Chapter Four

2940 Words
FRIDAY ng hapon,naglalakad na pauwi sina Kali at Trish.Kasabay nila si Tyler.May praktis pa dapat ito kasama ang team pero usapan nito at ni Trish na kapag weekend ay sasabay sa kanila. Nauna ang dalawa at hinayaan niya makapag- bonding ang mga ito.Mabait si Tyler kaya kasundo niya rin ito kahit ito lang talaga at si Trish ang magkababata. Half- American ito kaya gwapo rin at tisoy.Katulad nila ni Trish ay may sinasabi din sa buhay ang pamilya nito pero kagandahan dito ay hindi rin ito mayabang. Hindi niya maintindihan ang dalawa kung bakit hanggang ngayon ay walang umaamin sa mga ito.Alam niyang may pagtingin pareho sa isa't - isa sina Trish at Tyler. Napakunot- noo si Kali dahil parang may tumatawag sa pangalan niya.It was almost a whisper pero sapat na para marinig niya.Awtomatikong napahinto siya sa paglalakad at napalingon. Muntik siyang mapasigaw ng bumangga siya sa malaking bulto ng katawan.Akala niya ay matutumba rin siya dahil nawalan siya ng balanse pero naagapan siya ng makisig na lalaki na ngayon ay nasa harap niya. Napalingon din sina Trish at Tyler nang hindi siya maramdaman ng mga ito.Medyo malayo na kasi ang agwat ng dalawa sa dalaga. A sweet smile was formed on Trish's lips upon seeing the scene.Tyler decided to broke the silence. "Hello sir Xander." Palihim na kinurot ni Trish si Kali nang makalapit ito sa kanya dahilan para siya ay mapaigtad.Nahihiyang binitawan ni Xander ang pagkakaalalay sa dalaga. "Sorry guys,alam ko pauwi na kayo but can I borrow Kaliana for a while?",si Xander. "Parang nanghihiram lang ng libro sir ah,"si Trish ulit. Namula naman sa pagkapahiya ang binata at napagtanto ang kanyang kapangahasan. Pero agad ding ngumiti ng matamis ang makulit niyang estudyante."Just kidding sir," kinindatan pa ni Trish ang propesor.Ikinasimangot iyon ni Tyler. "Oo nga pala beb,nakalimutan kong sabihin sayo na may lakad nga pala kami ngayon ni Ty.Kailangan na namin umalis.." Medyo nabigla si Tyler nang bigla itong akbayan at hilahin ni Trish pero agad din itong nakabawi. "Yeah Kali,sorry but we really have to go.Magde- date kami ngayon nitong kaibigan mong luka- luka.",sang- ayon ni Tyler. Pinanlakihan ni Kali ng mata ang dalawa.Alam niyang pinagkakaisahan siya ng mga ito. Abot- tenga ang ngiti ni Trish at hindi man lang naalarma sa warning look na ibinigay niya sa mga ito. "Manonood kami ng sine beb.Nagmamaktol na itong panget na to at matagal na naming plano pero di matuloy- tuloy." Gustong magprotesta ng dalaga pero magmumukha naman siyang bata na takot iwanan ng ina.Kahit ang totoo eh sobrang ninenerbiyos talaga siya na maiwan mag- isa kasama ang propesor nila. "Pa'no sir,kayo na po ang bahala kay Kali.."Nakangiti si Tyler kay Xander.Ngumiti din ang binata sa mga kaibigan niya. "May sundo po iyan sir pero tatawagan ko na lang si Mang Dante na wag ka na lang sunduin beb.Sir,okay lang ba kung ihatid mo ang bestfriend ko pagkatapos nyo mag- moment este mag- usap." Makakatikim na talaga itong si Trish sa kanya,usal ni Kali sa isip.Hindi siya makaporma dahil naiilang siya kay Xander at alam yun ng kaibigan niya kaya sinasamantala nito lalo ang sitwasyon. Anong klaseng kaibigan ito at ibinubugaw siya. Sus,kilig ka naman!Hirit ng boses na laging kumokontra sa kanya. "My pleasure."All smiles si Xander nang binalingan sina Trish at Tyler.Gusto niyang tadyakan ito.Ano kaya kung mag- walk out siya sa eksena?Paano niya gagawin iyon na hindi siya lumalabas na bastos?She let a deep sigh. "Mabuti pa umalis na kayong dalawa at weekend ngayon.Baka gabihin kayo masyado.Ingat ha?",ani Xander na tila tinataboy na ang dalawa. "Thank you sir,ang sweet mo talaga.Kayo din po ah,ingatan mo yang bestfriend ko.",nagpapacute ng todo si Trish sa binatang propesor. Natawa ang propesor habang si Tyler ay halatang nagseselos na.Nakakapit na ito sa braso ng kababata. "Of course.Ako na ang bahala sa kaibigan niyo.I assure you she's in good hands.",nakangiting wika ni Xander.Impit na napatili naman si Trish.Pero itinago ni Kali ang kilig sa sinabi ng binata. Nagpapasaklolong tumingin siya sa kaibigan.Ayaw niyang maiwan doon pero sa malas ay tumalikod na ang mga ito sa kanila at nagsimulang maglakad palabas. Nanlumo ang dalaga pero nang biglang tumigil si Trish ay nabuhayan siya ng loob. Mahal talaga siya ng kaibigan at hindi siya nito matiis.Hindi siya nito iiwanan.. "SIR Xander,Kali,baka gusto niyong sumunod.Maganda ang panonoorin namin.Romance.Wanna know the title?" May kislap na naglalaro sa mga mata ni Trish.Walang tumugon sa kanila ni Xander pero napansin niyang mas dito nakatuon ang paningin ng kaibigan. "Can't Take My Eyes Off You." Mahina pero may diin ang pagkakasambit ni Trish.Naging sanhi yun para mamula na naman ang dalaga.Napangiti si Xander.Tiyak na nakuha nito ang punto ni Beatris. "I'm sure makakarelate kayo,sir."Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ng binata. Next time,Trish.Not now,but SOON.",tila puno ng kumpiyansa ang binata.Lalong lumawak ang ngiti ng kaibigan niya sa narinig.Bumalik lang pala ito para mang- asar.Pagkatapos ay tuluyan nang umalis ang dalawa. Naiwang nangingiti pa rin si Xander habang siya ay nanigas sa kinatatayuan.Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng binatang propesor. "You look pale,Kaliana.Scared of me?"Si Xander na ang bumasag sa katahimikan.Sobrang nininerbiyos ang dalaga but she tried to be formal.She stood firmly kahit nangangatog ang tuhod niya. Xander also felt the tension kaya kahit gusto pa niyang makasama ang dalaga ay minadali na niya ang pakay. Balak naman niyang ihatid ito mamaya kaya may oras pa siya para makasama ito."I heard you're the class president,Kaliana." Mas gusto talaga nitong tinatawag siya sa tunay niyang pangalan,naisip ni Kali. She nodded and just listened to him.He briefly explained his plans to her and that he'll be needing her help. Halos walang naintindihan si Kali pero rumehistro sa isip niya ang impormasyon na magtatagal pa ito sa Unibersidad.Ang alam niya kasi ay pansamantala lang itong magtuturo doon pero mukhang regular na ito. Lihim na natuwa ang dalaga at nabuhayan ng loob.Ibig sabihin ay makikita pa niya ito at makakasama ng matagal. "I really hope you can help me with this,Kaliana.",nakikiusap ang tono nito. "Don't worry sir.I'm willing to cooperate",napipilitang sagot niya."Pasensya na kayo sir pero kailangan ko na po talagang umalis.Baka kanina pa po naghihintay ang sundo ko sa labas". Hindi na hinintay ng dalaga na makasagot ang propesor.Dali- dali na siyang umalis kaya hindi na niya nasaksihan ang panlulumo at kalungkutan sa gwapo nitong mukha. HALOS manlumo si Kali nang makatanggap ng text mula kay Trish. Sinabihan na daw nito si Mang Dante na wag na siyang sunduin.Kaya pala halos isang oras na siyang naghihintay ay hindi pa rin ito dumarating. Hindi naman niya makontak ang yaya Nora niya dahil malapit na rin siya malowbat.Isa pa mahina ang signal sa kwarto nf matanda. Gusto niyang sabunutan si Trish pero nasaan ba ito?Nagliliwaliw at nagpapakasaya kasama ni Tyler.Unti- unti nang dumidilim kaya kinabahan lalo ang dalaga. Malayo pa naman ang sakayan ng jeep.Hindi naman kasi malapit sa hi- way ang University na pinapasukan niya.Hindi niya alam kung paano siya makakauwi.Tiyak na alalang- alala na sa kanya ang yaya niya.Never pa siya ginabi ng uwi pwera na lang kung may mga activities na mahahalaga sa klase. Nilingon niya ang gate ng Unibersidad,bukas pa naman pero sigurado siyang halos nakauwi na lahat ng estudyante pati mag guro. May natanaw siyang pulang sasakyan na palabas at himalang tumigil ito sa tapat ng kinaroroonan niya.Napakunot- noo ang dalaga.Kagyat na nagulat siya nang may lumabas sa sasakyan at lumapit sa kanya. "Kali,bakit nandito ka pa?Gabi na ah.Where's Trish and Tyler?Ang alam ko sabay kayo umuuwi pag weekend?",mahabang litanya ng lalaki na bakas ang pag- aalala sa mukha. It was Troy Castro,Tyler's classmate and close friend.Member din ito ng varsity team na kinabibilangan ni Ty.Hindi agad nakahuma ang dalaga. "Tara sabay ka na sa akin.Ihahatid na kita sa inyo.Bakit wala kang sundo?Buti na lang pala at gabi na natapos ang praktis namin.", Marahang hinila siya ni Troy at iginiya sa kotse nito.Ipinagbukas muna siya ito ng pinto saka ito umikot at sumakay. Tatanggi pa sana ang dalaga pero wala na siyang choice.Natatakot rin siyang maiwan mag- isa doon.Mukha namang mabait ang lalaki at kilala naman niya ito. Nasa passengers seat sila pareho dahil may sariling driver si Troy. Naiilang siya dito dahil hindi naman talaga siya friendly at jolly gaya ni Trish. Matagal na niyang kilala si Troy dahil kaibigan ito nina Tyler at Trish.Isa pa sikat ito sa buong campus.Pero sapat na sa kanya si Tyler na kaibigang lalaki palibhasa kababata ito ng bestfriend niya at kasundo niya rin naman ito. "Hey,ang tahimik mo talaga. "Halatang nahihiyang magbukas ng topic si Troy. Matipid na ngiti lang ang itinugon niya rito. Hindi na siya kinulit at inusisa pa nitong muli habang nasa biyahe sila.Wala rin silang kamalay- malay na may sasakyan palang nakasunod sa kanila kanina pa. GWAPO si Troy at mula din sa mayamang angkan.Kahit heartthrob ito sa University nila dahil sa taglay nitong kaguwapuhan at husay sa sports ay hindi lumalaki ang ulo nito. Kaya siguro kasundo ito ni Tyler maging ni Trish. Madalas niya itong mahuli noon na nakatingin sa kanya lalo na kapag sinasamahan niya minsan ang kaibigan niya na pasyalan ang kababata nito. Lagi siyang nginingitian at binabati ni Troy pero tango lang lagi ang iginaganti niya rito. Nagtangka itong makipagkaibigan sa kanya noon pero ipinasabi niya kay Trish na huwag na siya nitong pag- aksayahan ng panahon. Hindi siya manhid.Alam niya kung ano talaga ang pakay nito pero ayaw niyang paasahin si Troy.Isa pa ayaw niyang sirain ang pangako niya sa ate niya. Troy was really handsome at aminado siya roon.Just like Tyler may dugong foreigner din ito.Matikas din ang katawan nito kahit dipa fully- developed. His eyes were always smiling at malakas ang dating nito.Ito ang kinababaliwan ni Stacey noon pero tila nagbago ang ihip ng hangin nang makita nito ang binatang propesor nila. Mas type na din yata nito ngayon ang lalaking mas mature.Xander was a typical moreno.Lalaking- lalaki ang dating.Naipilig niya ang ulo. Bakit ba niya ikinokompara ang dalawang lalaki?Medyo na- guilty siya dahil sa inasal kanina.Bigla na lang niyang iniwanan ang binata. "We're here,Kali",anang Troy na nakapagpabalik ng huwisyo niya.Natigil ang pagmumuni- muni niya kasabay ng pagtigil din ng sasakyan sa harap ng gate nila. Napatingin siya sa lalaki nang may pagtataka dahil hindi niya naman nabanggit kung saan ang address niya.Nakalimutan niyang sabihin dito dahil hindi rin naman nito tinanong. Napakamot naman si Troy sa ulo."Madalas kasi namin madaanan itong sa inyo kapag sinusundo namin ni Tyler si Trish."Apologetic na sabi nito. Talaga naman ang kaibigan niya.Ang dami ng kasalanan sa kanya ng babeng yun.Sa iisang subdivision nga lang pala sila nakatira ni Beatris.Hindi alam ni Kali kung palusot lang iyon ng lalaki o talagang inalam nito kung saan siya nakatira. Binalewala na lang muna niya ang isiping iyon. Muli siyang ipinagbukas nito ng pinto.Hindi lang pala ito gwapo maginoo rin. "Thank you so much Troy.Pasensya na rin sa abala",saad ng dalaga pagkababa nila."Wala iyon.Basta ikaw."He smiled at her. "Mas thankful ako dahil kahit napakailap mo nagtiwala ka sa akin ngayon."Na- guilty naman si Kali sa tinuran ng kaharap. "I'm really sorry for the old times,Troy.But of course I trust you.You're Tyler's friend at pati na rin ni Trish."Kali smiled at him,too. "Does it mean you consider me as a friend already?",puno ng pag- asang tanong ni Troy.Saglit na nag- isip ang dalaga bago sumagot. "Okay.Friends."Ngumiti siya kay Troy at nakipagkamay tanda ng kanilang pagkakaibigan.Wala naman sigurong masama kung pagbigyan niya na itong maging magkaibigan sila.And besides may utang na loob siya rito. "Thanks Kali.Finally..",bakas ang matinding kasiyahan sa mukha nito at tiningnan pa ang magkahawak nilang kamay.Medyo nailang siya kaya marahan niyang binawi ang kamay dito. Pagod na siya at gusto na niyang magpahinga. "Thanks again Troy pero kailangan ko na pumasok sa loob". Halatang nadismaya at nalungkot si Troy pero pinilit pasayahin ang mukha. "Oh sorry.Salamat talaga Kali.You made my day."This time his smile was genuine.Nailing na lang ang dalaga. "See you on Monday,Troy.Ingat ha?Bye!"Iyon lang at tuluyan nang tinalikuran ni Kali ito.Nag- doorbell siya at maya- maya ay pinagbuksan na siya ng yaya Nora ng gate. Hinintay muna ni Troy na makapasok nang tuluyan si Kali bago ito muling lumulan sa kotse at umalis.Nag- aalalang mukha ni yaya Nora ang sumalubong kay Kali. "Susmaryosep na bata ka,saan ka ba galing at ngayon ka lang,ha?Aba'y kanina pa ako hindi mapalagay.Ngayon ka lamang ginabi ng uwi baka ikako kung napaano ka na",mahabang litanya nito. "Pasensya na po yaya,sina Trish po kasi at Tyler nagyaya manood ng sine kasi weekend naman daw po.Hindi ko po kayo natawagan at lowbat po ako.Wala din pong pantawag yung dalawa." Ayaw niya magsinungaling pero ayaw niya ring mag- alaala pa ang matanda.Kilala nito ang magkababata dahil madalas niyang maging bisita ang mga ito."Inihatid naman po nila ako,yaya." "Akala ko ay kung napaano ka na tatawagan ko na sana ang ate Seana mo kaya lang ay biglang tumunog ang doorbell."Hindi pa rin humuhupa ang pag- aalala nito. "Huwag na po.Andito na po ako at okay lang ako.Promise sa susunod po magpapaalam muna ako sa inyo." Pilit niyang pinapakalma ito.May nerbiyos pa naman ang matandang tagapag- alaga nila. Ayaw niyang mag- alala pati ang ate niya dahil alam niyang napakarami din nitong inaasikaso sa Canada. "Ano po pala ang iniluto niyo for dinner?Gutom na po ako.Tara na pong kumain." Iniba niya ang usapan para tumigil na ito sa pag- aalala.Pagdating sa kanilang magkapatid ay napaka- nerbiyosa nito.Kaya mahal na mahal nila ito ng ate niya. Ito na ang nakagisnan nilang lola dahil hindi na nila naabutan ang grandparents nila on both sides. "Nagluto ako ng tinolang manok.Ilang araw na rin tayong hindi nakakahigop ng sabaw",sagot ng matanda at nagpatiuna sa kusina.Tiyak na maghahain na ito para sa hapunan nila. Na- excite ang dalaga sa tinola kaya pagkalapag ng bag ay dumiretso na siya sa kusina.Hindi na siya nag- abala pang magpalit ng damit pambahay.Talagang gutom na siya. Magkasalo silang kumain ng matanda.Sobrangnagustuhan niya ang luto nito.Sabagay lahat naman ng lutuin nito ay masarap.Tuwang- tuwa ito sa kanilang magkapatid dahil hindi daw sila pihikan katulad ng ibang anak mayaman. Totoong hindi siya mapili sa pagkain pati na rin ang ate niya.Tinuruan sila ng magagandang asal ng yumaong mga magulang at dahil doon ay nagpapasalamat sila.Lumaki silang mabubuting tao at may takot sa Panginoon. Pagkatapos kumain ay hinayaan na siya ni yaya Nora na umakyat sa kwarto niya.Talagang napagod siya sa maghapon.Babawi na lang siya bukas tutal walang pasok. Tutulungan niya itong maglinis ng bahay at maglaba.Bukas na lang din niya kokomprontahin si Beatris. Muntik na siyang mapahamak dahil sa kalokohan nito.Buti na lang at nakita siya ni Troy.Biglang tumunog ang cellphone niya at kumunot ang noo niya dahil unknown number ang tumatawag.Pero out of curiosity ay sinagot na rin niya ang tawag. "Hello?," she said as she pressed the answer button. "Kaliana..",mahina ang boses ng nasa kabilang linya pero buong- buo.Muntik nang mahulog sa kama ang dalaga. How can she ever forget that voice?Ito lang naman ang nagmamay- ari ng boses na nakakapagpatindig ng balahibo niya at nakakapagpanginig ng mga tuhod niya. "Sir Xander..",halos paanas ding sagot niya.Malakas na malakas na naman ang tahip ng dibdib niya. "I'm really glad you recognize my voice very well,Kaliana.Naistorbo ba kita?"Napapikit si Kali habang pinakikinggan ang binata.Bakit ba parang napakalapit lang nito? "I was planning to take you home pero bigla ka na lang umalis kanina.."Malungkot ang boses ng binata.Pero bakit kaya?Parang gusto niya tuloy itong aluin dahil tila nahawa siya sa kalungkutan nito. "Pasensiya na po kayo sir.Bawal po kasi akong gabihin ng uwi- - -" "Pero ginabi ka pa rin."Puno ng pagdaramdam na putol nito sa sasabihin niya. Napatuwid ng upo ang dalaga.How did he know?Nakita ba sila nito?Bigla na naman siyang nalito. "Kung hindi ka kaagad umalis kanina at kung sana hinayaan mong ihatid kita mas maaga ka sanang nakauwi." Rinig niya ang pagbuntung- hininga ng binata.Wait!Alam ba nito na di dumating ang sundo niya?Naroon pa rin ba ito kanina?Posible kayang nakita nito sila ni Troy? "Sir paano mo- - -?"Hindi siya pinatapos nito."Goodnight,Kaliana.I just wanted to make sure you got home safe.Doon lang ako mapapanatag.See you tomorrow. "Pinutol na nito ang tawag.Nakaramdam ng panghihinayang ang dalaga.Naiwan siyang tulala at naguguluhan. Napakaraming tanong sa isip niya.Bakit ba tila napakahiwaga lagi ni Xander?At ano yung sinabi nitong see you tomorrow???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD