang kaibigan niya ang kinontak nito. Aburido si Xander habang nakatitig sa nobya.Hindi matanggap ng kalooban niya na itong iwanang mag- isa. Sa lahat ng pagkakataon bakit ngayon pa?!Nasapo niya ang noo nang marealize kung anong petsa na. Paano niya nagawang kalimutan ang napakahalagang araw na iyon? Sa huli ay nakapagdesisyon din ang binata. It was a matter between life and death!Tuliro man ay naggawa pa rin niyang mag- iwan ng note para sa nobya. May sariling susi naman si Kali ng condo niya.Lihim na nagpasalamat na lamang siya walang pasok kinabukasan. Pagkatapos maihanda ang mahahalagang gamit ay nilapitan niya ang nobya.Napakahimbing ng tulog nito. Naninikip man ang dibdib ay maingat na kinintalan niya ito ng halik mula sa noo pababa sa labi. "Babalikan kita l,sweetheart.Sana hintayin mo ako.I love you,Kaliana" Then,mabibigat ang mga paang nilisan niya ang lugar at muling nangako sa isip na babalikan ang kanyang minamahal. Isang malalim na buntunghininga ang pakakawalan ng binata pagkatapos magbalik- tanaw sa nakaraan. He didn't know if he's ready to face her yet pero hindi na rin siya makapaghintay na muli itong makita. Muling sinipat niya muna ang sarili sa salamin.Ngayon na ang araw na pinakahihintay niya... TROY BAGO umuwi ay bumalik muna sila sa bookstore.Mabilis na itinago ni Troy sa bulsa ng jacket niya ang regalo niya para kay Kali. He called one of their family's driver at ipinakuha ang kotse niya.Doon na sila sumakay sa kotse ni Kali at siya ang nag- drive.Tahimik lang sila sa biyahe at kapwa malalim ang iniisip. Pinagbuksan sila ni Mang Dante ng gate at ipinasok niya ang kotse sa garahe. Doon na ulit nagtatrabaho ito simula ng makagradweyt si Kali.Nag- migrate na sa California ang pamilya ni Trish at naroon naman ang asawa nitong si Tyler kaya hindi na kailangan ng mga ito ng serbisyo n Mang Dante. Hinawakan niya ang kamay ni Kali pagkababa nito at sabay na silang pumasok sa loob ng bahay.Hindi nila napansin ang isa pang sasakyang nakaparada doon. Nasa b****a na sila ng bigla silang salubungin ni yaya Nora.Tila balisa ito pero nang makita si Troy ay agad ding nagbago ang reaksyon.Bakas ang tuwa sa mukha nito.Agad na nagmano siya sa matanda. "Kumusta na po yaya?Na- miss ko kayo lalo na ang masasarap ninyong luto",he genuinely smiled at the old woman. "Naku hijo,namiss din kita.Akala ko ay nakalimutan mo na kami.Bakit pala ngayon ka lang napadalaw ulit?Aba eh lalo ka yatang gumwapo." Napangiti siyang lalo sa sinabi nito."Hindi rin po talaga kayo marunong magsinungaling yaya.Salamat."siniko naman siya ni Kali."At hindi ka pa rin talaga nagbabago,Castro.Ang yabang mo pa rin!",umingos ito na ikinatawa nila pareho ni yaya. "Yaya,saka na po ang pasalubong ko sa inyo.Ito kasing babaeng ito masyado akong na- missed.Halos ayaw na akong pakawalan."nakaramdam siya ng maliit na kurot sa tagiliran. "Ouch,babe!Masakit!",tumingin siya kay yaya na tila nagpapasaklolo."Bagay lang yan sayo,kapal kasi ng mukha mo.",she rolled her eyes. Grabe talaga ang babaeng ito.Hindi lang bossy at wild,sadista din.Napatingin naman ang matanda sa magkahawak nilang kamay ni Kali.Sanay na ito sa kanila.Minsan nga eh sa kwarto ng dalaga siya natutulog noon. Malaki ang tiwala sa kanya ng matanda at hindi niya inilihim dito ang totoong damdamin niya para sa alaga nito.Napansin niyang biglang sumeryoso ang mukha ni yaya.At medyo nagtataka na siya kung bakit parang pinipigilan sila nitong pumasok sa loob. "May bisita tayo,Kali...",puno ng pag- aalala ang boses nito.Napakunot ang noo ng dalaga at siya naman ay biglang kinabahan."Sino naman ho?Si tito Kamilo ba?Pero ang alam ko ya eh next month pa ang uwi niya?",anang Kali. " Hindi si Kamilo hija.Ang n-nobyo ng a-ate m-mo...Halos magkasunod lang kayong dumating..."si yaya na nagpalipat- lipat ang tingin kina Troy at Kali. Naramdaman ng binata na napahigpit ang hawak ng dalaga sa kamay niya.Magsasalita pa sana si yaya nang biglang may lumabas mula sa kusina.Lahat sila ay napatingin doon. "Sabi ko na nga ba at ikaw yung dumating babysis." Ani Seana habang nakangiti palapit sa kanila. "Oh may kasama ka pala?Troy,right?",anito nang mapabaling ang tingin sa kanya.Nginitianna rin niya ito.Buti at natatandaan pa siya ng babae kahit saglit lang sila nagkita noon sa kasal ni Tyler. "Nice to see you again,ate Seana."Niyakap niya ito at hinalikan sa pisnge."Hindi man lang tayo nakapagkwentuhan last time,sa kasal ni Trish,remember?" "Busy kasi tayo lahat that time, ate."Si Kali na nakisali na rin sa usapan. "Pero don't you worry guys. Marami na kayong oras ngayon para magbonding. Magiging regular na bisita na natin si Troy mula ngayon, ate." Kali looked at him. "Hmmm,finally ay nakilala ko na ang ipinagmamalaki mong Superman sakin, babysis. Alam mo ba Troy, madalas ka niya ikwento sa akin noon. Ikaw daw ang kanyang partner in crime. Mas gwapo ka pala sa personal." Tumaba ang puso niya sa sinabi ni Seana. Medyo namula din siya sa lantarang papuri nito. Totoo palang halos kaugali ito ni Beatris. Katulad ni Kali,napakaganda rin nito at seksi. At mukhang mabait. A real mestiza. Bagay ito at si Xander, naisip niya. At bagay naman sila ni Kali. "Thank you. Napakaganda mo rin po.", he answered her smiling still. "Well,saan pa ba magmamana itong kapatid ko ng kagandahan, diba? Seana winked at him. Natawa siya sa pagiging kalog nito. Sigurado siyang magkakasundo sila. Naramdaman niya ang pagyakap ng braso ni Kali sa bewang niya. "Ate, may sasabihin sana kami ni Troy...". Natigilan si Seana at napatitig sa kapatid habang naghihintay sa sasabihin pa nito. "Boyfriend ko na si Troy." Matagal na hindi umimik si Seana. Nagulat siguro ito. Si yaya naman ay seryosong nakikinig lamang pero hindi nagkomento. "Oh really? Mabuti naman at sinagot mo na rin itong kapatid ko, Troy!" Nawala ang tensyong namayani kanina sa sinabi ni Seana. Iba talaga ang sense of humor nito. At handa siyang sakyan ang mga kalokohan nito. "Pwede na ring pagtiyagaan, ate. Ang totoo marami talagang nagkakandarapang chika babes sa akin pero ewan ko ba. Gumana na yata ang gayumang ginamit sa akin nitong kapatid mo." tumatawang sagot niya kay Seana. Muli niyang naramdaman ang kurot ni Kali sa tagiliran niya. "Welcome to our family, future brother-in-law. " Kinindatan siya muli nito bago bumaling sa kapatid. "Mahusay ka pumili, babysis..I like him." Ngumiti naman si Kali at tinapunan siya ng makahulugang sulyap. "Hindi ka ba galit na nag- uwi ako ng lalaki dito at boyfriend ko na agad?" Napahalakhak si Seana sa tinuran ng kapatid. "Oh c'mon Kali, you're not getting any younger ,sweettie! Nasa tamang edad ka na. Akala ko nga lesbian ka o may balak maging old maid, eh. Buti naman pala at mali ako. I'm so happy for you, babysis." Niyakap nito ang kapatid. Bakas ang labis na tuwa sa mukha nito. "It's obvious this guy's truly madly crazily in love with you. Pero in fairness ha, sa edad mong 'yan ngayon ka pa lang nagkaboyfriend? Bihira na yung ganyan ngayon.." Nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ni Seana. Medyo namutla si yaya Nora. Kung alam lang nito ang totoo.. "Thank you ate. I really love your sister kaya wala kang dapat alalahanin." Troy changed the topic dahil kung hindi ay baka kung saan pa umabot ang usapan. "Salamat Troy. Sa wakas ay mapapanatag na rin ako. Pinuproblema ko kasi talaga ang lovelife nitong kapatid ko, eh. Basta 'wag na muna kayong magpapakasal this year, ako munang mauuna ha." "Ate!" si Kali na halatang nahiya sa kaprangkahan ni Seana. "Wala pa naman kaming napapag- usapang ganyan ni Troy." Apologetic na tumingin ito sa kanya. "It's alright, ate. Next year ko pa naman balak magpropose sa kapatid mo. Syempre ikaw muna ang mauuna." nakangiting sagot niya. Pinanlakihan siya ni Kali ng mata. Akala siguro nito ay nagbibiro lang siya but no, he's serious. Pero hindi niya naman ito bibiglain. Kung para dito ay laro lang ang relasyon nila pwes sa kanya ay totoo iyon. She's already his girlfriend at wala na siyang balak na pakawalan pa ito. Napansin niyang natahimik pareho si Kali at yaya Nora nang mabanggit ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Seana. Inakbayan niya ang dalaga para aluin ito. "Kung ako ang tatanungin ate eh kaya ko pa naman maghintay na maikasal ka. Ewan ko lang dito sa kapatid mo,parang ayaw na kasi ako pauwiin eh", kinindatan niya si Kali. Lalo namang natawa ang ate nito. "Hmmmm, baka naman langgamin dito sa bahay namin sa sobrang kasweetan nyong dalawa." NAtawa ang binata sa biro ni Seana. "Honey, bat ang tagal mong bumalik- - -" Lahat sila ay napatingin sa nagsalita sa likuran ni Seana. Tila natigilan din naman ito pagkakita sa kanila. Lumipad agad ang mga mata nito kay Kali. Hinigpitan ni Troy ang pagyakap sa bewang ng dalaga at halos magdikit na ang katawan nila. Saka niya sinalubong ng tingin ang dating propesor . Nakipagtitigan siya rito nang matagal. He smiled in triumph nang maramdamang iniyakap din ni Kali ang braso nito sa kanya at bumaba doon ang tingin ng nobyo ni Seana. Kitang- kita niya ang pagkislap ng sakit at panibugho sa mga mata nito. Kapagdakay binalingan na nito ang nobya. "Hey hon...I'm really sorry if I kept you waiting.", iniyakap ni Seana ang braso sa nobyo at humilig dito. "Dumating kasi itong kapatid ko na kanina pa natin hinihintay. And guess what? Finally ay may ipinakilala na siya sa aking boyfriend. " Malapad ang ngiti nito habang nagkukwento sa nobyo. Walang kamalay- malay sa tensyong namamagitan sa mga kasama nito. Inabangan ni Troy ang isasagot ng dating propesor but to his dismay he didn't utter a single word. Nanatiling nakatitig lang ito kay Kali habang blangko ang ekspresyon ng mukha.Hindi niya tuloy mahulaan kung ano ang nasa isip nito ngayon. "Mga anak, maiwan ko muna kayo. Maalala ko pala eh may gagawin pa ako sa kusina", ani yaya Nora. Siguradong hindi na nito kayang tagalan pa ang sitwasyon. Tango lang ang isinagot nila ni Kali rito at ngiti naman ang kay Seana. "By the way guys..meet Xander, my fiance." Proud na pakilala ni Seana sa nobyo nito. Inilahad naman ng lalaki ang palad nito pero bago pa iyon tumapat kay Kali ay agad na inabot ni Troy. Mahigpit silang nagkamay habang nagtitigan na tila nagsusukatan ng lakas. Matagal niyang pinangarap ang sandaling ito. Ang muling makaharap ang lalaking karibal niya sa puso ng babaeng pinakamamahal. Noon hanggang ngayon. "Nice to see you again, sir Xander." diniinan niya ang huling linya. Kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagkagulat ng dalawang babae. Wala siyang balak na ilihim ang lahat. Hindi niya ilalaglag si Kali sa ate nito. Mananatiling sikreto lang ang tungkol sa nakaraan nito at ni Xander. Pero hindi nila kailangan pang ilihim kay Seana na minsan ng naging bahagi ng mga buhay nila ang mapapangasawa nito. Naramdaman niyang mas humigpit ang pagkamay ng lalaki sa kanya nang sumiksik si Kali sa katawan niya. Muling sumilay ang ngiting tagumpay sa kanyang labi. Dumako naman ang tingin ni Xander sa dalaga. Gusto niya tuloy ilayo na ito roon. Damn bastard! Hindi man lang itinago ang paghanga sa girlfriend niya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagsilay ng kakaibang emosyon sa mga mata ni Xander habang sinusuyod ng tingin ang dati nitong nobya. Desire! Hindi siya maaaring magkamali. Lalaki rin siya kaya alam niya ang ibig sabihin ng mga tingin nito kay Kali. Sigurado siyang naalala nito ang huling sandali sa piling ng dalaga. Gustung- gusto na niya itong suntukin dahil sa sobrang panibughong nadarama. At para pagbayarin ito sa ginawang pag- iwan noon sa kay Kali. Pero pinigilan niya ang sarili. Alang- alang kay Seana na wala pa ring ideya sa mga nagaganap. Binitawan ng dating propesor ang kanyang kamay at bumaling kay Kali. "Same here. I'm really glad to see you again, my dear students." He smiled at her. Hindi na nito hinintay na abutin pa ng dalaga ang kamay nito dahil ito na mismo ang kumuha sa kamay ni Kali. Troy gritted his teeth. Ano ba ang gusto nitong palabasin? "Mukhang kayo nga talaga ang magkakatuluyang dalawa." makahulugang wika nito. Nahimigan niya sa boses nito ang panghihinayang. Pero bakit pa?Ikakasal na ito kay Seana at maswerte din naman ito sa nobya nito. Kaya lang ay ano kaya ang magiging reaksyon ng babae sakaling malaman nito ang totoo? Mamahalin at pakakasalan pa rin kaya nito ang nobyo kapag nalaman nitong muntik nang masira ni Xander noon ang buhay ng pinakamamahal nitong kapatid?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD