Chapter Nine

2792 Words
Isang araw ay nakasilip ng pagkakataon ang binata para masolo si Kali.Battle for championship noon sa basketball kaya halos lahat ng eatudyante ay naroon sa gym para manood,including Trish. Tiyak na hindi iyon palalampasin ng makulit nyang estudyante dahil star player ang kababata nito na estudyante rin nila ng kaibigang si Ram. Everyone certainly wouldn't want to miss that event except Kali.Dahil naroon ito sa canteen at kumakain mag- isa. Doon ito lagi pumupwesto sa may dulo sa pandalawahang mesa. Malinaw na si Trish lang ang gusto nitong makasabay sa pagkain.Pasimple siyang umorder ng coke at sandwich na ayon kay Trish ay paborito nitong kainin pag recess. Hindi naman siguro iisipin ng dalaga na sinadya niyang magkapareho ang order nila. Maingat na nilapitan niya ito na labis nitong ikinabigla. He was already expecting that reaction from her.But he was not going to let her walk away,not this time.Korner na korner niya ang dalaga. Lihim na nagdiwang ang kanyang puso.Ramdam niya ang pagkailang nito sa kanya.She was really tensed but still he teased her which made her blush again. Kaliana was undoubtedly beautiful but she found her more beautiful when blushing. He felt that strange feeling inside him again. At sa malas ay tila nabasa nito ang nasa isip niya.Sinasabi na nga ba at hindi magandang ideya na lapitan niya ito.Baka hindi niya makontrol ang sarili. He was planning na sumabay sana dito pabalik sa room dahil nakiusap sa kanya ang kaibigang si Ram na mag- substitute muna dito. Ito kasi ang coach nina Tyler Collins na sigurado siyang magchachampion sa final battle. But he didn't want to scare Kali.Nag- aalala siya na baka pag nagtagal pa na kasama niya ito ay makagawa siya ng hindi dapat. Hindi niya pa gaanong nakokontrol ang sarili niya pagdating dito,pero pinag- aaralan niya Kaya hinayaan na lang niya itong umalis pagkatapos nilang kumain.Lingid sa kaalaman nila pareho na may mga matang kanina pa nakamasid sa kanila. Xander tried to act normal the following days.Pero nanatiling nakasubaybay sa dalaga. One morning,he saw her walking at the hallway.Nagmamadali ito.And he knew why natatakot itong ma- late sa klase. Kaliana was always punctual.And so was he.Pero ng araw na yun ay late na rin siya and that was because of her.Napuyat siya kakaisip dito last night. Hinabol niya ang dalaga.Daig pa pala nito ang zombie kung maglakad pag nagmamadali ito. Nang maabutan niya ito ay hindi na siya nag- aksaya pa ng panahon. He asked for her number at kinasihan siya ng pagkakataon.Wala na itong oras para maf- isip. He felt so happy when she gave her the paper where her number was written.Pero pinigilan niya ang sarili na tawagan at itext ito.He just saved her number. Not to soon,Xander,he said to himself. Ayaw niyang biglain si Kaliana.Kaya't nag- isip siya ng paraan kung paano mapapalapit dito nang hindi halata ang tunay niyang motibo. So one weekend,he decided to talk to her.He secretly prayed na sana ay magtagumpay ang plano niya. Alam niyang kasabay nitong umuuwi sina Trish at Tyler kapag weekend.He patiently waited for them habang nakakubli sa isang poste malapit sa hallway. He pretended na may katext siya para in case may makapansing estudyante kanya ay may alibi siya. Buti na lang at madalas ay sabay sila mag- out ni Ram kaya hindi na tiyak mag- uusisa ang mga makakakita sa kanya doon. Ngunit nang matanaw na paparating na ang hinihintay ay inatake siya bigla ng hiya.Daig niya pa ang binatilyong natorpe nang makita ang crush. Nakalayo na tuloy ang mga ito.Agad niyang hinabol ang dalaga na nooy nasa hulihan ng dalawa, nina Trish at Tyler.Bahala na kung may makakita sa kanya.Ang mahalaga ay maabutan niya si Kaliana. It was almost a whisper when Xander mentioned Kaliana's name but enough para marinig nito iyon.Awtomatikong napalingon ang dalaga sa binatang propesor. Malaking tao si Xander kaya bumangga ang dalaga sa katawan niya.Halos dikitan niya na kasi ito sa takot na baka hindi niya maabutan. Buti na lang at mabilis ang reflexes ng binata at naagapan ang muntik ng matumbang si Kali.Malakas kasi ang naging impact ng pagkakabangga nito sa kanya. Pakiwari niya ay tumigil ang mundo habang nakaaalalay siya rito. Abot- abot ang tuksong inabot nila kay Trish at Abot- abot ang tuksong inabot nila kay Trish at lalo siyang nagiliw sa kanyang jolly student and soon to be bestfriend. Diyata't pati siya ay nahawa sa kabaliwan nito. Panay pa ang kindat nito sa kanya na alam niyang wala namang malisya pero hindi nakaligtas sa kanya ang pagseselos ni Tyler. It was obvious that Kali didn't want to be left there with him,alone.Hindi na naman maawat ang pamumula nito. Thanks to Tyler and Trish dahil ang mga ito na mismo ang gumawa ng paraan para mapagsolo sila ng dalaga.At labis niya iyong ipinagpasalamat. Bibigyan niya ng mataas na marka ang dalawang iyon.Funny,pero sa totoong buhay ay kinakabahan din siya at natotorpe.At ngayon lang niya naranasang panghinaan ng tuhod sa harap ng isang babae. Ibinilin ni Trish bago umalis na ihatid niya ang kaibigan nito which is plano naman talaga niyang gawin. Hindi niya lang alam kanina kung paano ia- approach ito. Hulog talaga ng langit si Trish dahil may solusyon ito lagi sa problema niya kahit wala naman talaga itong kaalam- alam sa totoong tumatakbo sa isip niya. Pero tila napapasong nagmamadaling umalis si Kali pagkatapos niyang ipaliwanag dito ang plano niyang ipagawa rito. Naiwan siyang tulala at nawalan na ng lakas ng loob na pigilan ito.He was about to follow her when suddenly he received a text message from Ram. Pinapupunta siya nito sa opisina nito.They just discussed some important matters na hindi naman nagtagal.Nauna siyang umalis dito dahil may aasikasuhin pa daw itong ibang bagay. Eksaktong papalabas ang kotse niya sa gate ng OU nang mamataan niya ang pamilyar na anyo ng isang babae. That was Kaliana.He wouldn't be mistaken.Kilalang- kilala niya ito kahit sa malayo. At nagulat siya nang sumakay ito sa kotse ni Troy Castro,isa rin sa mga estudyante nila ni Ram. Labis niyang ipinagtaka kung bakit naroon pa ang dalaga samantalang kanina pa ito nakaalis. Hindi ba dumating ang sundo nito?Ibig sabihin kanina pa ito naghihintay sa labas? Bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi at panghihinayang. Sana pala ay hinabol niya ito agad kanina.Ang daming tanong sa isip niya at kinain na rin ng selos ang buong sistema niya. He was not her stalker for nothing.Alam niya halos lahat ng detalye tungkol sa dalaga at kabilang na doon ang balak ni Troy na opisyal na panliligaw dito. Napag- alaman niya na matagal nang may lihim na pagtatangi kay Kali ang guwapo niyang estudyante. Magkatabi lang ang condo nila kaya naririnig niya at minsang mag- inuman ito kasama ang barkada ay inalok siya ng mga ito.Hindi naman siya tumanggi. At doon niya nalaman ang tungkol sa plano nito.Alam niyang seryoso si Troy pero at mabuti itong tao pero hindi niya matanggap na may ibang magmamay- ari sa dalaga. She was already his. He might sound possessive pero iyo ang totoong nararamdaman niya.She was too special for him.And he promised to himself he would do everything to win her heart. Kahit pa alam niyang bawal iyon at nanganganib ang career niya.Handa siyang isugal ang lahat para sa pag- ibig niya kay Kaliana Morales. He secretly followed Troy's car hanggang makarating ito sa bahay ng mga Morales na matagal na rin niyang tukoy. Yes,he always follow her para masigurong nakakauwi ito ng ligtas. Ipinagbukas pa ito ni Troy ng sasakyan at saglit na nag- usap pa ang dalawa bago tuluyang nagpaalam sa isa't - isa.Lalong tumindi ang panibughong nararamdaman ng binata. Halos kalahating oras ng nakaalis ang sasakyan ni Troy pero nanatiling nakaparada ang kotse ni Xander sa harapan ng gate ng mga Morales. Baliw na yata siya dahil halos kabisado na niya pati ang kinaroroonan ng kwarto ng dalaga. Nang mamatay ang ilaw sa kwarto nito ay agad niyang idinayal ang numero nito. "Bahala na",kinakabahang bulong niya sa sarili.Nalulungkot talaga at nanghihinayang ang binata dahil naudlot ang plano niya dapat na paghatid dito.Naunahan tuloy siya ng estudyante niya. Pero napawi din agad lahat ng pagdaramdam niya nang marinig ang malamyos na tinig ni Kaliana. Ayaw sana niyang madaliin ito pero hindi na siya dapat pang mag- aksaya ng panahon.Bago pa siya maunahan ni Troy. Mali na kung mali pero hindi na iyon mahalaga.Kailangan na niyang simulan ang plano sa lalong madaling panahon. KINABUKASAN,habang nagmamaneho pauwi sa condo niya ay hindi mawala ang ngiti sa labi ni Xander.Naalala ang imahe ng dalaga.Talagangnapakaganda nito kahit sa simpleng kasuotan. She looked so hot in plain t- shirt and shorts.She has shapely legs na makinis katulad ng mukha nito.Hindi niya ito papayagang lumabas na ganoon ang outfit lalo na ngayon na nobya niya na ito. Hindi man siya nito direktang sinagot pero nakakatitiyak siyang pareho sila ng nararamdaman. Kaya naman walang pagsidlan ang kasiyahang kanyang nadarama. Wala sa plano niyang halikan ito kanina pero hindi na niya napigilan ang sarili.He was right.. her lips was soft and sweet. Hindi niya maitago ang nadaramang kilig.Nag- uumapaw ang pag- ibig niya para sa dalaga.Kung pwede lang na pakasalan niya na ito ay gagawin niya. Dumaan muna siya kay Ram at ipinagtapat dito ang lahat.Napansin niyang tila natigilan ito nang malamang nobya na niya si Kaliana Morales. Marahil ay nagulat lang ito sa ibinalita niya kaya ganoon ang naging reaksyon nito. Hindi naman ito nagkomento bagkus ay pinaalalahanan lamang siya sa possible consequences ng ginawa nya. Ang pagkakaroon ng romantic relationship sa kanyang estudyante.Medyo nagtataka na nga siya minsan sa kaibigan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong girlfriend. Gwapo din naman ito at maswerte ang babaeng mamahalin nito.Pagdating sa kanyang unit ay ibinagsak ng binata ang katawan sa kama. Nakangiting nakatitig lang kisame habang inaalala ang namagitan s kanila ng Kaliana,ng babaeng mahal niya. Pagsapit ng Lunes ay sabik na sabik siyang masilayan ang dalaga.Obviously,nahihiya at naiilang pa rin ito sa kanya kaya naging maingat siya sa mga kilos niya. Ibayong pagtitimpi ang ginawa niya para hindi ito palaging titigan habang nasa classroom. He decided to remain a stalker. Her stalker. She gave her time para makapag- adjust. Ayaw niya ring malagay ito sa alanganin lalo pa't dean's lister ito.Sa text at tawag lang sila madalas magkausap. Nakuntento na muna siya sa ganoong set up tutal kahit papaano ay nakakasama naman niya ito sa klase. Successful ang naging result ng project nilang dalawa at hindi siya pumayag na hindi sila magkatabi sa class picture.Wala namang nagawa ang kanyang nobya. Hindi na siya nagtaka nang isang araw ay salubungin siya ng makahulugang tingin at mapanuksong ngiti ng magkakababatang Trish at Tyler. Siguro ay nagtapat na si Kali sa mga ito.Kinausap na rin niya si yaya Nora.Hindi nakaligtas sa kanya ang tila pag- aalinlangan ng matanda pero hindi niya alam kung para saan yun dahil inamin din naman nito sa kanya na boto ito sa kanya para kay Kali. Nangako itong ililihim sa ate ng dalaga ang lahat dahil may tiwala naman daw ito sa kanya.Alam ng matanda na malinis ang intensyon niya sa nobya. Nangako din si Xander naniingatan niya si Kali lalo at bata pa ito.He promised he will respect her,too.At hindi niya rin hahayaang mapabayaan nito ang pag- aaral dahil lang sa may nobyo na ito. Regular na inihahatid niya ang nobya pauwi pero hindi na ito pumayag na sunduin niya.Baka mahalata na daw sila masyado. Isa pa,kasabay naman nito palagi si Trish pumasok. He was happy na kahit ramdam niyang naiilang pa rin sa kanya si Kali minsan dahil palagi niya itong nakakasama.Madalas ay doon na siya naghahapunan sa mga Morales. Tuwang- tuwa si yaya at ganado lagi magluto dahil paboritong- paborito niya ang mga luto nito. Minsan ay may dala na siyang lutuin kapag bibisita doon.Nag- volunteer din siyang maging regular service ni yaya tuwing mamamalengke ito at mago- grocery. Natatawa lang silang magnobyo kapag tinutukso sila na Trish.Napakabilis daw niya naunahan pa ang torpe nitong kababata.Kulang na lang ay ito ang manligaw kay Tyler. Inamin niyang natakot siyang maunahan sa panliligaw ni Troy kaya hindi na siya nagpatumpik- tumpik pa. Nasaksihan niya ang labis na pagdadalamhati ni Troy nang bastedin ito ni Kali.Naglasing ito at umiyak sa mga kaibigan nito.Talagang mahal na mahal din nito ang nobya niya.High school pa lang daw ay may lihim na pagtingin na ito sa dalaga. He was very lucky for winning Kaliana's heart.Napaamo niya ang pihikan nitong puso.Kayat hindi na rin siya nagselos kahit naging malapit ito at si Troy pagkatapos.Alamniyang siya lang ang nagmamay- ari ng puso nito. Days passed by and their relationship remained a secret. Sina Kali at Troy ang nagwagi bilang Ms. and Mr. Valentine at medyo nalungkot siya. Ngunit hindi niya hinayaang lumipas ang gabing iyon na hindi niya naisasayaw ang nobya.She was so beautiful that night. Tila isa itong diyosa.At buong pagsasayaw nila ay nagtitigan lamang sila. Para hindi makahalata ang iba,isinayaw niya ang lahat ng estudyante niya. NAGING napakasaya ni Xander nang mga sumunod pang araw sa piling ni Kali.He'd never thought he could experience such happiness. At hindi yata niya kakayanin kung mawawala pa sa kanya ang babaeng pinakaiibig. Tumataba ang puso niya kapag inaasikaso siya ng dalaga tuwing bibisita siya sa bahay nila. She was very sweet and caring.Tuluyan na ring nawala ang pagkailang nito sa kanya. Tuwing monthsarry nila ay namamasyal sila pero sa ibang lugar.She was so afraid na baka may makakita sa kanila. Nauunawaan naman niya ito.They watched movies and went to beautiful places. And they both treasured every moment if their togetherness. Gustung- gusto na niyang ipakilala sa mga magulang niya at sa buong mundo ang kanyang nobya pero hindi pa tamang panahon.Hihintayin na lang niya na makatapos ito ng pag- aaral. Xander was so happy when she told him na balak siya nito ipakilala sa mga magulang nito. Sa harap ng puntod ng mag- asawang Morales ay buong pagmamalaking ipinakilala siya ni Kali bilang nobyo. Pakiramdam niya ay natanggap niya ang basbas ng mga ito. Nagtaka siya nang mapansing may bulaklak na tila kalalagay lang doon pero hindi na niya binanggit sa nobya. Masyadong masaya ito at ayaw niyang sirain yun. Naging palaisipan sa kanya ang pangyayaring iyon.Imposibleng si yaya dahil pag dumadalaw iyon ay kasama lagi ni Kali. Ngayon lang hindi sumama ang matanda dahil alam nito ang plano ng alaga.Kali was really beautiful not just in physical appearance, she also has a good heart. Sa paglipas ng mga araw ay lalo niya pa itong nakikilala. Sa kabila ng karangyaan ay simpleng pamumuhay lang ang gusto nito.He was so lucky to have her. In fact,he was already planning for their future. Siguradong- sigurado na siya na ito lang ang babaeng ibig niyang makasama habang buhay.. Ang tanging babaeng nais niyang iharap sa altar sa tamang panahon.And they'll surely make a big and happy family someday. He tried all his best para hindi matukso kapag kasama niya ang nobya.May pangako siya kay yaya at sa sarili niya na igagalang ito hanggang sa araw ng kanilang kasal. Pero napakahirap gawin niyon lalo pa at napakaganda ni Kali.Paminsan- minsan ay di pa rin nila maiwasang makalimot. They almost made out the night after her party, sa garden ng bahay nina Kali,noong eighteenth birthday nito. Napakaganda naman kasi nito noon at halos iuwi na niya ang nobya,kung pwede lang sana. Pero mabuti na lamang at pinigilan siya ng dalaga bago pa siya tuluyang matalo ng pagnanasa.Noong gabing iyon ay doon siya nito pinatulog pero sa guest room. He hugged and thanked her for stopping him.He didn't really want to take advantage of her kahit pa alam niyang mahal na mahal din siya nito. Kailangang makapagatapos ito ng pag- aaral.She was also dreaming to be a teacher someday.At full support silang lahat dito lalo na ang ate nito sa Canada na wala pa ring alam sa sitwasyon nila. Thanks to yaya Nora na napaka- understanding.Alam ng binata na makikita at makikilala niya din ang ate ni Kali when the right time comes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD